teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

kumukutikutitap

September 29, 2007 | 4:49 pm

nung thursday, sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko.. at pag nagising ako ng 11:30am na, nabubuwisit nako sa mundo, dahil 30 minutes na lang nun kailangan ko ng magkumahog para pumasok sa trabaho.. wala ng oras para mag net o kahit na saan pang bagay.
habang kumakain ako, nasa kwento mode ang nanay ko (dalawa lang kami sa bahay nung mga oras na yun) nanakawan daw sila ganto, di pa raw nagbabayad ng utang si ganyan, nakita nya raw si ganire, ako ang taong ayokong kinakausap pag kumakain ako, lalo na yung usap na kinakailangan ko pa sumagot o magisip.. buwisit ako sa ganun’ bukod pa dun masakit nga ang ulo ko at naghahabol ako ng oras, kaya sinabi ko kay ginang cabron “tigilan mo na ko.. ang sakit ng ulo ko” .. di ko alam na ang epekto pala nun e para akong nagtulak ng isang pitcha ng domino na sa kaduluduluhan e button ng nuclear bomb ang babagsakan.. biglang nagbago ang anyo ni ginang cabron.. at naglitanya na naman.. “tarantado kang bastos ka, hindi mo ko pinapakain para bastusin mo ko ng ganyan” “miryenda pa lang napapakain mo sakin ganyan ka na kabastos”
“blah blah.. pakyu ka jon” ..
narindi ako, di ako kumikibo at tinapos ko na ng wala sa oras yung pagkain ko.. habang nakatalikod ako at umiinom ng tubig, narinig ko na pumiyok yung boses nya, sabay sunod sunod na singhot.. sa isip ko “potah seryosohan na to” .. salita pa rin sya ng salita.. pasok ako kwarto kuha ng boxer at tuwalya, diretso sa banyo, naririnig ko pa rin boses nya’ naguilty na man ako.. nilakasan ko na lang yung shower para di ko sya marinig, pagkatapos kong gawin lahat ng pwede kong gawin.. potaragis! andun pa rin.. parang lalo pa lumakas yung boses at lalong bumilis yung mga singhot.. tangena’ ayokong lumabas ng ganun.. baka makapag drama ako ng wala sa oras’ tinignan ko yung oras.. di pa ko male late masyado’ pwede pa ng konting delaying tactics.. kinuha ko yung sepilyo ko at tutpeyst.. nagsepilyo ako ng mahigit 15 minutes, tigil.. mumog’ taragis na yan di pa rin tapos ang monologue.. lagay ulit ng tutpeyst.. kulang 15 minutes, mukhang wala na.. nakiramdam ako, nilapit ko yung tenga ko sa pinto.. tangena may mga singhot pa rin’ parang hinihintay talaga ko lumabas.. taragis na yan ang anghang na ng bunganga ko’
.. sepilyo ulit ng mabilis sabay mumog ng mouthwash ng 3 minutes, ..nakiramdam’
ye’y mukhang naubusan na ng baterya’ .. lumabas ako sabay takbo sa kwarto ko, nadaanan ko yung kwarto nya’ nakasara malamang dun na sya naghihimutok’ .. narinig ko yung tv sa loob, taragis nanonood na ng eat bulaga’
.. umalis ako ng bahay ng di na sya nakita,
nagi guilty ako pero ang puti ng ngipin ko tsaka ambango ng hininga ko, kahit nung gabi na pauwi na ko.. pag dinilaan ko yung pulso ko tapos inamoy ko yung laway
maanghang pa rin yung amoy!
.. paguwi ko dumaan akong palengke, inuwian ko sya ng isang kilong lansones’
.. kinabukasan pinagluto nya ko ng sinigang na baboy.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« tigyawat v2 xda mini »

RSS feed | Trackback URI

17 Comments »

Comment by MARU
2007-09-29 17:18:05

idol, salamat sa lafftrip na entry. :D kaya kita idol kasi kahit sutil at maldito ka, andun pa rin yung lambot ng puso mo at lambing. pers taym yata to na happy ending a.

Reply to this comment
 
Comment by MARU
2007-09-29 17:20:27

COUNTDOWN: 21,395 days left before christmas <— napansin ko blog stat mo. hehehe! panalo! di na yata dadating christmas sa u. hmmmnn…natalo dito yung “my age” blog stat ko a.

Reply to this comment
 
Comment by kengkay
2007-09-29 22:04:56

hay, pengeng lanzones, miss ko na yan :D

Reply to this comment
 
Comment by chuvaness
2007-09-30 03:35:44

harharhar :D
tsong di ako alam kung maaasar ako sayo o matutuwa…pero ang galing..na-imagine ko lahat..hahahah

regards sa nanay mo ha

Reply to this comment
 
Comment by katherine
2007-09-30 04:40:08

hahaha ang kulit….patingin tit…este teeth…nyahaha

Reply to this comment
 
Comment by iRonnie
2007-09-30 15:53:53

sweet… ng lansones. ^_-
iba ka mang cabron!

Reply to this comment
 
Comment by Maldito
2007-10-01 09:56:16

hahaha…..mga nanay talaga….buti nalang at indi ka hinampas ng kaldero sa ulo..

Reply to this comment
 
Comment by drew
2007-10-01 10:35:15

bat parang bigla kong namiss nanay ko?

Reply to this comment
 
Comment by jaja
2007-10-01 14:10:56

huyhuy :D

Reply to this comment
 
Comment by selvo
2007-10-01 21:23:25

pasalamat kang damuho ka di nagsasanib ng pwersa si ginang at mrs cabron baka mapudpodang ngipin mo kakasepilyo hehehe at magkaka-almorana ka sa anghang…may araw ka rin cabron… at sa araw na yun mag-uuwi ka ng isang kaing na lanzones

Reply to this comment
 
Comment by antuken
2007-10-01 21:32:58

hay naco, i could totally relate. malimit din kse kami magkasagutan ng nanay ko. ang mabuti pa nga sa yo, after ng litanya ni nanay cabron, kyowet ka na lang. ako suwail. sumasagot pa. kaya napapaiyak ko rin minsan ang nanay ko. sinabi nya nga sa mapapangasawa ko na dun na daw kami tumira sa bahay namin after the wedding (ang plano kse eh dun kami titira sa bahay ng fafa ko. kasama parents nya). kse baka sagutin ko rin daw ang biyenan ko tulad ng pagsagot ko sa kanya eh baka isipin ng mga in-laws na di ako napalaki ng mabuti. hehe. pero ang sweet ng ending. eh nag-sorry ka ba naman? hehe

Reply to this comment
 
Comment by Banana
2007-10-02 03:12:40

aw! kung ikaw mister ko ipapanalangin ko na lagi kang aawayin ni nanay ko para lagi din kitang roromansahin lols

Reply to this comment
 
Comment by vennisjean
2007-10-03 17:28:02

Hahay mga nanay talaga…ganyan din nanay ko pero di ko kaya suhulan ng lanzones yun…kelangan pag veidokehin ko cya hanggang magsawa sya bago nya ako patawarin…..(sana pwede lanzones sa nanay ko mas mura dito yun eh!!)

Reply to this comment
 
Comment by camille
2007-10-03 20:28:21

ang sweet nman…

Reply to this comment
 
Comment by gingmaganda
2007-10-04 06:03:07

hahaha, ang sungit mo kase, yan tuloy umiyak!

dapat binigyan mo na lang ng piso para makabili ng ibang kausap. ang totoo niyan e namimiss ka lang naman ng nanay mo. hehehe

Reply to this comment
 
Comment by Jovi
2007-10-04 12:15:43

ang kyut nung kabayo. pang model talaga…

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

  • Bloggies I Like No.1: Jon Cabron « GIRL, INTERRUPTED

Babala

explicit

Patuka sa utak

mabilis akong tumanggap ng mga bagay na wala ng kalutasan — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox