kano
April 30, 2008 | 8:08 amkakatuntong ko lang sa opisina, saktong kakagaling ko lang sa cafeteria para magtimpla ng kape. may tumawag na tao sa taas, kailangan kong pumunta sa kwarto ng guest para mag assist sa wifi at pinaalalahanan ako na mag ingat at magtimpi dahil nuknukan ng kasarkastikuhan daw yung guest na amerkanong yun.
umakyat ako at bago ko pindutin ang door bell sa kwarto nya, huminga muna ako ng tatlong malalalim at ikinundisyon ang sarili ko sa mga maririnig ko.
galit nga sya, dahil hindi sya makakonek at hindi raw sya nagpunta dito sa pinas para mamamasyal, andito sya para magtrabaho. cool lang ako, pinapaliwanag ko sa kanya na kaya ako andun sa harap nya para ayusin yung problema at kung sakaling hindi ko maaayos dahil hindi na abot ng utak ko, meron syang dalawang option, bumaba sa business center at dun gawin ang trabaho nya or pareho kaming maghintay na maayos ang internet sa amin. shit happens at wala akong magagawa, wala na akong kontrol dun.
hindi sya tumigil ng kakasalita at nakakarindi na habang nagtotrouble shoot ka e may dakdak ng dakdak sa tabi mo, at ang matindi.. dakdak ng dakdak ng english! ang sakit sa tenga.
naka ilang baba din ako sa opisina para magcheck at akyat ulit sa kanya para mag ayos. at sa bawas bukas nya ng pinto pasarkastiko nya kong binabati ng “good morning” na parang gusto nyang dugtungan ng “good morning, jon.. tutal hindi ako makapag trabaho, saluhin mo ang galit ko! sucks to be you, brown man!”
inabot ako ng halos 40 minutes kasama ang ilang pari’t parito bago ko naayos ang connection nya, iyon na yata ang pinakamatagal na kwarenta minuto sa buhay ko. at pakiramdam ko paglabas ko ng kwarto nya.. para akong ginahasa ng amerkanong yun. sa likod.
napangiti na lang ako na sweldo nga pala kahapon, at pwede akong gumimik mamaya dahil pang alas dos na ‘ko bukas. hmmmm parang masarap magpunta sa bar na puro amerikano ang waiters. kayo naman ang mabulol kaka sir yes sir sakin mga ‘ndot!










