pseudo-friendship
May 21, 2007 | 7:11 am isang beses lang ako manalamin sa buong araw’ pagkatapos lang maligo.. pagkatapos nun inaasa ko na lang sa mga nakakasalubong ko sa maghapon lalo na sa mga kaibigan ko na sabihin sakin kung may kulangot ba ko, muta o dumi sa mukha’ ganun ako tiwala sa isang kaibigan’ tapat akong makisama kaya umaasa ako na yung mga kaibigan ko ganun din sa kin.. nung pumasok ako sa kumpanyang to sinabi ko na ng paulit ulit’ andito ko para magtrabaho hindi para maghanap ng kaibigan.. kung ayaw nyo sa kin, okei lang.. kung gusto nyo ko maging kaibigan, swerte nyo! dahil iba akong makisama!
bukod sa mga ka department ko ikaw lang yung tinanggap kong maging kaibigan’ wala akong pinakitang masama sayo.. nakisama ako ng maayos’ andami nating pinagsamahan at pinagusapang matindihan kaya di pumasok sa isip ko na kasing babaw lang pala ng platito yung friendship na inoffer mo sakin.. nakakatuwang isipin na dahil lang hindi kita nabigyan ng PRINGLES magkakasira na tayo.. hellooooo! opisina to pare’ hindi tayo highskool students para sa mga pacutiepie tampuhan na ganyan and hindi kita anak.. grow up! ang di ko magets yung tipong nakahold yung friendship natin hanggang di ako magbibigay ng hinihingi mo.. paksyet! thats the most bullshitiest thing you can do to a friend’ nakakatuwa pa na after almost a week all of a sudden pagkatapos natin magdedmahan ng isang linggo bigla mo kong kakausapin na tipong gusto mong sumabay kumain sa kin.. ano ini expect mo ngingiti ako at sasabay kumain sayo.. uupo ka lang then ako na pipili ng ulam mo, dadalhin ko yung tray sa mesa mo.. tapos habang kumakain tayo magtutubig yung mata ko tapos bubulungan kita ng “salamat binati mo na ko” .. duhh’ hindi mangyayari yun’
i dont need your pseudo-friendship.. basta mula ngayon kung hindi rin lang tungkol sa trabaho.. tigilan mo ko’ andito ko para magtrabaho at para kumita’ bonus na lang kung makakuha ako ng mga kaibigan dahil kung ang intensyon ko rin lang naman eh maghanap ng kaibigan.. sana di na ko gumigising ng maaga, sana di na ko nag iislacks at nagpo polo, sana di na ko nagkakanda bulol bumati ng “good morning mam/sir”, di na sana ako araw araw na nakikipag siksikan sa bus..
kung ganun rin lang sana nag friendster na lang ako!







ang taray! nang dahil sa pringles nawakasan ang pagkakaibigan. ang lalim ng pinag-ugatan a. hello idol.
Oh my… I already experienced this kind of friendship many times before. Meron ako naging kaibigan pero kailangan ilibre ko siya kung hindi iwanan na sa ere. Malabo na atang makatagpo ng taong maituturing mong “bestfriend” sa panahon ngayon. At di na rin ako naniniwala sa “friendships are forever” nakanamputcha! Nag-promise pa kami sa isat-isa na walang iwanan kahit ano ang mangyari pero siya pala yung unang susuko. Hayz…
kung babae sya.. hayaan mo na, baka that time of the month lang..
kung lalake naman sya.. lech! ano sya babae? na pwedeng i “on” and “off” lang yung switch ng friendship nyo kung feel nya? PWE!
as far as i know.. babae lang ang may karapatan gumawa nun.. ang lalake, kung gusto, gusto.. kung ayaw, ayaw….. walang in between… walang gray area.
naalala ko yung barkada ko nun:
KEBIGAN: pare, bat di ka na sumasama sa inuman?
AKO: sorry pare sobrang busy e..
KEBIGAN: ganyan ka naman e, hirap ka na ma reach ngayon
AKO: bakit tampo ka?
KEBIGAN: oo..
AKO: ULOL! PAKSHET! PAKYU KA! ANONG TAMPO TAMPO BADING KA BA? MAY NALALAMAN KA PANG TAMPO TAMPO! INOMMMMMMM!!
Hindi pagiging bading ang magtampo defpotec. It’s part of expressing your feelings. Lintek na ego yan. Alam mo ba kung bakit mas maraming lalaki ang namamatay sa heart attack? Kasi puro sila kimkim ng problema akala kasi nila lalaking-lalaki sila kapag hindi sila umiiyak o nagpapakita ng kung ano mang emosyon. Tao ka rin bro, nasasaktan. Walang masama magtampo kung may dahilan naman. At isa pa, magkaibigan kayo. Friendship is a two way relationship. Kapag hindi naguusap, misunderstanding will surface.
bading ang magtampo.. dahil ang tunay na lalaki lima lang ang emosyon
1. masaya
2. galit
3. libog
4. natatae
5. hindi natatae
iwan na lang natin ang pagtatampu tampo sa mga babae sa starbak at mga bading na parlorista’
Oh well it’s just my two cents. Kanya-kanyang paniniwala lang yan. Out na ako hehehe.
haaaay…. pseudo-friendship. Na-experience ko narin toh. Kaasar. Dati naniniwala ako sa ‘friends forever’ eklavu… but I lost my bestfriend dahil lang sa napakababaw na dahilan, mas mababaw pa sa platito. Nawalan ng saysay ang sampung maliligayang taon ng pagkakaibigan namin. Ni sa panaginip di ko inakala na ganun lang nya bibitiwan ang samahan namin.