teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

wansikstioberwanten

January 23, 2008 | 11:41 pm

losartan ano akala ko sa sarili ko bakal? tao ka lang jon, tao ka lang! gago!!! hindi tamang pagsabayin ko ang extra joss at kape, lalo na ang tatlong extra joss na kulang sa tubig, at uulitin ko pa apat na oras lang ang pagitan.. nagpapakamatay ba ko? kung gusto kong sumigla at di ako aantok antok dyan sa opisina, matutulog ako ng maaga pagkauwi ko, gago!

maaga akong pumasok nung tuesday, timpla agad ng extra joss at kape.. painom inom habang nagbabrowse sa net, tapos parang pakiramdam ko nahihirapan akong huminga, tapos yung dibdib ko lumalagabog na naman., nanlalata rin ako pero naisip ko na lang na siguro, puyat lang tsaka galing kse ako ng day off, pero nung nahihilo na ko at naisip ko na alasiyete palang at ang boss at bisor ko e alas nuwebe pa dadating.. malamang sa hindi pag may nangyari sakin, matigas na ako bago pa madiskubre ang bangkay ko. sakto may nagpapa assist sa engineering at nasa taas nun yung clinic kaya dumiretso na ko dun, panguya nguya pako ng babolgum habang kinukuhanan ako ng bp, tapos nun tumingin sakin yung nurse na parang nagaalala, taena kinabahan ako.. tapos tinanong nya ko kung kaya ko ba daw magtrabaho.. ang dugo ko 160 over 11o, nyay!
naisip ko agad yung last entry ko, taena pag namatay ako mababasa samin yun, papagalitan ako ng tatay ko. naisip ko rin na hindi pa naman ako siguro mamamatay, ampangit naman ng huling araw ko pag nagkataon.. kailangan ko ng kausap, ayoko mag alala sa bahay, text ako kay lenggai,
ayos, nalilibang ako kahit sinesermunan ako… check ulit ng BP, hindi pa rin nagbabago, binigyan nako ng gamot, ipinababad sa dila, sumakit lalo ng matindi ang ulo ko, epekto daw ng gamot. matapos akong sermunan ng mga nurse at duktor dahil sa pagyoyosi ko at paginom inom ng alak at matapos akong payuhan nung mga nakasabay kong empleyado sa clinic, bumalik nako sa opisina..
naisip ko, madali pala magmatapang na sus kahit kelan ako mamatay, walang problema sakin, hindi ako natatakot! pero pag andun ka na.. nyay! nakakatakot din pala, bigla mo maiisip na andami mo palang dapat gawin na hindi mo pa nagagawa at andami mo palang ginagawa na hindi madaling iwan..
nag cr ako at tumingin sa salamin, naisip ko taena baka kaya natutuyo na ulit yung mga tigyawat ko kse mamamatay na nga ako, para pakonswelo sakin na

” at least, hindi halata ang pimples mo habang naka burol ka.. o sya talon na sa nagbabagang asupre, anak”

.. under maintenance ako ng gamot ngayon, ang sabi sakin lifetime na raw ako iinom nito, pero susubukan ko lang, pag medyo ayos na titigilan ko rin.. ayokong matali sa gamot, tsaka sobrang sakit sa ulo nitong gamot na to.. parang pakiramdam ko lagi ako may hang over, nagpacheck ako kanina.. sobrang normal naman, 140 / 80 .. e ang alam ko yung dugo kong ganyan nun pang binata ako e, ang alam ko ang normal ko 140 / 90 .. ewan’
pero sabi nga, uminom kse ako ng gamot nung umaga baka kaya ganun, try ko bukas magpacheck ng walang inom ng gamot.. sana okei na, hindi ko pa kayang iwanan ang alak, yosi, at ang maduduming mga pagkain sa kalye ng pedro gil.

eto pa pala yung nabasa ko sa net na isa sa common side effect nung gamot ko

tapos sasabihan ako ng “mr. cabron, inumin mo yan para mabuhay ka” nyay!

minsan bukod sa katigasan ng ulo ko, malaking factor din yung mga nasa paligid ko kung bakit ako naha high blood, eto yung ilang usapan lang.. nung mismong mga oras na nahihilo ako.

kausap si mrs. cabron sa celfone sa labas ng clinic
JON: pakitignan naman kung may epekto yung may allergy sa penicillin dito sa gamot ko, parang nabasa ko kse sa net.
MRS. CABRON: ano ka ba, bakit hindi mo pa dyan itanong e andyan ka na?
JON: wala na nga yung tumingin sakin, kumakain na!
MRS. CABRON: duktor ba yung tumingin sayo?
JON: hindi.. kriminal!
sabay baba ng fone.. ka engotan, hindi naman ako tanga para sa engineer magpa check.

yung affectionate kong bisor, nung nalaman nyang mataas ang BP ko.
bisor: text nyo na lang ako sa THURDAY ha, nakaLEAVE kse ako nun, bukas nga kailangan ko ng mag ayos e.
translation: wag ka magsi sick leave.. may lakad ako, kaya tuesday pa lang inihahain ko na sayo ang itinerary ko.
.. wag ka mag alala, wala akong planong umabsent’

habang pinapakiramdaman ko yung masakit kong ulo at nahihilo kong utak, dumating na yung papalit sakin na pang night shift, wala syang alam na muntik na ko kanina.

mike: o bakit ganyan itsura mo?
jon: masama pakiramdam ko.
mike: naks’ kakapasok lang masama na naman pakiramdam, leave na naman yan.
jon: gusto mong extra joss?
mike: sige, meron ka?
jon: oo, may tatlo pa ko dito..
mike: ok.
jon: may teknik ako.
mike: ano yun?
jon: timplahin mo yang tatlong sachet sa 300ml na tubig lang, ang sarap nangangagat sa dila pero di ka mapapagod.
mike: ge subukan ko mamaya.
jon: kk

PS:
twitter tayo!

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« extra diyos bpupdate »

RSS feed | Trackback URI

14 Comments »

Comment by Lenggai
2008-01-24 02:44:49

maghahanap pa ng karamay… tsk!

Reply to this comment
 
Comment by koreanmine
2008-01-24 06:22:46

naku. lagi mo iisipin c mrs.cabron bago ka mag iinom ng kahit ano, inde magandang senyales yang paglagay ng isordil bk nga mauwi sa maintenance.. dagdag konsumisyon yun..

Reply to this comment
 
Comment by Jovi
2008-01-24 08:23:46

Hindi ka pwedeng mamataaaayyy! Hindi ka pwedeng mamataaaayyyy!

No but seriously Jon, hindi ka pwedeng mamatay.

==
bwhahahah.. muntik na ko atakihin sa puso sa tawa dito’

Reply to this comment
 
Comment by MisyeL
2008-01-24 11:40:04

Naku Jon, aywis maging normal na nga ng tuluyan ang iyong BP… Ingatan mo katawan mo, ang bawal wag gawin! Di ka talaga pwedeng mamatay… :)

Reply to this comment
 
Comment by lilmiz
2008-01-24 12:56:49

katakot. buti at ok ka na naman kuya. bawal ang mamatay kaya magpagaling ka, kool lang, :) .. susundan kta sa twitter kuya :D
==
hehe salamat, ayos kwentuhan tayo sa twitter

Reply to this comment
 
Comment by highblood
2008-01-24 17:28:29

boss kailangan nyo magpacheckup ulit sa doctor, specifically sa specialista sa heart. kasi they need to identify kung ano nagcacause ng high bp nyo. atsaka dun ka lang bibigyan ng kung anong gamot ang dapat ibigay sayo.
maraming tests ang gagawin.. merong magtre-treadmill ka, may ECG.

ako kasi highblood din…and now im taking up meds regularly (daily)… btw im only 23 y/o. namana ko ata ito dahil di naman ako naninigarilyo, umiinom ako alak pero minimal lang.

goodluck and hope you get well soon

==
salamat, parang tingin ko kailangan nga, pakiramdam ko naluluto ako dito sa gamot na iniinom ko.
nyay’ malaki pala talaga ang posibilidad na magme maintenance ako ng gamot.. yari ang karir ko.
salamat.

Reply to this comment
 
Comment by eNocH
2008-01-24 18:48:04

sana hiyang ni mike yong 3 extra joss + 300ML na tubig. baka bumula bibig nun!

Reply to this comment
 
Comment by miss kurdapya
2008-01-25 00:41:08

bestpren..basta kapag ano man ngyari sayo.. ipangako mo sa akin na hindi mo ako mumultuhin ha??? at hindi ko kakayanin talaga! promise!..pero..labs pa din kita…kaya.. cool ka lang!

Reply to this comment
 
Comment by ladyracer
2008-01-25 09:38:20

just a suggestion po. if the doctors already prescribed a maintenance medicine for your hypertension, please do not stop taking it. akala mo lang minsan normal ka na pero pag hininto mo pwede syang magtrigger ng pagshoot up ng bp. just a precaution lang po.

if you want to be sure, please under go lab work-ups para po mag sigurado kung ano ang reason behind your high bp. marami po kasing factors ang nagcause nyan eh.

tc.

==
salamat.

Reply to this comment
 
Comment by Banana
2008-01-25 14:47:56

ang masamang damo matagal mamatay. tama ba? lol

paggaling ka Jooonn! wag kase matigas ulo.

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-01-26 07:04:46

/all
salamat.. di pa naman ako siguro mamamatay.. kelan lang ako bumait e.

Reply to this comment
 
Comment by João Marques
2008-02-04 05:12:57

Hi!
I found out your blog while trying to learn filipino.

Nice blog!

Reply to this comment
 
Comment by pryss
2008-02-04 14:02:52

naghahanap ka pa ng karamay mo ha…

Reply to this comment
 
Comment by Anonymous
2008-08-14 14:11:02

magaluig

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

madali lang magsulat, alam n’yo kung ano ang mahirap?
ang bigyan ng sariling kamay ang sinusulat mo para kusang humigit at yumakap sa utak ng mambabasa mo.
— Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox