teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

amoy kendi

May 19, 2008 | 7:36 pm

habang nasa ibang department ako kanina at nagkakalikot ng pc, katabi ko ang isa sa pangalawang first love ko dito sa opisina. ang unang impression ko sa kanya, probinsyana at nene. pero nitong mga huling araw kumakagat na s’ya sa mga birong teknikal ko. andyan na sinabihan ko s’ya ng i love you at binatuhan n’ya ko ng isang matamis na ngiti at umoo s’ya, andyang may iniaabot ako sa kanya at sinadya kong hawakan ang kamay n’ya.. at nung naulit ‘yun, s’ya na mismo ang humawak sa kamay ko, sabay ngiti ng matamis, lahat ng ‘yan at marami pang ulit ng pasundot sundot n’ya sa tagiliran ko tuwing babatuhin ko s’ya ng palipad hangin na sinusuklian naman ng otomatikong pamumula ng mukha ko at paginit ng batok dahil nasasaling n’ya ang bilbil ko.. a n y w a y,
at kanina nga, habang pasinghot singhot akong nagaayos sa may tabi n’ya at ilang pabulong na pasumpa sumpa sa sipon at ubo kong nagpapasakit ng ulo ko, pasundot sundot ang k’wentuhan namin. kinamusta ko s’ya, ok lang daw s’ya. ok lang din daw sila ng boyprend n’ya, at hindi n’ya kinagat ang biro kong iwan n’ya na ‘yun tutal naman matagal na sila. maya maya balik s’ya sa ginagawa n’ya at maya maya rin paalis alis ako dahil kinakailangan kong bumalik sa department namin para mag research, pag ‘di umuubra ang mga plan A at plan B ko sa problema.
nung isang beses na pagbalik ko, meron akong nakabungguang babaeng trainee at sa lakas ng banggaan namin kumalat ang amoy nya sa daan.. amoy kendi! pabangong amoy kendi. bumalik ako sa computer na tinotopak katabi ng probinsyanang nene at ginamit kong pambukas ng usapan ang trainee na nakabangga ko,

walang lingon lingon, pabulong lang habang nakatitig pa rin sa monitor.

JON: walangya yung trainee n’yo amoy kendi!
PROBINSYANANG NENE:
ok nga yun ah?
JON: ngeks’ anong ok dun?
PROBINSYANANG NENE: ok nga yun, para masarap kainin!

pakiramdam ko, tumagos sa tinititigan kong monitor ang mga mata ko, hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas bago ko napwersa ang leeg ko na lumingon sa kanya, para lang salubungin ng matamis n’yang mga ngiti. hindi ko alam kung papa’no n’ya nasabi ‘yun, hindi ko alam kung papa’no ako magrereact.. dahil hindi ko alam kung nagbibiro ba s’ya, .. at higit sa lahat hindi ko alam kung papa’no ako tatayo at makakalakad ng maayos pagkatapos n’un.
ilang sandali pa ang lumipas, may nagpasok ng mga pagkain sa opisina nila, meron daw handaan’ tinanong ko s’ya kung kanino galing, sabi n’ya sa kanya daw dahil bertdey nya. at parang hindi pa sapat ang pamimilipit ko sa kinauupuan ko at ang madalas na pagkukuyakoy ng paa kong nakadekwatro dahil tinanong n’ya ko..

PROBINSYANANG NENE: birthday ko nga! wala ka bang regalo sa akin?
JON: ahhhhm meron..
PROBINSYANANG NENE: talaga ha? akina!
JON: eh sa ibang araw na lang.. saka na’
PROBINSYANANG NENE: <sa mapungay na mata at matamis na ngiti> ano ba ‘yung regalo mo sa’kin?
JON: <sa mapungay na mata at boses na malalim> basta secret.. at amoy kendi! <sabay kindat at kagat ng labi>

.. tawa s’ya ng tawa at sinuntok n’ya ko sa balikat, na muntik ng ikabali ng leeg ko. pero masaya akong bumalik sa department namin, dahil natapos ko ng maayos ang trabaho ko.. ginawa kong office 2000 ‘yung office 97 na ayaw gumana.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« salamat Hello woarld! »

RSS feed | Trackback URI

18 Comments »

Comment by MARU
2008-05-19 20:16:18

hahahaha! daming amoy-kendi na condom ngayon. ano kaya ang pipiliin mo sa mga yun? :D
==
wala, bakit? dahil amoy kendi na ‘to, ibig sabihin masarap kainin.
ok, joke lang .. ang totoo amoy carpet na basa ‘to. :(

Reply to this comment
 
Comment by antuken
2008-05-19 22:23:28

ang kiri mo! hehehe… pero cute!

==
tnx ngayon lang may nagsabi na cute ako.

Reply to this comment
 
Comment by R.J.
2008-05-20 00:29:57

ay bitin. parang nagbabasa ako ng kolumn ni xerex ah. hahaha ayos. sana may kasunod. =D
==
dalawa tayong manalangin na sana nga may kasunod pa!

Reply to this comment
 
Comment by annie8886
2008-05-20 01:39:20

tama si RJ para akoong nagbabasa ng column ni Xerex sa Abante..
hehehe

Reply to this comment
 
Comment by Banana
2008-05-20 04:39:31

waaaa! nakikinita ko ngayon yung IT namin na mag-aayos ng pc sa lilipatan kong departamento! hahaha!
o well, kung alam mo lang lang itsura ng IT namin tapos aayusin niya ang pc ko, tapos nasa tabi ako na maiksi ang skirt na uniporme at nagpapa-cute ako. magmumukha siguro akong baliw. pero infairness saIT namin magaling din siya. :lol: eniway, ang landi mo jon. pero if i know, si nene pinakilig mo ng husto lol.

Reply to this comment
 
Comment by neptune
2008-05-20 08:14:03

katabi ko ang isa sa pangalawang first love ko

ilang beses ba na-fi-first love ang isang jon cabron? tsaka siguro naman sa tagal nyong nagpa-cute-an sana di mo sya nakalimutang batiin ng happy birthday. :D

Reply to this comment
 
Comment by gasti
2008-05-20 08:38:44

isama mo na ko sa nananalangin na sana ay may kasunod pa. pero malakas ang kutob ko na hindi lang magtatapos ang mga eksenang ganyan sa amuyan lang. lols! may hiring ba dyan? haha!

Reply to this comment
 
Comment by defpotec
2008-05-20 08:57:26

Banana (04:39:31) :

waaaa! nakikinita ko ngayon yung IT namin na mag-aayos ng pc sa lilipatan kong departamento! hahaha!
o well, kung alam mo lang lang itsura ng IT namin tapos aayusin niya ang pc ko, tapos nasa tabi ako na maiksi ang skirt na uniporme at nagpapa-cute ako. magmumukha siguro akong baliw. pero infairness saIT namin magaling din siya. :lol: eniway, ang landi mo jon. pero if i know, si nene pinakilig mo ng husto lol.

break na talaga tayo!!

Reply to this comment
 
Comment by Ceejae
2008-05-20 09:38:25

hi Jon, this is christine…

Reply to this comment
 
Comment by poychte
2008-05-20 09:48:55


Pasalamatan magiliw balutin…

Kung ka mangilangan A Blog , subukin sa tumingin “Leoxa.com”
( ang paksa ay pagayon nakatutuwa )

Reply to this comment
 
Comment by apollo
2008-05-20 10:51:18

abangan namin ang mga kasunod na kabanata. kakamiss talaga magkalikot ng pc! hehe..

Reply to this comment
 
Comment by Jex
2008-05-20 11:01:53

wahaha. panalo! you’re such a flirt. paturo pa nga ng da moves. mwehehehe

Reply to this comment
 
Comment by Lyzius
2008-05-20 12:55:13

ahahaha..malantong pala si bossing…at mas malantong si nene..nagpapahiwatig yun bossing… sa susunod na magkikita kayo amoy kendi na rin yun…

Reply to this comment
 
Comment by cecille
2008-05-20 16:57:49

hala, may ganyang landian factor. haha. abangan ko rin ang kasunod nyan. salamat sa pag-add sa ken sa blogroll. natuwa naman ako. :)

Reply to this comment
 
Comment by gingmaganda
2008-05-20 19:39:12

o kitam, malandi ka nga!

Reply to this comment
 
Comment by Pryss
2008-05-20 21:41:51

ang landiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!!

para kang gabi…ang kati mo lolz…

da moves mo talaga grabe…eh ako pang-ilang first love mo?

Reply to this comment
 
Comment by aga
2008-05-21 02:12:49

asust mint flavor… :)

Reply to this comment
 
Comment by gingmaganda
2008-05-27 00:58:35

may kindat at kagat labi pa! kitammmm!

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

masyadong malawak ang internet at magiging sobrang delikado sa mga tanga ang magpakalat kalat dito. — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox