teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

isang update para sa entry na hayaan nyong ipakilala ko sa inyo ang isa sa pinaka estupidong taong nakasalamuha ko sa cyber world, si nonoy

March 31, 2008 | 8:54 am

update sa entry kong “hayaan nyong ipakilala..”
nakatanggap ako ng message kagabi galing sa nagpakilalang may ari daw ng picture at pangalan na inilagay ko dun, may gumamit daw siguro ng pangalan nya. nagtataka lang ako na hindi yung main email account nya ang ginamit, main account para masundan ko sya sa friendster at sa kung saan saan pa. pero anyway, matapos kong makipag debate sa isa sa pinakamatalino kong kaibigan, nakuha kong timbangin ang mga bagay bagay, pwedeng sya rin yung nonoy talaga at kasama sa paglalaro nya ang lahat ng ‘to at pwede rin naman na may gumamit nga ng pangalan nya, either way, sucks to be him.
nasa byahe na’ko pauwi, nagtatalo pa rin sa isip ko kung parang bulkan ba ‘kong sasabog o parang ilog na susunod lang sa agos ng istorya, at gaya ng isang matinong kristyano na tiyak na magugustuhan ng mga nanay ng mga kadalagahan na maging manugang nila, tinanggal ko ang picture at pangalan na nasa entry ko, at mahinahon kong ginagawa ang entry na ito ngayon.
iyon na siguro ang pinaka maginoong magagawa ko sa kwentong ‘to, walang labis, walang kulang. hindi ako magbubura ng entry at lalong hindi ako hihingi ng paumanhin sa kahit na sinong apektado sa kuwentong ito. dahil in the first place, nananahimik ako dito, masaya sa nagiging takbo ng blog ko ng biglang may tarantadong naligaw sa mundo ko, parang baklang uhaw sa atensyon na nagsasalita ng kung anu ano, sinagot ko lang at sinundan sa kung ano yung bakas na iniwan nya dito, kung pinainan nya man ako para ibang tao ang awayin ko, pwes’ issue nyong dalawa yun, kung galit man sya sayo kaya nya ginawa yun, kung naiinggit man sya sa kung ano man ang meron ka, o utang para sa isang kabayaran sa isang gabi ng maduming pakikipaglandian, labas na ko dun, wala na kong pakialam dun, nagkataon lang na natyempuhan nya ko sa maraming pagkakataon na umiiwas ako sa away pero hindi ako umaatras, at hindi ako nagpapalagpas. malinaw na galit sya sayo kaya nya nagawa yun, problema nyo yun, sarili nyong issue yun, wala akong pakialam dun.
hindi naman ako naglaro ng sasara ang bulaklak, dadaan ang reyna, kaya ako nakarating sa account mo, hindi ko tinakpan ang mga mata ko habang umiikot at kumekendeng, at napatapat ang hintuturo ko sa picture mo para gamitin sa entry ko na yun, kaya sa kuwentong ito … wala akong hinihingian ng pasensya. mabuhay tayong lahat ng mapayapa.

at sa huli, sa mga bisita ko.. alam kong ironic pero gamitin natin kahit sa entry lang na to ang comment box ko ng may kunsiderasyon, dahil off ko ngayon at ang ilang mga bagay na hindi ko kailangan sa mga panahon na ‘to ay mga gatong, patronizing shits, at mga haters.. dayoff ko ngayon at wala akong ibang kailangan kundi mahaba habang tulog, matamis na alak, at picture nyo para sa bertdey ko na katulad nung nasa bagong page sa taas!!
maraming salamat.

Comments
11 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

kara is <3

March 29, 2008 | 2:45 am

  matagal ko ng idol tong taong to, hanga ako sa tapang nyang maglulusot sa mga maliliit na butas ng kuweba, umakyat sa mga bundok at bilib ako sa galing nyang magkuwento. ilang beses din akong binalisawsaw sa pagpipigil na umihi pag sya na ang nakasalang sa kuwento. napanood ko ang ahas sa kuweba, yung batang mukhang matanda, batang payat na payat, ikinasal na pilay, huling prinsesa, at marami pang iba.

at hindi ko alam kung anong tawag sa pakiramdam na tuwing nakikita ko sya sa tv.. parang tumutugtog ang bandang cueshe sa loob ng dibdib ko sa lakas at bilis ng kalabog.
nung nalaman kong may konek pala ang pinaybrodkaster sa kanya, kinaibigan ko agad ang babaeng yun. at eventually nagenjoy naman ako sa kanya kahit papano. lols.
at hindi ko inakala na nakatatak na pala sa isip nya yung mga bagay na nababanggit ko sa kanya tungkol sa babaeng to, at nung naglabas nga ako ng entry tungkol sa paraan na gusto kong gawin para sakin ng mga readers ko. isa sya sa mga naunang sumagot.
muling nabuhay ang pagmamahal ko sa dukyumentaristang to nung nakita ko ang iba’t ibang pictures nya kasama na yung mga pictures habang sinusulat nya yung mga mensaheng ‘yan. at muli katulad nung una kong makita si mrs. cabron habang namimili sa may ukay ukay sa baclaran habang papalabas ako sa isang tagong public toilet kung saan isinama ako ng baklang nakilala ko sa may sinehan, kinilig na naman ako. yung kilig na parang pambata, kilig na walang malisya.
ilang araw ng naka wallpaper sa desktop ko ang picture na yan, pinagyayabang ko sa lahat ng nakakakita at sinasadya kong magimbita ng kung sino sino para makapag yabang lang. hindi sila makapaniwala, at masaya akong tinititigan sila habang unti unting pinanlalambutan ng mga tuhod dahil sa inggit.
maraming salamat sayo pinaybrod, pinasaya mo ko ng sobra sobra. habambuhay kong itatago sa imbakan ng memorya ko ang mga bagay na to.
(taena para kong si cristy fermin magsalita)


naisip ko lang kung ano yung guhit na nasa pinaka ilalim ng message nya? hindi kaya isang mensahe yun na pinilit burahin gamit ang photoshop? kayang kaya ng teknolohiya yan. at kung isang mensahe pa nga yun, ano ang posibleng nakasulat dun? hindi kaya ang buong message ay

Jon,
Happy Birthday!

Kara

GET WELL SOON!

.. at pumasok sa isip ko na siguro sinabi nyang may isa syang kaibigan na may hydrocephalus at maaaring eto na ang huling bertdey ng bata.
watta friend, this lenggai.

‘niwei,

500+  hits isang araw, pero iilan pa lang ang nagpapadala ng picture sakin? anong pekeng pakikipagkaibigan tong inihahain nyo sakin?

Comments
60 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

benteotso

March 26, 2008 | 11:28 am

ilang araw na lang bertdey ko na, ilang taon na lang mawawala na ko sa mundo.. walang nakakaalam baka nga matagal pa yung ilang taon, baka nga matagal na ang isang buwan, isang linggo, isang araw o kahit isang oras. yung natutulog nga lang ng mahimbing at payapang payapa sa kwarto nya namamatay pag inatake ng bangungot, yun ngang todo ingat sa mga kinakain nya, tadtad ng ehersisyo sa katawan at walang bisyo, pag oras nya na oras nya na talaga ako pa kaya na punum puno ng kemikal ang katawan? ako pa kaya na punum puno ng galit at pagkasuklam ang dibdib na nababalutan ng mga kolesterol.
nakapag isip isip nako. tama na yung dalawangpu’t pitong taon ng buhay na pahataw hataw, itong susunod na taon ko at kung susuwertihin pa ibibigay ko naman sa pamilya ko. tama na yung para sa sarili ko, sobra sobra na. nung isang gabing nagyoyosi ako sa may terrace namin ng magisa, habang umiinom ng kape, andami dami kong naisip. walong taon na pala yung anak ko, dadalawang beses pa lang kaming nagsasama sa simbahan, una nung bininyagan sya, pangalawa nung nag flower girl sya nung kasal ng ninong nya apat o tatlong taon pa lang yata sya nun, ayokong sa susunod na pasok namin sa simbahan ng magkasama e yung mismong araw ng kasal nya na, o ang mabigat, baka sa mismong araw pa na huling huli nya nang makikita ang mukha ko na sa malas e nasa likod pa ng salamin at natatakpan ng makapal na makeup. wag naman sana.
madalas naiisip ko na tatay lang ako ng anak ko kse asawa ako ng nanay nya, pero bukod dun parang wala akong natatandaan na nagpaka ama ako sa anak ko, bukod sa mga malalabnaw na pagbili ko sa kanya ng mga laruan o minsang pagbibigay ko sa kanya ng pasampu sampung piso o benteng pang miryenda. hindi ko alam kung papano maging ama, bukod sa kailangang iputok mo sa loob para makabuo ka. hindi ko alam kung papano umastang ama, hindi ko alam kung ano yung tamang reaksyon nung oras na kinukumbulsyon sya at nagdedeliryo habang karga karga ko sya. sakitin ako nung bata ako, sobra, pero wala akong naaalala na nagkasakit ako, at tumirik ang mga mata ko na sa tipong maliit na butas na nasisilip ko habang mataas na mataas ang lagnat ko.. wala akong nakikitang tatay. walang karaniwang tatay na nabubuo sa isip ko na kinakalma yung asawa nya, walang tatay na sunod sunod ang pagyoyosi kse kabado. walang tatay na hahawak sa kamay mo tapos tingin pa lang kahit di na sabihin dahil nahihiya syang magdrama dahil lalaki sya at lalaki ka alam mo ng pinapalakas nya yung loob mo.. wala.
hindi ko alam kung pano ba dapat magreact ang tatay pag nadadapa yung anak nya at tumatakbong papalapit sayo ng dumudugo ang tuhod at siko, ayokong magpakita ng pagaalala o takot dahil ayokong maisip ng anak ko na katapusan na ng mundo dahil may sugat sya, gusto ko syang papurihan dahil tumayo sya ng magisa at hindi inubos ang oras ng pagpapaawa sakin o sa nanay nya para itayo sya. pero naiisip ko na ganun ako nung bata ako, umiiyak ako lalo na pag nakikita kong hindi tumitigil sa pagdugo yung tuhod ko, umiiyak ako para itayo ako ng nanay ko dahil yun ang assurance ko na hindi nya ko papaluin, madalas napapalo pa ko pagnadadapa ako, hindi ko alam kung bakit.
sana naipaliwanag sakin na magandang tumatayo ka sa pagkakadapa pero hindi tamang porke’t nakakatayo ka magisa ayos ng madapa ka ng paulit ulit.. madalas sa dalawampu’t pitong taon ng buhay ko, nakadapa ako.. nakasanayan ko na. pudpod na rin yung tuhod ko at siko ko sa pagkakadapa pero akala ko ayos lang basta’t nakakatayo pa ko, di pala dapat, kse may mga sugat na hindi pumepeklat sa labas pero may mga iniiwang pinsala sa kaloob looban natin na hindi na gumagaling at nagiging kakambal na ng pagkatao natin.
ang mga magulang ko ang nagsilbing lakas at kahinaan ko sa buhay ko, at sarili ko ang naging sarili kong tagapag alaga. lumaki akong puno ng galit sa tatay ko kse hindi ko sya nakakasama at sa miminsang nasa iisang bahay kami nauubos lang ang panahon sa walang katapusan naming pagsusukatan ng prinsipyo namin at kung sino ang mas magaling na lalaki samin. wala akong natatandaang magandang pinagsamahan namin ng tatay ko nung bata ako.
at habang nagkakaidad ako at nabibigyan ng katwiran unti unti sakin na kinakailangang magtrabaho sa ibang bansa ng tatay ko para mabuhay kami, naiisip kong lalo akong nalulubog sa kasalanan sa anak ko, dahil hindi tulad ng tatay ko, hindi ko kinakailangang lumayo para mabuhay sila, pero unti unting nagkakatulad ang mga nakikita ng mga mata namin ng anak ko sa mga tatay namin.

Comments
27 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

hayaan nyong ipakilala ko sa inyo ang isa sa pinaka estupidong taong nakasalamuha ko sa cyber world, si nonoy

March 23, 2008 | 3:05 pm

hayaan nyong ipakilala ko sa inyo ang isa sa pinaka estupidong taong nakasalamuha ko sa cyber world, si nonoy. isa sa kinakaasaran ng lahat ng blogger ay yung taong papansin, na pagkatapos suyurin ang blog mo, matawa, mag enjoy, at makalimot sa mga problema nya sa pamilya nya tulad nung mga panahon na umaalis ang magulang nya at naiiwan sya sa tito nya na lagi syang kinakandong at mga ibang bagay pa na hindi ko na alam, magko comment sya ng kalokohan sayo.
nonoy, basahin mo ng maigi tong sasabihin ko sayo at pulutin mo kung ano mang aral ang mapipiraso mo sa mga sasabihin ko.
malaking bagay sakin na nagpupunta ka dito sa blog ko, kahit ngumawa ka pa ng ngumawa at kahit pa mantikaan mo lahat ng entries ko ng kabaklaan mo, dahil sa katapus tapusan ng lahat, visitor ka pa rin ng blog ko, at tulad nito sa mga panahon na wala akong mai entry, nabibigyan mo pa ko ng topic, at maniwala ka sakin ito ang topic na gustung gusto ng mga mambabasa ko, kaya nonoy kahit ngaratan mo ko ng libo libo, sabihin mong walang kwenta ang mga pinopost ko dagdag hits ka pa rin sa blog ko. at malaking bagay na para sa tulad mong tao ang pansinin kita at gawan pa ng sariling entry dahil seryoso, sino ka ba?
at wag ka ng umasa na mapipikon mo ko sa mga hirit mong supot dahil iha, hindi ka pa natututong maglakad, halos gumagabay ka pa lang sa pader ng bahay nyo e andito na ko sa net at nakikipag batuhan ng mga maaanghang na salita sa mga estupidong katulad mo.
at sa huli, kalimutan mo na tong blog ko dahil iha, hindi ka nababagay dito at magmumukha ka lang kawawa lalo. hindi kita inaano kaya tigilan mo ko, bumalik ka na lang sa livejournal mo, pagbutihin mo dun at dun mo ilagay lahat ng mga may sense na hinahanap mo dito sa blog ko. sana nagkakaintindihan tayo, ayokong manakit ng damdamin.. wag ka ng umiyak.

x
dito nya iniladlad ang kapa nya.
benteng sangkap

oh at open pa rin yung entry ko sa baba, hanggang next month pa yun ha’
pasensya na serbisyong bayan muna, may namamalimos ng pansin e.

Comments
23 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

hapi bertdei to me and make me feel important

| 8:59 am

mga kids,
bertdei ko na next month, at gaya ng isang taon inaasahan ko ng sa dami ng kaibigan ko sa labas ng cyberworld, sa aking butihing ama at ina, kapatid, asawa at anak ay matatanggap ko na naman ang isang regalong ilang taon ko na ring natatanggap na nagsimula nung nakicked out ako nung high school, nagsummer graduate, kinakailangang mag drop nung college dahil nakabuntis, nakulong dahil sa shoplifting, at iba pang kahihiyan para sa pamilya ko, etc. etc.. ang regalo ng KAWALAN.
ngayon ko susubukang iparamdam sa sarili ko na may halaga din ako sa mundo, may silbi at may nagmamahal. kaya ngayon pa lang eksatong 17 days bago sumapit ang kaarawan ko, hihiling ako sa inyo mga giliw kong mambabasa at mga “kaibigan” .. kailangan ko ng picture nyo na may hawak hawak na nakasulat, greet me and make me feel important.
maraming salamat. hindi na importante kung hindi kita ang mukha.
at para mas klaro sa inyo ang hinihiling ng isang bente otso anyos na lalaking malungkot, pinaghirapan kong gumuhit ng ilang larawan para sa ikakalinaw ng inyong isipan..

* simpleng picture nyo lang na may hawak na papel at may nakasulat na mensahe

* syempre pwede din ang mga lalaki

* pwede din ang isang barkadahan

* at syempre ang babaeng nakahubo

* o lalaki, at pwede rin na isulat nyo na lang sa katawan nyo ang mensahe nyo.. haaays ansarap isipin ng mga posibilidad

…. maraming salamat mga kids, at sana ay mapasaya at mapagbigyan nyo ko sa munting hiling ko, katulad ng effortless na pagpapasaya ko sa inyo sa mga entries ko.. dahil ako si mighty jon cabron. i heart you all.
send your picture to joncabron @ gmail .com / 640 x 480 or 320 x 240
subject: PIBERTDEI
gagawa ako ng isang page para sa mga yan at ang mapipili kong picture na pina creative at mensaheng pinakamaganda at magaangat sakin sa kinalulubugan kong lungkot ay pwedeng magkamit ng picture ko.. ke nakahubo ako o naka pajama, tsaka na natin pagusapan yun.

ang mensahe nyo ang importante sakin, sunod na lang siguro yung kalaswaan na maipapakita nyo sakin.. maraming salamat.
hapi bertdey to me.

oh’ at kung itatanong nyo, sorry pero wala akong background sa pagdo drawing. talent lang ang lahat ng yan.

Comments
48 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

teh god

March 22, 2008 | 11:57 am


1. kelan ako naghanap ng kakampi pag may kinakalampag ako sa net? wala akong natatandaan, kaya ko ang sarili ko. masamang pakinggan pero jovi, sa puntong yan di ko kayo kailangan.. kahit sino sa inyo.
2. at hindi ko kailangang mangaway o gumamit ng ibang tao para magmukhang astig, dahil jovi, kung yun ang intensyon ko hindi ko na siguro ipaglalalagay dito sa blog ko yung mga pagkakataon na niyayari ako ng asawa ko at maraming pagkakataon na natatameme ako ng ibang tao sa byahe ko. at isa pa jovi, jovi, jovi,… astig ako sa kahit na anong paraan at pagkakataon. kahit tulog lang ako o tumatae ng wala sa lugar at nasa maling pagkakataon, kaastigan pa rin yun, bakit? dahil sinabi ko.
3. ako ang diyos ng sarili ko.
4. anong pagpapalaki pa ng cyber dick ang sinasabi mo? kailangan ko pa ba yun? hindi na kse masyado na kong mayabang at ilang beses ko na ring pinatunayan na kung pabastusan rin lang ng cyber bunganga e wala ng tatalo pa sakin. iyon e binatay ko sa mga dating sumusubok ng pagaguhan sakin.

kung alam ko na ako yang tinutukoy mo dyan sa entry mo na yan di na sana ako sumagot ng ganito

nagmukha lang tuloy akong tanga.

..
JOVI: talaga bang dapat nyo pang pag usapan ni lenggai yun? kung pano magpaparinig sa blog?
JOVI: sorry ha? feeling ko kasi napagtulungan ako
JOVI: tsaka kala ko ok na. may natitira pa pala
JON CABRON: anong sinasabi mo?
JON CABRON: so ako pala yung pinaparinggan mo dun sa entry mo?
JOVI: your new post
JOVI: pinagusapan nyo ni lenggai kamo
JON CABRON: binasa mo ba ng maayos?
JOVI: e nandun na naman yung kina asar mo sakin
JON CABRON: basahin mo muna ng maayos at idilat ng mabuti yung mata at utak mo bago mo ko komprantahin at gawan ng entry sa blog mo
JOVI: actually ok lang
JOVI: tinatanong ko lang
JOVI: ay ganun ba yun? ako bawal magsulat ng ganun sa blog ko?
JOVI: lam mo jon, wala akong laban sa yo. kung sa ganyan din lang. minsan nga lang sumasama rin ang loob ko na nagbblog din ako
JOVI: pero in the long run, la ako laban sayo
JOVI: kung ang intention mo, sumama yung loob ko, congrats kasi it worked

inaantok na ko, la pakong tulog buhat sa 10pm - 6am shift.wala akong maisip na matinong sasabihin sayo sa mga oras na to at iniintindi ko na baka nabubulagan ka lang at binibigyan kita ng ilang sitwasyon kaya di mo nabasa ng maayos o naintindihan yung entry ko, syempre malay ko ba kung habang binabasa mo yun natakpan ng bangs mo yung mga mata mo kaya nag iba intindi mo o kaya ahhhhm inaantok ka o gutom kaya di masyado naabsorb ng maayos ng isip mo yung entry ko at dahil sa gutom o antok e nag gawa ka ng entry para tirahin ako…. nakalimutan mong ako nga pala si TEH MIGHTY JON CABRON.
payo lang jovi, pag nakipag kaibigan tayo wag nating iprogram yung tao na naaayon sa gusto natin, tanggapin natin kung ano sya at kung hanggang san lang sya at mula dun, dun tayo magsimula. wag tayong maging imposible! at isa pa, matuto tayong
tumahimik muna.. magisip.. at makiramdam.

Comments
12 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

benteng sangkap ng chopsuey

March 20, 2008 | 3:48 am

matagal na naming napag usapan ni lenggai tong topic na binubuo ko sa isip ko, pero dala ng katamaran at paurong sulong sa paggawa ng entry, naunahan ako sa isa ni jovi. at ngayon kahit medyo sa tingin ko parang hilaw pa, kailangan ng pitasin at ihain sa inyo. pasensya na kung medyo maasim pa at madagta. ibuka nyo na ang bibig nyo, at isubo nyo na to… aaaah ang sarap isipin.

1. katulad ni jovi, hindi ko rin maintindihan yung mga babaeng nagsusuot ng bathing suit sa beach tapos tinatakpan din naman nila ng kung anu ano. at tatanggalin nila yung takip pag lulusong na sila sa tubig. masabi lang?
2. yung mga umaalis at nagpupunta ng ibang bansa o ng ibang lugar, bakit kinakailangan na pasalubungan mo yung mga kaibigan mo ng isang bagay na souvenir sa lugar na pinuntahan mo, hindi mo ba naisip na sayo lang may importansya yung souvenir na yun.
3. para sa babae, bakit kailangan mong magpatattoo sa may likod ng bewang mo kung hindi ka naman mahilig sa doggie ;-)
4. 95% na may nangyayari na sa isang babae at sa boyfriend nya, pag bumili sya o nagpabili sa nanay nya ng itim na bra at panty. bakit ka pipili pa ng kulay kung wala ka naman palang pagpapakitaan.
5. kalokohan na maglagay ka ng otomatik na tumutugtog sa layout mo na kanta, dahil una.. nakakabagal lang sa paglu load yun, pangalawa hindi lahat ng visitor mo e naka broadband, at pangatlo at pinakaimportante sa lahat… hindi lahat e trip yung gusto mong kanta.
6. bakit pag may kaibigan kang nagsabi na kailangan nya muna ng katahimikan, mangungulit ka pa rin hanggang sumama lang ang loob mo.
7. pag ba may naghuhurementado sa labas ano ang dapat gawin, manatili na lang sa loob ng bahay hanggang kumalma yung naghuhurementado at matapos yung gulo o yung lalabas ka pa at iinterviewin yung naghuhurementado?
8. magka dugtong yung 6 at 7
9. hindi mo obligasyon na ubusin ang lahat ng widgets sa wordpress, kung wala kang account sa flickr, wag kang maglagay ng widget na yun sa layout mo.
10. kagaguhan na gumamit ng naka leet speak words bilang username sa email address ex. funkzk8r or 14m50c00l@gmail.com, hindi mo lang papahirapan ang pagbibigyan mo nyan, gagawin mo pang mukhang engot ang sarili mo kaka spell ng email address mo tuwing may kukuha nun sayo.
11. ang ibig sabihin ng bitch ay babaeng aso, kaya sino ang nagsabi sa babaeng to na cool ang salitang bitch?
12. nakabasa na ba kayo ng mga tawang hindi malaman kung pano naimbento?
ex. wajajaja kamusta ka na!? or wekekeke testi naman dyan! nakakaburat di ba?
13. kalokohan na para sakin ang mag add ka sa friendster account mo ng hindi mo naman kakilala, basta na lang sumulpot, pssst add mo naman ako! mas kalokohan yung kinabukasan pagka add mo makakatanggap ka ng message, “tnx sa pag add, testi naman dyan!” tae! testi e di nga kita kilala anong kalokohan ang ilalagay ko?!
14. kung iaadd mo ko sa friendster, wag mo kong lalagyan ng mga glitter shits na testi na naggagalawan, isang malaking kahunghangan yun, walang sinseridad at aminin mo man o hindi e gusto mo lang makita ang pangalan mo sa account ng may account. papansin!
15. wag mo kong itetext speak sa kahit na saang pagkakataon, kahit sa celfone.
ex. san na u? d2 na me 2loy ba us? .. kung tinatamad ka, wag kang magtext!
16. at tigilan mo ko sa mga email at friendster messages na walang katuturan, maniwala ka sakin.. hindi mamamatay ang magulang mo at hindi ka mamalasin pag hindi mo naiforward sa sampung tao yung message na yun. grow up!
17. at hindi rin susulpot ang crush mo pag nakasampu kang tao na napag forwardan nun, loser!
18. kahit anong sakit ang dumapo sayo kung nakakakita ka pa naman, hindi ka mabubulol sa text sa kahit na anong dahilan. sobrang effort lalo ka lang nahahalata. ang abnormal ng dating.
19. at dapat mong malaman na ang magaling na malakihang pagsisinungaling ay kinakailangan ng sapat na preparasyon.
20. at kung may sakit ka, magpahinga ka at tigilan mo yang kakapuyat at kakachat sa inyo, drama queen!

.. sa lahat ng kaibigan na tinamaan, pasensya na pero sa mga oras na to, alas kwatro ng madaling araw, iyan ang pumasok sa isip ko. kung medyo nahagip kayo, ohe’no kanya kanya yan. basta yan ang opinyon ko at dapat mo ring pag isipan yan, bakit? kse sinabi ko.

Comments
28 Comments »
Categories
Chopsuey, Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

tae ng buhay to

March 18, 2008 | 10:30 pm

naranasan nyo na bang tumae na sa sobrang dami e halos hindi mo na makita yung tubig ng inidoro?
pero sa isang iglap, sa isang flush mo.. nakita pa ng mga mata mo na unti unti silang lumulubog
merong mga konting natira pero kaya ng tabuin na lang.
ako,
hindi pa.
naalala ko lang yung sweldo ko ng akinse,
akala ko ang dami.
pero nung nagbayad na ko online para sa iba’t ibang bills
celfone, credit card, broadband
pagka click ko ng submit button
unti unting naubos yung laman ng bangko kong nakarehistro sa monitor ng computer ko.
at yung natira,
sakto lang pang isang kainan sa mcdo.

Comments
15 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

whaever!

March 16, 2008 | 12:19 am

This video was embedded using the YouTuber plugin by Roy Tanck. Adobe Flash Player is required to view the video.
naaliw ako sobra, at naisip ko, na kung ang lahat ay nagmamahalan magiging mas masaya ang daigdig. at kung ang iisipin lang natin ay ang mga masasayang bagay, walang gera at gulo sa mundo.

ps
ako lang ba o talagang nakaka libog yung boses nung babae sa background?
maligayang linggo sa inyong lahat.

Comments
13 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

bratz

March 15, 2008 | 9:48 am

kanina sa jeep, byaheng pa pedro gil. pagsenyas ko pa lang sa sasakyan para sumakay ako, napansin ko na sya.. isang babaeng negrita na kulay kalawang ang buhok. papasok pa lang ako ng jeep naisip ko na agad na hindi bagay sa kulay nya yung buhok nya. hindi ko alam kung abala ako masyado ng pagiisip sa mga kapintasan na pwede ko ibato sa babaeng yun o talaga lang inaantok pa ko galing sa midnight shift, basta paghakbang ko sa hagdan ng sasakyan at binuhat ng kanang paa ko ang buong katawan ko para maabot ng kaliwa yung sahig ng jeep.. nakaramdam ako ng isang malambot sa ilalim ng sapatos ko at isang hampas sa tiyan ko at isang bahagyang tulak at isang sigaw ng matinis na boses “putang ina, mama bulag ka ba? paa ko na yung natapakan mo” dala ng pagkabigla o pagkalito, ang jon cabron na may bastos na bunganga sa internet natulala, ibinagsak ang sarili nya sa upuan ng jeep na parang isang talunang boksingero at ang tanging nasabi ng bibig nyang hinulma para mambastos ng mga gago sa paligid nya “sorry miss, di ko sinasadya” parang nagulat pa ko sa sinabi ko.. anong kagaguhan yung lumabas na yun sa bunganga ko kung may blogger na nakakakita sakin nung mga oras na yun siguradong mawawalan na ko ng kredibilidad dito sa blog na to. hindi pa rin sya tumigil, kahit medyo mahina na yung boses rinig ko pa rin yung “putang ina, muntik ng matanggal yung kuko ko” naisipan kong magbilang ng isa hanggang sampu, kailangan kong magpakahinahon pero naka tatlong sampu na ko hindi pa rin sya tumitigil. gusto ko ng bumaba kahit wala pa ko sa bababaan ko pero natatakot naman akong dumaan sa harap nya, hindi natin alam ang mga posibilidad na pwedeng gawin ng babaeng negrita na kulay kalawang ang buhok. napansin ko yung katabi nyang lalaki na halatang di nya kasama talaga, gwardya siguro dahil nakita ko yung tattoo nyang guardian sa balikat na nakalabas sa tshirt nyang puti na pinutol at tinastas. sa isip ko taenang to tuwing mag sasalita yung babae patungkol sakin tawa ng tawa, nagpapalapad ng papel. malapit na ako sa pedro gil at tahimik na rin yung babae at inaasikaso nya na lang yung celfone nya. yung lalaki sa harap nya tingin pa rin ng tingin sa legs nya. palihim kong sinusulyapan yung babae at naisip ko yung bratz na laruan ng anak ko. kamukha nya yung kulay, yung hugis ng mukha, at yung pagkaka pwesto ng mata nya. natawa ako ng palihim.
nung pababa na ko tinangka nya pa kong patirin ng paa nya at naisip kong sikuhin ang mukha nya dahil dun, kung hindi lang sa kaharap nyang lalaking mukhang handang magpakabayani ano mang oras, makuha lang ang atensyon ng babaeng mukhang bratz na laruan na negritang kulay kalawang ang buhok.

Comments
14 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

« Previous Entries

Babala

explicit

Patuka sa utak

papano mo malalaman kung malaki at matigas ang kulangot mo?
.. pag ibinato mo sa electric fan at tumunog.
— Jon Cabron

Kategorya

Balik Tanaw

Kablog

  • azrael
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • gasti
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • madbong
  • potsquared

Twitrrr

  • new blog entry naranasan mo na bang mabutasan? http://tinyurl.com/4x27db 16 hrs ago
  • just one of those days http://tinyurl.com/3u48ny 1 day ago
  • new blog entry ding! dong! http://tinyurl.com/3mbwsp 4 days ago
  • new blog entry litol dreamer http://tinyurl.com/4go382 4 days ago
  • new blog entry hmmmback! http://tinyurl.com/3j9xec 6 days ago
  • More updates...

Kaanib

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Group!

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Pangkabuhayan

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox