kumukutikutitap
September 29, 2007 | 4:49 pm
nung thursday, sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko.. at pag nagising ako ng 11:30am na, nabubuwisit nako sa mundo, dahil 30 minutes na lang nun kailangan ko ng magkumahog para pumasok sa trabaho.. wala ng oras para mag net o kahit na saan pang bagay.
habang kumakain ako, nasa kwento mode ang nanay ko (dalawa lang kami sa bahay nung mga oras na yun) nanakawan daw sila ganto, di pa raw nagbabayad ng utang si ganyan, nakita nya raw si ganire, ako ang taong ayokong kinakausap pag kumakain ako, lalo na yung usap na kinakailangan ko pa sumagot o magisip.. buwisit ako sa ganun’ bukod pa dun masakit nga ang ulo ko at naghahabol ako ng oras, kaya sinabi ko kay ginang cabron “tigilan mo na ko.. ang sakit ng ulo ko” .. di ko alam na ang epekto pala nun e para akong nagtulak ng isang pitcha ng domino na sa kaduluduluhan e button ng nuclear bomb ang babagsakan.. biglang nagbago ang anyo ni ginang cabron.. at naglitanya na naman.. “tarantado kang bastos ka, hindi mo ko pinapakain para bastusin mo ko ng ganyan” “miryenda pa lang napapakain mo sakin ganyan ka na kabastos”
“blah blah.. pakyu ka jon” .. narindi ako, di ako kumikibo at tinapos ko na ng wala sa oras yung pagkain ko.. habang nakatalikod ako at umiinom ng tubig, narinig ko na pumiyok yung boses nya, sabay sunod sunod na singhot.. sa isip ko “potah seryosohan na to” .. salita pa rin sya ng salita.. pasok ako kwarto kuha ng boxer at tuwalya, diretso sa banyo, naririnig ko pa rin boses nya’ naguilty na man ako.. nilakasan ko na lang yung shower para di ko sya marinig, pagkatapos kong gawin lahat ng pwede kong gawin.. potaragis! andun pa rin.. parang lalo pa lumakas yung boses at lalong bumilis yung mga singhot.. tangena’ ayokong lumabas ng ganun.. baka makapag drama ako ng wala sa oras’ tinignan ko yung oras.. di pa ko male late masyado’ pwede pa ng konting delaying tactics.. kinuha ko yung sepilyo ko at tutpeyst.. nagsepilyo ako ng mahigit 15 minutes, tigil.. mumog’ taragis na yan di pa rin tapos ang monologue.. lagay ulit ng tutpeyst.. kulang 15 minutes, mukhang wala na.. nakiramdam ako, nilapit ko yung tenga ko sa pinto.. tangena may mga singhot pa rin’ parang hinihintay talaga ko lumabas.. taragis na yan ang anghang na ng bunganga ko’
.. sepilyo ulit ng mabilis sabay mumog ng mouthwash ng 3 minutes, ..nakiramdam’
ye’y mukhang naubusan na ng baterya’ .. lumabas ako sabay takbo sa kwarto ko, nadaanan ko yung kwarto nya’ nakasara malamang dun na sya naghihimutok’ .. narinig ko yung tv sa loob, taragis nanonood na ng eat bulaga’
.. umalis ako ng bahay ng di na sya nakita,
nagi guilty ako pero ang puti ng ngipin ko tsaka ambango ng hininga ko, kahit nung gabi na pauwi na ko.. pag dinilaan ko yung pulso ko tapos inamoy ko yung laway
maanghang pa rin yung amoy!
.. paguwi ko dumaan akong palengke, inuwian ko sya ng isang kilong lansones’
.. kinabukasan pinagluto nya ko ng sinigang na baboy.









