teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol

October 29, 2007 | 10:43 am

dahil pansamantalang tumigil ang mundo ko dahil sa nangyari sa isang kaibigan at ngayon ko lang ulit naisipan magblog ng tungkol sa byahe ng buhay ni jon cabron, nanibago ako.. nakakailang draft na ko ng entry pero di ko matapos tapos.. at dahil dun imbis na magkuwento’ bubuwelo muna ko ng mga listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol,
at dahil alam kong kapansin pansin na sa intro pa lang e bukayo na ang pasok ko at hindi katakatakang major bukayo ang entry na’to mula simula hanggang wakas, hahayaan kitang gamitin ang karapatan mo para iclose ang blog ko at bumalik na lang pag may entry na ulit ako na kapaki pakinabang at tulad ng dating entries na makakatulong sa pagpapalaganap ng kristyanismo sa mundo.. at tsaka wala akong pakialam sayo at wala pa kong tulog, pakyu!

bakit malaki ang chance na maging parang iguana akong hindi gumagalaw at nagsasalita pag nakipag eyebol ako?

1. dahil kinakabahan ako tuwing lumabalabas ako ng bahay ng malayuan at sa kinakapwestuhan ko e wala akong makikitang banyo na sa tantya ko ay:

a. kaya kong takbuhin ng madahan sa loob ng tatlong minuto
b. hindi pasukin ng tao
c. may tubig
d. may tissue paper
e. walang residue ng huling gumamit
f. hindi mainit sa loob

2. dahil hindi ako pwede sa mga tipikal na topic ng mga lalaki na maganda sanang daan para magkahulihan ng loob, hindi kse ako pwede sa topic na:

a. basketball - masyado akong suplado nung bata ako, ayokong napapawisan at nadidikitan ng kalaro kong pinapawisan kaya hindi ako natuto magbasketbol
(ang totoo may luslos kse ako nung bata ako, walang nakakatawa sa sakit ko, ok’)
b. chicks - sa maniwala kayo at sa hindi pag iyan na ang usapan, talo na ko sa kwentuhan’ mahilig lang ako makipaglandian pero takot ako sa ganyan at mas madalas na nae el pako pag hinahaplos ko yung keyboard ko kesa lumabas kasama ng iba’t ibang babae..
(alam ko marami akong babaeng readers na nasaktan at nadisappoint sa sinabi ko, sorry na! lols)
c. kotse - hindi ako marunong magdrive at wala kaming sasakyan!
(pero namigay ng pickup ang tatay ko sa ibang tao nung last na uwi nya.. anong klase yun!)
d. hangouts - kelan lang ako nag enjoy mag barhopping, dati masaya na ko sa padis point, umubos ng barrel barrel na draft beer, magyosi na parang tsimeniya at umuwi pag lasing na, kelan ko lang nadiskubre na enjoy din pala makipag kuwentuhan sa kainuman mo o iappreciate ang mga tipsy na babaeng nakatakdang magsisi kinabukasan pagkagising kinaumagahan na nakaunan sa mataba at wala kong muscle na braso..
e. music - hindi ako marunong tumugtog ng kahit na anong instrumento, maliban sa bumbuga at pagsipol, at isa pa’ maiskwatiran ka na sakin kung maiiskwatiran ka pero nageenjoy ako sa mga gangsta rap, ghettodoggz deathtreath mah men!
(kaibigan ko pa rin naman kayo di ba?)

3.hindi ako pala salita sa harap ng mga bagong mukha dahil

a. nana nonsensan ako sa sarili ko’
b. mas gusto ko tumahimik muna, makiramdam at manantya’
c. bulol ako at lalong nabubulol pag naaalala ko na bulol ako bago ako magsalita
d. pakiramdam ko laging tatalsik ang laway ko pag nagsalita ako sa harap ng mga bagong kakilala
e. madalas na nakakalimutan ko yung sinasabi ko sa kalagitnaan ng kwento kaya madalas din na nagmumukha akong sira ulo’

.. maiintindihan ko ang wordpress barkada kung magkakaron ng eb at sa pm na lang sila magpaplano, mahal ko kayo at inaantok na ko!

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« back itz mai waifs bertdeis! »

RSS feed | Trackback URI

7 Comments »

Comment by alphasensei
2007-10-29 13:48:19

nakaka-relate ako sa reason #1.
:D
oh, and reason 2.c.

mwehehe.

Reply to this comment
 
Comment by alindog
2007-10-29 14:37:45

basta jon like ko pa rin makita ka…no matter wat.

Reply to this comment
 
Comment by antuken
2007-10-29 22:00:36

okei lang yan. i-daan mo na lang sa pag-inom ng beer at pag-yosi. let the others do the talking. hehehe. listen listen lang muna ang drama mo. hahaha.

Reply to this comment
 
Comment by kengkay
2007-10-29 23:01:45

nagbigay ng babala ang mama! kung ayaw mong maki-pag EB, sige, one on one na lang tayo :D

Reply to this comment
 
Comment by Kurdapya
2007-10-30 01:10:09

bespren, ang swerte ko pla!!!! AT NA EYEBOL NA KITA ng ilng beses!.. at bukod pa dun.. meron pang stork at beso..bwahahaha!..hmmm.. mis na nga kita eh! hehe..

Reply to this comment
 
Comment by gasti
2007-10-30 09:07:12

haha! ibang klaseng list ito ah..next time yung plus pogi points qualities mo naman pre

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

  • Siete Chuva Chenes | M A R U I S M

Babala

explicit

Patuka sa utak

hindi na ako ang kulisap na sasadyain pang lumapit sa apoy ng gasera hanggang sa masunugan ng pakpak para lang patunayan ko sa sarili ko kung gaano iyon kainit. — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox