talk shit
July 29, 2007 | 11:27 amnakakatuwa talaga ang cyberworld, ang daming mapag panggap’ gagawin ang lahat makapag pa impress lang.. maging angat lang sa iba’ meron akong nadiskubreng tambayan sa net’ dami kong naging bagong kaibigan’ ewan ko ba hindi naman ako nagpanggap dun na isa kong lalaking hanggang leeg ang abs, hindi ko naman sinabi na 6′6 ang height ko, na amateur boxer ako na may amateur record na 28 wins, no losses with 27 wins by KOs, maayos naman yung simula ko.. hindi ako nagyabang na “hi my name is Jon and im a blogger.. im receiving 20 gazillions of unique hits per hour sa blog ko’ hindi rin naman ako paengot engot kausap.. bakit nila sinusubukang iunderestimate yung utak ko.. hmmmm’
eto yung sample ‘doh hindi ito yung exact na chat logs, halos kahawig nito yung nangyari..
itatago ko na lang sya sa pangalang:
DICKHEAD: ei jon’ kamusta
JON: okei lang, kaw?
DICKHEAD: eto problemado.. mahirap pala tatlo tatlo ang syota.
JON: bwaha! oo naman’ ket ba?
DICKHEAD: yung dalawa kse laging sabay mag online, yung isa naman lagi gusto dito sa bahay.. di ko na lam ang gagawin ko.
JON: hmmm’ mahirap nga yan.
DICKHEAD: teka nakita mo na ba sila?
JON: babae mo? di pa..
DICKHEAD: ok, eto si AIDA ganda yan, sa boracay ko nakilala.
eto naman si LORNA maganda rin, pinakilala ng pinsan ko sakin, lakas uminom nyan!
at eto yung pinakabago si FE maganda din di ba? estudyante pa lang yan, mayaman yan!
JON: o’ okei nga ang gaganda. kaya lang mukhang mga fake’ sure ka ba na sila talaga yang mga nasa pics na yan?
DICKHEAD: oo naman jon, e nagpupunta samin yang mga yan pano ako magkakamali! tsaka may nangyari na samin nyang mga yan, pwera lang si FE kse nga bago pa lang kami.
JON: o talaga.. aba e astig ka nga!
DICKHEAD: sinabi mo pa, pero akala mo lang masarap’ pero pag ikaw nasa sitwasyon ko, tignan ko kung di ka mamrublema.
JON: oo nga wala kseng patapon e, puro panalo’
DICKHEAD: teka maiba ko jon.. di pa pala kita nakikita, may pic ka ba?
JON: yup’ meron.. gusto mo?
DICKHEAD: sige patingin
JON: wait’ eto paki click
DICKHEAD: wow’ ang laki pala ng katawan mo
JON: medyo’
DICKHEAD: teka amerikano ka ba?
JON: oh yes!
DICKHEAD: cool!






