alipin ng pagtatae
July 19, 2007 | 10:29 pm
sir at mam,
pagpasensyahan nyo na po kung hindi ako makakapasok ngayong gabi, tulad ng dati’ sinumpong nanaman ako ng kombulsyon.. sa tyan!
baka naman naiisip nyo na nagdadahilan lang ako at wala talagang iba pang mas gagandang dahilan sa katamaran pumasok kundi pagtatae’ bibigyan ko po kayo ng ilang impormasyon:
* nung pagkapanganak ko daw sabi ng nanay ko, may ipinasok na tubo sa bibig ko diretso sa bituka ko para linisin ang bituka ko..
* eksato dalawang araw, ako naiuuwi sa bahay, ibinalik ako sa ospital dahil sa pagtatae (delikado sa baby ang nagtatae) balik ospital ako.
* eksakto one week pagkauwi ko ulit sa bahay’ isinugod nanaman ako at naconfine sa loob ng limang araw, sa ibang ospital naman.. dun ako unang nakatikim ng dextrose.. nahirapan pa daw yung nurse magtusok ng karayom dahil sa sobrang liit ko..
* hindi ako pwede sa basta bastang gatas nung bata ako..
* grade 1 first honor dapat ako kung hindi lang ako puro absent dahil sa pagtatae
* malaking dagdag na trabaho sa mga janitor ng elementary ang paglilinis ng upuan ko.. mula grade 2 hanggang grade 3. nagpasya ang mga magulang ko na ilipat na lang ako ng eskuwelahan.
* naadik ako sa kremil s nung highschool, ako lang ang estudyanteng may special passes sa guidance counselor na pwedeng umuwi pag sumakit ang tyan..
* madalas na nagpapaalam ako sa school para umuwi at magCR, pero naghuhugas na lang ako pagdating ko sa bahay, at minumura ako ng mga katabi ko sa jip’
* hindi ako nag maynila nung college.. takot akong abutin sa bus’
* saulado ko ang mga cr sa perpetual binan’
* pati yung mga secret cr, at mga schedule kung anong oras matao o hindi’
* pag may malayuang lakad.. umiinom ako ng dalawang imodium bago umalis.. dalawang araw akong hindi magsi cr nun’
* di na tumatalab sakin ngayon yun!
* nung nagtatrabaho ako sa isang factory sa laguna.. nasubukan ko na maghugas, gamit ang eskinol’ (nawala yung sabon ko kse at walang tubig sa cubicle)
* dalawa ang sabon ko sa clutch bag ngayon sa trabaho, isang pang mukha at isang pang puwet’
* mas mabilis matunaw yung pang puwet kesa pang mukha.
sana po maintindihan nyo..
salamat at paumanhin.







Pareho pala tayo Papa Jon na likas na sirain ang tyan. Sabi ko na nga ba’t soulmates tayo… Hayyyy…
hinahampas ko ngayon ang dibdib ko habang itinuturo ko yang avatar mo..
hmmmn…. ngayon ko lang naintindihan kung bakit ang nasa YM stat mo eh, “ang buhay at walang hanggang pagtatae…” kaya pala.
sadyang malupit na pahirap ang pagtatae a. idol, buti hindi nagkakasugat tumbong mo? wahihi!
pwede po ba malaman ang brand ng dalawang sabon mo? baka kasi yung sabon ko sa mukha eh pang pwet mo lang. hahaha!
mahal na kita. takot din ako sumakay ng bus. alam mo na kung bakit.
pusa… effective ang gatorade sa pagtatae, este lbm. nak ng….
hahaha…lam mo ba…habang binabasa ko tong blog mo tawa ko ng tawa…bumalik yung nakaraan saken …kinder hangang naun ..dhil seu nagkaRoon ako ng lakas ng loob na ibahagi din yung karamdaman ko which is ang ” pag tataE” hahaha…
nakakahiya man aminin…pero halos nagkakapareho tayo ng karanasan nung bata pa tayO…
before nahihiya pako ikwento to feeling ko kz d ako normal…salamat!!
busal ng mais epektib un pasok mo sa pwet mo d na la2bas ebak mo. . he he
kita ko lang po kay Jovi ito… may ganyan pala… ang hirap for sure… at kaya pala tissue roll ang header ;)