etcetera.. etcetera
February 7, 2007 | 6:23 am.. first time ko pumunta sa robinsons ermita.. dami chicks grabe’
andun ang pinakamagulong national bukstore na napuntahan ko..
andaming mga stores na tagal ko na di nakikita pero meron dun..
may umutot sa national bukstore.. grabe amoy utot ng gutom’
nagreact lahat ng mga nakaamoy.. ako yung pinakamalakas magmura..
.. bumili ako ng libro “ang mundong ito ay lupa” ni edgardo m reyes paborito kong author yan tsaka si lualhati bautista.. amporma kse nila magsulat.. parang hindi scripted’ yung mga dayalog parang maririnig mo sa kapitbahay mo.. kaklase.. katrabaho o pati sa loob ng bahay nyo..
.. bumili din ako ng action figure na gollum..(LOTR) post ko pict later’ ang cute’ nabili ko sya sa nagtatattoo.. dalawang beses nako muntik ng magpatattoo sa likod’ magkasunod na araw.. tagal ko na gusto eh’ may designs na nga ako downloaded sa net.. buti na lang hindi natuloy.. ngayon kse parang ayoko na’ muntik nako magsisi kung tumuloy ako..
.. naisipan ko rin ibili ng regalo yung asawa ko.. first time ko magregalo ng damit’ ang hirap ipili.. dalawa yung binili ko tapos pinabalot ko pa ng special dun sa nagbabalot talaga.. pambalot pa lang isandaan na ginastos ko.. pambalot pa lang regalo na..
.. nagregalo rin sya sakin.. may bago na kong fone.. nokia 6288.. color black’ 2.0 mpix ang ganda.. kaya gudbye na sa ever trusted 3660 ko.. post ko na lang mga pict later.. sobrang tinatamad kse ako pagnakakauwi ako.. 6am - 2pm ako di ba?!
.. sarap din 6 - 2 para ka lang nakialmusal sa kapitbahay.. ang bilis ng oras’
.. di ako nahihirapan gumising ng umaga.. nahihirapan ako matulog ng maaga’
.. nagiinit ako ng tubig pampaligo’ di ko kaya yung ginaw.. dun na rin ako kumukuha ng pangkape..
.. yung umutot sa national bukstore
ako yun..







sweet naman. may regalo sa asawa. di ako makarelate, ala ako konsepto ng asawa, minsang binigyan ako ng iPod ng tatay ng anak ko sinumbat pa. ibabato ko sana pabalik sa kanya kaso me pangalan ko yung iPod e.
Good day! Hi, pwede mo ba ko tulungan? pls… kailangan lang kasi kailangan ko ng book review about sa mundong ito ay lupa ni edgardo m. reyes. kailangan ko lang talage. pls… pls send here naman. - pijosef@yahoo.com
hello poh. hihingi din po sana ako ng book review ng ang mundong ito ay lupa. kung okay lang poh. please.
pinakamalakas magmura.. nyak! ayos!