teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

a mssge 2 my txtm8s :( (bwahaha ambaduy ng title, at wala kang pakialam)

February 29, 2008 | 3:04 am

nagcheck ako nung isang araw ng bill sa telepono ko, halos nadoble yung regular na bill ko at taena hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa nanay ng anak ko kung bakit nangyari to, at kung sasabihin nyo na sus! ang ander de saya ko pala, pwes, isa lang ang sasabihin ko, nagkakamali kayo wala ‘tong kinalaman sa pagiging ander de saya o ano.. nagkataon lang na sya ang humahawak ng ATM card ko at binibigyan nya lang ako ng baon sa pang araw araw at nakalista ang mga personal na gastusin ko (internet, credit card, celfone, paluwagan sa office) anong ander dun? wala, kaya wag na kayong mag anu ano pa dyan!
buti na lang sa mga ilang araw na pakikialam nya sa celfone ko nagtatanong sya kung ano yung twitter na nakikita nyang rumerekta sa telepono, siguro pagdating ng bill babanatan ko na lang ng “potangenang twitter yan naloko ako! ang sabi nila walang bayad magparekta sa telepono ng mga messages… tae! meron pala, kinse pesos ang isang mensahe, mga ganiiiiiiiiid! ” tingin ko naman maniniwala sya. oo, makakapag mura sya at posibleng masaktan nya na naman ako at malamang sa hindi, na sa sala na naman ako matutulog ng mga ilang gabi na kapiling ang sponge bob na unan ng anak ko, pero lilipas din yun.
kaya sa textmistress ko, paalam na muna. medyo kailangan ko munang magtipid tipid, sabi naman kse sayo pag pinasahan kita ng trenta pesos pilitin mong mapaabot ng isang linggo yun, tigilan mo na ang kakasali sa mga text game show sa channel 2 dahil puro kalokohan lang yun.
at pag nagse Sex on Text tayo.. kumpletuhin mo lagi yung alloted characters sa isang message hindi yung magtetext ka ng “ooooooooooh” tapos pangalawang text mo “naka hubo ka na ba?” .. sayang sa load!

sa mga textmates ko, tsaka na ulit ha? wag na kayong umiyak.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« aroma sardinas »

RSS feed | Trackback URI

7 Comments »

Comment by A Z R A E L
2008-02-29 04:29:22

…oo, makakapag mura sya at posibleng masaktan nya na naman ako at malamang sa hindi, na sa sala na naman ako matutulog ng mga ilang gabi na kapiling ang sponge bob na unan ng anak ko,

pamatay tlaga linya mo jon. ramdam na ramdam ko pagiging bossing mo sa bahay. natatawa ako pero sa isang banda, naiiyak din. naalala ko nung na-bukayo ako ni misis azrael, yan din sinapit ko eh. unan ko nga lang yung purple na dinosaur. tangnang barney yan! bwahahahaha!

Reply to this comment
 
Comment by camilleeee
2008-02-29 12:49:44

keber na sa taytol, wag lang matulog sa sala na katabi si ispans bob hehe.

oopsss.. ang kilay…. ;)

Reply to this comment
 
Comment by koreanmine
2008-02-29 16:16:14

buti na lang sa prepaid may unlisex este unlitext :D

Reply to this comment
 
Comment by Pryss
2008-02-29 20:22:25

hagalpak na naman ako…iba ka talaga jon,pamatay mga linya,di pwede ang ngiti lang…

Reply to this comment
 
Comment by linglingbells
2008-03-01 10:07:26

kawawa naman ang mga txtm8s ni jon cabron.. tsk tsk

Reply to this comment
 
Comment by menggay
2008-03-01 12:50:46

hahahaha!!!

ano bayaN babay muNa ganun… jojoin pa naman sana ko tsk tsk hehhe!!!!

==
sa SOT? owkeiii.

Reply to this comment
 
Comment by Lenggai
2008-03-01 22:03:24

ano?! me text mistress ka?!!!!

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

..kung ang puwet ko ay ang utak ko at ang tae ang mga ideya
lagi sanang updated ang blog ko.
— Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox