teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

benteng sangkap ng chopsuey

March 20, 2008 | 3:48 am

matagal na naming napag usapan ni lenggai tong topic na binubuo ko sa isip ko, pero dala ng katamaran at paurong sulong sa paggawa ng entry, naunahan ako sa isa ni jovi. at ngayon kahit medyo sa tingin ko parang hilaw pa, kailangan ng pitasin at ihain sa inyo. pasensya na kung medyo maasim pa at madagta. ibuka nyo na ang bibig nyo, at isubo nyo na to… aaaah ang sarap isipin.

1. katulad ni jovi, hindi ko rin maintindihan yung mga babaeng nagsusuot ng bathing suit sa beach tapos tinatakpan din naman nila ng kung anu ano. at tatanggalin nila yung takip pag lulusong na sila sa tubig. masabi lang?
2. yung mga umaalis at nagpupunta ng ibang bansa o ng ibang lugar, bakit kinakailangan na pasalubungan mo yung mga kaibigan mo ng isang bagay na souvenir sa lugar na pinuntahan mo, hindi mo ba naisip na sayo lang may importansya yung souvenir na yun.
3. para sa babae, bakit kailangan mong magpatattoo sa may likod ng bewang mo kung hindi ka naman mahilig sa doggie ;-)
4. 95% na may nangyayari na sa isang babae at sa boyfriend nya, pag bumili sya o nagpabili sa nanay nya ng itim na bra at panty. bakit ka pipili pa ng kulay kung wala ka naman palang pagpapakitaan.
5. kalokohan na maglagay ka ng otomatik na tumutugtog sa layout mo na kanta, dahil una.. nakakabagal lang sa paglu load yun, pangalawa hindi lahat ng visitor mo e naka broadband, at pangatlo at pinakaimportante sa lahat… hindi lahat e trip yung gusto mong kanta.
6. bakit pag may kaibigan kang nagsabi na kailangan nya muna ng katahimikan, mangungulit ka pa rin hanggang sumama lang ang loob mo.
7. pag ba may naghuhurementado sa labas ano ang dapat gawin, manatili na lang sa loob ng bahay hanggang kumalma yung naghuhurementado at matapos yung gulo o yung lalabas ka pa at iinterviewin yung naghuhurementado?
8. magka dugtong yung 6 at 7
9. hindi mo obligasyon na ubusin ang lahat ng widgets sa wordpress, kung wala kang account sa flickr, wag kang maglagay ng widget na yun sa layout mo.
10. kagaguhan na gumamit ng naka leet speak words bilang username sa email address ex. funkzk8r or 14m50c00l@gmail.com, hindi mo lang papahirapan ang pagbibigyan mo nyan, gagawin mo pang mukhang engot ang sarili mo kaka spell ng email address mo tuwing may kukuha nun sayo.
11. ang ibig sabihin ng bitch ay babaeng aso, kaya sino ang nagsabi sa babaeng to na cool ang salitang bitch?
12. nakabasa na ba kayo ng mga tawang hindi malaman kung pano naimbento?
ex. wajajaja kamusta ka na!? or wekekeke testi naman dyan! nakakaburat di ba?
13. kalokohan na para sakin ang mag add ka sa friendster account mo ng hindi mo naman kakilala, basta na lang sumulpot, pssst add mo naman ako! mas kalokohan yung kinabukasan pagka add mo makakatanggap ka ng message, “tnx sa pag add, testi naman dyan!” tae! testi e di nga kita kilala anong kalokohan ang ilalagay ko?!
14. kung iaadd mo ko sa friendster, wag mo kong lalagyan ng mga glitter shits na testi na naggagalawan, isang malaking kahunghangan yun, walang sinseridad at aminin mo man o hindi e gusto mo lang makita ang pangalan mo sa account ng may account. papansin!
15. wag mo kong itetext speak sa kahit na saang pagkakataon, kahit sa celfone.
ex. san na u? d2 na me 2loy ba us? .. kung tinatamad ka, wag kang magtext!
16. at tigilan mo ko sa mga email at friendster messages na walang katuturan, maniwala ka sakin.. hindi mamamatay ang magulang mo at hindi ka mamalasin pag hindi mo naiforward sa sampung tao yung message na yun. grow up!
17. at hindi rin susulpot ang crush mo pag nakasampu kang tao na napag forwardan nun, loser!
18. kahit anong sakit ang dumapo sayo kung nakakakita ka pa naman, hindi ka mabubulol sa text sa kahit na anong dahilan. sobrang effort lalo ka lang nahahalata. ang abnormal ng dating.
19. at dapat mong malaman na ang magaling na malakihang pagsisinungaling ay kinakailangan ng sapat na preparasyon.
20. at kung may sakit ka, magpahinga ka at tigilan mo yang kakapuyat at kakachat sa inyo, drama queen!

.. sa lahat ng kaibigan na tinamaan, pasensya na pero sa mga oras na to, alas kwatro ng madaling araw, iyan ang pumasok sa isip ko. kung medyo nahagip kayo, ohe’no kanya kanya yan. basta yan ang opinyon ko at dapat mo ring pag isipan yan, bakit? kse sinabi ko.

Categories
Chopsuey, Rants
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« tae ng buhay to teh god »

RSS feed | Trackback URI

28 Comments »

Comment by alone
2008-03-20 08:49:47

5 malungkot na katotoohanang di nila alam, at kawawa ang mga dial up users at mga kantang di ma intindihan ng iba.

11 nag aaral pa kasi kaya di nya alam ang ibig sabihin ng salitang “biyatch” cool nga ba daw? halatang taga visayas o mindanao region etong whore, slut & wanna be nato eh. mag aral ka nalang at matutuwa pa mga magulang mo ineng.

13 tumpak, at sasabihing ignore at denied daw. eh sa di kita talaga kita kilala diba? get lost! ei btw ano meaning ng testi jon?

15 mga gago talaga yang mga nag tetext speak para saan pa at kumpleto ang letra ng mga handyphones? tell me jon! tell me!

16-17 isa pa etong mga spam sa email & friendster. taragis! modem na ngayon mga ka friendster, tanga na kung oras mo na oras mo na di yung forward ka ng forward ng ganyan.. mamalasin? hihiling? ang magandang gawin para sa mga ganyan eh gawin mo para ma tupad yang mga yan at haluan mo ng panalagin sa itaas… tapos KILOS at tutulangan ka ni lord..

panalo tong entry mo jon. pish out!

Reply to this comment
 
Comment by Jovi
2008-03-20 10:05:55

7. pag ba may naghuhurementado sa labas ano ang dapat gawin, manatili na lang sa loob ng bahay hanggang kumalma yung naghuhurementado at matapos yung gulo o yung lalabas ka pa at iinterviewin yung naghuhurementado? –> lalabas at babarilin ng stun gun yung naghuhurementado…

Reply to this comment
 
Comment by madbong
2008-03-20 12:09:57

yung sa no.1 sa pinay lang yan applicable dahil sa ibang lugar tulad dito sa nz e talagang naka-expose yung mga naka 2 piece. yung mall nga na katabi ng opis namin ay mga 200 meters lang layo sa beach, minsan naka swimsuit yung mga babae nagpupunta ng mall (olrayt!!).

tutal napag-usapan na lang din, hindi ko din type yung mga blog na sangkaterbang pa-ekek tulad nung merong nagsasabi pa kung ilang spam comments na ang na-reject ng site niya. para sa akin “weno ngayon?”

Reply to this comment
 
Comment by foobarph
2008-03-20 13:10:18

5. kalokohan na maglagay ka ng otomatik na tumutugtog sa layout mo na kanta, dahil una.. nakakabagal lang sa paglu load yun, pangalawa hindi lahat ng visitor mo e naka broadband, at pangatlo at pinakaimportante sa lahat… hindi lahat e gusto yung gusto mong kanta.

- tama!

Reply to this comment
 
Comment by eNocH
2008-03-20 16:06:32

15. wag mo kong itetext speak sa kahit na saang pagkakataon, kahit sa celfone.
ex. san na u? d2 na me 2loy ba us? .. kung tinatamad ka, wag kang magtext!

>>dito ako gigil na gigil sa mga tropa ko at mga pinsan ko! may mga edad na ang hilig pa rin mag text-speak! lintek!

Reply to this comment
 
Comment by A Z R A E L
2008-03-20 16:22:52

12. nakabasa na ba kayo ng mga tawang hindi malaman kung pano naimbento?
ex. wajajaja kamusta ka na!? or wekekeke testi naman dyan! nakakaburat di ba?

WAKOKOKOK!!!! lol

Reply to this comment
 
Comment by Lenggai
2008-03-20 19:00:50

sa no.7: sinabi ko naman sayo… kukunan ko ng cellphone vid… sayang, baka puwedeng ibalita.

Reply to this comment
 
Comment by wei vines
2008-03-20 21:24:35

16-17 yeah.. mga malas..kalokohan lang yan ^^

Reply to this comment
 
Comment by kurokuroko
2008-03-21 01:47:04

panalo ang listahang ito. dami kong natutunan. tulad ng “wajaja” at “wekeke.”

ahehe?!?

Reply to this comment
 
Comment by lilmiz
2008-03-21 03:31:51

“2. yung mga umaalis at nagpupunta ng ibang bansa o ng ibang lugar, bakit kinakailangan na pasalubungan mo yung mga kaibigan mo ng isang bagay na souvenir sa lugar na pinuntahan mo, hindi mo ba naisip na sayo lang may importansya yung souvenir na yun.”

oo nga! kainis yan.. kaya ako hindi bagay hinihingi ko eh, cash lang, yun currency dun sa pinuntahan ng tao.. malay mo, makarating ako sa lugar na yun or may pwede ako pagbentahan na kaibigan na pupunta dun ahehe

Reply to this comment
 
Comment by koreanmine
2008-03-21 09:54:41

lols mukang mkaka luto ako ng chopseuy ah! :lol:
#4 - di ko nga maintindihan bat mas mahal pa yung mga underwears kesa sa mismong damit eh la nmn mkaka kita unles may balak ka maglakad ng nka bra sa mall :D pero kc nalagay na sa utak na sexiness is n the mind ..

#15 - mas tipid ang txt kesa kol kaso kkatamd mag txt :D ( guilty! lols )

NYAHAHA??? :D

Reply to this comment
 
Comment by manilenya
2008-03-21 11:29:15

tinamaan daw ako lol!! yung template ko kasi may flicker pero pramis hindi plugin yun lol… saka me flicker ako kaya lang wala lang lol!!

at kailangan ko daw magpaliwanag lol!
tapos yung flickr ko daw e may e dapat lol!

Reply to this comment
 
Comment by linglingbells
2008-03-21 19:51:32

agree ako sa number 12! dati, katext ko ang isang klasmeyt na di ko masyadong close.. may text siya na “wajejejeje! sige, jeje”.. ano daw?? di ko na nareplyan, di ko kasi alam kung anung irereply.. at saka ayoko din nung mga nagtetext na may capital letter, tapos small letter ulet.. parang ganito: hi PoH! KmUsTa Na?

Reply to this comment
 
Comment by islander
2008-03-22 00:14:10

15. wag mo kong itetext speak sa kahit na saang pagkakataon, kahit sa celfone.
ex. san na u? d2 na me 2loy ba us? .. kung tinatamad ka, wag kang magtext!

Korekkk!!! pag-uwi ko nung bakasyon nakakawendang intindihin yung ganung klaseng mga text na yan..

kakatuwa mga entries mo…can we link up?

Reply to this comment
 
Comment by aga
2008-03-22 01:12:58

isang malaking tsek parekoy….
asssteeegg…
padaan lang ulit… asust..

Reply to this comment
 
Comment by MisyeL
2008-03-22 04:53:29

tinamaan ako dun sa no 5 ahh, may tama ka mang jon! alisin ko na nga yung imeem sa friendster ko, hmp! :D

Reply to this comment
 
Comment by Geisha
2008-03-22 05:25:47

sapol! :D heheheheh ;)

Reply to this comment
 
Comment by ellieshe
2008-03-22 11:54:12

may NIKE ka!

Reply to this comment
 
Comment by Nonoy
2008-03-23 10:11:42

Masyadong pinapakialaman ang mga bagay na di na dapat pinapansin. Bahala sila sa buhay nila kung ganun ang gusto nila. Tumakbo ka nalang sa 2010, tas gawin mong batas lahat yan, para matahimik ka na.:))

Reply to this comment
 
Comment by camilleeee
2008-03-23 10:38:26

” 16. at tigilan mo ko sa mga email at friendster messages na walang katuturan, maniwala ka sakin.. hindi mamamatay ang magulang mo at hindi ka mamalasin pag hindi mo naiforward sa sampung tao yung message na yun. grow up!
17. at hindi rin susulpot ang crush mo pag nakasampu kang tao na napag forwardan nun, loser! “

haha, uu nga naman! :lol:

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-03-23 10:43:20

@ nonoy
bakit hindi na lang kaya ganto, ahhhhm yumuko ka sa harapan ko tapos tutuhurin ko yang mukha mo, ayos ba yun? hindi? o e manahimik ka na lang dyan tutal naman walang kwenta yang nilalabas ng bibig mo.

Reply to this comment
 
Comment by Nonoy
2008-03-23 14:12:52

Ay, mas may kwenta pala yung ginagawa mo. Pasensya na, sobrang makabuluhan ng blog entry na to. Sambahin si Jon Cabron!

Reply to this comment
 
Comment by Nonoy
2008-03-23 14:21:05

Oo nga pala, madami din items na may kwenta at tinatawanan ko rin dahil ginagawa ng mga tao, katulad ng mga chain letters at iba pa. Pero yung iba, no comment.

Reply to this comment
 
Comment by Nonoy
2008-03-23 16:29:32

Diyos ko si Jon Cabron! Purihin siya! Pinakamagaling na blogger sa buong Pilipinas!

Reply to this comment
 
Comment by pongpagong
2008-03-23 21:30:46

sino si nonoy???

Reply to this comment
 
Comment by Lenggai
2008-03-25 01:50:06

ang estupido ng mga taong nakikipag-away sa may-ari ng blog, kung wala rin lang kasing matinong sasabihin, tumahimik na lang. waste of space eh.

Reply to this comment
 
Comment by alone
2008-03-25 09:24:17

tanga na nonoy yan ahh… pre eto sa iyo a-hole harap at sasapakin kita

Reply to this comment
 
Comment by kengkay
2008-03-27 15:48:04

oh nonoy, my nonoy :D basta ako yung number wan — kahit na may dagdag na six kilos yung seksi body ko may i two piece pa rin ako — kyut na kyut nga sa akin yung mga mangingisda e, ahahah

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

sa net, nangongolekta ako ng kaaway pero hindi ako sumasalo ng away ng iba. — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox