teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

milagring

February 25, 2008 | 3:39 am

bihira ako makapanood ng tv pag tanghali, lalo na ng wowowee dahil sa eat bulaga nakatutok ang mga tao dito pag oras na ng tanghalian. matagal ko ng naririnig ang pangalang “milagring ng wowowee” , nakikita sa mga forum at nababasa sa dyaryo. ilang beses na rin akong nakakita ng picture nya pero di ko masyado pinapansin, pero minsan napapaisip din ako dahil may kahawig sya na hindi ko lang matandaan, nagulat na lang ako nung habang nagba browse ako ng isang website na hindi ko na matandaan kung ano, bumulaga sakin ang picture ng tinatawag nilang milagring, picture nya ng hindi sya naka costume na pangsayaw, picture ng isang babaeng normal.. at napahinto ang panga ko sa pagnguya ng babolgum at ang hintuturo ko sa pagkamot ng ilong ko nung napagmasdan ko ang picture nya… zOMG!!!! kaklase ko nung college to sa perpetual, laguna!!!! pareho kaming HRM nun at tahimik sya pero mahilig mag lipstick, at sila yung grupo na tipong mean girls sa room namin dahil mukha silang mga suplada. jesus, kung alam ko lang na gaganda sya ng ganyan, hindi ko na sana niligawan yung naging girlfriend ko dati na mataba at may matapobreng nanay at sana nung niloloko mo ko dati na crush mo ko, sana pinakitaan na kita ng mga kaya kong gawin.. naaalala mo ba nung sinasayawan mo ko ng hagibis at tawa lang ako ng tawa dahil pinapalaki mo yung boses mo habang kumakanta para magmukha kang brusko? ngayon, bumabalik sa akin ang lahat, mahal na kita at sana ay hindi pa huli ang lahat para sa ating dalawa, sana hindi maging hadlang ang kasikatan mo para makapag umpisa tayo ng kung anuman ang para sa ating dalawa… sana hindi maging hadlang ang asawa at anak ko para sa relasyong uumpisahan natin, at sana matutunan mo kong mahalin ng wala kang hinihinging kapalit.
seryoso, kung alam ko lang na magiging ganyan ka ka hottie, sana tutal maggagago rin lang ako sa pagaaral at magda drop sa perpertual sana itinanan na lang kita, kahit pa bugbugin ko sa harapan mo yung engineering student na mukhang probinsyanong
boyfriend mo, maagaw lang kita sa kanya.

Categories
Lakbaydiwa
Tags
milagring, perpetual, wowowee
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« halkoholik aroma »

RSS feed | Trackback URI

19 Comments »

Comment by linglingbells
2008-02-25 09:17:08

maganda nga yang si milagring.. sayang! dapat siya na ang naging mrs. cabron mo! hehehehe!

==
sayang nga. pero seryoso, di ganyan kalakas ang dating nya dati.

Reply to this comment
 
Comment by Maldito
2008-02-25 09:38:08

sayang…mukhang too late na..aahahah

==
may kapansanan lang ang sumusuko.

Reply to this comment
 
Comment by juliana bernardo
2008-02-25 14:03:32

parang kilala ko yung sinasabi mong kamuka nya.hehe

==
don’t make waves

Reply to this comment
 
Comment by angel
2008-02-25 15:37:10

huwaw, nag perpetual ka rin po pala.. isang sem lang ako dun eh.. heheh

==
yup, ’sang taon naman ako dun.

Reply to this comment
 
Comment by Pryss
2008-02-25 17:24:11

ayan nasa huli ang pagsisisi…sayang dahil di na mababalikan hehehehe….*singing “kung maibabalik ko lang”*…

==
we can never can tell.

Reply to this comment
 
Comment by koreanmine
2008-02-25 21:22:58

sana di nagbabasa ng blog c mrs. cabron :S

==
so sana bulag na lang si mrs cabron, ganun ba? sama!

Reply to this comment
 
Comment by Banana
2008-02-25 21:40:07

Koreanmine: “sana di nagbabasa ng blog c mrs. cabron”

sana mabasa niya to..
:D
==
para maghiwalay kami at maging tayo? k.

Reply to this comment
 
Comment by camilleeee
2008-02-25 22:46:36

danda nya…

yung probinsyanong boypren nya kaya? :roll:
==
ahhm kahit magtae ako ng sampung araw at tamaan ng trangkaso, at gisingin mo ko ng alas tres ng madaling araw, no match pa rin sakin yun.

Reply to this comment
 
Comment by brath
2008-02-26 05:57:27

go for the gold!! bwaghahaha

la lang

xiao!

Reply to this comment
 
Comment by koreanmine
2008-02-26 06:13:51

:-s same b yung inde nag babasa sa inde makabasa? … sabi ko lang kc sabi sayang , pero mas sayang kung di c mrs. cabron ang mrs. mo………

Reply to this comment
 
Comment by Jeckass
2008-02-26 12:14:46

wahahaha! kras na kras ko yang si milagring..heheheh
naging klasmeyt mo pala siya…laging nasa huli ang pagsisisi. pero malay mo, baka mag-iba pa ang ihip ng hangin. subukan mo kayang sumali sa mga pakontest ng wowowee, baka sakaling makilala ka niya pag andun ka na..wahahahaha!

==
hehe, yoko’ hindi kse imposible na makilala nya ko at bumalik ang pagtingin nya sakin… ayokong makasira sa karir nya.

Reply to this comment
 
Comment by wei vines
2008-02-26 14:14:01

small world pala talaga :D

Reply to this comment
 
Comment by alone
2008-02-26 14:26:54

sayang…. yun lang… di naman pwede nauuna ang pagsisisi diba? hot!

Reply to this comment
 
Comment by ulupong
2008-02-26 15:47:10

tangna bakit nga ba hindi ko yata naaalalang sabihin sayo yan, na si milagring yung dating si Pedra kung tawagin sa perps na may crush nga sayo sabi mo na laging makapal ang make up na payat pa noon tapos medyo malandi silang tatlo nun nga kasama nya pero hot talaga sila..or nasabi ko na sayo dati pero gusto mo lang i-share sa mga kebiganz mo?

==
e pano mo sasabihin sakin e busy ka?
at isa pa, medyo malandi lang silang tignan na tatlo pero mga busilak naman ang mga puso nila, also, itsa pwera mo na yung isa, yung kamukha nung kumanta ng hakuna matata sa lion king.

PS
lasing tayo nung sinabi ko sayo na may crush sya sakin kaya kalimutan mo na yun, ok?

Reply to this comment
 
Comment by sarsi21
2008-02-27 11:59:19

hey! solid blog mo pare… I’m really enjoying reading your posts… I havw a new found appreciation for writing in Filipino…. I feel like starting a Filipino written blog…

salamat sayo more power!

==
tnx, i love you, pare.

Reply to this comment
 
Comment by menggay
2008-02-27 12:51:20

saN perpz sa laguna binan oh calamba?? ala lang grad. po ako doon hehehm….

sayang naman papa joN :) tsk tsk huli na ang lahat hehehe

==
binan. also, dont talk finish!

Reply to this comment
 
Comment by jojie
2008-02-27 12:53:08

eeekkkk!!! perpetual laguna ka pala! oist! baka nagkasalubong na tayo dun nung araw. ;)

==
hmmm, baka nga! eka di ko na alam kung anong year ako andun, ‘97 - 98 yata, basta bago maging mukhang istasyon ng bus yung harapan ng perps.

Reply to this comment
 
Comment by Katherine
2008-04-02 03:52:04

grbe sobrang crush ko c milagring.. kamukha xa ng ex-girlfriend ko

Reply to this comment
 
Comment by Anonymous
2008-05-11 21:58:58

.ganda nya tlga

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

bastos ang bibig ko, pero masarap akong humalik — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox