resolusyon
January 9, 2007 | 4:35 pm nyuyirs resolusyon.. yah i know hindi naman totoo to and most likely di naman natutupad.. la lang sincere lang talaga ko’ hoping na matupad lahat or atleast mangalahati man lang mga maaccomplish ko sa mga to.. and besides blog ko to di ba.. bakit ka ba nakikialam?!
.. hindi na magiging mainitin ang ulo ko.. lalo na sa asawa ko.. lalo na pag nasa mall kami.. kahit na mabagal sya pumili ng mga gusto nya.. kahit na alam ko naman na hindi sya bibili sukat sya ng sukat ng kung anu ano.. kahit na mahilig sya magwindow shopping kahit may pera naman.. kahit na pag ako pumipili ng gusto ko na lagi sya nakakontra.. pramis!
.. babawasan ko na magyosi.. atleast 5 sticks a day na lang and kung posible kahit wala sa isang araw.. well not unless syempre may inuman’
.. magtitipid na ko.. swear! sobrang naging gastador ako last year.. halos wala ng natira sakin.. parang utot lang na dumadaan sa ilong ko yung mga nahahawakan kong pera..
hindi na ko magiging impulsive buyer.. magtitipid nako para makapagipon ng mas maraming pera para sa mga mas mahal na luho.. yeahbah!
.. pipilitin kong mas maging kapakipakinabang sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.. pipilitin kong hindi matulad sa isang orasang nakasabit sa dingding namin.. advanced ng 15minutes and hindi naman kailangan since.. ilang computer ang nasa harapan namin na ofcourse may orasan sa system tray and nasa harapan din namin ang logbox na may digital clock.. pipilitin kong hindi matulad sa orasang advanced na yun na laging parang pinipilit mauna.. para sa uwian.. and ayokong matulad dun na ilang ulit na ibinaba para ayusin pero ilang araw lang pagkatapos ibalik sa pwesto babalik nanaman sa dating sakit nya.. mahirap tumulad dun na kaya lang hindi matanggal kse walang ibang kapalit and okei na yun atleast merong nakasabit..
.. actually eto last year ko pa ginagawa ng tahimik.. lahat ng kilos ko.. lahat ng galaw lahat lahat para na sa pamilya ko.. tama na yung halos anim na taon na nakasentro lang ako sa sarili ko.. na laging second priority lang sila.. actually last year ko pa to inumpisahan di lang maappreciate yata.. naisip ko na kaya siguro hindi maappreciate kse kulang pa.. so ibig sabihin kulang ko yun na dapat ko pang punuan..
.. hindi na ko iinom ng alanaganin at papasok kinabukasan na may hangover.. hinding hindi na.. potah ang hirap ng comatose mode habang naka duty’
.. di nako magiging isip bata sa harap ng mga kaibigan ko at hindi nako magiging sobrang manong sa harap ng asawa ko.. tatanggapin ko na na computer age na at hindi na malaswa sa babae ang naka sleeveless.. heheheh’
.. hindi ko na babatukan ang anak ko ng kutsara pag kinukulit ako habang kumakain..
.. literal na magbabanat nako ng buto.. lately kse napansin ko nababanat lang ang buto ko pagnakikipag you know what lang ako.. at pagnantsitsinelas ng ipis’
.. magiging seryoso nako dito sa blog ko.. at sa iba ko pang site’
.. pipilitin ko na magkaron ng extra time para linisin ang workstation ko sa bahay’ at seseryosohin ko ng hulihin si mickey mouse na malimit magkalat sa computer table ko at suspect sa pagsira sa pamamagitan ng pagihi sa dating keyboard ko.. (will post pict pagnapatay ko na).. pipilitin ko ng hindi ma late sa trabaho.. sana lang tulungan ako ng mga taragis na sugapang bus sa metropolis na sobrang tagal maghintay ng pasahero.. at mga tanginang trak na nakahambalang sa kalsada ng alabang na kinukunsinti ng mga kupal na pulis patola na hindi pa mga kinain sana ng pusa nung mga bata pa sila..
.. yun lang muna.. edit ko na lang pag may naisip pa ko..
di naman ako nagmamadali kse pang chinese nyu yir yang resolution ko kaya ibig sabihin may isang buwan pa ko para gaguhin ang sarili ko… yeahbah!
ikaw anong nyuyirs resolution mo?! at ano naman ang pakialam ko?!







“.. hindi ko na babatukan ang anak ko ng kutsara pag kinukulit ako habang kumakain..”
- wakokoko laughtrip!
.. pipilitin ko na magkaron ng extra time para linisin ang workstation ko sa bahay’ at seseryosohin ko ng hulihin si mickey mouse na malimit magkalat sa computer table ko at suspect sa pagsira sa pamamagitan ng pagihi sa dating keyboard ko..
-bwahahaha
baka naman si doding daga ang salarin! lolz
si dodi nga . .