teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

kailangan ko ng BJ

November 28, 2007 | 9:15 pm

MAY TAMA KA!

pwede namang kurikong sa kamay na lang o matinding balakubak, o hadhad sa singit, lourd naman bakit naman dun pa!? at sus! pano na ang inuman sessions ko nyan!! at isa pa binigyan mo lang lalo si mrs. cabron ng dahilan para tanggihan ako! grrrrrrr!
.. kailangan kong uminom ng dalawang litrong tubig sa isang araw at kailangan kong lumunok ng 189 pesos na isang pirasong gamot isang beses kada araw sa loob ng isang linggo, naisip ko lang na kung andito pa yung baklang naggugupit sakin dati hindi ko na kailangan ng litro litrong tubig at mamahaling gamot… BJ nya lang okei na’ isang katok ko lang sa glass window ng parlor nya kahit natutulog yun bibigyan ako ng BJ nun.. haaays’
bigla ko tuloy naalala nung huli kaming magkausap, paalis na sila nun, pinaalis kse ng MMDA yung parlor nya dito sa may amin, sagabal daw sa kalsada’ malungkot kami pareho.. may luha sa mga gilid ng mga mata nya, ako tapang tapangan parang wala lang pero hindi ko maitago ang mga lungkot sa mata ko, hindi ko mapigilan ang mga nginig sa boses ko na pinipilit kong takpan ng sunod sunod na buntung hininga,

CARMINA: o pano jon, aalis na ang vaklah
JON: tsk, pano yan sino na ang maggugupit sakin ngayon
CARMINA: gupit ba talaga jon o ang bj?
JON: … iba kse talaga ang bj mo, marami na rin akong natikman pero kakaiba ang iyo’
CARMINA: corrected by! iba talaga ang bj ko dahil may mga ibang eklavu yan

.. naputol na ang usapan namin dahil dumating na ang demolition team at nakipag batuhan pa sya ng pillbox sa mga iyon, ilang taon din ang lumipas ng nakita ko ulit sya, nasa isang sulok sya ng palengke, medyo nagkaidad na pero andun pa rin ang malalanding pilantik ng mga kamay, pero hindi ako nakalapit dahil may kasama syang dalawang babae at isang binatilyo at alam kong BJ nya lang ang habol ng mga iyon.. ayokong makaistorbo at isa pa hindi ako sigurado kung kilala nya pa ako, hanggang sa sikuhin na ko ni mrs cabron para lumakad na pauwi, tinanong nya ko kung sino ang tinitignan ko at sinabi ko na lang na wala, para kseng may nakita akong isang dating kaibigan.. habang papalayo kinuhanan ko na lang ng litrato sa celfone ko ang isang dating kaibigan na walastik sa BJ..

mananatili sa puso ko ang larawang ito

Comments
27 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

kwarentang kawirduhan

November 26, 2007 | 7:01 pm

1. kalimitan sa mall, pag naglalakad ako at square square yung sementong nilalakaran ko, malaki ang posibilidad na para akong nagpi piko, laging sa loob lang ng square ako humahakbang.
2. pag nasa isang lugar ako na marami akong kasabay na naglalakad, otomatik na ginagawa kong joystick kunyari yung hinlalaki ko tapos kung san sya tumuro dun ako lumalakad, .. kailangan walang bunggo’
3. pag nanonood ako ng tv, tapos napag tripan kong mangulangot, siyento porsiyentong sa maliwanag na screen ng tv ko ibabato yung binilog ko.
4. pag nasa mataas akong lugar tapos tumingin ako sa baba, parang gusto kong tumalon’
5. pumipikit ako pag pinapatay ko yung ilaw pag gabi, para hindi manibago at hindi ako pansamantalang mabulag sa dilim’
6. hindi ako pumipikit ng matagal pag naliligo, nung bata kse ako natatakot ako na baka pag mulat ko, may nakabigti na sa harapan ko,
7. ginagamit kong mouthwash yung agua (yung bumubula sa sugat) subok na yun’ 24 hours no bad breath!
8. minsan pag nakikipag inuman ako, iniisip ko na gera kunyari yun tapos mga kalaban ko yung mga kainuman ko’
9. pag boring ang kainuman ko, text lang ako ng text.
10. kailangan kong uminom ng tubig at magyosi pag katapos ng anuhan
11. nung third year high school ako ang pangarap ko lang sa buhay maging tricycle driver
12. pag may gimik na kailangan ng long drive, umiinom ako ng dalawang imodium ng magkasabay, garantisado tatlong araw akong hindi mapapatae’
13. pag nakakakita ako ng pusa, lalo na pag nakasapatos ako, parang binubulungan ako ng pusa ng “halika jon, sipain mo ko”
14. nagmamakaawa ako sa diyos pag natatae ako sa delikadong lugar
15. pag hindi pa rin epektib, nagagalit ako at sinisisi ko sya dahil gusto nya kong ipahiya
16. pag may duda akong luka luka ang kasakay ko sa jip, sa sapin sa paa nya ko tumitingin
17. highschool na ko nung natuto akong dumighay, ewan ko kung bakit’
18. pakiramdam ko mahihimatay ako at bubula ang bibig ko, pag nagkamot ako ng singit at hindi ko inamoy’
19. yung kaliwang kilikili ko lang ang may anghit, pag nakalimutan ko maglagay ng deodorant.
20. naliligo ako pero hindi ako nagsesepilyo pag lasing ako
21. pag nakakapatay ako ng lamok, hindi pwedeng hindi ko durugin sa mga kamay ko yung bangkay nya, tapos aamuyin ko yung dugo’
22. nung teenager ako, wala ng tumatambay na butiki sa compound namin, naubos ko na lahat,
23. magaling akong manghuli ng butiki
24. bihira ako makasagad ng isang yosi, pag ako lang mag isa
25. hindi ako nawawalan ng yosi pag nagiinom, hindi ako nagiipit ng yosi sa ashtray’
26. malalaman mo pag lasing nako pag nagpatay ako ng yosi na kalahati pa lang ang nahihithit ko
27. mas nauuna ko mabusog sa alak kesa malasing
28. trip na trip ko magyosi sa harap ng salamin sa banyo, bago maligo
29. hindi ako nakakatulog ng nakatihaya
30. hindi ako nakakapag isip pag hindi ko kinukunot yung noo ko’
31. pag problema sa pc at hindi makuha sa simpleng kalikot ng utak lang, kailangan kong
tumayo muna.
32. lumayo ng konti sa pc, pero abot tanaw pa rin
33. punasan ang bibig ko ng kamay ko habang nakakunot ang noo ko
34. kukurut kurutin ang baba ko (chin tuleg!)
35. at aamuy amuyin ang kamay ko, para ganahan akong magisip’
36. ayoko ng inaapiran ako, naiilang ako
37. hindi mo ko mapapatayo sa isang lugar ng hindi ako kukuyakoy
38. ayokong nakikipag usap sa tatay ko sa telepono (long distance)
39. semi comatose ako pag may sipon ako
40. pag hawak ko yung nokia fone ko at walang magawa, nagtatype ako ng “san ka na” tapos buburahin ko din.

paunawa:

.. kung normal na tao ka dapat meron tayong atleast dalawang pagkakatulad sa mga kawirduhan na yan, kung hindi, sorry my friend.. malaki ang porsiyento na retarded ka,
pero imbento ko lang yang paunawa na yan kaya wag mo na lang pansinin..

bonus:
41. malikot ang utak ko, at mahilig akong maggagawa ng kung anu anong listahan na ganito pag wala akong maiblog.

..tnxbye’

Comments
24 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

entry na bawal sa bata

November 23, 2007 | 7:56 am

pen .. may topak yung external hard drive ko, may clicking sound sya pag inaaccess ko yung mga files, hindi ko naman sya ipinapasok sa ibang usb ports, demet’
.. patnubay ng magulang ay kailangan, tulad ng isang tipikal na usapang medikal, medyo graphic ang entry na ito, pero walang kabastusan dito, kaya please lang iwasan sana nating pagtawanan ang isang taong may karamdaman, salamat.
ang totoo’ may UTI ako sa UTIn, ang sakit, nagsimula to nung isang araw habang nasa opisina pa ko, di ko pinansin kahit sa loob ng 8 hours halos limang beses syang basta na lang kumirot’ pag uwi ko konting pahinga at dahil day off ko, diretso gimik na’ dahil umuulan at medyo malayo ang cr dun sa bar’ pahirapan umihi.. kaya ang resulta, ngayon kahit hindi ako naiihi, sumasakit sya’
pag umihi ako parang may natitira sa loob at sumasakit ang urethal opening ko (bwahah nasa pict) tapos mga ilang minuto lang feeling ko naiihi na naman ako at parang sasabog yung pinaka ulo nya’ pag punta ko naman sa cr, konti lang ang lalabas tapos yung pakiramdam ng pinapasukan ng bolpen yung pinaka butas nya.. ang sakit’
ilang beses na rin ako nagkaron ng UTI dati, pero ngayon lang ako nakaranas ng ganito na ulo yung sumasakit, dati kse sa may parteng betlog lang..
naisip ko siguro kulang na ko sa tubig, sa loob kse ng 8 hours ko dito sa opisina, ang kalimitang naiinom ko lang, isang boteng gatorade at isang boteng redbull, tumawag na ko samin kanina para itanong yun sked ng duktor namin, natatakot akong baka pag ihi ko basta na lang malaglag yung pinaka ulo.. demet’
habang nasa bus ako at namimilipit kanina, nililibang ko ang sarili ko at naisip ko kung anong posibleng magiging usapan namin nung duktor.

dok: hmm dun sa ihi na ipinasa mo, mukhang may buo buo na parang malauhog na buko
jon: hmmmm
dok: eka, alam ko na kung ano to’ kelan ba kayo huling nag ano ni misis
jon: dok, di ko na po maalala e
dok: ahh so malamang kaya sumasakit yan kse kulang ka sa anuhan, bumabara na sa may ulo.. bwahahahah
jon: pero dok, araw araw naman tuwing naliligo ako nagsa saltik ako, at dalawang beses po ako maligo sa isang araw
dok: loser..

.. para kong may dysmenorhea, tangena bakit ako pa? ano ba naman katawan to, kundi sira ang tyan may tama ang ano.. lahat na lang ng pasakit dinadaanan ng katawan ko, minsan naiisip ko siguro sa mga dating buhay ko isa akong hudyo na ang trabaho e mamugot ng ulo ng mga kristyano, kaya ganito kahirap ang mga pinagdadaanan ko ngayon..
baka naman pag nabitin ka pa dito e almoranas at pigsa naman sa pwet ang iregalo mo sakin.. wag naman! bigtihin mo na lang kaya ako?

Comments
23 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

resume

November 21, 2007 | 7:32 pm

nung isang araw, naisipan kong maghalungkat sa mga resume ng mga aplikante dito sa opisina, dalawang resume ang naka agaw ng atensyon ko at kumiliti sa akin, gusto ko silang makasama dito! sinisigurado kong magiging makulay ang buhay opisina pag natanggap sila’
ang resume mo raw ang intro mo sa pagbenta mo ng sarili mo sa isang kumpanya, naisipan kong mag imagine ng mga itsura ng mga aplikanteng to ng hindi tumitingin sa mga pictures nila..

aztig
hmmm walang duda - at madi disappoint ako pag sumulpot ka dito na hindi ka negrang blond ang buhok at may suot na bling bling’

jobdesc
hmmm - hindi ako magtataka kung ang nickname mo ay “dum dum” at matutuwa sayo ang bisor ko’

Comments
24 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

ms. interpret

November 20, 2007 | 7:48 am

ano ang magandang sagot na hindi naman nakaka offend, sa tanong na “nanliligaw ka ba sakin?” .. kung sa totoo wala ka namang kabalak balak manligaw talaga, okei, biniro kita sa room.. kumagat ka at pwede mong sabihin na pinaasa kita, pero apat kayo sa room na biniro ko ng ganun at ikaw lang ang naglitanya ng “pwede ba jon, pm mo na lang ako kse nakakahiya sa kanila” nyay! .. di pa rin ako nag pm di ba? hindi pa ba malinaw yun?
kahapon para akong nagliligaw ng pusa habang tinanong mo ko ng ganun, sinagot ko na lang na “mahirap sagutin yang tanong na yan ng hindi naman ako handa sa magiging resulta, basta kung ano yung alam mo, kung ano yung pakiramdam mo, pabayaan na lang muna natin na ganun” may mali ba sa isinagot ko? nag BRB ako para lang makaiwas at kse hindi ka na rin nagsasalita.. nagyosi ako, pagbalik ko parang nanunumbat na yung nasa status mo na alam ko naman na patama sakin, tipong “kung akala mo maisasama mo ko sa laro mo, nagkakamali ka” epek’ sows! maisasama? laro? inaano kita?
sa isip ko, kung gusto kita wala ng timing timing pa, sunggab agad, pero hindi talaga e’ naisip kong ayoko namang pumasok sa isang relasyon dahil lang napasubo ako o ayoko namang sirain yung tiwala ni mrs. cabron dahil lang nagkahiyaan ng umatras..
gusto kitang maging kaibigan okei, hanggang dun lang yun’ kung hindi ka sanay sa mga birong ganun at madali kang bumigay, sorry na’ di na mauulit.. basta sa ngayon hanggang yun lang ang kaya kong maioffer sayo.. nakita ko nga pala yung picture mo kahapon.. at dun ko napatunayan lalo sa sarili ko na tama nga yung naging desisyon ko at sigurado akong wala akong pagsisisihan dun, friend.

Comments
19 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

‘ndot!

November 19, 2007 | 6:49 am

  hindi karir ang tawag pag ang other party e mukhang unggoy, iba ang nakakakilig sa nakakakilabot, at maliwanag na hindi ako interesado pag habang nagkukuwento ka, tumalikod ako, humarap sa monitor at nag youtube..  ‘nak ng baka, kailangan ko pa bang sabihin tong mga to?! bakit hindi mo subukang pumapak ng kape? .. yung maraming marami at ibabad mo sa bibig mo, baka sakaling makatulong, baka sakaling kabahan ka naman paminsan minsan’ at bakit hindi mo subukang tumitig sa mga mata ko para mapansin mong,.. seryoso’ wala akong pakialam!

Comments
8 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

isang order pa ng chopsuey

November 16, 2007 | 8:05 am

hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magtae ang isang ama na ang hangad lang naman e magtrabaho ng walong oras para may maihanda sya sa hapag kainan ng pamilya nya..
wala na kong duda na totoo nga siya, iniisip ko kagabi pa kung kelan ko kaya maisusuot yung bago kong jacket, pinaulan nya kanina bago ako pumasok, salamat jebus!
putarages! hindi bagay sa pantalon ko yung jacket ko.. yung luma na lang tuloy ang sinuot ko..
may nagreact akong kaibigan tungkol dun sa skwater, para daw ang matapobre ng dating, nagaksaya pa sya ng load para itext ako.. hindi na ko nagreply’ hindi ko trabaho sa mundo ang magaksaya ng pisong load para lang katukin ang sintido ng isang kaibigan na kasing babaw ng platito ang utak..
grade 5 ako nung nadiskubre ko ang riles, yun yung mga panahon na ang mga pinsan kong mga kabatch ko e walang ginawa sa eskwelahan nila kundi magsasayaw, bukod sa matigas ang katawan ko at wala akong lakas ng loob na kumendeng kendeng sa harap ng maraming tao, nababaduyan ako kaya naghanap ako ng ibang mundo at ibang mga creatures na makakasalamuha, nakilala ko sa riles ang mga nuknukan ng tapang at mga pasaway na kabataan, nakita ko sa tramo ang maduduming lugar at napakaduming pagkatao, pero binabalik balikan ko pa rin yung lugar na yun hanggang 4th year high school ako, sa lugar na yun na karamihan iskwater talagang maituturing, ang salitang iskwater ay nagiiba ng kahulugan.. ang taong walang modo, walang respeto at umaastang walang pinag aralan.. “iskwater” ang tawag’ kaya pag sinabihan kita ng iskwater, wala akong pakialam sa antas ng kabuhayan mo, yung ugali at asal mo ang tinutukoy ko nun! malinaw? good’
at ginoong karunungan, wag mo nga akong makorek korek sa mga pinagsusulat ko dito, at wag mo kong diktahan ng kung ano lang ang pwede kong isulat dito at alin ang bawal, atsorry dahil hindi ako natatakot sa demanda demandang putarages na yan, dahil blog ko to at ako ang DIYOS dito..
tuwang tuwa siguro si virjie sa dami ng hits ng friendster nya ngayon.. haays kung alam nya lang’
also, salamat sa dalawang babaeng to’ nakaka dagdag sigla kayo sa pagba blog ko kahit na madaming kups, at nakakadagdag hila kayo sakin para bumangon sa umaga’
salamat, salamat!


eto pa sa loob:


ang sisweet’ .. mali mang sabihin to dahil hindi ko pa naman kayo masyadong kakilala pero, mahal ko na kayo!
salamat ulit mga mommies! ang mga tulad nyo ang nagsisilbing chaser ko sa mga mapapait na humaharang sa byahe ng buhay ko’
baduy? wala kang paki! ganun ko gustong magpa impress sa mga visitors ko, wag ka mangelam..

Comments
19 Comments »
Categories
Chopsuey, Rants
Tags
aper desaper, diaper, firecracker, hacker, iskwater, masterbater, order, wudiwudpeker
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

iskwater

November 15, 2007 | 2:57 pm

   lunes namin napag usapan, sa wednesday iinom kami dahil dayoff ko sa thursday, kasama yung mga members nya sa yahoo group nila, first time ko aattend ng ganun, wala lang talaga akong makainuman at hindi ko naman pinangarap na mangarir o ano dun dahil sabi ko nga sa isang post ko, hindi sila magaganda, seryoso’
dumating ang wednesday, medyo masama pa rin ang pakiramdam ko at tinatamad talaga akong umalis pero kasubuan na, okei lang sana kung yung presence ko lang dun ang inaalala ko, pero hindi, kse kasama ko sa ambagan..
inisip ko na lang, uuwi ako ng maaga, papakita lang ako, susulitin ng konti yung inambag sa inom tapos nun, magaambag at uuwi na’
habang nasa bus pauwi, naka received ako ng text 6pm daw magkikita kita, may meeting place pang sinabi.., sabi ko hindi ako pwede ng ganun kaaga kse papahinga pa ko, susunod nal ang ako sa talagang lugar ng pagiinuman,
7pm nagtext ako, tinanong ko kung nasan na sila dahil mag aayos na ko para sumunod sana dun, walang reply.. tinawagan ko’ paalis pa lang daw sya ng bahay, at oo tuloy daw’
hmm naisip ko kala ko ba 6pm magkikita kita sila, okei, naligo na ko at nagbihis, lumabas ako ng bahay at nagyosi sa may tindahan.. sumakay ng jip, tumunog ang celfone ko, ang message:
“jon last minute cancellation.. blah blah blah., xenxa na labo nila e” nagreply ako “potah e nasa alabang na ko e” tapos text ulit ako ng “sige ok lang” na ang ibig sabihin sakin ng okei lang.. “okei lang, atleast hindi ako magagastusan masyado at okei lang buti hindi pa ko nakakasakay ng bus at okei lang na mabadtrip ako habang andito pa ko sa lugar ko kesa mabadtrip ako kung kelan kaharap ko na kayong lahat.. at okei lang atleast ngayon di na ko magi guiltihan masyado pag napagtitripan ko manggulo sa room nyo,
ano ba yan ma’m ang iiskwater naman ng mga members mo’

* hanap ng ibang kagrupo para maginom
* hindi pwede ang grupong kumpare,  puro may pasok
* hindi pwede yung isang pinsan, may pasok
* .. pwede yung isang pinsan sa may katabing compound, at yung isang pinsan pero manggagaling pa sa MOA,
* natuloy ang inuman, andaming pulutan, andaming red horse, nalasing at umuwi
* kinabukasan may hangover pero atleast hindi mga iskwater yung mga nakainuman at ginastusan ko’

* in fairness naman sa mga iskwater, ang ibig kong sabihin ng iskwater dito sa post ko na to e MAHIHIRAP KAUSAP.. wag kayong mainsulto pag ikinumpara ko kayo sa mga dingbat na grupong to’  dugyot sila tulad nyo pero hindi naman sila  naghihirap siguro’

Comments
2 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

virjie

November 14, 2007 | 7:34 am

kyutang inasabihin mo ng herodes ako, simaron, gago, demonyo, walang modo, pero please wag mo naman akong akusahan na may gusto sayo.. wag mo naman isipin na kaya nilabanan kita ng halos isang oras na laitan sa chatroom e dahil interesado ako sayo, okei sige ako na ang nagsimula nung nagreact ako nung naghanap ka sa room ng gwapong chatter na babagay sa kaseksihan mo.. pero patawarin mo ko, nagkataon lang na nung nagpost ka nung time na yun, sinilip ko yung friendster account mo at nagreact ako na sinungaling ka dahil hindi ka naman seksi at mukha kang retarded.. may nasabi ba kong masama? im just being a friend…
sinabi mo na kulot ako dahil may nagsabi sa room, okei kulot nga ako.. pero wala namang kinalaman sa pagiging retarded mo yun di ba? tsaka pwede naman ipastraight ang kulot na buhok di ba? pero di ko naman gagawin yun kse okei na naman ako sa buhok ko, ang inaalala ko.. kelan pa nagkaron ng karapatan na makipag debate tungkol sa itsura ang isang mongoloid? darn it ano ba tong nangyayari sa mundo.. lahat na lang nabibigyan na ng karapatan.. binigyan ng karapatan ang nagnakaw na makalaya at binibigyan ng karapatan na mamuno ang nagnanakaw, haaaays’ ano pa ang susunod nito? mga armadillo na nagcchat at naghahanap ng gwapo sa room?
sinabihan mo pa ko ng bakla.. hindi ako tumutol kung napansin mo, wala akong tutol dahil sigurado akong matapos kong makita yung profile mo sa friendster, baka isang linggo kong mamimiss ang morning erection ko, nakakalungkot.. at nakakapangilabot’
pero gusto kitang maging kaibigan, natuwa at humanga ako kung pano ka tumagal ng halos isang oras sa chatroom ng wala ka namang ibang tinatype kundi bakla at kulot, tumaas ang respeto ko sayo kung papanong sa loob ng halos isang oras nakuha mong lunukin ang mga sinabi ko sayo.. kse seryoso, kung may respeto ka sa sarili mo.. sa mabibigat na sinabi ko sayo.. dapat nagbigti ka na ngayon’ ..
pero naisip ko rin, hindi kaya nag eenjoy ka pa habang ginaganun kita? kse nakamonitor ako sa room kahit lumabas na yung account ko pero nagpahinga ka lang saglit at bago ka lumabas hinanap mo pa ko sa room, hindi kaya nageenjoy ka na iniinsulto ka dahil sa ganung pagkakataon lang may pumapansin sayong lalaki? hindi kaya habang iniinsulto kita e nag aano ka pa habang tumitirik ang mata mo sa….. yuck’ ayoko ng isipin..
seryoso virjie, 34 ka na at hindi masama maglibang, hindi masama magsinungaling, chatroom yan e.. malamang sa hindi, lokohan’ kasinungalingan ng sabihin mong seksi ka at maganda, kalokohan pang umasta ka na parang totoo nga, at please lang maging matalino ka naman na itago yung totoo bago ka magsinungaling.. hindi ka seksi at hindi ka maganda.. at sayang ang dimples mo, wag mo sanang masamain’

Comments
21 Comments »
Categories
Lakbaydiwa, Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

chopsuey

November 13, 2007 | 7:18 am

dalawang araw ng kulang ang tulog ko, limang oras nung monday at halos apat na oras na putol putol pa kanina, dagdag pahirap pa tong sipon ko.. lalong nakakapanlata’ hanggang ngayon iniisip ko pa rin na hindi sinadya ni papa jebus na magkasipon tayo, kumbaga isa to sa bug ng pagkakaprogram nya satin, grabe akong sipunin nanghihina ako ng sobra’
dalawang magkasunod na araw na din akong nagpupunta sa mall pagkatapos ng trabaho, nung lunes, nagkita kami ng pamilya cabron sa MOA, para bumili sana ng sandals ko, at maggala, pero napudpod na yata yung paa namin wala kaming nakita, nag ice skating ang anak ko.. nakakatuwa’ mukhang mawiwili sya, pero baka sa southmall na lang sa las pinas para mas malapit, bago yun, sumakay muna sya sa isa sa pinakanakakalungkot na carousel na nakita ko sa buong buhay ko.. singwenta ang bayad’
tapos kagabi, nagpunta ako ng alabang town center at dun ko na nakita ang hinahanap kong birkenstock’ uso pa ba yun? wala kang pakialam!
.. nakita ko pala si jinky pakyaw sa MOA, mukha syang bakla.. magandang bumbaying bakla,
kailangan kong umuwi ng maaga mamaya’ bukod sa nasa 2 to 10 shift si mrs. cabron at walang maiiwan sa anak ko, dahil may gimik si ginang cabron, parang nararamdaman kong kailangan ko ng sobrang mahaba habang tulog ngayon kung gusto ko pang makapag blog ng hanggang isang taon pa ulit,
may gimik ako bukas, first time ko makikipag meet sa isang clan ng chatters, hindi ako kasali sa group nila, mangge gate crash lang ako, hindi rin nila alam na blogger ako, at ampapangit nila..
ang ganda nung isang telephone operator dito samin, ang sarap maggawa ng pc sa may likod nya.. anlagkit nyang tumingin at simpleng naglalabanan kami kung sino ang unang yuyuko o iiwas ng tingin pag nagkakatitigan kami, andami kong nagagawang kwento sa isip ko pagnaggagawa ako sa likod nya, haaaays hindi nakakasawang isipin ang mga posibilidad na pwedeng mangyari…

Comments
9 Comments »
Categories
Chopsuey
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

« Previous Entries

Babala

explicit

Patuka sa utak

ang pag ibig ay parang pagtatae, hindi mo alam kung kelan ka aabutan.. at madalas nangyayari ‘yun sa isang lugar o panahon na hindi mo inaasahan. — Jon Cabron

Kategorya

Balik Tanaw

Kablog

  • azrael
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • gasti
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • madbong
  • potsquared

Twitrrr

  • new blog entry naranasan mo na bang mabutasan? http://tinyurl.com/4x27db 16 hrs ago
  • just one of those days http://tinyurl.com/3u48ny 1 day ago
  • new blog entry ding! dong! http://tinyurl.com/3mbwsp 4 days ago
  • new blog entry litol dreamer http://tinyurl.com/4go382 4 days ago
  • new blog entry hmmmback! http://tinyurl.com/3j9xec 6 days ago
  • More updates...

Kaanib

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Group!

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Pangkabuhayan

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox