lucky bastard!
April 23, 2007 | 4:14 am
tulad ng dati dahil nasa graveyard shift pa rin ako.. monday ang rest day ko’ at dahil rest day ko ngayon at pitong araw ako pumasok ngayong linggong to’ iinom ako.. sabi ko nga kay mrs cabron.. you can stop the bullet but you cant stop me’
syempre pag ganitong pagkakataon.. di ko na kailangang magisip pa o lumingon pa kung saan saan’ andyan si benjie ang matatag kong kainuman’ walang palya at walang tanggi’ so i sent him a text message..
“later?!” sagot agad si benjie.. “sure what time?!” “txt u later iidlip lang ako saglit”
then text sya “ok pare sakto may news ako sakto ikaw unang makakaalam” naisip ko tangenang to paatat lang to para agahan ko.. natulog na ko’ then nung 5pm na ginising ako ng text bomb at paksyet na miss calls..
so nagkita kami and sa gitna ng palitan ng tagay ng isang kahong redhorse mucho na hinaluan ng dalawang kahang sigarilyo.. at pulutang tubeice.. tinanggal nya sa harapan ko ang pin ng granada at sumabog ang isang nakaka tuleg na balita.. yung hottest chick na pinantasya ng lahat nung reunion.. yung hottest chick na nung sumulpot nung reunion eh nagpahinto sa pag asinta ko ng nineball sa billiard para sa aking winning shot habang nakahubad ako at nagkalat ang abs ko.. yung hottest chick na nagpayosi sa kin ng may tatlong minutong intervals lang para lang magmukha akong astig sa paningin nya..
yung hotchick na yun.. girlfriend nya na! lumaki ang ulo ko sa balitang yun..
lucky bastard!
eto yung hottie points nung chick.. 20 for wearing a sexy green backless skirt, 20 sa
A1 sa kinis na kutis, 10 dahil umiinom din sya, another 10 dahil malakas din sya magyosi (coolness!) and a whooping 40 points for being a call center agent’ isnt that the coolest?! imagine having a call center agent for a girlfriend
.. most probably boses pa lang pamatay na
.. most probably hindi strict ang parents nun
.. most probably walang curfew curfew sa kanila
.. and most probably… ahhh the possibilities are endless!!
anyway’ sabi nung loko straight na raw sya ngayon focus lang sa negosyo at sa pagibig
wtf?! wala ng gumagamit ng salitang pagibig ngayon kid! kahit magbasa ka pa ng mga cheap tagalog pocket books.. well not unless they’re refering to that government thing na malakas humigop sa ilang parte ng sweldo ko.. pagibig ampotah! natumba na yung mga puno na inukitan ng mga lolo ng lolo natin dati ng salitang pagibig habang naggigitara sila ng mga syota nila.. sa lilim ng puno.. at naghoholding hands pag walang nakatingin’
naattract daw yung chick sa kanya nung reunion.. kaya ang tanong ko baket?! anong meron sya nung reunion.. kaya pagkagising ko kinabukasan sa bahay at matapos mawala yung paksyet na hangover.. naghanap ako ng picture nya at naghanap ng mga posibilidad na kaatract atract sya nung reunion.. sadly wala ako ni isang nakita’
naglalangis na buhok na nakalaylay yung bangs na tipong hindi mga nagkakasundo kung sa gitna ba o sa gilid ang hawi.. naka sando na wala namang muscle.. naka bling bling ng ginto.. tangena very typical saudi boy from the 80s!
samantalang ako FYI kid.. naka bagung bago na mossimo shirt’ i sacrificed na hindi matulog galing trabaho para lang mabili yun at maisuot sa event.. naka guess na pantalon orig huh! at naka birks.. napaka cool nun alam mo ba?! sobra sobra yun kung hindi mo alam.. well di ko lang swerte siguro talaga nung mga time na yun.. not really my night maybe.. syempre puyat ako so im really not in my element’
but i hope believe kahit naman siguro isa may na attract sakin nung gabing yun..
wala?! pakyu kayong lahat!
well congrats na lang pare’ and sana magtagal kayo’ walang halong kaplastikan pare’ sana lahat ng magandang bagay mapagdaanan nyo.. at pasenya na muna kung iyon na yung huling inuman session natin.. i decided kse na lumipat na ng tirahan.. basta dun sa malayo’ and oo nga pala wala na kong celfone binenta ko na.. wag na kayong magtext’ pabayaan nyo na lang muna akong magisa.. magisip isip.. magnilay nilay’
oh and oo nga pala.. pakyu!







a basta! ikaw pa rin idol ko, mr. cabron. mas matulis ka kesa kay lucky bastard. lol. good day, idol!
ah..the possibilities are endless! ahahaa. oi, this really cracked me up big time. haha.
@ maruja
wow thanks for boosting my over deflated ego.. kiss?!
@ purplehead
bwahahah’
@gingmaganda
andami ko kse naiisip na pwedeng mangyari at andaming naiisip na pwedeng gawing kwento sa sistemang yun.. haaaaay’
@ ALL
salamat sa pagdaan at pagkumento..
sabi mo nga the possibilities are endless. hehe