teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

ms. interpret

November 20, 2007 | 7:48 am

ano ang magandang sagot na hindi naman nakaka offend, sa tanong na “nanliligaw ka ba sakin?” .. kung sa totoo wala ka namang kabalak balak manligaw talaga, okei, biniro kita sa room.. kumagat ka at pwede mong sabihin na pinaasa kita, pero apat kayo sa room na biniro ko ng ganun at ikaw lang ang naglitanya ng “pwede ba jon, pm mo na lang ako kse nakakahiya sa kanila” nyay! .. di pa rin ako nag pm di ba? hindi pa ba malinaw yun?
kahapon para akong nagliligaw ng pusa habang tinanong mo ko ng ganun, sinagot ko na lang na “mahirap sagutin yang tanong na yan ng hindi naman ako handa sa magiging resulta, basta kung ano yung alam mo, kung ano yung pakiramdam mo, pabayaan na lang muna natin na ganun” may mali ba sa isinagot ko? nag BRB ako para lang makaiwas at kse hindi ka na rin nagsasalita.. nagyosi ako, pagbalik ko parang nanunumbat na yung nasa status mo na alam ko naman na patama sakin, tipong “kung akala mo maisasama mo ko sa laro mo, nagkakamali ka” epek’ sows! maisasama? laro? inaano kita?
sa isip ko, kung gusto kita wala ng timing timing pa, sunggab agad, pero hindi talaga e’ naisip kong ayoko namang pumasok sa isang relasyon dahil lang napasubo ako o ayoko namang sirain yung tiwala ni mrs. cabron dahil lang nagkahiyaan ng umatras..
gusto kitang maging kaibigan okei, hanggang dun lang yun’ kung hindi ka sanay sa mga birong ganun at madali kang bumigay, sorry na’ di na mauulit.. basta sa ngayon hanggang yun lang ang kaya kong maioffer sayo.. nakita ko nga pala yung picture mo kahapon.. at dun ko napatunayan lalo sa sarili ko na tama nga yung naging desisyon ko at sigurado akong wala akong pagsisisihan dun, friend.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« ‘ndot! resume »

RSS feed | Trackback URI

19 Comments »

Comment by MARU
2007-11-20 09:10:27

iba na talaga ang mga malalakas ang dating sa babae.

hehehe! may sundot pa rin yung huling sinabi mo a. ang tulis!

pag nabasa ‘to ng chikitita sana hindi nya masabi na. . . “hurt ako…..ouch!”

Reply to this comment
 
Comment by Jovi
2007-11-20 10:39:45

Actually Jon, namisinterpret mo rin si Ms. Interpret. Noong itanong niya na “nanliligaw ka ba sakin?”, sa tingin ko ang ibig nya talagang sabihin ay “sige ligawan mo ako, gusto ko yan pero kunwari ayaw ko.” E kaso di ka pala nanliligaw, nagalit tuloy siya… Tapos nakita mo ang picture… Now there’s the rub! Hahaha! :-D

Reply to this comment
 
Comment by angelbert
2007-11-20 14:39:36

ako di naniniwala sa ligaw. di rin ako marunong mangligaw.

wala lang ako masabi. dumaan lang para mag-spam.

jon add kita sa blagrol ko! :D

Reply to this comment
 
Comment by repah
2007-11-20 15:24:01

ang bangis ng alindog mo! bidah ka!

Reply to this comment
 
Comment by Rhapsody
2007-11-20 16:48:20

masaya rin pala dito parang ka-level ni azrael din ang mga entry…
actually 220 nga ang nsabi ni Ms. Jovi.. gusto nyang ligawan siya kaya lang na-busted mo siya agad… kaya ayun nasakatan… dapat talaga sa mga girls matuto munang makiramdam.

Reply to this comment
 
Comment by lilmispasaway
2007-11-20 19:08:27

wow naman. krash na din kita wehehe dami ko na krash d2 ah lolz. nahihirapan ka na ba sa pgiging habulin ng mga chikababes, kuya jon? haha :D .. heniway, aadd kita sa page ko ah para kunwari frens tau :D

Reply to this comment
 
Comment by bunz2605
2007-11-20 21:26:29

ay..kumustahin naman natin yun??!! :-D

Reply to this comment
 
Comment by Lenggai
2007-11-20 22:59:10

hahahaha! landi kse eh! hahahahaha!!!! :D

Reply to this comment
 
Comment by MisyeL
2007-11-21 01:48:54

San chat room ka ba madalas? Makasama nga sa ligawang yan, hahaha! Astig mo kasi Mr. Cabron kaya dami gurlash na nahabol :D

Reply to this comment
 
Comment by cdy173
2007-11-21 09:07:51

mr. cabron may mga babae talagang madaling ma mis-lead sa mga sinasabi at ginagawa ng mga lalaki. Minsan kasi simpleng thoughtfulness o kunting sweetness kala na nila may gusto yung guy….at siguro nga type ka nya kaya sya na ang nagtanong kung nililigawan mo ba sya (for sure winiwish nya that time na sana oo isagot mo!)

ang anghang ng ending..he..he..he..

Reply to this comment
 
Comment by brath
2007-11-21 11:42:31

ganyan talaga minsan ang mga babae,
alam mo na baka na dala lang siya at naisip niya na ikaw na ang man of her dreams…

ah yun lang!

Reply to this comment
 
Comment by chaden
2007-11-21 13:03:42

hehehe

namisinterpret…

Reply to this comment
 
Comment by hiyashinsuna
2007-11-21 18:21:19

ang tikas

Reply to this comment
 
Comment by bigdaddi
2007-11-21 19:15:14

ser jon,
nasa max level siguro ang venom of expression and poon tang magnet mo ser… kaya noodle knee lahat ng shorties at chicken heads sa chat room and lalo na siguro si
Ms interpret.

Reply to this comment
 
Comment by alphasensei
2007-11-22 17:37:04

hindi pa ito nangyayari sa akin, kasi pag maygusto ako, hinihiritan ko na agad ng, “oo na. oo na! kahit hindi mo ako tinatanong at di ka nanlligaw, OO NA!”

hahahaha. joke.

Reply to this comment
 
Comment by Woobie
2007-11-22 18:16:58

hahaha sineryoso … astig kasing magbiro parang true. More power!

Reply to this comment
 
Comment by antuken
2007-11-22 20:00:14

iba na’ng heart throb. haha. antaray talaga.

Reply to this comment
 
Comment by nadine
2007-11-23 05:44:49

tsktsk..mr paasa ka pala eh!haha!=D
happy thanksgiving!!gobble, gobble!=D

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2007-11-23 06:32:04

nyaaaaay’ pano ako magiging habulin ng tsiks sa chatroom e sabi nga ni “antuken” antipatiko ang dating ko’ .. nabuwisit lang ako sa kanya kse ginanun nya ko nung hindi nya nakuha yung gusto nyang sagot sa tanong nya,
hindi ako chickboy o nagpi feeling chickboy.. nyay’

tsaka nadine, bakit di mo ko subukan? wraaaaar!

* lahat ng nagpalink, add ko na kayo’

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

p’wede n’yo kong mahalin kahit kelan n’yo gusto.. pero ‘wag n’yo lang akong seseryosohin — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox