hapinyuyirs
January 6, 2007 | 12:16 am tapos na ang 06..
masasabi kong pinaka masayang taon ko yun’ sobra!
.. nabuo ulit pamilya ko’
.. nagkaron na ko ng trabaho’
.. ng pakinabang
.. ng saysay
.. ng katuturan
sobrang sarap ng may trabaho ka kse iba yung feeling na alam mong may katuturan ka.. kahit papano masama mang batayan pero mapapansin mong iba yung respetong ibibigay sayo ng nasa paligid mo pag may trabaho ka.. iba pa rin yun sa respeto ng dahil natatakot sila sayo at sa respeto ng iba dahil maayos ka’ may trabaho ka may pakinabang.. may direksyon’
.. minsan naiisip ko nakakawa naman yung asawa ko dati’ siguro nabubulol sya pag may mga bago syang kakilala pag tinatanong sya kung anong trabaho ng asawa nya.. nabubulol siguro sya magsinungaling.. not unless proud sya na ang asawa nya eh propesyunal bum and kumikita sa porn site business.. pak!
okei din dito sa trabaho ko dahil bukod sa naibabahagi ko yung konting nalalaman ko malaking bagay na habang ginagawa ko yun nalalaman ko rin kung ano yung mga kulang ko at mga bagay na hindi ko alam.. yun yung tinatawag na opurtunidad para mag grow’
basta okei ang 2006 sakin.. sana itong bagong taon kung hindi man mas okei kahit kapareho na lang nun.. masaya nako’







No comments yet.