sino si efren?!
January 25, 2007 | 4:15 pmnatutuwa ba kayo pag habang nasa kalagitnaan kayo ng tulog galing sa 10pm to 6am shift
yung tipong bumabawi yung sistema mo sa magdamag na pagtatrabaho o pagtitig sa monitor.. biglang tutunog ang celfone mo.. message receive daw’ syempre magaagawan yung tulog mode and reality mode sayo.. tatantyahin mo tuloy sarili mo’ iccheck mo ba yung fone mo o mamaya na’ ididiretso mo muna yung tulog?! syempre dahil tao ka.. normal na tao’ mas malamang sa hindi curious ka.. kung sino yun at kung ano yun.. dahan dahan ka ngayon tatayo para abutin yung fone mo.. in my case kakapain ko lang ng nakapikit yung fone dahil malimit sa hindi nasa tabi ko lang naman yung fone.. nasa ilalim ng unan.. itaas ng ulo o nasa gilid ng kama.. then pag nakapa ko na dahan dahan kong ipipikit bukas yung mata ko.. then mababasa ko
sinong superhero ang hindi sikat?
eh di si efren
.. tangina! bakit may mga taong hindi marunong gumalang sa mga natutulog’ alas otso ng umaga?! halos isang oras pa lang tulog ko.. potah okei sige salamat dahil nakaka alala sila pero pakingsyet naman.. pag nagising ako para nanaman akong manliligaw sa antok para dalawin ako ulit nun’ so needless to say mas importante sakin ang matulog sa pagkakataong yun kesa malaman na may nakakaalala sa kin nung mga oras na to.. or in this case mas importante sakin magkamuta kesa malaman kung sino ang superhero na hindi sikat.. pakyu!







pede naman i silent mode para walang istorbo…pero oo nga, sino si efren????
salamat sa pagdalaw sa aking blog. ;)
at papano naman yung mga importanteng text?!
ewan ko kung sino yung tinginingining efren na yun’
OO nga, sino si Efren. hahahaha….