alaala ng isang malaswang larawan mula sa karachi
December 31, 2007 | 12:43 pmnaaliw ako, nabuksan ko ulit yung account ko sa yahoo na ginagamit ko nung dating dati pa.. isa yun sa mga nauna kaya newbie pa talaga ako sa YM galing ng MSN. halos karamihan ng nasa friends list nung account di na active.. or pwedeng nagpalit na rin ng account. browse ko yung email at saglit na tumigil ang mundo ko sa nakita ko.. nagbalik ang mga alaala ng isang pag iibigan na malalim na karagatan at nakapupuwing na disyerto ang pagitan, at isang relihiyon at kaugalian ang humahadlang…
nakilala ko sya sa MSN.. konting palitan ng “whisper” at nakapalagayang loob, taga karachi sya.. galing sa isang mahirap na pamilya, mula sa isang mahirap na bansa. pagtagal, napagpasyahan namin na lumipat sa yahoo.. at dun lalong tumibay ang pagkakaibigan namin na nauwi sa palitan ng “i love you” sa PM at sa email.
halos alam nya na ang lahat sa akin, ganun din ako sa kanya.. alam ko na teacher ang tatay nya at mga kapatid na lalaki, alam ko na lupa lang ang sahig nila.. at alam ko rin kung gaano kahigpit ang tatay nya at mga kapatid sa kanya, lalo na pagdating sa lalaki.. masyadong conservative ang relihiyon nila pagdating sa bagay na yun.
tinanong ko sya isang araw kung papano sya makakapag asawa ng gusto nyang lalaki.. ang sabi nya, wala daw paraan.. kaya nagdadasal na lang sila ng nagdadasal na magkakaibigan na sana ang makasundo ng pamilya nila sa pagbibigay ng dote.. yun yung lalaking gusto nila… binibili ang babae sa kanila.
naging obligasyon na sa aming dalawa ang pagoonline ng ayon sa skedyul nya ng paghawak ng computer sa kanila at sa eskuwelahan, naging batas na rin na magiwan ng offline pag sakaling hindi makakapag online ang isa..
isang bagay lang ang hinihiling ko sa kanya, ang padalhan nya ko ng picture nya.. sa tagal ng paguusap namin, ni minsan hindi ko pa nakikita ang picture nya.. wala daw kse syang digicam o scanner man lang.. hiyang hiya nyang ipinaliwanag yun kaya hindi ko na inulit yung hiling ko, pero nangako pa rin sya na pag nakapunta sya sa kaeskwela nya na medyo may kaya at may digicam, magpapakuha sya agad at papadalhan nya agad ako..
hanggang sa dumating ang isang pagsubok na nagpabago sa pagtitinginan namin.
andun sya sa bahay ng mga kaibigan nya nun.. magkachat kami at napagtripan nilang magkakaibigan na magbigay ako ng picture ko na hubo’t hubad.. nung una nag alangan ako.. ayokong magbigay ng picture ko ng nakahubo.. lalo na sa isang taong hindi ko pa nakikita ang itsura, pero nangako sya na pag natanggap nila ang picture ko.. magpapakuha rin sila ng mga kaibigan nya ng seksi. curious lang daw sila ng itsura ng lalaking nakahubo, dahil sa pagkaconservative ng bansa nila, pati mga website na may mga ganun, nahaharang.
.. hinawakan ko ang pangako nya na magpapadala sila ng picture na magkakasama at seksi din, kahit nagaalangan.. pumwesto ako sa may kama at isinet sa otomatik yung digicam.. at bumukaka’ .. isinend ko ang picture sa kanila, at naghintay sa isesend nila.
ipinadala nya ang picture na to na magkakasama sila.. sya daw yung pangatlo’
.. sa bansa daw nila, mahalay na pag nakita mo yung kamay ng babae.. itago ko daw at mangako ako na pakakaingatan yung picture nila’ hiyang hiya daw sila sa lalaking kumuha nun. nakita ko na lang ang sarili ko na minumura sya at ang mga kaibigan nya.. nakapag bitiw din ako ng mga salita tungkol sa 5-6, mapanghi, at hindi naliligo, hanggang sa maglog out sila. at simula nun hindi ko na sya nakitang nag online, hanggang sa nagpalit na nga ako ng account.
at kanina nga nung napag isipan kong buksan ang account na yun, nagbalik ang isang ala ala.. at kung tatanungin mo ko kung bakit kasama sa picture yung kumukuha ng larawan… hindi ko rin alam.. hindi ko rin alam..
happy new year and everything!


kanina ko lang napansin, galing sa gmail ko ibinato ng multiply..







