teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

if then else statement

January 28, 2007 | 1:41 pm

if kamay.left and kamay.right = bitbitnamabigat then
ilong.kati  = true
else
wala lang..
end

.. yan ang isa sa matinding bug ng nagprogram satin.. pansin nyo ba na kung kelan may mabigat kayong dala sa parehong kamay yung tipong walang paraan para makamot nyo yung ilong nyo tsaka naman sya aatake ng sobrang kati.. di mo alam kung kinagat ng lamok o nagkabuhul buhol na yung mga tutchang mo sa ilong o may kulangot na nagkcliff hanger sa mga tutchang basta trip nyang mangati.. basta nakaprogram na syang mangati pag may buhat kang mabigat at hindi yun kayang ipaliwanag ng siyensya…

Comments
7 Comments »
Categories
Uncategorized
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

sino si efren?!

January 25, 2007 | 4:15 pm

natutuwa ba kayo pag habang nasa kalagitnaan kayo ng tulog galing sa 10pm to 6am shift
yung tipong bumabawi yung sistema mo sa magdamag na pagtatrabaho o pagtitig sa monitor.. biglang tutunog ang celfone mo.. message receive daw’ syempre magaagawan yung tulog mode and reality mode sayo.. tatantyahin mo tuloy sarili mo’ iccheck mo ba yung fone mo o mamaya na’ ididiretso mo muna yung tulog?! syempre dahil tao ka.. normal na tao’ mas malamang sa hindi curious ka.. kung sino yun at kung ano yun.. dahan dahan ka ngayon tatayo para abutin yung fone mo.. in my case kakapain ko lang ng nakapikit yung fone dahil malimit sa hindi nasa tabi ko lang naman yung fone.. nasa ilalim ng unan.. itaas ng ulo o nasa gilid ng kama.. then pag nakapa ko na dahan dahan kong ipipikit bukas yung mata ko.. then mababasa ko

sinong superhero ang hindi sikat?

eh di si efren 

.. tangina! bakit may mga taong hindi marunong gumalang sa mga natutulog’ alas otso ng umaga?! halos isang oras pa lang tulog ko..  potah okei sige salamat   dahil nakaka alala sila pero pakingsyet naman.. pag nagising ako para nanaman akong manliligaw sa antok para dalawin ako ulit nun’ so needless to say mas importante sakin ang matulog sa pagkakataong yun kesa malaman na may nakakaalala sa kin nung mga oras na to.. or in this case mas importante sakin magkamuta kesa malaman kung sino ang superhero na hindi sikat.. pakyu!

Comments
3 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

mrs. cabron

January 22, 2007 | 2:43 am

mrs. cabron
   sana’y abutan ka ng mensaheng ito na nasa maayos na kundisyon..  let me first introduce my self.. ako ay isang malaking delubyo’ not only to you and to your husband but most especially to your lovely daughter.. bakit?! dahil once na hindi ka nagbago and pinagpatuloy mo yang ginagawa mo
.. pagpprioritize ng trabaho kesa pamilya
.. pagwawalang bahala kay mister
.. pagstay sa trabaho kesa sa bahay
.. extreme nagging
.. pag iipit ng pera
.. celibacy
.. pangongontra
.. etc.. etc
then sa oras na hindi mo inaasahan’ in just a blink of your eyes.. magbabago ang lahat at mawawala sayo lahat ng mga bagay na nakikita mo ngayon’ nangyari na dati.. inamo ka’
ginawa lahat para maayos lang yung problema.. now its your call naman to prove to your husband na worth it nga ang lahat.. wag kang maging kups.. okei?!
  once you accept me in your life and you decided to continue doing those stuff na binanggit ko.. then no choice na yung mister mo but to find someone na magbibigay sa kanya ng kasiyahan at worth it sa lahat ng ginagawa nya.. and i assure you hindi sya mahihirapan dahil..
.. not like before’ hindi na sya bum and i am certain na yung kinikita nya ay malaking advantage para makapag simula ulit’
.. and dahil may trabaho na sya hindi na sya maiinip sa bahay pag wala ka.. so malabong maisip ka pa nya..
.. dahil din sa trabaho nya na expose sa mga chicks.. i doubt it na tumagal atleast three months na depress pa sya pagka alis mo’
.. sa sobrang stressfull ng job sched nya and may mga time na gusto nyang magrelax during off nya sa work na hindi natutuloy dahil humaharang ka.. sobrang luwag naman siguro sa pakiramdam kung biglang mawawala yung harang’

  kaya iyon misis.. nasa iyo ang lahat ng pagpapasya.. ikaw ang hari ng sarili mo so ikaw lang ang may kakayahan na pumili ng kalsadang lalakaran mo… baguhin mo sarili mo at maging masaya kayo.. yung normal.. siguradong magiging sobrang saya ng anak mo.. pag lumaki syang normal ang pamilya.. lalaki syang normal ang utak.. malaking kabawasan sa mga dadaanang nyang issues sa buhay..
 or pwede din na tanggapin mong mas masarap ang buhay na malaya.. walang asawang nagbabawal.. magagawa mo gusto mong gawin’ walang asawang pipigil sa mga lugar na gusto mong puntahan.. walang mister na pipili ng mga kaibigang gusto mong samahan.. walang mister na uuwing mabaho dahil nakainom.. amoy yosi na dumidikit sa mga unan.. walang mister na ipaghahanda ng pagkain kahit puyat ka.. walang aalalahanin’
basta always keep in your mind na pag may asawa ka na dati’ bumababa na ang value mo and most probably iikot ka lang sa apat na uri ng lalaki sa mundo
1. binata na gusto ka lang pagpraktisan
2. may asawa na gusto ka lang gawing trophy
3. binata na habambuhay ka itatago sa nanay nya
4. isang lalaki may asawa o binata na handa kang tanggapin kahit ano ka man
handa kang ipaglaban.. handa kang panagutan.. pero bear in mind na isa lang sa apatnapung libong lalaki ang may katangian na ganun.. nasa ilalim pa ng dagat..

.. at sa oras na magsawa ka na sa kakaikot sa unang tatlong klase ng lalaking nabanggit at naisipan mong bumalik kay mister.. tsk tsk malamang sa hindi mas masaya na sya sa mga panahon na yun sa piling ng iba..  and you my friend..
will be doomed for the rest of your life!
pagisipan..

please disregard this letter if ever dalawin ka ng talino at maisip mong sobrang importante ng pamilya mo and ready ka nang iappreciate yung asawa mo..

sincerely yours’
JON CABRON - ANONYMOUS

Comments
3 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

bumbie

January 18, 2007 | 4:35 am

 me: im sorry sir but you dont have wifi card on your laptop
bumbs: okei then what do you want me to do now? internet is my life.. i really need to go online now!
me: yes sir i understand.. if you want you can bring your laptop with you at the business center..
bumbs: that is no convenient.. {sic}
me: yes i understand sir.. but we really dont have cabled internet access here in rooms.. how about thru dialup sir?!
bumbs: are you really tryin to say that the problem is on my laptop? how come? i used this same laptop at marcopolo and i never encountered any problem regarding internet access..
me: yes sir.. but maybe they are using cabled internet.. because as i see you really dont have wifi card in your laptop.. how about this’ if you want you can rent external card at the business center for PXXX then after youre done.. you just have to give it back to them then they will return your money..
bumbs: the exact money?
me: yes sir.. the exact amount..
bumbs: no’ i said i used this same laptop at marcopolo.. i never encountered any problem.. do you understand?
me: yes i do sir..
bumbs: now i want you to get a laptop then prove to me that the problem is on my machine and not from your side.. go!
me: okei sir..
.. exact conversation namin yan.. the more na magaling ka mag english lalo ka nila di maiintindihan.. kaya yung mga wrong grammar mo okei pa yun.. bwahahahah’
.. putangina! ang hirap ipaliwanag sa mga guests na nasa kanila ang problema.. nakakapaginit ng ulo at nakakanginig ng laman.. kahit sa panaginip di ko naisip na magiging support ako’ sobrang mainitin kse ang ulo ko and malaki ang tendency na pumatol ako sa mga bratinelong clients.. sobrang mahal ko lang trabaho ko kaya pasensya .. pasensya lang’
isa pa ewan ko pero talagang nabubuwisit ako pag nakakakita ako ng mga tipikal na itsura ng mga bumbay.. yung mga botchog na maiitim na makikintab yung balat at flat na kulot yung buhok.. ang yayabang ng mga dating na tipong.. potah kayo foreigner ako kaya mangilag kayo sakin.. gago! naaalala ko nung gumimik kami ng asawa ko.. may isang iranian na tumabig sakin.. para lang mapalapit sya sa bar.. potah di ako nakakibo.. kasama ko kse asawa ko.. nakadarag ang kups.. tapos nun may nagpa cute sa kanyang she - man..
nilapitan nya then narinig ko sa nagba bargainan na sila.. sabi nya “okei okei i dont care if youre baclah.. as long youre good in bed” .. sabi nung bakla .. “no.. no im not bakla anymore.. i am operated” bwahahahahahah! ayos!
sobrang ironic na dito ako nagwowork ngayon sa isang asian infested hotel.. kaya sobrang laki ng porsiyento na may makaharap akong indian..
well anyway after ko maghanap ng laptop na wifi enabled.. umakyat ako sa kwarto nya ulit.. then nag doorbell.. sabay sigaw ng “internet connection” narinig ko sya gumalaw.. sumilip siguro sa pinto then after nya makita na may laptop akong bitbit.. nagtulugtulugan.. naka tatlong doorbell pa ko at sigaw ng “internet connection”pero di sya nagbukas ng pinto.. yung panghuli gusto kong mag doorbell ulit sabay sigaw…
baho! kantot camel! payb siks! …lolz

Comments
No Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

ei mickey!

January 15, 2007 | 10:43 am

eimickeyOh Mickey, you’re so fine
You’re so fine, you blow my mind, hey Mickey, hey Mickey
Oh Mickey, you’re so fine
You’re so fine, you blow my mind, hey Mickey, hey Mickey
Oh Mickey, you’re so fine
You’re so fine, you blow my mind, hey Mickey…
uuuuuuuummmmmmmm loko!

Comments
2 Comments »
Categories
Uncategorized
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

gudmorning pilipins

January 11, 2007 | 2:29 am

naisip ko lang kaninang umaga habang nasa bus.. byaheng pauwi galing sa midnight shift.. ang lamig ng hangin na pumapasok sa nakabukas na bintana.. nakaka antok’
 may sumabit na dalawang kabataan sa bus’ parehong may dalang plastik na nakatago sa ilalim ng damit nila.. hindi mahirap hulaan na rugby yung sinisinghot nila.. sa ganung oras ha! .. siguro yun na yung almusal nila.. pinapababa sila nung kunduktor na payat.. pero di sila natinag.. nasa may pinto lang naman daw sila at malapit na raw sila.. walang nagawa yung kunduktor.. kahit pa natatakot na yung ilang mga kasabay kong kolehiyala.. pero infairness mukha naman walang balak mag trip yung dalawang bangag.. naisip ko lang ano kayang pakiramdam ng rugby sa almusal?! sabi nila nakakahilo daw yun.. so ibig sabihin pasado alas sais ng umaga nagpapakahilo sila.. para makalimot daw sa gutom.. pwede nga naman’ pero pano pagkalipas ng tatlong oras pag wala ng amats ng rugby?! sisinghot ulit?! followup?! potah!
 sa may tulay sa expressway sila bumababa.. at infairness ulit sumigaw sila ng pasasalamat dun sa kunduktor.. heheh talo pa yung ibang mga may pinagaralan na walang modo ah’ .. sinundan ko sila habang naglalakad sila.. sumisinghot pa rin silang dalawa.. napansin ko dun sa nilagpasan nila may isang gripong nakabukas.. tapos may lumapit na nanay karga yung anak nya.. yung bata nakasando lang walang salawal.. hinugasan nya yung pwet ng anak nya dun sa gripo.. pagkatapos dumating yung isang anak nya.. umiiyak.. madaling hulaan na mas panganay yun kesa dun sa batang hinuhugasan ng pwet.. maya maya lumuhod yung batang panganay sa gripo tapos uminom sya gamit yung kamay nya.. yun na rin siguro yung almusal nya’ potah!
  tuloy ang byahe ng bus.. anlamig pa rin ng hangin..
   hindi kalayuan dun sa lugar na yun may umpukan ng mga nanay.. mga babaeng may idad na.. naninigarilyo pa yung iba habang nakaupo sa tindahan.. sila yung mga nagaalmusal ng tsismis.. tumitigil lang sila kakasalita pagmakikinig sa iba o pag naghihikab.. minsan nga hindi pa’ pinagsasabay nila yung paghikab sa pagsasalita lalo na pag nasa climax na yung kwentuhan..
nakakainis isipin na yung mga karakter sa mga tsismisan nila mga natutulog pa.. kung pwede lang mabilaukan habang natutulog malamang maraming sabay sabay na mamamatay sa bangunot nung umagang yun’ .. habang kuwentuhan isa isang maglalapitan yung mga anak nila.. may humihingi ng baryang baon.. may naghahanap ng medyas.. may kulang ang butones ng polo.. may bunsong nagsusumbong kse sinipa ni kuya.. ..nanghihingi ng pambayad sa project.. kalimitan yung mga anak nila pagmagkakasing idad lang malamang sa hindi magkakaklase pa yung mga yun.. kaya dagdag sangkap sa kuwentuhan ng mga nanay pa yun.. kung sinong anak ang pinakamagaling at kaninong anak ang pinaka mahina.. ang napatae sa eskuwelahan.. ang pinakamalibog.. ang pinakaguwapo.. ang amoy nana at amoy pulbos..
 .. unti unting kakalam ulit ang mga sikmura nila.. ng mga tsismosang nanay’ ng mga bata pabyaheng eskuwelahan’ mga tatay na may hangover pagkagising kaya sumusundot pa ng isang lapad.. mga rugby boys.. pero wala naman silang mapagpipilian.. daldal na lang ulit ng daldal.. singhot ng rugby.. iipitin na lang ng mga bata yung tyan nila para di maramdaman yung pagkalam.. si tatay nangangatwiran.. ang alak laman tyan din naman.. malalasing ka na mabubusog ka pa.. sa pagkain mabubusog ka nga di ka naman malalasing..
ganyan na lang ang ikot ng buhay nila.. araw araw.. tuwing umaga’
.. sa huli ang may pinakamasayang umaga.. yung may anak na nagsipag kagabi.. nagpuyat at sinuwerte sa kara krus kaya ngayon may kropek silang mag anak pangsawsaw sa mainit na tubig.. solb ang almusal’

Comments
1 Comment »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

resolusyon

January 9, 2007 | 4:35 pm

 nyuyirs resolusyon.. yah i know hindi naman totoo to and most likely di naman natutupad.. la lang sincere lang talaga ko’ hoping na matupad lahat or atleast mangalahati man lang mga maaccomplish ko sa mga to.. and besides blog ko to di ba.. bakit ka ba nakikialam?!

.. hindi na magiging mainitin ang ulo ko.. lalo na sa asawa ko.. lalo na pag nasa mall kami.. kahit na mabagal sya pumili ng mga gusto nya.. kahit na alam ko naman na hindi sya bibili sukat sya ng sukat ng kung anu ano.. kahit na mahilig sya magwindow shopping kahit may pera naman.. kahit na pag ako pumipili ng gusto ko na lagi sya nakakontra.. pramis!
.. babawasan ko na magyosi.. atleast 5 sticks a day na lang and kung posible kahit wala sa isang araw.. well not unless syempre may inuman’
.. magtitipid na ko.. swear! sobrang naging gastador ako last year.. halos wala ng natira sakin.. parang utot lang na dumadaan sa ilong ko yung mga nahahawakan kong pera..
hindi na ko magiging impulsive buyer.. magtitipid nako para makapagipon ng mas maraming pera para sa mga mas mahal na luho.. yeahbah!
.. pipilitin kong mas maging kapakipakinabang sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.. pipilitin kong hindi matulad sa isang orasang nakasabit sa dingding namin.. advanced ng 15minutes and hindi naman kailangan since.. ilang computer ang nasa harapan namin na ofcourse may orasan sa system tray and nasa harapan din namin ang logbox na may digital clock.. pipilitin kong hindi matulad sa orasang advanced na yun na laging parang pinipilit mauna.. para sa uwian.. and ayokong matulad dun na ilang ulit na ibinaba para ayusin pero ilang araw lang pagkatapos ibalik sa pwesto babalik nanaman sa dating sakit nya.. mahirap tumulad dun na kaya lang hindi matanggal kse walang ibang kapalit and okei na yun atleast merong nakasabit..
.. actually eto last year ko pa ginagawa ng tahimik.. lahat ng kilos ko.. lahat ng galaw lahat lahat para na sa pamilya ko.. tama na yung halos anim na taon na nakasentro lang ako sa sarili ko.. na laging second priority lang sila.. actually last year ko pa to inumpisahan di lang maappreciate yata.. naisip ko na kaya siguro hindi maappreciate kse kulang pa.. so ibig sabihin kulang ko yun na dapat ko pang punuan..
.. hindi na ko iinom ng alanaganin at papasok kinabukasan na may hangover.. hinding hindi na.. potah ang hirap ng comatose mode habang naka duty’
.. di nako magiging isip bata sa harap ng mga kaibigan ko at hindi nako magiging sobrang manong sa harap ng asawa ko.. tatanggapin ko na na computer age na at hindi na malaswa sa babae ang naka sleeveless.. heheheh’
.. hindi ko na babatukan ang anak ko ng kutsara pag kinukulit ako habang kumakain..
.. literal na magbabanat nako ng buto.. lately kse napansin ko nababanat lang ang buto ko pagnakikipag you know what lang ako.. at pagnantsitsinelas ng ipis’
.. magiging seryoso nako dito sa blog ko.. at sa iba ko pang site’
.. pipilitin ko na magkaron ng extra time para linisin ang workstation ko sa bahay’ at seseryosohin ko ng hulihin si mickey mouse na malimit magkalat sa computer table ko at suspect sa pagsira sa pamamagitan ng pagihi sa dating keyboard ko.. (will post pict pagnapatay ko na)
.. pipilitin ko ng hindi ma late sa trabaho.. sana lang tulungan ako ng mga taragis na sugapang bus sa metropolis na sobrang tagal maghintay ng pasahero.. at mga tanginang trak na nakahambalang sa kalsada ng alabang na kinukunsinti ng mga kupal na pulis patola na hindi pa mga kinain sana ng pusa nung mga bata pa sila..

.. yun lang muna.. edit ko na lang pag may naisip pa ko..
di naman ako nagmamadali kse pang chinese nyu yir yang resolution ko kaya ibig sabihin may isang buwan pa ko para gaguhin ang sarili ko… yeahbah!
ikaw anong nyuyirs resolution mo?! at ano naman ang pakialam ko?!

Comments
3 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

hapinyuyirs

January 6, 2007 | 12:16 am

  tapos na ang 06..
masasabi kong pinaka masayang taon ko yun’ sobra!
.. nabuo ulit pamilya ko’
.. nagkaron na ko ng trabaho’
.. ng pakinabang
.. ng saysay
.. ng katuturan
sobrang sarap ng may trabaho ka kse iba yung feeling na alam mong may katuturan ka.. kahit papano masama mang batayan pero mapapansin mong iba yung respetong ibibigay sayo ng nasa paligid mo pag may trabaho ka.. iba pa rin yun sa respeto ng dahil natatakot sila sayo at sa respeto ng iba dahil maayos ka’ may trabaho ka may pakinabang.. may direksyon’
 .. minsan naiisip ko nakakawa naman yung asawa ko dati’ siguro nabubulol sya pag may mga bago syang kakilala pag tinatanong sya kung anong trabaho ng asawa nya.. nabubulol siguro sya magsinungaling.. not unless proud sya na ang asawa nya eh propesyunal bum and kumikita sa porn site business.. pak!
  okei din dito sa trabaho ko dahil bukod sa naibabahagi ko yung konting nalalaman ko malaking bagay na habang ginagawa ko yun nalalaman ko rin kung ano yung mga kulang ko at mga bagay na hindi ko alam.. yun yung tinatawag na opurtunidad para mag grow’
  basta okei ang 2006 sakin.. sana itong bagong taon kung hindi man mas okei kahit kapareho na lang nun.. masaya nako’

Comments
No Comments »
Categories
Uncategorized
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

Babala

explicit

Patuka sa utak

papano mo malalaman kung mabuting ina ang nanay mo?
.. pag laging may yelo sa ref, pag gusto mong maglasing.
— Jon Cabron

Kategorya

Balik Tanaw

Kablog

  • azrael
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • gasti
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • madbong
  • potsquared

Twitrrr

  • new blog entry naranasan mo na bang mabutasan? http://tinyurl.com/4x27db 16 hrs ago
  • just one of those days http://tinyurl.com/3u48ny 1 day ago
  • new blog entry ding! dong! http://tinyurl.com/3mbwsp 4 days ago
  • new blog entry litol dreamer http://tinyurl.com/4go382 4 days ago
  • new blog entry hmmmback! http://tinyurl.com/3j9xec 6 days ago
  • More updates...

Kaanib

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Group!

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Pangkabuhayan

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox