teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

itz mai waifs bertdeis!

October 31, 2007 | 3:52 am

wifeysa babaeng ininuman ko ng eskinol nung iniwan ako, sa nanay ng anak ko at magiging mga anak ko pa, sa lola ng mga magiging apo ko, sa babaeng hindi nakakasawang titigan sa higaan kahit nakanganga matulog, sa babaeng maingay ang bunganga, sa babaeng masarap suntukin sa bibig pag nagaaway kami, masakit magsalita, matangos ang ilong, mukhang suplada, maporma, masarap yakapin, hindi nakakasawa halikan, mahilig mangurot at manampal, sinipa ako dati sa leeg habang nagaaway kami ng nakahiga.. hindi ako nakahinga, sumuka ako sa kama, napraning nung nanganak, may makulay na buhay pamilya, mapagmahal sa magulang at mga kapatid, marespeto sa matatanda, maawain, galante, maganda ang buhok, singkit, maliit na babae, seksi, masarap maging kaibigan, babaeng may paninindigan at semi engot sa computer, adik sa ebay, masarap magluto, online casino dealer, partner in crime, kaibigan, laging nakakontra, mabagal magkuwento, loyalistang tagahanga, ang aking ingat yaman, asawa ko, ang babaeng mahal na mahal ko.. hapi bertdei!

para sayo ang mga salitang ito,
ang bato man na sobrang tibay, natitibag din
bakal man na sobrang tatag, kinakalawang din
si jordan man, sumasablay din, natatapal din..
patawarin mo ko sa mga naging kasalanan ko at magiging kasalanan ko pa’
lagi mong iisipin na makuha man nila ang buong karikitan ng katawan ko.. sayo lang ang puso ko… wraaaaar!

pumunta ko sa watson para bumili ng condom, kakahiya naman babae pa yung cashier,
inilapag ko yung condom.. patay malisya binulong ko “panregalo lang”napangiti yung cashier..

cashier: panregalo.. hmm sir igigiftwrap naba natin?
JON: ha?
cashier: sir ibabalot na ba natin?
JON: wag na, actually yan na nga yung pambalot ko sa regalo ko e’

.. korni di ba? ang gusto ko lang naman talaga batiin yung asawa ko e, tsaka magkaron ng mga bisita sa blog ko na may respeto sakin, alam ko di ko na dapat binitawan pa yung joke na yun, sorry na’ tsaka mahal ko kayo!

* kahapon pa ito dapat naipost, dahil 30 ang bertdei ni mrs. cabron,
alam nyo na busy and everything’

Categories
Lakbaydiwa
Tags
tag? hindi ko kailangan yan dahil sikat ako!
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol libel, puk*, at inuman »

RSS feed | Trackback URI

25 Comments »

Comment by pao
2007-10-31 04:30:24

hahaha. pambalot pala ng regalo ha! hehehe.

Reply to this comment
 
Comment by pao
2007-10-31 04:31:30

um, nakalimutan ko itanong. sinipa ka talaga niya sa leeg? lolz.

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2007-10-31 05:13:10

hmm.. oo’ bakit normal lang naman na nangyayari yun na may diskusyon ang mag asawa, hindi kayo nagkaintindihan, nasa mood manipa si misis, naunahan ka.. nagparaya ka’ .. ibig sabihin ba nun mahinang klase ng lalaki na ko dahil tinamaan ako sa leeg at napasuka ako sa kama at nagsumbong ako sa nanay ko? .. hindi ko alam kung makakatulong to, pero siga ako sa school namin nung highskool, tnxbye’

Reply to this comment
 
Comment by joanjoyce
2007-10-31 08:56:08

hapi bertdei kay mrs cabron :D
=
tnx’

Reply to this comment
 
Comment by brath
2007-10-31 09:48:23

hapi bartday to mrs cabron!

ang sweet mo namang asawa jon nyahahahaha

xiao!

==
hindi sa binibigyan kita ng idea o ano pa man pero mas malambing daw ang lalaking may asawa sa ilegal na relasyon.

Reply to this comment
 
Comment by Misyel
2007-10-31 10:02:12

hahaha, kakatuwa naman ung gip mo! anyway, hapi bertdey ke misis! Sweet naman ni mister :)
==
tnx’

Reply to this comment
 
Comment by Jovi
2007-10-31 12:19:25

Eskinol?

==
eskinol! oo jovi, masama bang uminom ng eskinol pag pakiramdam mo e wala ng nagmamahal sayo?

Reply to this comment
 
Comment by sawn
2007-10-31 15:42:59

i greet mo na lang ako bro… (alam ko na ang isasagot nun, “ha? sino? taga sang planeta yun?”) malamang ilang araw kang di maka blog nyan. mapagod ka sa gyera.

==
alam nya naman dami ako kaibigan dito sa blog bro’ doh di nya alam address ng blog ko, ituring mo kong makina sa bagay na yun sawn’

Reply to this comment
 
Comment by A Z R A E L
2007-10-31 17:02:20

happy bday mrs cabron! mabuhay ang mga misis na mapagbigay at mahaba ang pasensya sa mga asawang babaero!

==
tnx! ahhhm hindi misis mo ang pinaguusapan dito, pare ko’ lols

Reply to this comment
 
Comment by purpleheadd
2007-10-31 17:16:02

makiki habeerday na din!

sana may mag regalo din sa kin ng ganyan. wahaha!

==
may natira pa na man e.. di nya naubos’ ..lols

Reply to this comment
 
Comment by TRISH
2007-10-31 17:49:15

maligayang kaarawan kay mrs. cabron! :)
“babaeng mabagal magkwento” - sobra ako natawa sa description na yan, yan din complaint sa kin ng mga kaibigan ko haha

==
salamat’ bagal talaga magkwento nun, dami paligoy ligoy..

Reply to this comment
 
Comment by icsx
2007-10-31 18:12:46

naks naman mang jon! napaka-matulain naman ng message mo kay mrs. cabron at very sweet… palagay ko naman mapapatawawad ka nya sa mga “kasalanang ginawa at gagawin pa lang”. haha! lolz.

to mrs. cabron, prettyful (=^.^=) kahit naka-gaussian blur ang photo niyo.

icsx

==
bwahah’ sana nga.. oo naman maganda yan, madami nga nagsasabi na bagay kami e

Reply to this comment
 
Comment by busognabaka
2007-10-31 20:06:50

gusto din kita sipain sa leeg! hahaha! loko lang.

ipagpatuloy mo yan jon, bihira na ang mabuting asawa sa mundong ito!

haberdei missus cabron!

==
salamat.. salamat!

Reply to this comment
 
Comment by antuken
2007-10-31 21:00:17

happy birthday kay mrs. cabron.

mabasa lang nya yung comment mo sa post ni sexy maru (types ng manliligaw eklat), mapapatawad ka na nya sa mga kasalanan mo. hehehe.

==
tenks’

Reply to this comment
 
Comment by kengkay
2007-10-31 21:04:33

maligayang karaawan mrs cabron, make sure maganda ang gip mo dyon, para di ka masipa na naman, hehe..

==
maganda.. magandang maganda’

Reply to this comment
 
Comment by defpotec
2007-11-01 00:31:04

ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ka naghuhurumentado at umaangal sa tuyot mong sexlife…

next time ayaw ka pagbigyan, isumbong mo sya kay gng. cabron.

==
bwahah! parang mahirap simulan yang ganyang sumbong..

Reply to this comment
 
Comment by Chuckster
2007-11-01 00:38:13

Happy Bday Mrs. Cabron!
Jon, siguro ang kinis ng kutis ng lalamunan mo ano? Yun siguro naging effect ng eskinol sa esophagus! LOL! :P
==
actually, paguminom ka ng eskinol manunuyo ang lalamunan mo tapos pakiramdam mo blanko na puno ng hangin yung dibdib mo, try mo kaya di naman sya nakakamatay, ayaw mo? kk.. lols

Reply to this comment
 
Comment by manilenya
2007-11-01 02:40:09

happy bertday kay Mrs. Cabron, teka matanong ko nga …sya ba yung binigyan mo ng bukas na liham sa isa sa mga pinakalumang entry mo dito? kung natatandaan mo yun lol!

==
bwahah astig sa memorya si ms manilenya, sya nga!

Reply to this comment
 
Comment by katherine
2007-11-01 02:44:34

hapi bday mrs. cabron

kiss mo akosa kanya jon…sa bday ko regaluhan mo din ako ng ganun ahhh…siguro karinyo brutal si misis…

==
sige! tapos ikikiss ko rin sya sayo.. wraaar!

Reply to this comment
 
Comment by manilenya
2007-11-01 06:37:26

hehehe! syempre :)

Reply to this comment
 
Comment by S3lv0
2007-11-01 07:42:29

uy hapi bertdey mrs cabron (belated na nga lang) many many more birthdays to come sa piling ng nag-iisang jon cabron.

==
salamat bro!

Reply to this comment
 
Comment by MARU
2007-11-01 10:36:01

pag uminom ba ng eskinol kelangan din lumunok ng bulak (cotton)?

di na ako babati kay mrs. cabron kasi di naman nya to mababasa. takot lang ni mr. cabron na mabasa ‘tong blog nya na ‘to.

==
pag natuluyan ka, sa ilong gagamitin yung bulak’
shhhhh..

Reply to this comment
 
Comment by chuvaness
2007-11-04 07:03:33

wow…at ang buong akala ko hinde mo mahal si MISIS CABRON!!

hahahahhaha…. :)
Isa sa pinaka SHWEET na nabasa ko. karinyo brutal. lol. Teka, may kamukha si MISIS, janice de belen? Happy birthday!

==
mahal ko yun.. parang hindi lang talaga’
layo kay janice e, ang alam ko si maru ang kahawig nun.. hmmm’

Reply to this comment
 
Comment by earthlotus
2007-11-05 13:36:15

belated happy bday mrs cabron!

hanep sa pagdedescribe, amgaling! medyo sadista si mrs ata? wahehe. ^_^

ayos sa pambalot! unique. haha. ^_^

Reply to this comment
 
Comment by gasti
2007-11-06 11:18:50

ibang klaseng pambalot ng regalo yan ah..anong flavor? goodluck naman sa mga chics…konting ingat lang buti hindi ka napuruhan sa leeg nung sinipa ka…wag mo na rin inumin ang eskinol..try mo naman ang family rubbing alcohol..hindi lang pampamilya pang isports pa

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

papano mo malalaman kung mabuting ina ang nanay mo?
.. pag laging may yelo sa ref, pag gusto mong maglasing.
— Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox