teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

hiatus

June 28, 2007 | 2:53 am

kung regular visitor ka dito sa blog ko at hindi ka kasama sa mga alternicks ko na palihim na nagpopost ng mga comments dito para magmukhang maraming sumusubaybay at apektado sa mga pinagsususulat ko.. kung hindi ka naligaw lang dito dahil sa naloko ka ng hoax email na nagsasabing pumasok ka dito sa blogsite na to para makita mo si angel locsin ng nakahubad.. kung naloko ka lang sa chat room ng isang nagpost na dito ka yayaman sa site na ito.. mapapansin mong pasulpot sulpot na lang ako magblog sa ngayon.. di na tulad dati’ ayoko ng magpaligoy ligoy pa o magimbento ng mga dahilan para lang lumabas na sobrang busy ko.. na wala kseng nangyayaring makabuluhan sakin.. or what’
the thing is na approved kse at nasa kamay ko na yung citibank creditcard ko at ginamit ko na sya.. sobrang na amused ako papirma pirma lang, para kong may ari ng SM na lahat ng ituro napapasakamay ko.. kailangan lang pumirma.. sobrang naging alipin ako ng card.. eto yung mga nabili ko sa loob ng isang araw lang na pamamasyal at papirma pirma sa SM:
1. psp w/ 4gig mem (white)
2. logitech playgear pocket (white)
3. 993 pcs. personalized calendar (2007 - 3000)
4. personalized 99% silver doorknob from silverworks
5. grapes
6. milks
7. labindalawang damit sa guess na tiglalabindalawang kulay bawat isa
8. sandamukal na groceries na parang pang bukas ng sari sari store
9. kumain din kami sa isang resto at nagbatuhan ng lechon.. umorder ng turkey na may kaldereta sa loob ng tyan.. etc etc’

sa ngayon wala akong ibang ginagawa bukod sa magtrabaho kundi mag PSP habang nakababad yung mga paa ko sa katas ng ubas.. kaya pasensya na kung bihira na ko makapag update.. sana naiintindihan nyo at di pa rin kayo magsawang sumubaybay sakin..
mahal ko kayo!

Comments
5 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

alamat ng kesong puti

June 24, 2007 | 1:00 am

   sa isang malayo at liblib na isla ng doroteo nakatayo ang isang napakalaking kaharian na gawa sa isang ordinaryong keso, keso na kulay dilaw’
makalipas ang limang taon pagkamatay ni reyna aurora..  natagpuan ni haring damian ang kanyang anak na si prinsesa elena na malungkot sa kanyang silid, “mahal kong anak, di yata’t hindi nagamot ng limang taong lumipas ang pangungulila mo sa iyong mahal na ina” napatingin si prinsesa elena at dagling pinunasan ang mga luhang kanina pa dumadaloy sa kanyang mga pisngi, “mahal kong amang hari, ang pagkamatay ni ina ay sadyang napakahirap dalhin, ngunit tanggap ko na, sa kadahilanang wala na naman tayong magagawa.” “kung gayon ano ang bumabagabag pang iba sayo oh aking prinsesa?” tanong ni haring damian sa anak na prinsesang nababakasan ng lungkot sa mukha.. “ang ating pader na yari sa keso, mahal na amang hari’ kung mamarapatin nyo po’y nais kong ipabago ng kulay, sa tuwina’y naaalala ko si ina at ang kanyang mga pagdidisenyo, pagnakikita ko ang mga pader na iyan” tugon ng anak sa amang hari, “kung iyon lamang, anak kong mahal,  ang iyong pinagkakaganyan.. bukas na bukas din ay ipapatawag ko ang ginoong si simeon ang henyo, at tanyag na taga gawa ng kesong pader sa buong isla doroteo!”
   kinabukasan..
umagang umaga pa ay pinulong na ni haring damian ang lahat ng tao sa kaharian’ maya maya pa’y bumaba mula sa hagdan na nababalutan ng iba’t ibang kulay ng rosas si prinsesa elena, palakpakan ang mga tao na agad ding pinutol ni haring damian.. “konting katahimikan.. andito tayong lahat ngayon upang ianunsyo ang pagpapalit natin ng kulay ng kesong pader.. bunga na rin sa kagustuhan ng aking pinakamamahal na anak .. si prinsesa elena!!! muling nagpalakpakan ang mga tao bilang pagsalubong sa kanilang mabait na prinsesa..
nahihiyang nagsalita si prinsesa elena.. “alam nyong hindi na kayo iba sa amin ng aking mahal na amang hari, mula sa pagkabata ng aking nasirang ina ay andito na kayo sa kahariang ito na yari sa keso..” “ngayon ay hinihingi ko ang kooperasyon nyo.. kailangan natin ng pagbabago.. kailangan nating lumimot sa nakaraan, iwanan ang mga malulungkot na pangyayari at humarap sa bukas ng may bagong pag asa! .. at ito ay isinisimbulo ng bagong kulay ng ating pader na gawa sa keso!!”
sigawan! ang mga tao.. kanya kanyang bulungan at suhestiyon, ngunit nangibabaw ang isang boses’ ang boses ng ginoong henyo at tanyag na  tagagawa ng pader na keso..
“bakit hindi puti?! puting kulay ang nababagay sa ating bagong kaharian..”  napamaang na napatingin si prinsesa elena sa kanyang ama.. at parang hangin na lumabas sa kanyang mga labi.. “ke-song - pu-ti!” napuno ng kagalakan si haring damian at itinaas nya ang kanyang nakatikom na kamo at napasuntok sya ng pataas, habang isinisigaw ang “kesong puti! kesong puti ang magiging kaharian natin!” sumangayon ang lahat ng mga tao at sabay sabay silang nagsigawan ng kesong puti!

makalipas ang mahigit isang taon.. masayang naghihintay ang henyong taga paggawa ng kesong pader sa labas ng silid kung saan iniluluwal ng kanyang prinsesang asawa ang kanilang unang anak.. tahimik naman na nakamasid ang mahal na haring damian ngunit hindi maitago ang kagalakan sa kanyang unang apo..
hanggang sa lumabas ang taga pagpaanak kasunod ng iyak ng sanggol.. “lalaki! lalaki ang anak ni prinsesa elena!!” sumugod agad ang lalaki sa loob upang makita ang bagong silang na anak at madamayan ang nanghihina pang si prinsesa elena..
maluha luhang kinarga ni haring damian ang kanyang apo at lalong nalubos ang kanyang kasiyahan ng sabihin ng anak na prinsesa na sya ang naka takdang magbigay ng pangalan sa bagong silang na sanggol.. napatingin sya sa manugang na si simeon na tumango naman bilang pag sang ayon…
mula sa araw na ito.. sabi ni haring damian..
ikaw apo ang nakatakdang mamuno sa lahat ng ating nasasakupan..  at ikaw ay pinapangalanan kong…..  “francis jeremy”
masayang nagyakap ang mag asawa..

* tangenang bus na sinasakyan ko dito sa pedro gil’ sobrang sugapa ng kunduktor at drayber.. nakagawa nako sa isip ng isang buong kuwento mukhang wala pa ring balak umalis.. bulsyet naman oh’

Comments
6 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

gatorade

June 23, 2007 | 1:33 am

gatorade sa pamunuan ng gatorade / pepsi,
sana’y bisitahin kayo ng sulat na ito na nasa mabuting kalagayan.. ako po si jon cabron, nilalagnat’ dahil sa grabeng sipon, ubo, namamagang lalamunan at namamagang impacted wisdom tooth, halos kalunos lunos na di po ba?!
sumulat ako’ hindi para magpaawa o para gulatin kayo na may sakit ako.. may kinalaman to sa takip ng bote ng gatorade nyo’
.. iinom ako ng produkto nyo hindi sa dahilang nasasarapan ako sa lasa nito o dahil sa nasososyalan ako sa taong umiinom ng gatorade.. iinom ako sa kadahilanang tulad ng mahigit nobenta porsiyentong manginginom siguro ng produkto nyo.. nanghihina ako at kailangan ko ng lakas.. alam ko na isa ang kalagayan ko sa mga tinatarget nyong kumonsumo ng produktong ito, sampu ng mga pagod sa sports partikular sa basketbol, mga nahihilo dahil sa hangover, o mga nanlalata dahil sa pagtatae.. tama po ba?! ngayon gusto kng itanong sa inyo.. mawalang galang na po’ bakit ganun kahigpit yung takip ng gatorade?! kung hinang hina nako at yung natitira kong lakas eh ibubuhos ko sa pagbubukas ng gatorade.. siguradong mamatay akong dilat ang mga mata at tuyo ang lalamunan.. bakit hindi na lang kayo umisip ng ibang paraan para matakpan ang produkto nyo?! gusto nyo bang dumating ang araw na puro mga lalaking macho na lang ang kumonsumo ng produkto nyo?! yung mga tipong flex na flex mabuksan lang yang boteng yan?! nagtatanong lang po..

PS
nasaan na yung engineers nyo na naglabas nung mga boteng korteng tite?!

love and devotion,
mr. JON CABRON

Comments
4 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

sips

June 22, 2007 | 7:27 pm

ansama ng pakiramdam ko.. naka comatose mode ako dahil sa matinding sipon at ubo..
wala akong gana sa lahat ng bagay’ ayoko mag blog, ayoko mag online, ayoko gumalaw.. at nakaka urat, kse obligado pa rin ako pumasok.. madami akong obligasyon na dapat gawin..hindi ako pwedeng humiga lang maghapon hanggang gumaling yung sipon at ubo ko..
ansakit ng ilong ko kakasinghot, ansakit ng ulo ko kakasinghot ng sipon, ansakit ng lalamunan ko kakaubo.. ansakit ng katawan ko dahil sa sipon, matamlay ako at walang ganang kumain.. hindi rin ako makapag yosi dahil ansakit ng lalamunan ko’
sana paguwi ko masagasaan ako ng bus.. tapos tuluyan na kong macomatose tapos pagkagising ko wala na kong sipon.. lord, please?

Comments
3 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

tangenang trapik

June 13, 2007 | 10:23 am

wala ng pagasa ang trapik sa muntinlupa.. kung dumadaan ka dito papuntang alabang’ alam mo kung ano sinasabi ko’ tangena anim na araw ako dumadaan dun sa loob ng isang linggo.. nakakabuwisit isipin na okei lang kung may nasiraan o nasagasaan kaya trapik.. pero kadalasan pagdating mo sa dulo.. wala namang dahilan kung bakit nagkakabuhol buhol ang sasakyan’ puro kabuwayahan lang ng mga paksyet na drayber.. kanya kanyang lusot.. kanya kanyang kabullshitan para kumita..
dagdag buwisit pa yung mga pulis trapiko na makikita mong todo trapik na.. nasa may lilim pa kse umiiwas na maarawan.. andun sa may tindahan ng sago.. nagpapalamig at nambobola ng tindera ng samalamig.. tangenang yan!
gagawa daw ng solusyon yung bagong meyor pero testing lang at di nya rin alam kung magwo work’ .. suggestion lang sir’ bakit hindi putulan ng ulo yang mga inutil na pulis trapiko at mga buwayang drayber, tapos yung mga ulo nila para hindi naman makadagdag sa kalat sa muntinlupa at hindi makadagdag sa air pollution pag nabulok.. hmmm ipreserve, patigasin tapos.. ahmmm idonate sa mahihirap na walang pambili ng bola ng bowling.. im a fuckin’ genious errr genius!

Comments
1 Comment »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

cancer stick

June 12, 2007 | 11:59 am

cancer stick another one puffed the dust.. not infront of your kid, buddy.. not infront of your kid.. hindi mo kailangan ng edukasyon para matutong kumilos ng normal.. at hindi lisensya ang mapangit na buhok para magmukha kang unggoy..
im just being a friend here.. sana di mo masamain’

Comments
3 Comments »
Categories
Roam
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

gimik

June 11, 2007 | 4:35 pm

 dayoff ko bukas.. excited ako text ako kay benjie
 ye’y off ko bukas, so?
text din ako sa isa ko pang kumpare
nick see u tom’ kila jie, off ko! automatic
maya maya nagreply si benjie
pre nasa nueva ako iuuwi ko na bukas yung mag ina ko! change life pare! <sic>
reply ako
nice decision bro! text text’ pero ang talagang nasa isip ko “tangina walang matinong kaibigan ang magbubuo ng sirang pamilya sa mismong araw ng day off ng isang kumpare nya.. demet!”
text ako kay nick
tangena si jie, nasa nueva sasamsamin nya na raw yung pamilya nya’ no gimik tom. what a lonely world!
text ako kay junren
hey moran! anong oras ka bukas?!
nagreply
sino kang hudas ka?
tangena di pala nito alam na iba na number ko.. tinawagan ko na lang’ paksyet may trabaho daw bukas, 2am’  fuckn call center agent..
text ako kay nick
tangena mag aral ka na nga uminom! wala akong kainuman’ si junren may pasok bukas!
text si nick
iced tea na lang tara!
reply ako
ayoko nakakatae yun
reply sya
baka pwede si junren ng tanghali, midnight naman pasok nya!
napangiti ako..
text ko si junren
fukzxor, bukas daw tanghali sabi ni nick.. y/n?
sumagot si junren
lets start at 2pm hir in my pad, got it?
parang may malamig na tubig na umagos sa ulo ko.. tahimik akong napasigaw ng yeahbah!
reply ako
kk, ur place ur budget! see yah!
nagreply sya na sa amin na lang daw pero di ko na sya pinansin.. nagtext ako kay nick na okei na’ kaya bukas.. maliligo ako ng alak at magsasabon ng sigarilyo! kewlness!

Comments
No Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

pwn3d!

June 7, 2007 | 7:16 pm

  unang linggo ko sa 2 - 10 shift’ sobrang hassle gumalaw’
bukod sa nahirapan yung bodyclock ko mag adopt sa bagong sistema,
grabe yung trapik sa kalsada at sobrang init’ ang hirap magbihis! ilang minuto pa lang ako nakakaligo’ pawis na pawis na agad ako, habang nagsusuklay sa harap ng salamin.. kausap ko yung sarili ko.. “tangina ang init!” sumagot yung lola ko.. ”kaya ayusin mo pagkatao mo, dahil sa impiyerno ilang libong ulit na init na ganyan ang mararanasan mo” .. nagulat ako di ako nakakibo.. “hindi sapat na nagtatrabaho ka, napapakain mo pamilya mo.. busog nga ang mga bulsa nyo uhaw naman ang mga kaluluwa nyo..” nagmadali akong nagbihis at napapailing na lumabas.. whutta retard’

Comments
5 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

pramis!

June 5, 2007 | 9:12 pm

balds 
.. muntik ko na makalimutan to’  buti na lang nagcheck ako ng archives sa YM… lolz

BALDO has joined the conference.

CHARD has joined the conference. Read the rest of this entry »

Comments
2 Comments »
Categories
Victim
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

closure

June 4, 2007 | 10:51 pm

   grade 2 siguro ko nun’ bagong lipat kayo sa paupahan ng tita ko’ ewan ko kung sa ganung idad may malisya na ko o talaga lang bihira kse may sumulpot na babae dito sa compund namin’ lahit kaming magpipinsan kandarapa sayo’ tisay ka kse at natural blonde yung buhok’ akala nga namin amerikana ka’ kanya kanya kaming pasiklab sayo’ naaalala ko pa dati tinitipid ko yung baon ko sa school para lang makapag ipon ng pambili ng stationaries’ tapos nung maraming marami na’ nilagay ko sa airmail na envelope, nilagyan ko ng tag na merry christmas kahit di naman pasko (inekisan ko na lang) tapos binigay ko sayo.. tuwang tuwa ka! naaalala ko pa dati masaya ako pag naglalaro tayo ng takot takutan ng mga kapatid mo sa bahay nyo pag nasa trabaho yung nanay at tatay nyo kse nakakatsansing ako sayo pag nagtatalukbong tayo ng kumot.. although di ko pa alam na tsansing ang tawag dun dati’ tapos tuwing gabi pag andyan na yung mga magulang mo.. bawal na kayo makipaglaro samin. bawal na kayo lumabas’ tatambay kami ng mga pinsan ko sa may tindahan sa tapat nyo tapos pinagkukuwentuhan ka namin.. syempre bata payabangan.. “tinira ko si honey kanina” “hindi nga?” “oo, nakatalukbong sa min yung kumot” “bukas ako naman” “bahala ka basta syota ko na yun pero pag mas maaga ka bukas nakapunta sa kanila, sige!” .. yabang lang!
tapos basta na lang kayo lumipat ng bahay’ walang balitaan basta pag uwi ko sa school nag hahakot na yung mga tito mo ng gamit’ di na rin kita nakita kahit nung saglit na yun’ nakulong daw yung tatay mo dahil sa drugs bali balita kaya mabilisan paglipat nyo’
nung ubos na yung mga gamit nyo’ tumambay kami ng mga pinsan ko sa abandonadong bahay nyo, ewan ko pero ambigat sa dibdib’ nagkukuwentuhan kami pero nasa malayo yung utak ko.. pumunta ko sa kwarto nyo’ andaming kalat, di man lang kayo nagwalis bago kayo umalis’ tapos nakita ko yung isang pamilyar na envelope.. binuksan ko’ yun nga yung mga stationaries na binigay ko sayo.. may kisses pa (yung maliliit na mabango..)
ang alam ko itinago ko pa yung envelope na yun.. umasa pa ko na manganganak yung mga kisses sa loob nun’ pero di ko alam kung san na napunta’ kung saan na naitago’ bigla na lang nawala kasabay ng pagtanda ko’
di na kita nakita, wala na kahit konting balita sayo’ nakalimutan na kita’ pero kanina lang sa loob ng dalawampung taon nakasakay kita sa bus.. di ako pwedeng magkamali na ikaw yung nakikita ko’ yung nunal mo sa ilalim ng mata, natural blonde na buhok’ bigla akong napa nostalgic mode.. siguro kaya parang may kulang sa buhay ko’ siguro kse pakiramdam ko may isang kabanata na hindi nagkaron ng katapusan.. siguro ikaw yun’
gusto kitang paupuin pero baka tanggihan mo ko.. baka di mo na nga ako kilala’ lingon ako ng lingon baka sakaling mahuli rin kitang nakatitig sakin at maging simula ng paguusap.. pero abala ka sa pagtitext’ masaya kong makita kang mukhang masaya’ may asawa ka na siguro’ mabilis yung bus.. kinakailangan mong humawak sa taas para di ka matumba.. pagtaas ng kamay mo.. dun ko napatunayan na dapat na nga kitang tuluyang kalimutan.. liberated ang pamilya ko’ kaya kitang ipakilalang girlfriend ko kahit may asawa’t anak ka na’ pero hindi ko kayang magpakilala sa kanila ng babaeng may buhok sa kilikili’ kaya kitang ipaglaban pero hindi ko kayang habambuhay na yuyuko para di ko mapansin yung pagbubulungan nila na nagasawa ako ng may buhok sa kilikili..
paalam honey’
i finally got the closure that i need’ salamat sa mga alaala’

Comments
3 Comments »
Categories
Roam
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

Babala

explicit

Patuka sa utak

si maja salvador lang ang babaeng kahit lagyan mo ng kanin at ulam sa pusod, hindi ako madidiring kainin ‘yun. — Jon Cabron

Kategorya

Balik Tanaw

Kablog

  • azrael
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • gasti
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • madbong
  • potsquared

Twitrrr

  • new blog entry naranasan mo na bang mabutasan? http://tinyurl.com/4x27db 16 hrs ago
  • just one of those days http://tinyurl.com/3u48ny 1 day ago
  • new blog entry ding! dong! http://tinyurl.com/3mbwsp 4 days ago
  • new blog entry litol dreamer http://tinyurl.com/4go382 4 days ago
  • new blog entry hmmmback! http://tinyurl.com/3j9xec 6 days ago
  • More updates...

Kaanib

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Group!

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Pangkabuhayan

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox