extra diyos
January 20, 2008 | 1:57 pm may bago akong nadiskubre.. inspired sa entry ni pinaihmmbwodksterrr, ang kailangan mo lang dalawang nescafe intense na 3 in 1, tsaka isang box ng extra joss, pagdating sa opisina ng alasais ng umaga, timpla agad ng kape at ang sikreto, pag maligamgam na yung kape sinasabayan ko ng tatlong sachet ng extra joss sa 300ml lang na tubig, nangangagat ng dila pero swabe ang tama… wapak!
tapos ang tama nun para kang nakaratrat.. magiging active ka at super hyper, tapos nun pag mga alas diyes na, pawala na yung epekto nun, followup ka na ulit ng kape at anim na extra joss.. dahil pag wala ng tama, para ka namang semi comatose, nakakapanlata’ biruin mo nga naman, iniinom yung ganun ng mga nagbubuhat sa gym, todo pawis, tapos ako dito nakaupo lang at nagba browse sa net.. ipagdasal nyo sana ang kaluluwa ko, parang may kabayong nag kakarera sa dibdib ko ngayon, at dalawang macho gay na nagbabadminton sa ulo ko.. ang sarap sa pakiramdam’
.. magtatampisaw ako sa alak mamaya at magsasayaw sa usok ng yosi’
maligayang araw ng linggo sa inyo, mga loners!
.. kinakapos ako sa hininga tsaka nung tumunog yung celfone ko parang malalaglag yung dibdib ko sa kaba, tapos pauwi na ko at bibiyahe ng isang oras, cool!
.. welcome to the wonderful world of heart attack, mr. cabron ..nya’y!







omg. good luck po.
mamimiss kita jon
ahahaa..kamusta naman ang tripping na yan??Goodluck idol…lols…magbaon ka ng nurse.
ingat ka tol!
wow ayos sa tripping…sige,magdala ka na rin ng stretcher para di na sila mhirapang buhatin ka…ingat na lang lagi at maligayang araw ng linggo din sa yo…
josskopo!!
amf.. energy drink ba yan o pantulong para sa puso na tumibok ng 10x faster?? aus! un bang kalibitin ka lang malalaglag na sa dikit ng iskach tape yung puso mo..
grabe… nakakakaba naman yan!
kapag inatake ka sa puso… pamanahan mo ako ng kayamanan mo.. tulag ng dati… sagot ko pandesal!
mwahaha.. matry nga mamaya pag-uwi ko yan. haha. ^_^
kahapon pa ako walang tulog eh, epektib kaya?
ayus! yeah!
hmmm kape at extra joss… masubukan nga.
jon, atsaka mo na gawin yan kapag tapos ng EB, hehehe
tsk! tsk
grabe!! wala kang katulad papa jon hahaha!!!Nag iisa ka talaga
Nagawa mo na ba ang yung huling habilin… heheheh!!
easy on the caffeine jon.
coffee + extra joss = caffeine galore in your system!
ingat ka baka pag nasugatan ka eh hindi na dugo ang lumabas hehe
seryoso, wag nyong subukan..