tnxgudbyes!
October 16, 2007 | 1:47 am
sinubukan kong manahimik, lumayo, magisip isip’
ano ang naging pagkukulang ko at san ako umabuso? naaalala ko pa ng gabing yun.. nag pm sakin si az, nagtatanong kung pwede nya raw ako ilabas sa entry nya‘ bilang isang kaibigan syempre sumagot agad ako ng oo, sa pagasang gaya ng mga nauuso sa blog world ngayon e bibigyan nya lang ako ng award, o gaya ni jovi at ni ms. ging mapi feature lang yung blog ko sa blog nila.. iniisip ko na lang na siguro nagkamali lang ako ng intindi nung gabing yun, nung sinabi nya na ilalabas ako sa entry nya, ang ibig nyang sabihin dun e “jon, pwede ko bang babuyin ang pagkatao mo at sirain ang kinabukasan mo sa pagba blog at pwede ko bang gawin sayo na matapos mong mabasa ang entry ko, hindi ka na makakatingin ng diretso sa mga tao at ikakahiya mo ang buo mong pagkatao?” siguro kung nakuha ko lang agad ang ibig nyang sabihin, magdadalawang isip ako na pumayag agad sa kanya.. wala sa hinagap ko na ang entry na niluluto nyang yun ay magdudulot sakin ng ilang gabing pagkabalisa at pagkapuyat,
ng adiksyon sa kape, alak at sigarilyo..
gusto kitang saktan mr. azrael kahit gano ako katagal maghintay sa paguwi mo, pero hindi ko kayang gawin yun.. siguro nga instrumento ang entry mo para ilabas ko na kung sino talaga si JON CABRON, siguro nga eto na ang panahon.. ang lahat ng nakasulat sa blog na to, lalo na yung mga pagsakay sakay ko sa bus at mga katapangan ay puro kasinungalingan lang, ang totoo nyan, hindi pa ko nakakasakay sa bus sa buong buhay ko, oo AZ dahil buong buhay ko sa loob ng mahigit apatnapung taon nakatali ako dito sa upuan kong de gulong, tama rin ang nabasa nyo, hindi totoong bente siyete anyos lang ako, apatnaput anim na ko at isa akong lumpo’ pinanganak na ko na ganito, at ang tanging nagpapasaya lang sakin ay ang pagba blog ko.. at ang mabasang maraming rumerespeto sakin bilang isang blogger.. at nakakalungkot na tapos na ang mga sandaling iyon.. imbento ko lang si mrs cabron, ang totoo nyan wala pa kong nagiging girlfriend sa idad kong ito, hindi naman nakakapag taka dahil sino ba naman ang maiinlove sa kalagayan kong to, wala din akong mga daliri mr. azrael, ang lola ko na lagi kong kasama ang nagtatype ng mga sinasabi ko para maging entries dito sa blog ko.. matanda na sya at inaabot kami ng buong maghapon para lang makatapos ng isang entry. malimit din syang umihi sa salawal nya, pero ibang usapan na yun.. walang silbi ang mga braso ko kundi pantimbang lang sa payat kong pangangatawan.. hindi ko sila naigagalaw tulad ng sa mga normal na tao na nakikita ko sa telibisyon, mr. azrael isa akong nakakaawang nilalang, at ang ginawa mong entry ang lalong naglugmok sa akin sa mundo ng kalungkutan at depresyon.. sana’y napasaya ko kayo sa halos isang taon na pagba blog ko dito sa wordpress, at sana’y napangiti kayo sa entry ni azrael.. ako, dito lang ako magisa sa kwarto ko.. tulad ng dati, pinapakinggan ang maya’t mayang pag ubo ng lola ko, habang nakasilip ako sa siwang ng bintana namin at pinapanood ang mga miminsang nagdadaan na mga normal na taong katulad nyo..
sa huli nasa iyo pa rin ang respeto ko mr. azrael dahil kahit papano napasaya nyo ko at naranasan ko rin kahit na saglit lang ang ituring akong isang normal na tao,
salamat sa lahat,
naisipan ko rin ipost ang picture ko para sa iyo mr. AZ, dahil nilugmok mo man ako sa walang hanggang kalungkutan, pinalaya mo naman ako sa mundo ng kasinungalingan at pagpapanggap…
click here for my pict
.. sir, magiging mas maginhawa po ang pamumuhay kung wala pong nagsasakitan at lahat ay nagmamahalan.
tnxbyes!
ilan ang kulay sa buong mundo? humigit kumulang isang linggo na siguro na pakiramdam ko parang may nagbago sa sepilyo ko sa bahay, parang nagbago yung hagod sa bagang ko’ pero naisip ko baka naninibago lang ako kse dalawa yung sepilyo na ginagamit ko, isa sa banyo namin at isang nasa bag ko, gamit ko sa trabaho’
magsheshare daw ng kayamanan si bill gates, basta iemail lang tong message na to at kokontakin ka raw ng microsoft para sa details kung san ipapadala yung pera… lo lo lols!
‘doh nasa IT department kami, old school ang reports namin dito sa office, sinusulat namin sa logbook.. medyo mahaba, kabilaan at dalawang beses mo gagawin kada apat na oras, at malamang sa hindi pag mag gagawa ka na ng report dun ka maghahagilap ng bolpen, dahil laging nagkakawalaan ng bolpen dito.. pag hindi mo kailangan, ang daming nagkalat dito, yung supply ng kumpanya, kulay puti at may tatak kaya madali mo makikilala, meron din galing sa labas, tipong may nagkusa at bumili ng marami.. at meron din na pang personal na naiwan lang at naging property na ng opisina, ewan ko kung napuna na nila yun, pero ako gusto kong mag paka CSI, gusto kong magimbestiga dahil hindi ako naniniwala na simpleng pang personal lang na pangungupit ng bolpen ang nangyayari dito sa office, hidni simpleng namisplace lang ang lahat, masama ang kutob ko… merong isa o dalawang empleyado dito na adik sa pagsinghot ng tinta ng bolpen!!!
okei, pagbigyan nyo na ko’ isipin nyo na ang post ko na to e nung year 2005 pa, oo alam ko tumutulo ang laway nyo dahil sa bago kong gadget’ XDA mini pare’ isa sa pinakamaliit na





