johnny bravo
July 4, 2008 | 6:46 am
alam ko malamang sa hindi na sa opisina o kahit saang pinagtatrabahuhan n’yo merong isang lalaking ganito ang itsura. isang lalaking parang inassemble na muscles, isang kaopisinang habang nagko coffee break ang lahat, andun s’ya sa ilalim ng mesa n’ya at nagpu push up. at pag oras ng lunch, 1/4 na kanin lang ang sa kanya at puro ulam lang. kundi gulay, isda. isang kaopisina na laging pawisan dahil nagpapa late s’ya ng sadya para maobliga s’yang tumakbo papasok ng opisina. kaopisinang laging maagang umuuwi dahil may schedule s’ya sa gym n’ya. kaopisinang flex na flex ang muscles kahit pumipirma lang hawak ang ballpen n’ya. pag hindi naka uniform, makikita mo s’yang naka jogging pants lang at nakasandong puti. madaling mapansin sa karamihan ng tao pag dumadating na s’ya dahil mistulang nahahawi ang daan pag dumadating na s’yang nangangalit ang mga muscles. katrabahong pakiramdam mo pag niyakap mo at nagflex ng muscles.. mababasag kang parang babasaging baso. Read the rest of this entry »

n’ya na isa akong walang kwentang lalaki, mukhang durugistang walang mararating, at hindi dapat binibigyang halaga. gusto lang kitang kamustahin, makalipas ang halos sampung taon, ano na bang nagbago? ganun pa rin ba ang nanay mo? masungit pa rin ba sa ibang tao maliban sa manliligaw mong estudyante ng medisina? ako eto, hindi na masyadong mukhang durugista, nagkalaman na ang katawan at wala ng mga hikaw sa mukha. may maayos din akong trabaho sa ngayon na salungat sa sinabi ng nanay mo dati na wala akong mararating. may asawa at isang anak, at maraming babae sa net.







Makakating Dila