teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

brain drain

November 12, 2007 | 7:59 am

wala akong maisip na entry, nakakabuwisit dahil kahapon lang at kanina lang sa bus bago pumasok, andaming laman ng utak ko na bentahe sa blog..
sumasakit na ulo ko kakaisip pero gusto ko talaga magka entry,
hinawakan ko yung mouse ng pc, iniangat, at inilapit sa mata ko..
pinagulong ng hintuturo ko yung bola sa mouse.. tapos ginamitan ko ng hinlalaki,
nahawa sa libag ng bola yung daliri ko..
ano kaya magandang maiblog tungkol sa ordinaryong mouse na to?
wala akong maisip,
ibinaba ko yung mouse..

Comments
1 Comment »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

nawala ang celfone ko!!!! .. kanina’

November 10, 2007 | 7:03 am

pagbaba ko sa bus sa vito cruz madilim dilim pa kaninang umaga papuntang opisina, kinapa ko sa bag ko yung fone ko, gusto ko malaman ang oras, kung may panahon pa ko magyosi at mamili ng jip na bakante sa unahan, inikot ikot ko yung kamay ko.. sa kaliwa nakapa ko yung cable ng fone na nakapulupot ng pabilog, sa kanan yung charger ng mp3 player ko, sa konting usog pa ng kamay pakaliwa ng konti yung coin purse ko, konting pakanan yung lalagyanan ko ng gamot pag natatae ako, sa pinakailalim yung wallet kong malaki.. putarageseseses! nawawala yung celfone kooooooooooooo!!!
ako ang taong iniisip kong mali ang timpla ng gumawa sakin, may mga pagkakataon na tipong makarinig lang ako ng utot sa tabi ko, halos pumutok na lahat ng ugat sa batok at leeg ko sa galit at pagka OA, pero madalas nag salpukan na ang dalawang bansa sa harapan ko pero no reaction lang ako.. ewan ko kung mabagal madigest at maabsorb ng naturalesa ko ang mga bagay na ganun o talagang pinrogram ako para ganito lang, parang nakatanga lang’
ang unang ginawa ko nung nakapa kong wala yung fone ko, isinalpak ko yung mp3 player sa tenga ko, itinodo ko yung volume, nagsindi ng sigarilyo at pinara yung paparating na jeep na saktong walang nakaupo sa unahan, pagbaba ko sa taft, pumunta sa convenient store, bumili ng isang 3 in 1 na kape, isang pakete ng sunflower pizza flavor cracker, isang gatorade at isang red bull, tapos naglakad patawid, sumakay ng pedicab.. naglakad papasok ng opisina.. nag swipe ng id,naglakad sa hallway.. pagdating ko sa loob ng opisina at nakita ko yung kasamahan ko na papalitan kong naka duty.. “putang ina nawawala yung telepono ko,, putages” .. sobrang late reaction ampotah’
tawag ako samin.. masyado pang maaga, antagal sagutin ni ginang cabron, naka anim na ring siguro bago pupungas pungas na sinagot, sabi ko nawawala yung fone ko, paki check muna dun baka naiwan ko lang, tawagan nila para mag ring.. naka hang yung landline narinig ko nagkakagulo na, ginising na si mrs cabron.. tapos narinig ko sa mismong bag ko.. sa kabilang bulsa.. andun yung fone ko’ .. bago pala ako umalis at humabol pa ng isang upo sa inidoro, pinakialamanan ni mrs cabron yung bag ko, nagtanggal ng basura at naglipat ng gamit.. walang kwentang asawa’
matapos kong sigawan at sisihin si mrs cabron sa telepono at matapos din akong sigawan at laitin ng gng cabron dahil sa pangiistorbo sa tulog nya, nagpaalam na ko at ibinaba na namin yung landline..
nagtext ako sa nanay ko

JON: that mrs cabron person, so dumb

ang luka luka nagreply

GINANG CABRON: and c happens to b ur wife, dumb husband deserves one.

ngayon ko naisip kung bakit ganito ako magsalita sa kapwa ko, at kung bakit ang bilis ko magisip ng kalokohan.. at kung bakit hindi nya ko pinapalo nung bata ako pag bastos ang bunganga ko.. walang respetong nanay sa anak nya!

Comments
16 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

isang tag para sa sangkatauhan

November 9, 2007 | 7:53 pm

  eto na ang pinakamakabuluhang tag sa buong sangka blogahan’ tamad akong pumatol sa mga tag tag na ganyan pero ang isa to ang hindi ko maipagsasawalang bahala, dahil hindi imposibleng itong tag na to ang maging daan sa pagkakasundo sundo ng mga pulitiko sa pilipinas at maaring maging susi sa gamot sakit na aids..

maraming  salamat mommy kengkay sa pagpili mo sakin, isang napakalaking karangalan ang
ma itag mo sa usaping ito..
isang malaking hakbang pasulong para sa kristyanismo ang tag na ito!!!

* rules:

dont tag me back, tag mo lang sa next in line sayo, and tell your downline to get 3 members to join the pyramid scheme tag just 1 person in his/her blogroll (which excludes the blogger already excluded in the list)… hopefully, whoever’s name is included in the list by dec 25 will get something from def (daw)… so make this tag go around.. Dont forget to put the name of the person you are tagging under your name so they would know that they are being tagged. And dont forget to link, kaya nga chain lab letter di ba?

TAGGED PEOPLE LIST:

1. defpotec - defpotec.wordpress.com

2. moo - maruism.com

3. jojie - jojitah.wordpress.com

4. selvo - joselgonzales.wordpress.com

5. kengkay - kengkay.wordpress.com

6. jon cabron - joncabron.wordpress.com

7. azrael - azrael666.wordpress.com

8.

(please dont ask me to count for you.. add numbers if required)

Comments
3 Comments »
Categories
Uncategorized
Tags
adik sa damo, baka, madaming dyoga, nagbibigay ng gatas, tag, ungaaaah ungaaah
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

chi ki ni ni

| 6:59 am

chiki hindi ko na alam kung anong oras ako natapos mag inom nung blog anniv ko, basta nagising na lang ako sa mga yakap at halik ni mrs. cabron kinabukasan, habang binubulungan nya ko ng “baby, day off na natin.. wraaaar” ako naman syempre tulugtulugan para hindi matapos ang moments, sya naman “uuuy ayaw magising ng baby ko.. eka nga..” at pinupog nya ko ng halik sa leeg, alam nya kse na malakas ang kiliti ko dun.. pero tiniis ko, gusto kong hintayin kung ano pa ang mga susunod na gagawin nya.. maya maya nag angat sya ng ulo, binali ang leeg ko pakaliwa.. narinig kong huminga sya ng malalim, sunod sunod.. at biglang nakarinig na lang ako ng isang malakas na lagapak at naramdaman kong namanhid ang pisngi ko at may tumulong kapirasong luha sa gilid ng mga mata kong nakapikit galing sakin, at bago ko pa maidilat ang mata ko, sinalubong na naman ako ng isang malakas na batok sa noo, gumulong ako pabagsak ng kama para lang makalayo sa isang babaeng tigreng umaapoy ang mata, tinanong ko kung anong problema, tuliro pa ko sa antok at lagapok..
tinanong nya ko kung san ako galing kagabi, sinabi ko na hindi naman ako lumabas, sabi nya sinungaling daw ako at pinaharap nya ko sa salamin, pati ako nanlaki ang mata sa nakita ko.. OMFG!!! meron akong chikinini sa leeg!!!!!! san galing to? san ako galing kagabi? nyay!
wala akong alam, wala akong natatandaan.. balak kong mag bar hopping nung gabing yun pero wala naman akong naisama, binalak ko rin magpamasahe sa suking masahihan ko pero di naman ako tumuloy dahil nalasing nga ako..
sinabi ko na baka may succubus na nakipag anuhan sakin sa panaginip pero kahit ako hindi ko tatanggapin yung ganung paliwanag kung ako yung nasa katayuan nya, walang pinagkaiba yun sa bente syete anyos na lalaking sinabihan mong wag iihi sa puno dahil lalawlaw ang betlog nya, gusto kong isipin na paso lang to ng sigarilyo pero hindi e, putaragis!!! sinong makapangyarihan ang nanamantala sakin! please magpakilala ka, at kamusta naman ako? ten ang pinakamataas, okei naman ba?

* kagabi habang kinakalabit ko sya nung tulog na ang anak namin,

JON: baby, day off natin.. pag di tayo natuloy ngayon, next week na naman to
(6am -2pm ako, 11pm - 7am kse sya)

MRS. CABRON: tumigil ka, di ba sabi mo nireyp ka ng maligno? o pwes baka may sakit yung maligno na yun, mahawa pa ko!!! (sabay talikod at talukbong ng kumot)

JON: may mga pagkakataon na mahirap ipaliwanag, at isa ito sa mga putarages na pagkakataon na yun..

Comments
18 Comments »
Categories
Lakbaydiwa, Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

isang taon

November 8, 2007 | 3:02 pm

anniv aksidente kong napansin nung isang araw na november 7 2006 pala ako nag create ng blog sa wordpress at unang nagpost ng kauna unahan kong entry dito, ibig sabihin isang taon na si jon cabron.. walang kwenta yung unang post ko actually at siguro sobrang kupal lang ng pakiramdam ko nung mga panahon na yun sa taong yun kaya naisipan ko maggawa ng blog, nauna pa yata yung post kong rant na yun kesa magpakilala ako sa ang salarin.
ang balak ko lang dati talaga mangulit ng mangulit sa chatrooms at ipopost ko dito yung mga magiging biktima ko, ang balak ko lang kumuha ng picture ng mga natutulog at nagyoyosi sa pampublikong sasakyan, at mga mukhang bakla, .. medyo delikado, medyo libelous yata kaya wala akong balak makipagkilala kahit kanino, pero ilang buwan lang nag gawa na rin ako ng yahoo account, ibig sabihin handa na kong makipag interact sa mga readers ko, hanggang sa nagkaron ng original na barkada dito sa blogword, sila yung mga nasa kablog sa blogroll ko, at nanganak ng mga kagrupo sa wordpress pinoys. mas dumami, mas sumaya.
di ko inasahan na yung obnoxious image ni “jon cabron” ay magugustuhan ng iba at magkakaron pa ng maraming kaibigan at regular visitors.. sa puntong yun bigo ako,
dahil ang gusto ko sanang mangyari dito sa blog ko, kainisan ako ng mga tao.. gusto kong mag almusal, mananghalian, maghapunan at magmidnight snack ng mga hate mails sa email ko.. pero kabaliktaran ang nangyari’

bukod sa ritwal ko ng uminom tuwing dayoff ko, espesyal ang inom ko kagabi dahil dito… nakakalungkot lang na hindi ko naubos ang tatlong mucho ng redhorse dahil nung naubos ko yung pangalawa, sumama na sa dighay ko yung ilang pinulutan kong maling at nagaraya, nakakahiya tuloy sa mga bisita ko (daffy duck, bart simpson at little bart)

isang taon na ko with 28thou+ total views, 156 entries, at 870 comments, matagal na ko nagba blog pero eto ang pinakamatagal at kahit ngayon hindi pa kahit sa panaginip ko na pumapasok na tigilan to.. salamat sa mga bumisita! .. at sa kaisa isang tao na bisita ko sa inuman, si jovi .. sa webcam’

Comments
12 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

loob o labas? putarages na tanong yan!

November 6, 2007 | 9:17 pm

ito ay batas, simula sa araw na to.. ang sinumang maglilitanya sakin ng ganyan, makakarinig ng maaanghang na salita, wala akong pakialam kung bata ka man, magandang babae o kagalang galang na matanda.. wala akong pakialam kung sabihan akong war freak o nagoover react, ang punto ko dun halos dalawampu’t pitong taon ko ng naririnig yang tanong na yan, wala na kong maisip na nakakatawang sagot.. dumudugo na tenga ko sa kakornihan ng tanong na yan.. supot pa yata ang porkchop duo nasa ere na yang tanong na yan e.. sa susunod na may magtanong sakin nyan, sa forum, sa tunay na buhay at lalo na sa chat.. puputukan ko sa loob!

Comments
18 Comments »
Categories
Lakbaydiwa, Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

amoy tuta

November 4, 2007 | 6:51 am

ambaho nung katabi ko sa bus kanina, amoy tutang basa.. partida pa yun ang ginaw kaya kanina, tangenang yan!

Comments
12 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

ulul mo!

November 2, 2007 | 4:51 pm

  pinsan,
tumawag ka raw kahapon, pinapagising mo ko, isasama mo raw ako sa sementeryo para dalawin ang libingan ng lola natin, hindi daw ako magising sabi ni mrs. cabron, sabi mo pilitin akong gisingin, bumalik si mrs. cabron at talaga daw hindi ako magising kse daw wala pa kong tulog, sabi nya, galing kse ako sa midnight shift at pang umaga na ko kinabukasan.
actually gising ako nun, kakahiga ko lang, wala lang sa mood makipag usap at wala lang sa mood makausap ka.. pasensya na, tawag ka na lang ulit,
… next year!

Comments
8 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

libel, puk*, at inuman

November 1, 2007 | 8:07 am

.. usapan sa YM kahapon ng alas otso ng umaga, ilang minuto pagkauwi ko galing trabaho.
DENCIO: buritoy!
JON CABRON: ahhm yes?
DENCIO: wala lang
JON CABRON:
buti ka pa andami mong oras sa kamay mo para sa mga “wala lang”
JON CABRON: kelan tayo iinom potangena
DENCIO: sayang eh mamya wala akong pasok kaw naman ang meron
JON CABRON: nakita ko yung pict nyo ng mga pinsan mo… darn it
DENCIO: we look good together isn’t it?
JON CABRON: taknaydamo nga e
JON CABRON: yeah’ opposite attracts e
DENCIO: XXXXXXXXXX
JON CABRON: XXXXXXXXXXXX
DENCIO: sus alam mo namang hindi si XXXXX ang tinutukoy ko
JON CABRON: XXXXXXXXXXXXXXXXXXX
JON CABRON: nyay
JON CABRON: inadd ko si XXXXXX sa friendster
JON CABRON: tapos sabi ko, sana kilala mo pa ko, pinsan ni dencio at itchan
DENCIO: o?
JON CABRON: sagot sakin oo naman syempre dahil minsan din kitang minahal ..
JON CABRON:
DENCIO:
Read the rest of this entry »

Comments
4 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Tags
baranggay, bonetags n harmony, election, friendster, inuman, muntinlupa, ym
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

Next Entries »

Babala

explicit

Patuka sa utak

papano mo malalaman kung mabuting ina ang nanay mo?
.. pag laging may yelo sa ref, pag gusto mong maglasing.
— Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox