tarbaho nanaman
February 13, 2007 | 7:30 pm tapos na nanaman ang bakasyon ko’ kailangan ko nanaman gumising ng umaga bukas at makipag tunggali sa trapik sa alabang.. bwayang driver at kunduktor.. mahabang lakarin sa taft.. mga user error problem sa trabaho.. etcetera.. etcetera’
sabi ko sa asawa ko ibenta na namin mga celfone namin.. tapos sabay kami magresign sa trabaho.. mamundok na lang kami ng anak namin..
simpleng buhay na lang.. walang malls.. walang mga mamahaling gamit.. damit.. walang celfone at kahit na anong komunikasyon sa mga taga patag’
mais na lang ang gagawin naming kanin tapos magaaral ako umakyat ng puno para makakain ng mga prutas.. mag aaral din ako mangisda at manghuli ng mga usa’
normal na siguro talaga na pag galing ka sa bakasyon nakakatamad sobra na bumalik sa trabaho’ pero no choice naman eh.. well not unless seryosohan na tanggapin ng asawa ko yung alok ko na mamundok kami’ dito sa mundong to kailangan talagang magbanat ng buto dahil yun yung nagiging batayan ng karamihan kung hanggang saan yung respetong ibibigay nila sayo.. tulad ngayon nakakailang kumpanya na rin ako na napasukan at dito lang talaga ako tumagal.. naranasan ko na sa iba yung maging taga buhat ng magnet, taga balot ng noche buena packs, taga bantay ng internet cafe sa mga bratinelo students ng UST, taga titig sa softdrinks kung may dumi, taga singil ng mga utang, pero dito ko lang sa kumpanyang ito natagpuan yung mga bagay na hinahanap ng sistema ko.. naranasan ko sa ibang kumpanya yung first day.. last day’ mas mahaba pa yung oras ko pag aasikaso ng requirements.. kesa sa tinagal ko sa kumpanya.. sobrang waste of time and energy talaga’
sobrang astig dito samin.. andito lahat ng mga the best sa kung ano anong bagay na
co workers.. malaking factor yun para masabi kong nasa maayos na kumpanya ako.. yun kse isang batayan ko’ malalaman ko kung maayos ang kumpanyang pinapasukan ko kung mas lamang yung matitino kesa sa mga kupal.. wag ka ng umasa ng kumpanyang zero kupals.. wala nun’ sa langit nga meron eh dito pa’
tsaka ang pinakagusto ko pala dito sa kumpanyang to.. dito ko lang naranasan na batiin ako ng good morning sir na hindi na sinusundan ng ano po ang order nila?!







No comments yet.