gudbye cruel world
July 30, 2007 | 3:37 am nakakalungkot isipin na lumalabas na ininstall ko lang ang YM sa pc ko para lang paulit ulit na masaktan, sinabi ko na dati pa na ayokong mainlove sa online creature, pero madali akong nakalimot at bago ako matauhan na kamutin ang kati.. nakakakalat na sa buong katawan ko ang pantal.. nakakalat na sa buong sistema ko’
at ngayon gaya ng inaasahan, iniwan nanaman ako.. paalam ang isang bagay na hindi ko maperfect yung way kung papano dalhin ng maayos’ ilang beses nako nagka girlfriend at nakikipag hiwalay.. pero iyon yata yung bagay na hindi ko matututunan kahit kelan’
darn it’ magulo ang online world ko ngayon’ para akong bolpen na walang tinta, parang sinigang na walang sabaw.. parang laptop na walang usb port.. haaays’
gusto kong maglaslas mula pulso hanggang siko.. gusto kong hilahin ang dila ko hanggang sa hindi ako makahinga at mamatay, gusto kong pasakan ng bote ng redbul yung puwet ko hanggang sa maimpeksyon at dahan dahan akong mamatay. fuck, sounds gay.. kalimutan mo na yung huling sinabi ko, ok?
malupit ang cyberworld sa mga taong totoong magmahal na tulad ko..
inay,
kanina pagsakay ko sa jip, byaheng taft - pedro gil, hindi sinasadyang naapakan ko ang paa nitong isang malaking tumpok na tomboy na to’ nagsorry agad ako.. may kasamang kumpas pa ng kamay, bago ko mahanap yung maluwag na pwestong uupuan ko.. pagtingin ko sa kanya, nagbabaga yung mata nya sabay palatak sakin.. “ang laki laki ko brod, hindi mo ko nakita?”
sa dashboard ko sa may blogstats nakalagay yung mga referrers o mga website na naging portal para makapasok yung mga visitors ko dito sa blog, andun din yung search engine terms o mga keywords na ginamit ng mga kalimitang naligaw lang dito sa blog ko.. at merong isa na umagaw sa atensyon ko’
sir at mam,






