kailangan ko ng BJ
November 28, 2007 | 9:15 pmMAY TAMA KA!

pwede namang kurikong sa kamay na lang o matinding balakubak, o hadhad sa singit, lourd naman bakit naman dun pa!? at sus! pano na ang inuman sessions ko nyan!! at isa pa binigyan mo lang lalo si mrs. cabron ng dahilan para tanggihan ako! grrrrrrr!
.. kailangan kong uminom ng dalawang litrong tubig sa isang araw at kailangan kong lumunok ng 189 pesos na isang pirasong gamot isang beses kada araw sa loob ng isang linggo, naisip ko lang na kung andito pa yung baklang naggugupit sakin dati hindi ko na kailangan ng litro litrong tubig at mamahaling gamot… BJ nya lang okei na’ isang katok ko lang sa glass window ng parlor nya kahit natutulog yun bibigyan ako ng BJ nun.. haaays’
bigla ko tuloy naalala nung huli kaming magkausap, paalis na sila nun, pinaalis kse ng MMDA yung parlor nya dito sa may amin, sagabal daw sa kalsada’ malungkot kami pareho.. may luha sa mga gilid ng mga mata nya, ako tapang tapangan parang wala lang pero hindi ko maitago ang mga lungkot sa mata ko, hindi ko mapigilan ang mga nginig sa boses ko na pinipilit kong takpan ng sunod sunod na buntung hininga,
CARMINA: o pano jon, aalis na ang vaklah
JON: tsk, pano yan sino na ang maggugupit sakin ngayon
CARMINA: gupit ba talaga jon o ang bj?
JON: … iba kse talaga ang bj mo, marami na rin akong natikman pero kakaiba ang iyo’
CARMINA: corrected by! iba talaga ang bj ko dahil may mga ibang eklavu yan
.. naputol na ang usapan namin dahil dumating na ang demolition team at nakipag batuhan pa sya ng pillbox sa mga iyon, ilang taon din ang lumipas ng nakita ko ulit sya, nasa isang sulok sya ng palengke, medyo nagkaidad na pero andun pa rin ang malalanding pilantik ng mga kamay, pero hindi ako nakalapit dahil may kasama syang dalawang babae at isang binatilyo at alam kong BJ nya lang ang habol ng mga iyon.. ayokong makaistorbo at isa pa hindi ako sigurado kung kilala nya pa ako, hanggang sa sikuhin na ko ni mrs cabron para lumakad na pauwi, tinanong nya ko kung sino ang tinitignan ko at sinabi ko na lang na wala, para kseng may nakita akong isang dating kaibigan.. habang papalayo kinuhanan ko na lang ng litrato sa celfone ko ang isang dating kaibigan na walastik sa BJ..
mananatili sa puso ko ang larawang ito







sabi ko na nga baaaaaaaaaaaaa!
korekted by talaga ako! di ako maloloko ng taytol mo kasi mahilig din ako sa BJ! bleh!
==
bwahahah, bakit may iba pa bang bj?!
lolz yun pala na bj.. masarap yan kuya! gusto ko din! hahah
==
wag mong sabihin na masarap ang bj tapos tatawagin mo kong kuya, nakakasira ng moments’
sabi nila, ang BJ daw nakakalapot at nakakadami ng… yun an yun.. yung puti puti..
kunwari lang yang buko juice pic na yan. para maitago ni jon ang madilim nyang nakaraan sa
pilingbibig ni carmina!Astig ung pic ng BJ. Nami-miss ko tuloy.
Ang lagi ko sinasabi sa nagbibigay ng BJ is “mala-uhog ha”
Yan nga lang talaga ang proven na immediate gamot sa UTI sabi ng doctors.
ahh yun pala yun…nagets ko nung makita ko yung pic nyahahahaha!!!!
habang naggugupit pala si carmina eh may sideline pang tinda ng BJ…tama ka jon..isang bj araw-araw lang katapat nyan….
amf madumi talaga utak ko, hanap ako ng hanap ng bakla sa pix amf
kundi p q nagbasa ng comments di q mage getz nyahaha (slowwwww)
akala ko blowjob. ipagyayabang ko sanang nakakapagpaluha ako ng mga lalake dahil dun. wahahahaha
bruho ka talaga jon cabron!
mahilig din ako mag bj at sa bj masarap din ang bs ko
kailangan mo na talaga ng BJ. tsk! baka mawalan na ng silbi yan hala ka!
walanya ka Mr. Cabron wala ng boses yung tawa ko sa sobrang katatawa dito lol!!! hehehehe Buko Juice Amp!!! naku dapat nga dyan sa sakit mo e BJ…mag BJ ka ng mag BJ hanggang sa luminis ihi mo… ganyan din ako nung buntis ako e puro BJ din, tapos tong mama na suki ko kahit ba naman hindi na ko buntis e gusto pa rin akong bigyan BJ tuwing umaga..ano sya hilo?
BOKO JOS? lololol.
Buko juice lang pala…leche…..leche na carmina yan…nagpapadumi ng utak…ahaha
Sarap ng BJ, mainit man o malamig ang panahon : )
i love bj too.
moko jos mo, lol…. galing mo… nakaka-intriga story mo.. nakaka-L ka talaga…
pagpunta ko sa maynila pwede mo kong buhusan ng BJ, hehehe
langya ka! mukhang masarap talaga ang BJ ni carmina ah?
teka, parlor tapos may buko juice? uhhhmmm…
wahahhahaha… akala ko kailangan na ang patnubay ng magulang ko dito… un pala naman mangbubuko lang pala si carmina.
grabe.. kung ano na ang naisip ko.. haha BUKO JUICE!! My gosh!! :))
Hehe. Juice ko po. ang sarap niyan.
omg!!haha!!r-18!!haha!!joke lang!=D
picture title ng u/a niya… loleloleloleloleolz!
Pare, muntinlupa pa rin ba ito? Parang malinis sa tao ngayon.
Hope your med condition will improve asap.
***nagbalik ang mga alaala ng mga bakla sa tabing riles dahil sa post na ito***
hahahaha kulets! naman naman naman…. ako din..durog na din kidney ko..acidic na daw eh(?!) actually wala talaga kong alam sa sakit ko..basta yun ang sinasabi saken ng mommy ko.. waaaa~
Buko jus pala kala ko chupa. Na-curious tuloy ako ng sobra sa story. hakhakhak.