teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

long hair ka ba?

January 16, 2008 | 7:44 am

  ilang beses na bang nangyari sayo na pag pwesto mo sa urinal o sa bowl may makikita kang isang bagay na nalaglag dun mula sa mga naunang gumamit? nakahimlay dun na parang isang abandonadong natural na bagay lang. hindi naman ako sa nagmamalinis o ano pero sana naman, kung hindi masyadong makakaabala, baka pwedeng pagkatapos natin gumamit ng urinal baka pwedeng pagka abalahan nating yumuko muna saglit at tignan kung may remembrance ba tayong naiwan dun, at pitikin kung meron o hipan mo para mabugaw kung kinakailangan, nakakabuwisit lang kse pag pupuwesto ako dun kinakailangan ko pang suriin muna kung alin dun ang malinis at walang patay na buhok, .. demet! at ang masama pag maraming tao sa likod ko, malamang sa hindi ako pa yung mapagbibintangan ng susunod sakin na nagiwan ng bakas, at baka hindi ko lang alam na sa mga susunod na makakasalubong ko sya e lihim na kong pinagtatawanan ng taong iyon, o pinandidirihan. seryoso, kung wala kang panahon na pitikin o bugawin ang kalat mo, try mong mag ahit o maggupit at kung nanghihinayang ka itirintas mo, letche!

Comments
13 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

ang aking larawan

January 15, 2008 | 7:46 am

   dahil sa hindi matatawarang dami ng mga regular visitors ko na nagrerequest na magpost naman ako ng picture ko dito, ang tatlo ay mas marami sa isa sa kahit na anong pagkakataon, shutup! naisipan kong gawin ang entry na ito.
hindi naman sa nagtatago ako, natatakot, o nahihiya pero hindi ko lang talaga maisip kung bakit kailangan kong magpakita ng picture, bakit mo kailangang makita kung ano ang itsura ko kung hindi ka naman nakahandang mahalin ako. naghahanap ka ba ng katibayan sa magiging itsura ko sa picture para paniwalaan mo yung mga sinusulat ko, kailangan bang maging mukhang matapang ako para lang mapaniwala kita sa mga sinusulat kong palaban? o kailangan bang maging disente ako, hindi nagsusuklay, maputla at may makapal na salamin para makunteto ka pag sinabi ko na IT ako, o maaalis ba ang duda mo dun sa mga kayabangan ko pag sinasabi kong madami akong naging girlfriends nung high school at college, dahil hindi man ako ganun kagwapo pero ampapangit ng mga lalaking kaklase ko nung college?
kung iisipin, pwede akong magpost ng picture ko dito, kahit isa lang pero pagnapangitan kayo sa picture malamang iisipin nyo nagpapatawa lang ako, pag magandang lalaki naman ang nakita nyo, magdududa kayo at iisipin nyong nagnakaw ako ng picture.. kelan nyo ba ko sineryoso?
at isa pa, kung maglalagay man ako ng picture ko dito, paniguradong pipili ako ng pinakamagandang picture na meron ako, wala ring saysay. wag ka magtitiwala sa mga primary picture sa friendster dahil natural na ang ilalagay nila dun yung mga best shot nila.
bukod sa sumpa ng pagiging sirain ang tiyan, meron pa ‘kong isang kasiraan, ang sumpa ng pagiging iba’t ibang uri ng kaabnormalan na itsura sa litrato. siguro sa sampung kuha ko ng picture sa iisang event, makakakita ko run ng mukhang tulala, itsurang mongoloid, mukhang kirat, obese, mukhang natatae o mukhang hindi matae, at kung anu ano pang kalokohan at katarantaduhang maiisip mo, at kadalasan dahil kailangan talagang pumili sa mga iyon ng picture na ipopost sa net, ipamimigay sa kachat, o kakailanganin sa totoong buhay, malamang ang pipiliin ko ang pinakamaayos sa lahat.. ang mukhang mongoloid na obese.
kaya hindi na kailangang sabihin na kung sa picture pa lang, magugustuhan o matatanggap mo na ang itsura ko.. maswerte ka giliw, dahil ipa photoshop mo sa isang second year college na nagaaral ng web designing yung picture na yun.. yun ang itsura ko sa personal.
at sa huli, mukha akong mongoloid na obese sa picture pero sa totoong buhay alipin ako ng pagbibigay ng kaunting barya sa mga pulubi sa kalsada at pagpapaupo ng matatandang nakatayo sa bus kahit inaantok ako, hindi pa ba sapat yun para mahalin nyo ko?

Comments
17 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

202 para sa 2008

January 13, 2008 | 8:51 am

dalawang daan at dalawang natutunan at napagisipan sa taong dalawanglibo at pito .. at ilang updates sa mga naging kabanata ng taong iyon, at new year’s resolution na rin para lang may pampahaba, atsaka kung anu ano pa, medyo late na pero wala kang pakialam.

1. sa taong ito medyo bawas na sa yosi, nung mga huling buwan ng nakaraang taon, nagmiminimum na ko ng kalahating kaha sa isang araw.
2. ang masama pa nun, sampung oras ako dito sa opisina, kasama yung byahe at walong oras akong tulog sa bahay.
3.
pag nagiinom, mahina ang isang kaha sakin.
4. andami kong nararamdaman, chest pain, cigarette cough, madalas akong magpalpitate at madalas biglang manghina.
5. babawasan ko nang isama sa mga jokes at dito sa blog ko kung hindi rin lang kinakailangan si jebus,
6. marami na kong nararamdaman sa katawan ko na nakikipag unahan sa naiisip kong malapit ng magunaw ang mundo,
7. ayokong isa ako sa mga mapapa “putangina, hindi, totoo ngaaa.. waaaaaag!” pag dumating na ang panahon at tumambad sa harapan ko ang pintong maliwanag.
8. at nabasa ko sa bibliya dati na “ang sinuman na hindi tumanggap sa kaharian ng diyos na parang isang bata, ay hindi makakapasok dito kailanman”
9. sa maniwala ka man o sa hindi.
Read the rest of this entry »

Comments
12 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

adik

| 8:03 am

adik na sa internet si mrs cabron
inagaw na sya ng teknolohiya sa akin
.. gusto ko ng magka anak ng lalaki
.. pero walang matris ang kanang kamay ko.
.. at nagwi withdrawal method kami
.. ng kanang kamay ko
.. malungkot na buhay.

Comments
No Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

no man is an island

| 7:51 am

no man is an island
ang motto ng mga tigyawat ko ngayon,
walang tumutubo ng paisa isa lang.

Comments
3 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

wanted gelpren

January 11, 2008 | 7:33 am

halos one month ng nagresign sa trabaho bilang online casino dealer si mrs. cabron, masaya na malungkot ang nararamdaman ko nung una, malungkot kse hindi na ako masyadong mayaman, pigaan na pag lumalabas kami ng mga tropa ko, pero syempre masaya dahil una, hindi na ko lagi nag aalala pag medyo nale late sya ng uwi, at pangalawa, abot kamay na ang rape time.. para kang laging may nakahain na mga putaheng pangkastila sa hapag kainan.. pero hindi pa rin.
nung una pinagbigyan ko sya, naisip ko na naninibago lang sya na maging plain housewife ulit kaya ibinigay ko ang hilig, nalilibang sya sa net dahil sa mga forums at sa pinoy big brother, walang problema sinubscribed ko sya sa 24/7. para kong unti unting natutuyo dahil hindi ako makahawak ng pc, muntik na kong magsisi dahil hindi ko alam na gagawin nyang literal yung bente kwatro oras at pitong araw isang linggo ng subscription nya, pero sabi ko okei lang, matatapos din yan at dun ako babawi.. kung kakayanin ng 25/8, bakit hindi’ kumbaga sa negosyante, namumuhunan muna ko.. tsaka ko na kukubrahin ang para naman sakin.
pero natapos na ang pbb, nanalo na ang kupal na mapang agaw ng eksena na si ruben, dumalang na ang nagpopost sa thread ng forum na sinalihan nya.. pero may isa pa syang nadiskubre sa net.. back read’ .. at dun na nagulo ang mundo ko.
nung isang gabi ko lang napag isip isip na parang wala na kaming usap na matino ng babaeng to, ang naging buhay ko sa loob ng halos isang buwan, gigising para pumasok sa trabaho at uuwi ng bahay para matulog.
at ang huling naaalala ko lang na palitan namin ng salita e nung isang linggo pa, nung maaga sya natulog dahil sumasakit ang ulo nya, at nagkaron ako ng pagkakataon na makasingit sa net, pero dahil pang umaga ako sa trabaho, terti minutes lang nahiga na rin ako.

habang nakapikit pa..
mrs. cabron: hoooy, yung electric fan wag mong itapat sakin, giniginaw ako!
jon: letche! mag kumot ka!

yun na ang huli, maliban sa ginigising ko sya para isara ang pinto pag aalis na ko ng madaling araw para pumasok o pag pinapaabot ko sa kanya ang tuwalya pag naisipan ko maligo pagkatapos tumae.
sa lahat ng yan, hindi na naman siguro ako masamang tao kung maisipan ko naman na hanapin sa labas ng bahay ang pagmamahal na hindi ko matagpuan sa loob ng bahay namin, partikular sa loob ng kuwarto namin.
kaya sabihin nyo ng loser ako pero nananawagan ako ngayon sa mga babaeng may mga katangian na hinahanap ko.. baka pwede nating subukan, at malay natin baka sa ilang ulit na engkuwentro natin.. mapamahal ka sakin, hindi natin alam..
simple lang ang gusto kong babae, wala akong pakialam kung adik ka o bungal basta makumpleto mo lang ang mga simpleng katangian na hinahanap ko.

1. walang alagang pusa - mag aaway lang tayo, dahil nasabi ko na dati, pagnakakakita ako ng pusa parang nangungusap sya lagi sakin ng “jon, sipain mo ko, please”
2. hindi nagsusuot ng pambasketball na short - yuck! major TO sakin to.
3. hindi nate turnoff sa lalaking laging sira ang tiyan - gago ka pala e!
4. ayoko ng kaibigan ng bayan - possessive ako
5.
umiinom at nagyoyosi - gusto ko ng babaeng pwede kong makasama sa gimik, pero wag naman yung mas adik pa sakin.
6. ayoko ng kulot - ayokong maramdaman ng magiging anak natin ang nararamdaman ko sa mga magulang ko, pag may bad hair day ako.
7.
masarap magluto ng sinigang
8. ayoko ng pupunta ka sa mall tapos sukat ka ng sukat ng mga damit o sapatos na wala ka namang balak bilhin talaga -
isang kalokohan ng babae na hindi ko talaga mapag aralang tanggapin.
9.
nakakaintindi na hindi lang ako asawa, ama at empleyado, minsan kaibigan din ako at katropa kaya walang problema kung lumabas man ako para maginom tuwing dayoff ko.
10. ayoko ng nagpapabango nung mga pabangong amoy pabango ng kotse.
11. irespeto mo ang nanay ko, kung naiinis ka sa bunganga nya, ilagay mo sa bulsa ang mga kamay mo, tsaka mo ngaratan.. bawal na bawal na sasagutin mo yun, papatayin kita.
12. ayoko ng mga pet names
(labs, tart, habibi, bangus, labopmaylayp, pankeyk,sweety)
13.pag nasa mall tayo at naisipan kong maglambing sayo, inakbayan kita, wag na wag mong tatanggalin, ihe headlock kita!
14. ang stuff toys para lang sa kwarto, ayoko ng babaeng lumabas ng bahay na may bitbit na stuff toy -
ayoko ng mala cynthia patag ang style.
at sa huli,
15. ayoko ng nagtatanong tapos hindi naniniwala - pag sinabi ko na late ako nakauwi dahil umulan ng yelo sa maynila, tumahimik ka na, wag ka ng mag anu ano pa.

.. yun lang, simpleng simple at worth it naman na sundin ang ilang batas dyan sa labinlimang yan dahil pangako naman sayo na mamahalin kita ng tapat at buong buo.
at ipatuka mo sa utak mo, ang taong naghahanap.. merong hindi makita.

update:
bati na kami dahil nanood kami ng dinownload ko na KEKA ni katya santos sa net, nanood kami habang nakahiga kami sa kama at nakaunan ako sa tiyan nya at kumakain kami ng tortillos.. kalimutan nyo na yang nakalistang yan, at tigilan nyo ang buhay magasawa namin. enjoy your weekend’

Comments
17 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Tags
katya santos, pbb, rape time, wanted
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

oh, dash wai!

January 8, 2008 | 12:45 pm

dashwai kagabi dahil nahihirapan na naman akong matulog, at matapos ang tatlong sunod sunod na yosi ng marlboro lights, habang nakakulong sa banyo ng nakahubo at nakaharap sa salamin, may napansin akong kakaiba sa mga ngipin ko, at naisip kong ito ang sagot sa matagal nang katanungan na bumabagabag sa pagkatao ko..
hindi nyo naitatanong, mas maingay akong magtype kesa magsalita sa totoong buhay lalo na pag nasa harap ng mga bagong tao ako, ito rin ang madalas kung bakit lagi akong sa unahan ng jip sumasakay, nahihiya akong pumara ng malakas.. dati malimit kong itanong sa sarili ko kung bakit ako bulol, sabi naman nila napakadaldal ko nung bata ako.. malaki ang naging epekto sakin ng kapansanan na to, maliban pa sa madalas na pagtae ko sa short nung elementary at konti nung nasa high school ako, dumating pa sa punto na naisip ko na siguro pinabayaan ako ng nanay ko kaya naging ganito ako, siguro abala sya sa pag bibingo dati kaya hindi nya ko nabigyan ng oras na kausapin ng matino.. minsan ultimo sa alagang cockatoo ng kapatid ko naiinggit ako, kse madalas mas malinaw pa syang magsalita sa akin, naaalala ko nung nakipag open forum ako sa mga kaibigan ko nung nasa fourth year high school ako, iisa lang ang pintas nila sakin, minsan daw oo na lang sila ng oo.. di daw kse nila maintindihan madalas yung sinasabi ko..
kahapon, habang nageexperiment ako ng mas astig na paglabas ng usok sa bibig ko sa harap nga ng salamin, napansin ko na hindi pala pantay yung ngipin ko sa unahan sa taas at sa ibaba.. pakitignan na lang sa picture, at kung napapansin nyo na medyo parang namamaga ang nguso ko dyan.. camfone lang kse ang ginamit ko, wag nyo kong pagtawanan sad
.. lisp ako, sinubukan kong iadjust ng konti ang panga ko at pinagpantay ko yung mga siwang ng ngipin ko sa unahan, at sa kauna unahang pagkakataon sa loob ng dalawampu’t pitong taon lumabas ang hindi bulol na salita sa bibig ko.. nabigkas ko ng malinaw ang salitang “pengeng piSo pambili ng SoPaS” ngayon kailangan ko na lang sanayin ang panga ko sa ganung posisyon, dahil nung gabing yun bago ako matulog habang nakahiga, hindi ko ginagalaw sa ganung posisyon ang panga ko at para akong magla lockjaw kanina pagkagising ko..
at hindi rin option ang braces dahil sa katulad kong kumikita ng sapat lang para sa panluho at para sa pamilya ko, mahirap humugot ng para sa ganun.. hindi nila maiintindihan, at sobrang hirap para sa katulad kong maraming nakapaligid na kups na malalakas mang asar, sasabihin lang ng nanay ko “sus kung kelan ka tumanda, ngayon ka pa nagpacute” at sasabihin ng mga matured kong kaibigan, “huuuu pampabaho lang ng hininga yan!” ..
malungkot ang buhay, at minsan ang nagpapalakas na lang ng loob ko ay yung mga komento ng mga ex girlfriends ko na para daw akong ant eater kung makahalik.. hindi ko alam kung pinupuri ba nila ako o ano, pero basta parang nakikiliti ako pag naaalala ko yung mga komentong ganun, galing sa mga dati kong girlfriend na pinagsisiiwanan ako. mga walangyang babae’

note:
bukod sa 2:3 ang ratio nung ngipin dun sa unahan sa taas at baba (naka bilog)
yung gap ng taas at baba ang suspetsa kong salarin..
eto para mas madali.

Comments
24 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

viaje

January 7, 2008 | 7:24 am

traffic na naman kanina, alasingko ng umaga pa lang yun, tuleg kse tong namamahala dito samin ganun kaaga na alam naman na maraming pumapasok sa trabaho dun sila naglalagay ng aspalto sa kalsada’
umambon pa at para lalong makumpleto ang katarantaduhan ng umaga, wala pang bus na masasakyan.. tanda ng isang magandang simula para sa isang magandang araw ng lunes’
matapos kong makipag unahan sa bus, wala na kong pagpipilian.. tayuan na’ at sa ganitong pagkakataon na no choice ka na kundi tumayo na rin, ang tanging konswelo na lang sayo ay yung makatayo ka sa tapat ng isang babaeng naka labas ang cleavage.. sa kasamaang palad.. matandang may dalang malaking itim na bag ang katapat ko.
at kahapon naman nung pauwi na ko sakay ng jeep sa alabang, bago pa maka andar yung jeep.. nagkaron ng eksena’ kanina pa pala sinesenyasan nung traffic enforcer yung drayber ng jeep na umabante na, kaya lang medyo naghapit yung mama, medyo na late ako sa pagkuha ng video dahil nasa kalagitnaan na to ng pagsisigawan nila..
This video was embedded using the YouTuber plugin by Roy Tanck. Adobe Flash Player is required to view the video.
partida pa yan ang daming mga batang nakasakay sa likod nyan..
muntinlupa city reprazent! yo!

Comments
14 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

wird!

January 5, 2008 | 1:32 pm

nakakatawa naman talaga o’ biruin mo ala una trenta’y singko na, dalawang tasang kape pa lang ang laman ng tyan ko, isa pagkaligo at isa pag kadating dito sa opisina, at isang katerbang babolgum.. kumakalam na sa gutom ang sikmura ko ngayon, ayokong kumain dito sa cafeteria dahil kalahating oras na lang uuwi na ko..
ang nakakatawa dun, kumakalam ang sikmura ko sa gutom, pero natatae ako ng konti.. anong klaseng kaabnormalan toooooooooo?!

Comments
9 Comments »
Categories
Lakbaydiwa, Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

bobblehead

January 3, 2008 | 7:42 am

bobblebobblehead - also known as a bobbing head doll, nodder, or wobbler, is a type of collectible doll. Its head is often oversized compared to its body. Instead of a solid connection, its head is connected to the body by a spring in such a way that a light tap will cause the head to bobble, hence the name.
- at anong kinalaman nitong picture at definition sa post ko ngayon? wala akong pinagkaiba dyan sa character na yan sa mga panahon na to.. uuga uga ang ulo dahil sa puyat at mega dum dum ang tingin ko sa sarili ko.. alas dos nako lagi nakakatulog, partida pa yan kse di na ko nakakahawak ng pc sa bahay, mula alas nwebe naka program na ang kilos ko.

09:00pm - mahihiga sa kama at magpipilit matulog
10:00 - tatanggapin sa sariling hindi pa inaantok (kukunin ang celfone at makikinig sa boys night out)
11:00 - babalibaliktarin ang unan, tatapatan ng elecricfan ang mukha (aasang yun ang dahilan kaya di makatulog)
12:00 - lolokohin ang sarili na inaantok na
01:00am - mapapansin na hindi pa rin nakakatulog sa dami ng iniisip (mayaman kunyari, may kapangyarihan, may ka date na artista, legal ang tsongki etc.)
01:20am - magkukulong sa banyo para magyosi
01:30 - 2:00 - mawawalan ng malay
4:00 - tutunog ang alarm (snooze muna ng 5 minutes)
4:05
- tutunog ulit ang alarm, mapipilitan ng bumangon
4:10 - init ng tubig pangkape, pagkatimpla tatapatan ng electric fan para lumamig
4:15 - 4:40 - lahat ng pwedeng gawin sa loob ng banyo
4:40 - 4:55 - magbibihis, lahat ng kailangang gawin
5:00 - 5:15 - byahe hanggang alabang ng jip
5:15 - 5:35 - sakay ng bus hanggang vito cruz
5:35 - 5:40 - byahe ng jip hanggang sa may sakayan ng pedicab
5:40 - 5:45 - daan ng convenient store / mini drug store para sa tubig, imodium at babolgum
5:45 - 5:55 - pedicab ride, swipe ng timecard

.. ganyan ang magiging program ng buhay ko sa loob ng isang buwan’ at sa mga gantong pagkakataon na mag isa pa lang ako sa opisina at nahihilo pa ko sa antok, pumapasyal din paminsan minsan sa isip ko na mang hiram ng lubid sa engineering department, magbigti dito sa opisina at mamatay muna saglit para makapag pahinga lang… pero naisip ko na bukas dayoff ko naman so pagdating ng 2pm maya maya lang, iinom ako, magpapakalasing, hihithit ng sandamukal na yosi, hihithit ng apyan, mambababae kung meron, at walang makakapigil sakin kahit si mrs. cabron, yey! masaya pa rin ang buhay!!!! pero naisip ko na alas otso pa lang ng umaga at napakahaba pa ng oras para sa mga iniisip ko… taena!

Comments
14 Comments »
Categories
Lakbaydiwa, Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

Next Entries »

Babala

explicit

Patuka sa utak

‘wag kang umasa ng respeto pag kinontra mo ‘ko, katulad ng hindi mo kailangan ng foot spa habang tinuturukan ka ng lethal injection. — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox