teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

entry na bawal sa bata

November 23, 2007 | 7:56 am

pen .. may topak yung external hard drive ko, may clicking sound sya pag inaaccess ko yung mga files, hindi ko naman sya ipinapasok sa ibang usb ports, demet’
.. patnubay ng magulang ay kailangan, tulad ng isang tipikal na usapang medikal, medyo graphic ang entry na ito, pero walang kabastusan dito, kaya please lang iwasan sana nating pagtawanan ang isang taong may karamdaman, salamat.
ang totoo’ may UTI ako sa UTIn, ang sakit, nagsimula to nung isang araw habang nasa opisina pa ko, di ko pinansin kahit sa loob ng 8 hours halos limang beses syang basta na lang kumirot’ pag uwi ko konting pahinga at dahil day off ko, diretso gimik na’ dahil umuulan at medyo malayo ang cr dun sa bar’ pahirapan umihi.. kaya ang resulta, ngayon kahit hindi ako naiihi, sumasakit sya’
pag umihi ako parang may natitira sa loob at sumasakit ang urethal opening ko (bwahah nasa pict) tapos mga ilang minuto lang feeling ko naiihi na naman ako at parang sasabog yung pinaka ulo nya’ pag punta ko naman sa cr, konti lang ang lalabas tapos yung pakiramdam ng pinapasukan ng bolpen yung pinaka butas nya.. ang sakit’
ilang beses na rin ako nagkaron ng UTI dati, pero ngayon lang ako nakaranas ng ganito na ulo yung sumasakit, dati kse sa may parteng betlog lang..
naisip ko siguro kulang na ko sa tubig, sa loob kse ng 8 hours ko dito sa opisina, ang kalimitang naiinom ko lang, isang boteng gatorade at isang boteng redbull, tumawag na ko samin kanina para itanong yun sked ng duktor namin, natatakot akong baka pag ihi ko basta na lang malaglag yung pinaka ulo.. demet’
habang nasa bus ako at namimilipit kanina, nililibang ko ang sarili ko at naisip ko kung anong posibleng magiging usapan namin nung duktor.

dok: hmm dun sa ihi na ipinasa mo, mukhang may buo buo na parang malauhog na buko
jon: hmmmm
dok: eka, alam ko na kung ano to’ kelan ba kayo huling nag ano ni misis
jon: dok, di ko na po maalala e
dok: ahh so malamang kaya sumasakit yan kse kulang ka sa anuhan, bumabara na sa may ulo.. bwahahahah
jon: pero dok, araw araw naman tuwing naliligo ako nagsa saltik ako, at dalawang beses po ako maligo sa isang araw
dok: loser..

.. para kong may dysmenorhea, tangena bakit ako pa? ano ba naman katawan to, kundi sira ang tyan may tama ang ano.. lahat na lang ng pasakit dinadaanan ng katawan ko, minsan naiisip ko siguro sa mga dating buhay ko isa akong hudyo na ang trabaho e mamugot ng ulo ng mga kristyano, kaya ganito kahirap ang mga pinagdadaanan ko ngayon..
baka naman pag nabitin ka pa dito e almoranas at pigsa naman sa pwet ang iregalo mo sakin.. wag naman! bigtihin mo na lang kaya ako?

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« resume kwarentang kawirduhan »

RSS feed | Trackback URI

23 Comments »

Comment by angelbert
2007-11-23 09:41:11

sabaw ng buko lang ang pinanggamot ko dati nun nagkaganyan ako, araw-araw inom ka lang ng sabaw ng buko, malay mo epktib din sa’yo. wag mo nga pala lalagyan ng asukal, basta purong sabaw lang ng buko. :D

Reply to this comment
 
Comment by lilmispasaway
2007-11-23 11:34:27

oh my..bawal nga sa bata :(

Reply to this comment
 
Comment by cdy173
2007-11-23 12:02:35

naku..sakit nga sa balakang nyan parang …..na di nailabas ;)

Reply to this comment
 
Comment by MARU
2007-11-23 13:05:15

yan pala tsura ng UTIn, ngayon ko lang nakita ng malapitan…parang kinalawang na sky rocket na hindi nakalipad at biglang natumba.

wawa ka naman, idol.

“natatakot akong baka pag ihi ko basta na lang malaglag yung pinaka ulo.. ” — suggestion ko, palibutan mo muna ng sotch tape yung pinakaleeg ng ulo nya tuwing iihi ka at baka nga naman malaglag. at baka pag minalas ka pa nyan….nahulog nga…tas nung pupulutin mo na ang ulo ay unti unti syang natutunaw sa iyong mga palad.

Reply to this comment
 
Comment by kengkay
2007-11-23 16:43:49

dyon, yung sa iyo ba ang model na asa taas, hmmmm :)

Reply to this comment
 
Comment by Woobie
2007-11-23 16:46:13

buko po… coconut water… works on girls too.
At least 3-4 big gulps of coconut water a day. Galing po yan sa OB.

Reply to this comment
 
Comment by Maldito
2007-11-23 17:30:28

Oo buko lang ang katapat..ahehhehe…..maglagay ng vulcalseal sa bulsa…baka indi mo namalayan nahulog na pala…at baka magkandarapa ka pa sa paghanap sa mall of asia kung san banda nahulog ang helmet..lols

Reply to this comment
 
Comment by Banana
2007-11-23 18:46:19

mukha palang submarine ang yan..

submarine na di nakakasisid..

Reply to this comment
 
Comment by kapestehan
2007-11-23 20:11:41

hahahahhhha. Natawa ako dito:

“baka naman pag nabitin ka pa dito e almoranas at pigsa naman sa pwet ang iregalo mo sakin.. wag naman! bigtihin mo na lang kaya ako?”

hahahah. nakarelate tlga ako noh? hehe, Anyways naaalala ko dati yung kausap ko ang nurse kong fwend, sabi nya, di nmn daw talaga dapat nag kaka UTI ang mga boyz. madalas lng sa girls kase raw ehhh malakas raw ang defens naten este nyong mga boyz sa infection sa bututoy.

Ako din meron nararamdaman parang nitutusok ako sa loob somewhere in urether (o taray! urether!). Natatakot ako magpaduktor kase bka merong sabhin na di maganda. May sira din yung tenga ko, utak at kung anu anu pa. Malamang barubal din ako nung past life ko kaya heto, nilalapastangan ng karma ang sexy body ko…

Sana gumaling nako noh. haha talagang sakin ang huling pagdadalamhati.

Reply to this comment
 
Comment by bunz2605
2007-11-23 21:22:40

aray!!!!

Reply to this comment
 
Comment by antuken
2007-11-23 22:03:15

buko juice nga daw. baket ako nung na-UTI noon, nilalagnat? nakapasok ka pa? dapat kse lagi kang umiinom ng tubig. lotsa tubig.

Reply to this comment
 
Comment by MisyeL
2007-11-23 22:24:46

how i wish gumaling ka agad…. subukan mong dagdagan pa ang pagligo :D

Reply to this comment
 
Comment by Iceyelo
2007-11-24 10:25:19

Hahaha. Mukhang submarine na di nakakasisid? lupet ng description. hehehe

Reply to this comment
 
Comment by epam70
2007-11-24 13:04:57

para nga longanirang di-pa luto hehehehe nakakatuwa… tutuo ba yan..

Reply to this comment
 
Comment by chaden
2007-11-24 13:37:46

…bawal sa aten to epam70.

get well, idol. wlang msama mga payo nila..

Reply to this comment
 
Comment by mhel
2007-11-24 16:27:04

imferness ha, medyo ok ang illustration mo, talagang navisualize ko ng husto kung ano ang pinaguusapan…

hmmm… pano ba to, UTI-prone din ako, bising jon… pwede mo b kong gawan ng ganito para sa bebot at ng madiscuss ko rin sa blog ko ang UTI naman para sa babae? :D

Reply to this comment
 
Comment by Lenggai
2007-11-25 02:02:32

naku… hirap nga yan jon, di ako maka-relate kasi una, wala ako uti,pangalawa… basta :)

Reply to this comment
 
Comment by camilleeee
2007-11-26 11:08:34

hehe..pag nahulog ba yung ‘ulo’ kuya, gugulong yun? :roll:
ay, link po kita. ;-)

Reply to this comment
 
Comment by icsx
2007-11-26 16:33:21

sakit ‘ata’ ni tom hanks yan sa the green mile. you can try michael clarke duncan’s hand for some healing. :O

Reply to this comment
 
Comment by Vennisjean
2007-11-28 08:58:48

Ouch…Masakit daw yan lalo na sa boys…try to take 1capsule ng Cotrimoxazole at least once a week kahit na wala na ung sakit…parang maintenance,panlinis sa loob ng katawan para rin maavoid ang paglabas uli ng UTI. Buco juice is also good di lang para magamot ang UTI kundi para rin malinis ang kidneys…Lots of water and avoid carbonated drinks ang junk foods or anything na mataas ang uric acid level at asin. Ingatz!

Reply to this comment
 
Comment by chillidobo
2007-11-28 12:01:32

kelangan na dumulog sa maykapal… at i-prayober yan hahaha

Reply to this comment
 
Comment by SHOTOKAN
2007-12-02 11:49:49

the best is CRANBERRIES juice… tanggal yan pre… ok din yang buko juice

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

  • 202 para sa 2008 « JON CABRON

Babala

explicit

Patuka sa utak

papano mo malalaman kung wala kang appeal? pag walang nanliligaw sa’yo at hindi ka binabastos ng mga tricycle drivers sa kalye. — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox