010109

ang balak ko sana talaga, matapos kong makipag inuman ng madaling araw matapos angĀ  putukan tsaka ako mag eentry. wala lang, para lang sana mas matapang at mas diretso. mas maganda kase sana pag ipon na ‘yung kuwento, ano ‘yung nangyari nung selebrasyon ng bagong taon, mga preparasyon.. mga ganun.
maganda pa nga ‘yung plano kong entry, merong tipikal na year end report ng mga nangyari nung buong taon, mga listahan ng mga new year’s resolution, mga goals, etc.
kaya lang nasira ang lahat sa alak na ininom namin na katangahang sinabayan ko ng ponkan. tumigil muna kami sa inuman para lumabas ng kalsada at manood ng mga nagpapaputok at s’yempre ang tipikal na paghihintay ng mga aksidente sa daan o mga mapuputukan. pagkatapos nun bumaba na kami, napagpasyahan na magkainan muna sa kanya kanyang bahay tapos magkita kita na lang ulit para ituloy ang inuman, lilipat na raw ng pwesto, hindi na sa may garahe namin.
hindi ko na nakuhang kumain pagdating ko sa bahay, umepekto na ang asim ng ponkan sa sikmura ko at ang pinaghalong whisky at gran matador.. at ginawa ko ang pinaka lohikal na maaari kong gawin sa sitwasyon na ‘yun ang maligo at umupo sa inidoro.. nabigo ako, sobrang sakit pa din.
at wala akong napag pilian kundi yakapin ang pangalawang lohikal na maaaring gawin sa malagim na sitwasyon na ‘yun.. ang yakapin ang sarili, mamaluktot sa higaan, at umiyak.
nakatulog na ako sa p’westo kong ‘yun.. pag mulat ko, wala na ang sakit ng tiyan ko! wala na ang inuman… at alas onse na ng umaga.

buti na lang naihanda ko na ‘to nung hapon pa lang, napagalitan pa ako ng kapatid ko nung pinapraktis pa lang namin ‘to ng tatlong taon kong pamangkin.

[youtube]vfL2DXss2FM[/youtube]

nagbuckle pa,
happy new year sa ating lahat at sana’y mangyari ang lahat ng inaano natin.

Shares 0

0 thoughts on “010109”

  1. happy new year din mahal ko…sana’y maayos na ang mga problemang dinadala mo…bawas na rin kasi sa inom…pakabait na ok?…be happy..

  2. hala! buti na lang nagbucke si cute na baby… he he.
    {at least hindi nahalata ang ‘idiot’} :grinnod:

    tsk tsk tsk! dapa joncabron dapa!!! :love:

    1st time ko yata mag-iwan ng bakas dine… at siyempre sa new year pa.

    all the best for 2009 kapatid.
    cheers. god bless!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *