teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

yosi kadiri

May 16, 2007 | 6:20 pm

there is no self respecting man na maninigarilyo sa pampublikong sasakyan, at ang gagawa nun definitely deserves na insultuhin sa kahit na anong paraan! akala yata nitong mamang to sya lang ang may baga sa dyip na yun’ hindi mo kailangan maging henyo para maisip na nakakahiya at nakakasuklam yung manigarilyo sa loob ng pampublikong sasakyan’ may katabi ka na posibleng may asthma, may katabi ka na papasok ng trabaho, at walang papasok ng trabaho na gustong amoy usok sya ng sigarilyo.. lalo na usok ng yosi ng ibang tao’ magkano ba yang yosi na yan para hindi mo maitapon? kung nasa fighting mood ako nung umagang yun o kung malaki ang katawan ko.. aabutan kita ng dalawang piso tapos sasabihin kong babayaran ko na lang yung yosi mo, itapon mo lang.. then pag nagalit ka at dahil malaki ang katawan ko’ sasakalin kita habang pinagsususuntok ko yung mukha mo habang bumibiyahe tayo tapos pag dating ko sa taft bago ako bumaba dadamputin ko yung yosi, maghuhubad ako ng tshirt para makita mo yung mga tattoo ko, tapos papatayin ko yung baga ng yosi sa dila ko’ ayos ba yun?! hindi?! oh alam mo na dapat ang gagawin sa susunod.. good boy’

Categories
Rants, Roam
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« badinger-z (victim #3) pseudo-friendship »

RSS feed | Trackback URI

3 Comments »

Comment by gingmaganda
2007-05-21 06:02:20

usually pag may ganyan sa jeep at malas pang tumapat sa akin…uubo talaga ako ng OA na ubo…as in yung parang hihikain ka na? tapos magtatakip ako ng ilong at bibig…kung may kasama siya…titignan ko yung kasama niya…tapos siya…

alam mo? favorable ang response. lagi nila tinatapon ang yosi! hahaha!

pero magkamali lang yun na awayin ako…aawayin ko din siya. baka pa silaban ko ng sarili kong lighter…

Reply to this comment
 
Comment by evu___
2007-05-22 18:25:48

walang pinagiba dito sa loob mismo ng opisina ko.. pag ganitong oras (pasado alas sais) dadating ang sundo ng kahera namin, asawa nya. magsisindi ng yosi parang walang ibang tao. kulob at naka aircon.. maghahati-hati kaming anim na hindi nagyoyosi sa loob ng opisina sa ibubugang usok ng tinamaan ng magaling na ‘to.. makikijamming na rin sa yosi ang General Manager namin na nakapwesto lang mismo likuran ko….

ligpit na ko. magsama sama kayo.. alis na ko…

Reply to this comment
 
Comment by Lloyd
2007-05-27 12:20:27

Nakaka-asar talaga yang mga taong ganyan. Ang sarap murahin. May batas nga tayo na pinagbabawal na manigarilyo sa pampublikong lugar at sasakyan kaso di naman sila pinapansin o nahuhuli. Kaya nawiwili silang gawin yung gusto nila.

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

alam mo kung anong sumunod na pinakamasaklap na pakiramdam pag mag isa ka na lang bukod sa pangungulila? morning wood — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • alas
  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • johnlloyumali
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox