teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

kaibigan

July 15, 2007 | 10:58 am

para patunayan sayo kung gaano ako kabuting kaibigan, tinanggal ko na yung link mo sa blogroll ko at pinapayuhan kita na wag ng pumunta sa blog ko, ayokong tuwing pupunta ka dito sasakit ang ulo mo sa kakaabot sa mga kuwento kong di mo maintindihan.. ayoko naman na everytime na magbabasa ka dito at kukunot ang noo mo dahil di mo makuha yung mga sinulat ko kokontak ka pa sakin para lang utusan ko yung anak kong pitong taon para maexplain sayo sa paraang pang grade 2 yung gusto kong sabihin.. madalas na busy ang anak ko’ sa paglalaro at pagaaral, ayoko naman na pag wala syang time na alalayan ka, maiwan kang naka tunganga’ ayoko ng ganun’
sana wag mong masamain.. gusto ko lang makatulong, okei?

Comments
No Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

kimbo

July 14, 2007 | 11:12 am

kimbo kimbo
alam kong masaya ka dyan sa lizards’ limbo, kapiling ng mga iba’t ibang herbivore reptiles na tulad mo, sa hardin sa loob ng bakuran ni sir lord.. patawarin mo ko sa lahat ng pagkukulang ko, sobrang hassle talaga sked ko kaya di na tulad dati na araw araw kitang nahahawakan at naaalagaan.. masyado talaga akong kupal pagdating sa time management.. sorry’
… okei okei’ nagka PSP kse ako kaya di na kita naaasikaso’ sorry na.. di mo naman kailangan na hindi huminga dahil lang dun ah’ nun naman huli kitang pinakain nung isang linggo di ka naman kumibo.. sana nagpahiwatig ka kung masama pakiramdam mo o kung masama ang loob mo.. pinaliguan pa nga kita nun ah.. hmp! baka naman nagtatampo ka lang at nagpapatay patayan.. okei bibigyan kita ng sampung segundo para gumalaw.. isa..anim…walo..sampu! gudbye!
R I P
KIMBO d’ DRAGON
may - july

Comments
10 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

payback

July 12, 2007 | 9:26 am

isang blasphemous blog entry kasunod ng todo offensive entry, hindi makakalagpas sa kanya yan’ magbabayad ang dapat magbayad’ sobrang tagal umalis ng bus kanina.. pawis na pawis nako kahit nasa tapat ako ng bintana sa pantatluhang upuan, dalawa yung tiga tawag ng pasahero, yung kunduktor tsaka isang.. hmmm taga tawag lang talaga’
mainit na ang ulo ng lahat, hindi biro yung mahigit 30 minutes kang nakaupo sa bus na hindi naman umaandar’ nakakatatlong stick ng sigarilyo na yata yung mamang driver ayaw pang umalis.. dagdag buwisit pa yung pag kalampag ng mga taga sigaw sa may tapat ko para bigyan alerto yung drayber at para makuha yung atensyon nung mga pasaherong sasakay.. kung anu ano na pumapasok sa isip ko.. gusto kong umuwi at kumuha ng baril sa bahay.. sabi ko tangena bahala na’ patay na kung patay! pero naisip ko na kung uuwi pa ko malamang di ko na aabutan tong bus na to, terti minutes din ang byahe pabalik.. at naisip ko din na sobrang late nako pag umuwi pako, kumuha ng baril, tapos mamaril pako,
at bukod dun naisip ko rin na wala naman nga pala akong baril sa bahay..
nung medyo umaandar na paunti unti yung bus.. nakita ko yung nagbebenta ng tubig iniilag ilag nya yung ulo nya.. tangena nanlaki ang mata ko.. may malaking ipis na lumilipad! sa isip ko tangenang bus na to sa tagal umandar tinubuan na ng ipis.. may napakatinding takot ako sa ipis.. nag escort ako dati sa ms. muntinlupa sa pinsan ko’ nung question and answer na bigla akong nawala.. may lumilipad kse na ipis akong nakita at dumapo pa mismo dun sa lalaking nagtatanong’
di ko malaman ang gagawin ko habang nakaupo sa bus, gusto kong magdasal pero nagiguilty ako dahil dun sa entry ko.. gusto kong magtapon ng pera, gusto kong magpapremyo.. kung sino makakapatay sa ipis na yun’ magbabayad ako.. bente, singkwenta, isandaan.. wala akong pakialam’ mawala lang yung ipis na yun sa sistema ko’
kung yun yung paraan ng paniningil para sa entries ko, syempre hindi nya naman papaliparin yun dun kung hindi papadapuin sa akin.. naisipan kong yumuko na lang at magtulugtulugan kahit pawis na pawis nako sa kumbinasyon ng init at pagkatakot.. ng maramdaman kong parang may nalaglag sa may balikat ko kasabay ng matuling paggapang ng matutulis na paa sa may batok ko.. anlakas ng sigaw ko ng “inaaaaaay!!!” napatayo pa ko sa inuupuan ko.. tawanan yung mga pasahero, lahat nakatingin sakin.. bilang depensa sumigaw ulit ako.. “putangina kse sa tagal umalis inipis na tong bus” napatigil sa pagtawa yung kunduktor at taga sigaw.. sabi nung kunduktor “eh di sana bumaba ka na kanina” sabi nung taga sigaw “kung gusto mo ng mabilis dapat nag taksi ka” .. di ako nakakibo.. yumuko na lang ulit ako’
natutunan ko nung mismong oras na yun na hindi magandang kumbinasyon ang pagpapakita ng karuwagan sa ipis at susundan mo ng paninindak at pagsigaw sa kunduktor.. hindi epektib.. hindi gagana.

ibigay mo sakin ang espasyong natitira para humingi ng paumanhin sa huling dalawang entries ko.. gusto ko lang magpasaya, gusto ko lang matuwa yung mga kapatid ko.. kung nagamit man kita patawad na.. kung talagang dapat akong magbayad dahil dun.. wala akong magagawa’ sana lang kung mamarapatin mo magbibigay ako ng anim na keywords na wag naman sanang mapabilang sa mga pagdadaaanan kong kabayaran:

1. ipis
2. pagtatae
3. holdap
4. sipon
5. format
6. hindi pagtigas
.. maraming salamat po!

Comments
14 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

dirty mouth

July 10, 2007 | 10:54 pm

nasa trabaho ako may isang kaibigan na nagtext sakin:
“inaaway ako nito  __@___.com check mo sa friendster. iganti mo ko”
dahil nasa harap ako ng computer, login agad ako sa friendster account ko.. nasa isip ko tangena walang pwedeng umaway sa kahit na sinong kaibigan ko sa internet na hindi dadaan sakin..
pag open ko nung account na sinabi nya.. wraaaaaar! babaeng pagkaseksi seksi’ alam ko na agad na naghahangin lang tong barkada ko.. reply ako:
“butterface! she looks good..  BUT HER FACE’ pero not bad for a fubu”
text sya ulit.. “hottie daw yan, kakantutin ko sya pre. kakantutin sya ng titi ko tandaan mo yan!” di ako naka reply.. sa loob ko sobrang bastos naman ng bunganga nitong kaibigan ko.. siguro habang tinitipa nya yung message na yun at saktong nagunaw ang mundo malamang diretso sa impiyerno to! .. shit! what a dirty mouth! may baby jesus forgive you, fucxor!

Comments
2 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

christopher

July 8, 2007 | 7:47 pm

nung unang panahon merong isang henyo ngunit pilyong bata na nagngangalang, christopher’ isa syang ventriloquist, kaya nyang magsalita ng hindi bumubuka ang bibig at palabasing hindi sya ang nagmamay ari ng boses na nagsasalita.. isang araw habang nanghuhuli sya ng ibon sa gubat nakita nya si noah na nakaupo sa isang putol na puno at nagpapahinga.. pagud na pagod sa pangunguha ng mga tuyong sanga ng puno na gagamiting panggatong’
gumana ang pagkapilyo ng batang si christopher, nagtago sya sa mataas na puno at pinalaki nya ang boses nya.. “noah, sa dadating na tag ulan ay magbabaha ng lampas poste’ pumutol ka ng mga puno at gumawa ka ng malaking barko, pasakayin mo dun ang mga tao at mga hayop na maniniwala sayo at gustong maligtas” … nagulat si noah at agad na sumunod sa boses na narinig nya.. halos tatlong buwan din syang nagputol ng mga puno sa kagubatan at gumawa ng barko.. nung malapit na ang tag ulan, halos naubos na ni noah ang mga puno sa kagubatan, kaya wala ng mga ugat ng puno na sisipsip sana sa malakas na agos ng ulan.. 1 +1 do the math.. kaya bumaha!
tawa ng tawa si christopher na nakatakda palang mangibang bayan bago dumating ang tag ulan sa lugar na yon..

remember this:
everytime a blogger commits blasphemy, god saves a drunk virgin from getting screwed by an emo. im just doing my part. please pray for my soul and wash your eyes with water after you have read this story, tnx.

Comments
7 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

hotchick from slum

July 7, 2007 | 10:26 pm

sakay ako ng jip byaheng vito cruz - taft, jeprox yung drayber.. medyo may idad na pero ang tugtog sa stereo nya alternative rock.. tabi kami sa unahan’ makuwento sya’ dati daw sya may banda, san daw ako nagtatrabaho?!, puro matatakaw daw yung mga pulis trapiko sa makati.. etc. etc. maya maya tulad ng normal na byahe sa kalsadang yun’
may tinigilan syang kanto.. naghintay ng pasahero, may naaninag akong papalapit, babaeng maputi na naka sleeveless at naka short shorts.. hotchick from slum and dating’ napapalatak ako kay mamang drayber, sabi ko “ayos, dito mo na sa unahan pasakayin” napatingin sya tapos napangiti sakin.. pag lapit nung babae sinabihan nya “dito ka na sa unahan” .. sa tabi nga namin sumakay yung babae, ang bango’ amoy shampoo.. nakatingin lang si manong.. nginitian ko sya’ maya maya nagsalita yung babae.. “hinahanap ka ni pareng rolly., birthday nya raw bukas tulungan mo raw sya magkatay ng baboy”
napatingin si manong drayber sakin bago magsalita “sige daan tayo mamaya, si henry ba tulog na?!” sagot si hotchick from slum.. “hindi pa, bayaan mo na wala namang pasok bukas, iniwan kong nanonood ng tv” hindi ko na matandaan yung mga nangyari habang bumibiyahe kami.. basta napansin ko na lang na basang basa ako ng pawis at hindi ako makahinga.. pumikit ako ng madiin at pagmulat ko nasa harap nako ng bababaan ko..
may mga pagkakataon na iniisip ko na tutal naman bulol ako, sana ginawa na lang ng diyos na di -roskas ang dila ko.. para pag nasa biyahe ako at di naman kailangang magsalita.. babalutin ko na lang ng panyo yung dila ko tapos ibubulsa ko..

Comments
13 Comments »
Categories
Lakbaydiwa, Roam
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

technophobia

July 5, 2007 | 6:12 pm

kanina bago ako pumasok, pinaayos ng nanay ko sakin yung laptop nya’ search ako ng driver ng videocard and soundcard sa net.. install ko at dahil malelate nako’ nirestart ko lang pagkatapos then umalis nako.. tatlong oras halos sa opisina, nagtext nanay ko, nagpapatawag ano daw ba ginawa ko sa laptop nya.. may error daw’ tawag naman ako.. syempre unang tanong ano yung error?! error daw sa display.. sabi ko ano yung saktong error?! basta sa display something daw, sabi ko apat na libong error ang pwedeng lumabas na may nakasulat na display.. di nya raw kse nabasa at pinatay nya na yung laptop.. wtf?!
paguwi ko kaninang umaga.. nadatnan ko silang nagaalmusal, nakiramdam ako.. mainit ulo ko, trapik na naman kse sa alabang.. nagawa na raw ng tatay ko yung laptop, saglit lang ginawa.. parang may halong pangungutya pa yung tono nya na tipong “wala ka pala eh”
di ako kumibo.. tumango lang ako, wala ako sa mood makipag diskusyon at makipag usap.. inaantok nako’ pagkagising ko nagyoyosi yung tatay ko sa terrace, kailangan kong pumunta dun kse papakainin ko yung iguana ko, di nya binabanggit yung sa laptop kaya ako na nagtanong, wala naman daw syang ginawa pag bukas ng laptop may nakalagay kung tinatanggap yung bagong display setting, pinindot nya lang yung OK.. di na lumalabas ulit.. oh a genius’
naisip ko lang na siguro nung mga kerubin pa tayo sa langit bago tayo ideploy sa lupa kinakausap tayo ni baby jesus..

baby jesus: ikaw ginang cabron, gusto mo bang maging masipag na nanay sa lupa?
gng cabron: aba opo!
baby jesus: ilang porsiyento?
gng cabron: isandaang porsiyento, baby jesus!
baby jesus: okei.. pagdating sa COMPUTER naman anong BRAIN ang gusto mo?
pero dahil abala ang ermat ko sa pagtugtog ng harp nung mga oras na yun.. ang rinig nya TRAIN.. kaya ang isinagot nya:
gng cabron: yung mabagal lang po!
baby jesus: kk

Comments
13 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

limandaan

July 4, 2007 | 3:44 am

   wala akong barya kanina.. buong 500 pesos’ bago ako sumakay ng bus sa terminal tinanong ko yung kunduktor habang nagyoyosi sya sa may barbequehan kung okei lang na buong limandaan yung ibabayad ko.. hindi na sya nagisip.. umoo agad’ pagpasok ko sa bus labin lima pa lang yata kaming tao.. tagal ko naghintay nagpuno pa.. sa sumunod na stop over’ tayuan na.. sobrang apaw na yung bus’
mainit yung ulo nung kunduktor kse nahihirapan syang maningil.. siksikan kse’ pagdating nya sakin.. nung pagkaabot ko ng bayad’

kun-dr: wala ka bang barya?
JON: wala eh’ sensya na..
kun-dr: sa susunod bago ka  umalis sa inyo magpa barya ka na.. abala yan eh’
(sabay talikod)
JON: (naginit pakiramdam ko) hinila ko yung manggas nya para humarap sakin..
di ba sinabi ko sayo kanina bago ako sumakay na buo ang pera ko?!
kun-dr: (parang natakot) sa malumanay na salita..
oo nga eh hindi naman natin alam na walang pamalit eh.. dami kse sumabay na puro buo ang pera, buti pa to si sir (sabay turo sakin) nagsabi agad kanina’

may idad na yung kunduktor.. nakakaawa na patulan’ napangiti na lang tuloy ako’
inisip ko na lang.. sana kinain na lang sya ng pusa nung baby pa sya’ kung nagunaw ang mundo sa mga oras na yun sigurado yung psp ko na lang ang maiiwan sa kinauupuan ko..

Comments
1 Comment »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

txtm8t

July 1, 2007 | 4:11 pm

magkasunod na araw
di na kailangan ng maangas na intro dito..

0921639943: ..h!..
JON: sinu - ka?
0921639943: sAy’p'mAn..
JON: okei how about P-uck OFF , MORAN! ..bye’
0921639943: ,,,sh!t,,bye

…….. what a dork!

09282459476: Dear eat u dami ah
JON: sinu-ka?
.. no reply’
.. tinawagan ko pinatayan ako ng fone’
ano ba nangyayari sa mundo’ bakit pinapayagang gumamit ng celfone tong mga moronic na to.. dapat ang pagkuha ng celfone may lisensya din’ dapat bago ka bigyan ng sim card dadaan ka muna sa psychological test’ at dapat tanggalin ng smart yang pukenang unlimited nila.. wala kang load? wag ka mag celfone.. gusto mo magpasikat na may bumubukol sa bulsa mo? pwes talian mo ng mabigat na bakal sa dulo yang turat mo para humaba tapos paabutin mo sa bulsa mo, hindot!
wala kang katext, wala kang magawa? pwes kumuha ka ng isang dakot na lotion, hiramin mo yang celfone ng tatay mo.. dalawang celfone na hawak mo, gamitin mo padulas yung lotion tapos ipasok mo sa puwit mo yang telepono mo hanggang sa pinaka dulo, tapos tawagan mo ng tawagan habang nagba vibrate.. hanggang mapatid yang mga litid mo sa leeg sa sobrang kiliti.. dingbat!

Comments
9 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

Next Entries »

Babala

explicit

Patuka sa utak

madalas naiisip kong mahihirap na tao lang ang visitors ng blog ko, wala silang mga computer sa bahay kaya mahina ang hits ko pag weekends. — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox