a mssge 2 my txtm8s :( (bwahaha ambaduy ng title, at wala kang pakialam)
February 29, 2008 | 3:04 amnagcheck ako nung isang araw ng bill sa telepono ko, halos nadoble yung regular na bill ko at taena hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa nanay ng anak ko kung bakit nangyari to, at kung sasabihin nyo na sus! ang ander de saya ko pala, pwes, isa lang ang sasabihin ko, nagkakamali kayo wala ‘tong kinalaman sa pagiging ander de saya o ano.. nagkataon lang na sya ang humahawak ng ATM card ko at binibigyan nya lang ako ng baon sa pang araw araw at nakalista ang mga personal na gastusin ko (internet, credit card, celfone, paluwagan sa office) anong ander dun? wala, kaya wag na kayong mag anu ano pa dyan!
buti na lang sa mga ilang araw na pakikialam nya sa celfone ko nagtatanong sya kung ano yung twitter na nakikita nyang rumerekta sa telepono, siguro pagdating ng bill babanatan ko na lang ng “potangenang twitter yan naloko ako! ang sabi nila walang bayad magparekta sa telepono ng mga messages… tae! meron pala, kinse pesos ang isang mensahe, mga ganiiiiiiiiid! ” tingin ko naman maniniwala sya. oo, makakapag mura sya at posibleng masaktan nya na naman ako at malamang sa hindi, na sa sala na naman ako matutulog ng mga ilang gabi na kapiling ang sponge bob na unan ng anak ko, pero lilipas din yun.
kaya sa textmistress ko, paalam na muna. medyo kailangan ko munang magtipid tipid, sabi naman kse sayo pag pinasahan kita ng trenta pesos pilitin mong mapaabot ng isang linggo yun, tigilan mo na ang kakasali sa mga text game show sa channel 2 dahil puro kalokohan lang yun.
at pag nagse Sex on Text tayo.. kumpletuhin mo lagi yung alloted characters sa isang message hindi yung magtetext ka ng “ooooooooooh” tapos pangalawang text mo “naka hubo ka na ba?” .. sayang sa load!
sa mga textmates ko, tsaka na ulit ha? wag na kayong umiyak.
naka tanggap ako ng tawag kahapon, kailangan daw ng wifi assistance para sa conference room, tumatawa yung tumawag sakin pero hindi ko na lang pinansin, pagdating ko dun tinanong ko kung saang pinto ako papasok, itinuro sakin sabay bulong .. “goodluck, jon” napakunot ang noo ko, tinanong ko sya kung ano yung mga tao sa loob, tiga papua new guinea daw at may katungkulan sa bansang yun.. naisip ko ahhh kaya siguro ginudluck ako, it’s either matapang yung nasa loob o malaki magbigay ng tip.. kinindatan ko sya sabay palo sa dibdib ko “kaya ko yan, ako pa!” .. katok ng tatlong beses, pihit ng doorknob, libot ng paningin sa loob kasabay ng pagsara ng pinto sa likod ko, huminga muna ko ng malalim para hindi mabasag ang boses ko bago ko binitawan ang isang malakas at nasa baritonong boses “ghood apternoon” nagtanguan naman sila sakin sabay turo sa laptop na pakay ko, at sa muling pagsinghap ko ng hangin.. literal at walang halong kasinungalingan na muntik na kong mapasuka sa loob ng bibig ko, sobrang tindi ng amoy, pakiramdam ko yung amoy nung may pito sigurong mga egoy na yun haluan mo lang ng konting sahog, makakagawa ka na ng lason.. pakiramdam ko tumatambay sa ilong yung amoy, isang gas chamber ang pinasok ko, pikit mata at pigil hininga akong nagkalikot ng malagkit na laptop nila, kung sakaling sa mga pagkakataon na yun saktong nagunaw ang mundo.. pupusta akong isa ako sa mga unang aakayin paakyat sa langit ng mga anghel kasunod ng mga batang inabort, dahil sa kung ilang mahahabang dasal na pinakawalan ko para lang maikonek ang nanlilimahid na laptop nila, ilang minuto rin yun na pakiramdam ko puro pabuga ang ginawa kong paghinga, nung sa wakas naikonek ko na sila, wala akong sinayang na sandali nagpalitan kami ng pasasalamat, tumalikod na ko at nung pipihitin ko na yung doorknob, may tumawag sakin mula sa mga egoy, sa mabilis kong paglingon mabilis din akong nakagawa ng isang sumpa.. pag may nakipag kamay sa akin, patawarin ako ng pamilya ko dahil uuwi akong walang trabaho.. susukahan ko ang mukha ng mga egoy na to! pero sinabihan lang nila ako na tawagin paglabas ko yung receptionist sa labas, ok sir..
bihira ako makapanood ng tv pag tanghali, lalo na ng wowowee dahil sa eat bulaga nakatutok ang mga tao dito pag oras na ng tanghalian. matagal ko ng naririnig ang pangalang “milagring ng wowowee” , nakikita sa mga forum at nababasa sa dyaryo. ilang beses na rin akong nakakita ng picture nya pero di ko masyado pinapansin, pero minsan napapaisip din ako dahil may kahawig sya na hindi ko lang matandaan, nagulat na lang ako nung habang nagba browse ako ng isang website na hindi ko na matandaan kung ano, bumulaga sakin ang picture ng tinatawag nilang milagring, picture nya ng hindi sya naka costume na pangsayaw, picture ng isang babaeng normal.. at napahinto ang panga ko sa pagnguya ng babolgum at ang hintuturo ko sa pagkamot ng ilong ko nung napagmasdan ko ang picture nya… zOMG!!!! kaklase ko nung college to sa perpetual, laguna!!!! pareho kaming HRM nun at tahimik sya pero mahilig mag lipstick, at sila yung grupo na tipong mean girls sa room namin dahil mukha silang mga suplada. jesus, kung alam ko lang na gaganda sya ng ganyan, hindi ko na sana niligawan yung naging girlfriend ko dati na mataba at may matapobreng nanay at sana nung niloloko mo ko dati na crush mo ko, sana pinakitaan na kita ng mga kaya kong gawin.. naaalala mo ba nung sinasayawan mo ko ng hagibis at tawa lang ako ng tawa dahil pinapalaki mo yung boses mo habang kumakanta para magmukha kang brusko? ngayon, bumabalik sa akin ang lahat, mahal na kita at sana ay hindi pa huli ang lahat para sa ating dalawa, sana hindi maging hadlang ang kasikatan mo para makapag umpisa tayo ng kung anuman ang para sa ating dalawa… sana hindi maging hadlang ang asawa at anak ko para sa relasyong uumpisahan natin, at sana matutunan mo kong mahalin ng wala kang hinihinging kapalit.
alas onse ako nagigising ng umaga at tumatakbo ang oras ko pagkadilat na pagkadilat ko ng mata, dahil sa loob ng trenta minutos kailangan ko ng makapag browse sa net (hindi ko pinapatay ang pc ko), check ng email, friendster, blog hits, blog comments, konting bloghop, sundot ng konting porn pag medyo nasa mood which is napakabihirang hindi mangyari, tapos sa real world kailangan kong tapusing basahin ang para sa araw na dyaryo namin, tapos nun dun pa lang ako lalabas ng kwarto para amuyin ang ulam para sa tanghalian, pumasok ng banyo para magsepilyo at maghilamos. at tsaka pa lang ako kakain at kailangan pagtuntong ng alas dose diyes e nasa loob na ko ng banyo, ginagawa ang kahit na anong ritwal na kinakailangan ng katawan ko.. ritwal para maging kaaya aya sa paningin at pang amoy ng iba at ritwal para sa ikagaganda ng sistema ng tyan ko at ang miminsang ritwal para sa pansarili kong kaligayahan.. alis ng bahay ng twelb terti, makipag buno sa trapik at mga amoy sugat na katabi sa jip, sa bus, sa pagtawid, trabaho hanggang alas diyes ng gabi at byahe ulit, dating sa bahay ng alas onse pasado ng gabi.
habang nagliligpit daw sya, natabig nya at nalalag yung gunting na malaki na nakasabit sa may lababo, at bumagsak sa paborito kong baso na free sa iniregalong alak ng boss ko sakin, naginit ang ulo ko, gusto kong itapon ang celfone ko pero wala akong magawa..









