teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

para sa mga lahi ni eba (isang pagkaklaro)

May 31, 2008 | 4:49 pm

nitong mga huling araw naiintidihan ko na nakapagiwan ang ilang entry ko ng mapait na panlasa sa mga kababaihan at nakapagpa mantsa ng malansang imahe sa pagkatao ko, woman hater ba ako? chauvinista? o talagang asshole lang. at ngayon bilang isang tunay na lalaking matapat at maginoo, tumatayo ako sa inyong harapan partikular sa mga kababaihan para klaruhin ang bagay bagay at maiparating ko na rin sa inyo kung papaano kong hinahangaan at iginagalang ang mga katulad n’yong lahi ni eba.
ang totoo n’yan, malaki ang respeto ko sa inyo, dahil naniniwala ako na malaking kakulangan sa buhay pag wala k’yong mga babae sa tabi namin, katumbas ‘yan na walang kwenta ang paglalaba kung puro washing machine lang ang tatakbo at hindi na dadaan sa pagkukusot ng mga kamay n’yo.
hindi ko maimagine ang buhay na wala kayo, hindi ko maisip kung papano na ang mundo kung pag uuwi naming mga lalaki galing sa trabaho, kinakailangan pa naming mamalengke at magluto paguwi ng bahay dahil nga wala kayo. at hindi ko maimagine ang buhay tuwing akinse at katapusan na walang mga palad na nakatihaya sa harapan ko at matang nangungusap.
Read the rest of this entry »

Comments
28 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

shu mod

May 30, 2008 | 6:48 pm

at dahil panggabi na ako at matagal ng napatunayan ng mundo na kakambal ng puyat at byahe ang tigyawat, kinontak ko ang isang kaibigan na may malaking kredibilidad tungkol sa mga bagay na ito. hindi s’ya derma at hindi s’ya intsik, hindi s’ya nagbebenta ng mga creme na galing china at hindi s’ya nagtapos ng medisina sa mukha.. isa s’yang bakla.
isa s’ya sa maraming mga bakla na biniyayaan ng makinis at mamula mulang mukha. tinext ko s’ya kagabi pagkauwi ko galing trabaho kung ano ang mabisang pampahid sa mukha para maiwasan ang tigyawat at kaninang tanghali ko lang natanggap ang sagot n’ya. baka busy s’ya o puyat sa kabaklaan, hindi ko na inalam pa.
ang sagot n’ya “try mo ang shu mod” sinagot ko ng “saan nakakabili, magkano at pa’no ang paggamit?” at matulin s’yang sumagot ng “mura lang, sa watson meron, keri na ang umaga at gabi pero mas winner pag mas madalas” at dahil bukod dun e wala na akong naiisip na kailangan pa sa kanya, pinutol ko ang ugnayan namin sa isang simpleng “ktnx”
tinamad akong umalis kanina, madami akong kailangang lakarin. sa husgado para ifollowup yung kaso nung poging bumasag sa ilong ko, sa banko para sa application ko ng union account, at sa mall para bumili ng napagusapang gamot sa mukha. pero dahil sa champion ako pagdating sa obli obligasyon, wala ako ni isang natapos sa mga ‘yan. hiwa hiwalay kse at pakiramdam ko e hindi kakayanin ng isang lakaran lang. narinig ko sa pamangkin ko na umalis ang nanay ko, pumunta sa mall para magbayad sa telepono ng asawa n’ya. tinext ko agad para sa gamot at para kahit papa’no naman e may ma accomplish ako. ” ma, daan ka watson o mercury bili mo ko SHU MOD pampahid daw sa mukha ‘yun, dito kita babayaran” hindi ko inaasahan ang reply nya dahil ganun naman ‘yun pag may ibinibilin ako, ang reply pag may balita na sa pinapagawa mo.
at kanina lang, ilang oras bago ako magpasyang umidlip para may panlaban sana sa magdamagang puyatan, nag ring ang celfone ko, pupungas pungas pa ‘ko nung sagutin ko, para lang mawala ang kahit na gapatak na antok na natitira sa pagkatao ko sa boses ni gng. cabron na galit na galit at ipinahiya ko daw s’ya at pinagtawanan daw s’ya sa watson.. tinatanong ko s’ya kung anong problema pero hindi n’ya naman masabi sa akin kung anong kinakagalit n’ya. pakiramdam ko na gulpi de gulat ako dahil hanggang sa patayin n’ya na lang ang celfone hindi ako nakakibo, pakiramdam ko lumilipad pa rin ang diwa ko kakaisip kung ano na namang kagaguhan ang nagawa ko.

Comments
32 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

matakot ka, babae

May 28, 2008 | 8:25 pm

naisip ko lang, bakit hindi na lang lagyan ng expiration date ang marriage contract, tapos kunyari after 6 months o kaya 2 years may option ka kung gusto mong mag renew ng ilang buwan at taon pa, taena’ tignan ko kung mag matapang pa ‘tong mga babaeng ‘to pag hinihingian mo ng perang pang inom, o tignan ko kung makabuka pa ng bunganga ‘tong mga babaeng ‘to na kesyo pagod na dahil nagtatrabaho din naman sila pag ginigising mo ng madaling araw para paglutuin ng sinangag at noodles. kung tutuusin, tayong mga lalaki ang naunang lumabas dito sa mundo. hinugot sa tadyang nating ‘yang mga babaeng ‘yan.. dun pa lang pangita na kung gaanong pasakit ang gagawin sa buhay natin ng mga ‘yan. at dahil sa kaadalentaduhan n’yang mga babaeng ‘yan at likas na pagiging pakialamera at gustong laging nasusunod, pinakialamanan ang mga bagay na pinagbabawal. kaya tayo ganito ngayon na pahirapan para makabalik sa paraisong ‘yun. tapos ano? hanggang ngayon gusto nila sila pa rin ang masusunod? kalokohan.
lagyan ng expiration date ang marriage contract at tignan ko kung hindi parang mga naging pusang ke aamo at ke lalambing n’yang mga babaeng ‘yan na naghihilahod sa mga binti natin pag nalalaman nilang malapit ng mapaso ang kontrata nila. at kung sasabihin n’yong kawawa naman ang mga anak sa ganung sitwasyon..
ahhhhm, bakit k’se hindi pa magimbento ng puno ng saging na p’wedeng magbuntis, kasimple simple ng buhay pinapahirap.

Comments
24 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

maja salvador

May 27, 2008 | 9:13 pm

dalawang pasok na lang at magiging midnight shift na ‘ko. tuwing dumadaan ako sa pang 2 to 10 pakiramdam ko bugbog sarado ako lagi, naluluto, at nauupos. pag pang alas diyes ang labas mo at pasado alas onse ka na nakakarating sa inyo pahirapan ng maghanap ng kainuman nu’n na matino tino pa at available pa. madalas magisa lang akong nagiinom sa bahay, walag kausap at walang kasama. sa loob ng isang buwan nung sabado lang ako nakalabas talaga para gumimik.
mas mabuti pa pag pang midnight ka dahil sa huling araw ng pasok mo, pwede kang umidlip hanggang hapon at maghanap ng kainuman pagdating ng gabi, walang hang over na poproblemahin dahil kinabukasan pa naman ng gabi ang pasok mo. minsan naiisip ko na eto ang drawback ng malaking sweldo namin dito, wala ka ng panahon para bilhin ang gusto mo, puro ka pabili na lang. madalas sa internet o sa tv ka na lang makakakita ng mga bagay na magugustuhan mo tapos tinatandaan mo na lang ‘yung model at itsura tsaka mo sasabihin sa nanay o sa asawa mo na “pag nagpunta kayo sa mall, bili mo naman ako ng ganito, na may ganito, ‘yung walang ganun, bili mo ‘ko kung ilan ang kakasya d’yan sa pera ko”.
pag lumipas ang isang linggo at dinaanan ang rest day ko ng hindi man lang ako nakakainom dun ko napapansin na napapadalas ang away namin ni mrs. cabron. mainit ang ulo ko pag ganun ang nangyayari, ayokong inuutus utusan ako pagdating ko sa bahay, lalo na ayokong ayoko ng mga pabor na may kinalaman sa computer.. taena anim na araw na akong nakaharap sa computer, nanghuhula ng solusyon at nangangapa ng problema, ang gusto ko pag rest day ko hayaan n’yo naman akong maupo, humarap sa computer.. magbrowse at maglibang. at pag sinabi kong maglibang kasama na dun ang paminsan minsang abnormal na bilis ng pagkukuyakoy at alistong mga mata at daliri habang nagba browse ng mga websites na gusto ko ako lang ang nakakakita.

ang tawag ko sa shift na 2 - 10, oras na sangla kaluluwa. wala kang panahon sa lahat lahat, at uuwi ka para matulog lang at gigising para pumasok. pag dayoff mo, pumunta ka sa mall pag labas mo gabi na, obligado ka na namang matulog para paikutin ang cycle ng pang araw araw na buhay mo.
pero naiisip ko na napakaswerte ko na sa trabahong ‘to. nasa tabi ko ang pinaka mababait na boss na p’wedeng ibigay sa’yo ng tadhana, nasa harap ko na rin ang bisor na medyo lumalagpas sa normal pero madali din naman kausap at sa mga ilang importanteng bagay e handa namang mag adjust para sayo. at syempre ang dalawa kong kasamahan na kahit madalas e parang nagiging commercial model sila (endorser) puro maayos namang kausap at madadali namang hingian ng pabor.
kailangan kong magtrabaho, tanggap ko ng tapos na ang mga araw na gumigising ako para lang matulog ulit maya maya, o tumambay at makipag away para pampalipas oras. may asawa at anak na ‘ko at tinatanggap ko ng katulad ng mga makina sa pabrika, eto na ang buhay ko.
at bilang tao, obligasyon kong banatin ang buto ko para sa pamilya ko, at hasain ang utak ko para sa sarili ko. at masaya ako na sa halos araw araw na pumapasok ako, araw araw din na..
Read the rest of this entry »

Comments
17 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

mahirap na version ni rhian ramos

| 1:28 am

nabubuwisit akong nakasakay sa jeep na pabyaheng opisina nung sabado, kakababa ko lang sa bus na mainit at pinamamahalaan ng kunduktor at drayber na hayuk na hayok kumita ng malaki at walang pakialam sa mga pasahero nilang male late na sa mga pupuntahan.
dagdag inis pa na yung earfone na kakabili ko lang para sa mp3 player ko, hindi na gumagana yung kaliwa, paksyet naman!
nakayuko akong kinakalikot yung saksakan at pakiramdam ko e parang may naputol sa loob ng kable kaya may pag ikot ako na gumagana s’ya, tsumatsamba. nang biglang tumigil ang jeep na sinasakyan ko at pumasok ang isang babaeng nagpatibok ng puso ko at nagpatigil sandali ng mundo ko, isang babaeng nakadilaw. at ni sa panaginip hindi ko naisip na ganun katindi ang magiging epekto sa akin ng kulay na iyon, natulala ako at otomatikong naglakbay ang utak ko sa mga posibilidad na puweng mangyari.
at nagtama ang tingin namin ng kasama n’ya, at doon na naguluhan ang puso ko.. sa unang tingin para lang silang magkapatid o magkaibigan na may medyo malaking agwat ng idad pero sa ilang kilos nila natiyak ko na mag ina sila.
saglit kong tinimbang kung kanino ako papanig kung sakaling mag away sila dahil sa akin, at walang duda. nalito lang ako ng saglit pero ang anak ang napili ko. tinitigan ko s’ya ng mabuti at pinipilit hulihin ng mga mata kong otomatik na pumungay ang mga mata n’yang maiilap at tagusan kung tumingin sa akin. pinagmasdan ko s’ya at naisip kong may kamukha s’yang artista, kamukha n’ya si rhian ramos. mukha s’yang mahirap na version. siguro dala na rin ng mga peklat n’ya sa braso at likuran at ng pedicure n’ya sa hinliliit n’yang dumudungaw sa sandals n’yang medyo namumuti sa alikabok at maliit ng konti sa kanya. pero ganun pa man hindi kayang itago nun ang natural n’yang ganda. ang gandang inosente at para lang sa akin. at mamaya sigurado ako ang pangatlong araw na muli nanaman akong wala sa oras na magigising mula sa pagtulog, hahagilapin ng kamay ko ang celfone ko para makita at mahalikan ang larawan n’yang nakatalikod. hindi ko alam kung kelan ko ulit sila makakasakay sa jeep, at hindi ako sigurado kung hanggang kailan n’ya patitigilin ang mundo ko, at hanggang kailan n’ya istorbohin ang paliligo ko.

Comments
16 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

pagbabalik ng sumpa

May 25, 2008 | 5:05 pm

mula paguwi ko nung sabado ng gabi para sa huling araw ng pasok ko bago ako mag rest day, alas siyete na ako nakaahon sa inuman, inumpisahan namin sa isang sikat na tambayan sa alabang at tinapos namin sa pag gegate crash sa isang lamayan na hindi ko kaclose ang may patay at hindi ko kilala kung sino ang patay. hindi naman kami nalasing at may mga pera pa naman kami pero sa ganung oras na nagkakaturuan na kung sino ang tatayo para bumili, at malamang parusa sa kung sino man ang bibigay sa kantyaw para tumayo at magbanat ng buto para umigib ng alak. at bukod dun, hindi man kami nagkikibuan pero alam kong nababahuan na kami sa isa’t isa.
may nadaanan akong isang carwash na may nagbebenta ng almusal nung pauwi na ‘ko. bumili ako ng tatlong supot na spageti, kinain ko ang dalawa sa bahay at iniwan ko ang isa bago ako natulog. nagising si mrs. cabron pag higa ko sa kama at nagkabati na kami. .. walang nangyaring anuhan. nangako s’yang magbabago na at nangako akong sasamahan silang mag grocery pagkagising ko ng hapon.
may isang sumpa ang alak kinabukasan bukod pa sa sakit ng ulo na dala ng hangover, ang pagtatae. at matapos kong makumbinsi ang sarili ko na wala ng natitirang sumpa sa pagkatao ko, ipinagpasya ko ng umuna sa kanila sa mall. bukod sa magpapagupit pa kse ako, umiwas na’ko sa away dahil alam kong magiinit na naman ang ulo ko pag nainip ako dahil sa parang magsasagala sa reyna elena sa tagal na pagbibihis ng asawa ko.. at ng anak ko.
pag dating ko dun, parehong may ginugupitan ‘yung option A at option B kong barbero, labas muna ko saglit at nagplanong magbasa basa ng libro sa book store, pero masyadong maginaw ang napwestuhan ko sa power books, at masamang kumbinasyon ang pagtatae at ginaw.. pero ramdam kong kaya ko pa ang laban, lumabas ako ng book store at bumalik sa barber shop, di pa rin sila tapos. labas ulit ako at ewan ko kung anong katangahan ang pumasok sa kukote ko pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa tapat ng isang stall na nagtitinda ng fruit shake, umoorder ng water melon shake at umo oo sa tanong ng tindero kung lalagyan daw ba ng gatas. pagtatae + ginaw + gatas = FTW!
habang nakatambay at nagdadasal ako sa isang upuan at nililibang ang sarili ko sa mga nagdadaang babae, nakareceive ako ng text, bakante na ang isa sa barbero ko. tinantya ko muna ang sarili ko, sa tingin ko kaya pa naman.. idadaan ko na lang sa muscle control ang laban. .. nagupitan ako, halos fifteen minutes na minasahe, sinuklayan, at binola tungkol sa katawan ko, at sa wakas natapos na ang sesyon ko sa barbero, at ilang minuto pa nagtext na sila mrs. cabron at magkakasama na naming binabagtas ang kahabaan ng mall. habang hindi pa rin ako bumibigay sa pagma muscle control.
konting ikot pa at nagugutom na raw ang anak namin, sabi ko ayokong kumain dahil kanina pa masakit ang tiyan ko, sige daw basta sumama na lang ako at mag iced tea kung gusto ko. ok walang problema.. sumama ako at ibinigay ng walang kalaban laban ang isa sa malaking pagkakamaling desisyon ko pa sa mga oras na ‘yun.. natakam ako sa inorder ni mrs. cabron na macaroni and cheese na side dish. pagtatae + ginaw + gatas = FTW + cheese = disaster!
at ang masama pa nu’n bumigay ako sa alok ng isang mabuting asawang si mrs. cabron na “bakit di ka pa umorder mukha kang tanga d’yan baka sabihin ng mga tao short ang pera natin kaya nakiki tikim ka lang sa side dish namin”

pumila ako sa counter at umorder ng sa tingin ko ay magbabangon sa moral kong inakusahan daw ng mga tao na amang na short sa pera at nakikitikim lang ng side dish ng pamilya n’ya! .
Read the rest of this entry »

Comments
13 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

babae

May 24, 2008 | 12:05 pm

sobrang bad trip ako kagabi, ilang minuto bago pumatak ang oras ng uwian ko, para akong sugat na nakabuka at naka expose sa lahat ng stress ng buhay. pakiramdam ko kinokombo ako ng asawa kong nagpaalam na may pupuntahang bridal shower pero ang usapan ala siyete nasa bahay na s’ya, maga alas diyes na wala pa, at wala ding text o pasabi na male late s’ya ng uwi, at wala ring sumasagot sa fone nya. meron din akong kachat na may mga tanong na kinakailangan kong sagutin ng mga matatalinong sagot, pero hindi ako makapagisip ng maayos dahil nasa labas ng opisina ang utak ko at pangalawa ginugulo ang isip ko ng bisor kong may kausap ng malakas sa telepono at nagmumura..
nagdidilim na ‘yung paningin ko, matagal na panahon na nung huli kong naramdaman ‘yung ganung pakiramdam na nanlalamig ang mga kamay ko sa galit at nagiinit ang batok ko sa inis, pakiramdam ko kailangan kong mahanginan, mausukan, libangin ang utak ko.. o magwala. pinili ko ang magyosi sa labas dahil naisip ko na wala akong karapatang magwala at makipag away sa labas dahil sa dalawang dahilan, una dahil wala ako sa lugar namin at kagaguhan na dumayo pa ko dito para lang makipag bugbugan, pangalawa, hello? kakagaling lang ng ilong ko.
hindi ko alam kung hassle ba o advantage pa na kinakailangan kong bumyahe ng kulang isang oras bago makauwi, hassle ba dahil excited na kong makauwi at maghanda sa pagpapaulan ng masasakit na salita kay mrs. cabron o advantage dahil makakatulong ‘yun para lumamig ako. nakakabuwisit ‘yung tawag ka ng tawag sa celfone na hindi sinasagot, kaya nga walang kable ‘yan para bitbitin mo kahit saan ka magpunta. hindi ko tuloy alam kung magaalala ba ‘ko o magagalit, iniisip kong sa text pa lang paulanan na s’ya ng mga matutulis na mura, pero naisip ko naman na papa’no kung may nangyari na pala sa kanya at nasa mga pulis ang celfone n’ya, baka pag nadyaryo e lumabas pa akong isang masamang asawa.
dumating s’ya at natulog ng hindi ko pinansin, minsan naniniwala ako na mas epektib ang ganun kesa sa pumutak ako at magkaro’n s’ya ng chance para makapag paliwanag pa. mas mabigat sa dibdib ang ganito, at hindi ako papayag na ganun ganun lang, gigimik ako mamaya ng walang pasabi at kung may makilala man akong tsiks sa pupuntahan ko, malasing kami, mag anuhan.. mabuo iyon at maging tatay ako sa isang batang ni hindi ko alam ang apelido ng nanay n’ya.. p’wes, wala akong pakialam.

Comments
9 Comments »
Categories
Rants
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

buzztard

May 22, 2008 | 7:58 pm

hindi naman siguro kayo magugulat kung ibubulgar kong may doorbell kami sa bahay, hindi naman siguro kamangha mangha at kahanga hanga ‘yun. hindi ko isiniwalat ang impormasyong may doorbell kami para magyabang, gusto ko lang ipaalam na hindi ako inosente sa tunog n’un o sa kahit anong bagay na kasing katunog ng bagay na ‘yun. hindi ko alam kung iniisip mo ba na siguro kinikilig ako sa tunog na ‘yun tuwing binabanatan mo ko ng ganun o kung siguro parang bumibilis ang tibok ng puso ko pag narinig ko ang tunog na ‘yun ilang minuto bago ko makitang nag online ang account mo sa YM.
bumalik sa akin ang unang araw na nagtagpo tayo sa isang chat room, paalis na’ko nu’n dahil walang buhay sa loob, wala ako sa mood makipag kariran dahil wala namang makakarir. nag pm ka tinanong mo ang idad kasarian at lugar ko, sinagot kita sinabi kong disinwebe anyos ako, matipunong lalaki, at nakatira sa isang magarbong condominium sa makati. tinanong mo kung ano ang trabaho ko at sinagot naman kita… commercial model.
naputol ang usapan natin nung nagkaro’n ako ng tawag para magtrabaho, nagduda ka pa at tinanong mo ‘ko kung bakit tumatanggap ako ng tawag kung talagang model nga ako at sinagot naman kita na nagpa part time ako bilang call center agent, nagulat ka at napa wow! e di magaling kang mag english.. tanong mo pa nga, na sinagot ko naman ng YUP!
sa halos kinse minutos na paguusap natin na ‘yun pakiramdam ko terti minutes ang nanakaw sa pagkatao ko, parang mas nagenjoy pa sana ako kung nagpunta ako sa isang gay porn site kesa sa makipag chat sa’yo at sa ilang segundong hindi ako nakaka sabay sa usapan e pinapaulanan mo ‘ko ng buzz na para bang agaw buhay ka na at ang sagot ko lang sa tanong mo ang makakapag sagip sa ‘yo kaya kinakailangan mo na ang sagot ko impunto. hindi eksaherasyon na sabihing sa kinse minutos na ‘yun naka dalawampung buzz ka siguro sa akin at sa dalawampung ulit na ‘yun, tatlongpung beses siguro kitang sinabihan na nakakairita ang ganun na sinasagot mo lang ng emoticon na nakangiti.
ilang araw na ba ang nakakalipas mula nung una at huli nating paguusap, ilang araw na ba ang nakakalipas buhat n’un na nagsimula ang pagkakaibigan natin? ilang araw na ba na na iniiwasan kita kaya ako naka invisible sa YM sa’yo at ilang araw na bang nakakakuha ako ng offline messages sa’yo, mga mensaheng nangungumusta at celfone number mo, na hindi ko naman binalak kunin dahil bukod sa binibingi mo ko sa kaka buzz mo, napag isip isip kong wala tayong patutunguhan, hindi ko maipag papatuloy ang pakikipag kaibigan ko sa isang babaeng wala ng bukambibig kundi “mukhang mabait ka naman jon” .. taena, hindi ako mabait!

at ngayon, tinatapos ko na ang pagiging magkaibigan natin dahil gusto kong pagpahingahin
ang tenga kong bugbog sarado sa’yo.

Comments
20 Comments »
Categories
Lakbaydiwa, Victim
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

Hello woarld!

May 20, 2008 | 3:49 pm

eka lang, marami pang aayusin at marami pang guguluhin.,

Comments
40 Comments »
Categories
Uncategorized
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

amoy kendi

May 19, 2008 | 7:36 pm

habang nasa ibang department ako kanina at nagkakalikot ng pc, katabi ko ang isa sa pangalawang first love ko dito sa opisina. ang unang impression ko sa kanya, probinsyana at nene. pero nitong mga huling araw kumakagat na s’ya sa mga birong teknikal ko. andyan na sinabihan ko s’ya ng i love you at binatuhan n’ya ko ng isang matamis na ngiti at umoo s’ya, andyang may iniaabot ako sa kanya at sinadya kong hawakan ang kamay n’ya.. at nung naulit ‘yun, s’ya na mismo ang humawak sa kamay ko, sabay ngiti ng matamis, lahat ng ‘yan at marami pang ulit ng pasundot sundot n’ya sa tagiliran ko tuwing babatuhin ko s’ya ng palipad hangin na sinusuklian naman ng otomatikong pamumula ng mukha ko at paginit ng batok dahil nasasaling n’ya ang bilbil ko.. a n y w a y,
at kanina nga, habang pasinghot singhot akong nagaayos sa may tabi n’ya at ilang pabulong na pasumpa sumpa sa sipon at ubo kong nagpapasakit ng ulo ko, pasundot sundot ang k’wentuhan namin. kinamusta ko s’ya, ok lang daw s’ya. ok lang din daw sila ng boyprend n’ya, at hindi n’ya kinagat ang biro kong iwan n’ya na ‘yun tutal naman matagal na sila. maya maya balik s’ya sa ginagawa n’ya at maya maya rin paalis alis ako dahil kinakailangan kong bumalik sa department namin para mag research, pag ‘di umuubra ang mga plan A at plan B ko sa problema.
nung isang beses na pagbalik ko, meron akong nakabungguang babaeng trainee at sa lakas ng banggaan namin kumalat ang amoy nya sa daan.. amoy kendi! pabangong amoy kendi. bumalik ako sa computer na tinotopak katabi ng probinsyanang nene at ginamit kong pambukas ng usapan ang trainee na nakabangga ko,

walang lingon lingon, pabulong lang habang nakatitig pa rin sa monitor.

JON: walangya yung trainee n’yo amoy kendi!
PROBINSYANANG NENE:
ok nga yun ah?
JON: ngeks’ anong ok dun?
PROBINSYANANG NENE: ok nga yun, para masarap kainin!

pakiramdam ko, tumagos sa tinititigan kong monitor ang mga mata ko, hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas bago ko napwersa ang leeg ko na lumingon sa kanya, para lang salubungin ng matamis n’yang mga ngiti. hindi ko alam kung papa’no n’ya nasabi ‘yun, hindi ko alam kung papa’no ako magrereact.. dahil hindi ko alam kung nagbibiro ba s’ya, .. at higit sa lahat hindi ko alam kung papa’no ako tatayo at makakalakad ng maayos pagkatapos n’un.
ilang sandali pa ang lumipas, may nagpasok ng mga pagkain sa opisina nila, meron daw handaan’ tinanong ko s’ya kung kanino galing, sabi n’ya sa kanya daw dahil bertdey nya. at parang hindi pa sapat ang pamimilipit ko sa kinauupuan ko at ang madalas na pagkukuyakoy ng paa kong nakadekwatro dahil tinanong n’ya ko..

PROBINSYANANG NENE: birthday ko nga! wala ka bang regalo sa akin?
JON: ahhhhm meron..
PROBINSYANANG NENE: talaga ha? akina!
JON: eh sa ibang araw na lang.. saka na’
PROBINSYANANG NENE: <sa mapungay na mata at matamis na ngiti> ano ba ‘yung regalo mo sa’kin?
JON: <sa mapungay na mata at boses na malalim> basta secret.. at amoy kendi! <sabay kindat at kagat ng labi>

.. tawa s’ya ng tawa at sinuntok n’ya ko sa balikat, na muntik ng ikabali ng leeg ko. pero masaya akong bumalik sa department namin, dahil natapos ko ng maayos ang trabaho ko.. ginawa kong office 2000 ‘yung office 97 na ayaw gumana.

Comments
18 Comments »
Categories
Lakbaydiwa
Comments rss Comments rss
Trackback Trackback

« Previous Entries

Babala

explicit

Patuka sa utak

pumikit ka kung ayaw mong mabulag …pansamantala’ — Jon Cabron

Kategorya

Balik Tanaw

Kablog

  • azrael
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • gasti
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • madbong
  • potsquared

Twitrrr

  • new blog entry naranasan mo na bang mabutasan? http://tinyurl.com/4x27db 16 hrs ago
  • just one of those days http://tinyurl.com/3u48ny 1 day ago
  • new blog entry ding! dong! http://tinyurl.com/3mbwsp 4 days ago
  • new blog entry litol dreamer http://tinyurl.com/4go382 4 days ago
  • new blog entry hmmmback! http://tinyurl.com/3j9xec 6 days ago
  • More updates...

Kaanib

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Group!

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Pangkabuhayan

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox