facebook

kung naka follow ka sa twitter ko, nabalitaan mo na siguro na naggawa ako ng bagong facebook account na para naman sa mga tao sa labas ng interweb. sila ‘yung mga dating kaklase, kumpare, kamag anak, at mga kasamahan dito sa kumpanyang pinapasukan ko. ang totoo n’yan ‘yang huli ang isa sa pinakamalaking dahilan ng lahat ng ‘yan. wala lang, gusto ko lang subukan na makihalubilo sa kanila kahit man lang sa isang social networking site. ok naman ang naging simula nung account ko. madami naman nag accept nung pag add ko sa kanila at meron din ilan na sila mismo ang nagkusa na mag add sa akin nung nakita nila ako siguro na nakalink sa isa sa mga kaibigan nila.
pero pagkalipas lang ng isang linggo, halos nangalahati agad sila. isa isa nila akong binura at ang dahilan nila? wala daw kase pala akong farm.

binalak ko nang burahin ang account ko sa facebook pero may isa akong napansin sa loob nun na pumigil sa akin na gawin ‘yun. may mga nakatagong lihim pala ang facebook na nakakatawa pag nadiskubre natin.. katulad nito.

ha

walang personalan pero natawa talaga ako d’yan pagkakita ko.
oo na, tanggap ko na na pag namatay ako kakainin ng mga maliliit na anino ng itim na ibon ang kaluluwa ko.

Shares 0

0 thoughts on “facebook”

  1. hahaha binura dahil walang farm. mga adik na yang officemates mo. binura ko na din ang blogger/plurk friends account ko sa facebook. hahaha

  2. 0<idjgj? :love: :love: :love: :love: :love: :love: :love: :love: :love: :love: :love: :blush: :blush: :blush: :blush: :blush: :blush: :blush: :blush: :blush: :blush: :blush: :blush: :blush:

    kdifmdfdhgfg
    jxyjjdhfmjdykfgju mlfhjgh jdyhfid7fdkfdyjshdfd;fufgy
    difdjfmkdfyjfkdyduyf
    fdhuyufd
    dfj jgd
    bcccccydddkjujfdu ,mvc,vcnjhmdmnf mg

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *