teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

para sa mga lahi ni eba (isang pagkaklaro)

May 31, 2008 | 4:49 pm

nitong mga huling araw naiintidihan ko na nakapagiwan ang ilang entry ko ng mapait na panlasa sa mga kababaihan at nakapagpa mantsa ng malansang imahe sa pagkatao ko, woman hater ba ako? chauvinista? o talagang asshole lang. at ngayon bilang isang tunay na lalaking matapat at maginoo, tumatayo ako sa inyong harapan partikular sa mga kababaihan para klaruhin ang bagay bagay at maiparating ko na rin sa inyo kung papaano kong hinahangaan at iginagalang ang mga katulad n’yong lahi ni eba.
ang totoo n’yan, malaki ang respeto ko sa inyo, dahil naniniwala ako na malaking kakulangan sa buhay pag wala k’yong mga babae sa tabi namin, katumbas ‘yan na walang kwenta ang paglalaba kung puro washing machine lang ang tatakbo at hindi na dadaan sa pagkukusot ng mga kamay n’yo.
hindi ko maimagine ang buhay na wala kayo, hindi ko maisip kung papano na ang mundo kung pag uuwi naming mga lalaki galing sa trabaho, kinakailangan pa naming mamalengke at magluto paguwi ng bahay dahil nga wala kayo. at hindi ko maimagine ang buhay tuwing akinse at katapusan na walang mga palad na nakatihaya sa harapan ko at matang nangungusap.
kung papipiliin ako ng uri ng kasariaan na pinakamasarap magluto ng sinigang, sa babae pa rin ako. kung matatrap ako sa isang isla ng isang buwan, babae ang pipiliin kong kasama at walang halong malisya ‘yun. dahil babae lang ang naiisip kong kasama na p’wede akong nakahiga lang sa buhangin, kumakain ng mga prutas na bagong pitas, habang sinusunod n’ya ang utos ko sa kanyang mangaso o manghuli ng isda sa karagatan. tatayo lang ako para umihi o tumae sa likod ng mga puno o sa malayong talahiban, at pagbalik ko matulin n’yang aayusin ang buhangin na paghihigaan ko para sa kumportableng siesta.
hindi ko rin naiisip na mahinang klase ng kasarian ang pagiging babae, nagkataon lang siguro na MAS matatag na uri ang lalaki sa kanila, at alam kong may kokontra sa sinabi ko na ‘yun kaya, binibini, relaks lang at pakinggan mo muna ‘tong sasabihin ko o kung ayaw mo, isara mo ‘tong blog ko, ishutdown mo ‘yang computer mo at bumalik ka na sa kusina.
may batayan ako kung bakit ko sinabi ‘yan. sino ba ang malimit nahohostage pag may mga napapraning sa kalsada o mga nagbabalak tumakas sa kapulisan? ….. kitams? bakit? dahil bukod sa hindi naman sila talaga lalaban, mahihina ang impact ng mga suntok nila at kahit pa magwala sila o lumaban, masasaktan lang sila. at isa pa naniniwala ako na pagkalaki laki at pagkabigat bigat na lakas ng loob pa ang kakailanganin nila para magtangkang lumaban, dahil alam naman nating lahat na isang sigaw lang sa mga ‘yan e nangingig na ang tuhod nila para sundin ang lahat ng gusto mo.
ok, ayoko namang lumabas na napaka ungentleman ko naman o mapanghusga, nagkataon lang siguro na ganyang urin ng mga babae ang nakakasalamuha ko, at hindi ko naman nilalahat s’yempre. hindi ko naman sinasabi na lahat ng babae ay ganyan kahihina dahil naniniwala pa rin naman ako na may mga babaeng matitigas naman talaga at may kahanga hangang lakas, tulad ni nancy navalta.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« shu mod gusto kong bumaet »

RSS feed | Trackback URI

28 Comments »

Comment by gingmaganda
2008-05-31 18:13:09

nga pala my dear cabron, katapusan na, yung pang-shopping ko. pakipasok na lang sa BPI account ko, may gusto akong bag sa SM e. kthxbai

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 18:13:13

@ ms. ging
pero.. kakabigay ko lang sayo ng abercrombay na sweater sa ukey ukey ah.
at sana yung mga personal na pangangailangan, paki email na lang. tnxbye.

Reply to this comment
 
Comment by christine
2008-05-31 18:58:49

that’s true! and for sure never talaga kayong mabubuhay, kayong mga lalaki ‘pag walang babae… :grin:

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 18:58:58

@ christine
.. at sinong babae ang nagsabi sayo nyang kalokohan na yan?

Reply to this comment
 
Comment by feth102
2008-05-31 19:55:48

haha,babae pa ang inutusang mangaso!

Reply to this comment
 
Comment by christine
2008-05-31 20:36:02

@ jon cabron

narinig lang… bwahahaha….

Reply to this comment
 
Comment by mine
2008-05-31 23:18:09

di kaya mauuso sa tao yung sexual cannibalism :D pag la na silbi, chugiin na! Lols :lol:

pde bang sex na lang tlga at semilya ang silbi ng lalake.. tutal, kadalasan, yun naman na ang case :D ..

:nanginginig at nagdadasal na sa takot: :lol:

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 23:18:19

@ mine
sabihin mo yan pag kaya nyo ng magbukas ng takip ng palaman ng hindi na aasa sa aming mga lalaki.

Reply to this comment
 
Comment by miss choi
2008-05-31 23:27:10

Natawa ko dun ah. Actually, kung gusto mong magreklamo tungkol sa mga babae sa blog mo karapatan mo yun. Natatawa ako sa mga babae na nagagalit pag may nanglalait sa sangkababaihan pero matindi naman kung mag-generalize at mang-insulto ng lalaki. Patas lang di ba?

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-05-31 23:27:56

@ miss choi
alam mo sa totoo lang gusto na kita, ang totoo n’yan kung hindi ka sa livejournal nagba blog, baka mapamahal na ‘ko sa’yo. :wink:

Reply to this comment
 
Comment by NickPH
2008-06-01 09:14:17

kumusta idol..!!! dahil don sa apol na ginawang trick ni eba kaya nagkaletche-letche na tayong mga boys. Palagay ko habang kinakagat ni adan yung apol nakatingin siya sa grapes ni eba ayan tuloy… in short pahamak. maniniwala ka kaya sa sinasabi ni pareng bob…. http://youtube.com/watch?v=4u2GpQzEu3Y

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-06-01 09:14:47

@ nick
… eksakto’ no woman no cry!

Reply to this comment
 
Comment by mine
2008-06-01 09:17:04

hmnn akshuli, sa sex lang tlaga ako uma asa sa lalake, kung minsan nga, di pa rin! Lols :lol:

pero cge, mas masarap talaga pag may lalake, at sabi ko nga, yun ang silbi nila di ba? :cool:

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-06-01 09:17:49

@ mine
teka sinasabi mo ba sa akin na kaya nyong magbukas ng takip ng palaman ng tinapay na hindi na magpapatulong sa mga lalaki? hindi ako naniniwala. woman!

Reply to this comment
 
Comment by miss choi
2008-06-01 09:37:22

@ jon

hehehe. bakit parang may galit ka sa lj? pero lilipat na nga ko, may domain na ko, kaso mahirap maglipat ng limpak limpak na entries galing sa lj. :roll:

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-06-01 09:38:16

@ miss choi
walang option to export sa wordpress? … kinalulungkot ko. :sad:

Reply to this comment
 
Comment by Laarni
2008-06-01 22:05:57

@ Miss choi pwede mag import/export punta ka lang dito click Pero kung more than 2gb na ang entries mo sa LJ, hindi ko na alam kung pano. hehehe.

@JC parang katulong ang gusto mong babae. :p

Pero I agree ako na mas matatag ang lalake. Pero pinaka matatag kayo pag may babae sa tabi nyo. :p yihiiii. :lol:

Reply to this comment
 
Comment by Laarni
2008-06-01 22:06:34

** 2 MB pala

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-06-01 22:07:54

@ ms laarni
pero.. bakit ako mas nanghihina pagkakatapos? :wow:

Reply to this comment
 
Comment by mine
2008-06-01 22:33:47

Kgg. na Mr. Cabron, kung sakali bang ipagbukas kita ng bote ng redhorse using anader redhorse bottle o kaya kuchara, o kaya ipin na lang, eh maniniwala ka na kaya, na kaya kong buksan mag isa ang palaman ko sa tinapay?

pero akshuli, di q lam yung pagsabihin mo sa palaman sa tinapay, de lata ba yun? :grin: may abrelata nmn di ba?

ang mahirap bukasin ay yung mga bote ng preserves pero i can stil manage :cool:

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-06-01 23:09:44

@ mine
ah at talagang dinidebate mo ko ha! chizwiz ang tinutukoy ko. at naniniwala ako na kaya nyong magbukas ng bote ng redhorse.. pag inuutos naming mga lalaki sa inyo.

bakit hindi na lang ganito, gumimik tayo minsan at pagdebatihan natin kung anu ano ang mga bagay na kaya nating buksan sa pamamagitan lang ng isang kamay, Y / N ?

Reply to this comment
 
Comment by lilmiz
2008-06-02 02:10:03

hehe ang sweet mo talaga kuya.. ganyan pala tingin mo sa mga babae :grin:

Reply to this comment
 
Comment by gasti
2008-06-02 09:38:59

@ mine
sabihin mo yan pag kaya nyo ng magbukas ng takip ng palaman ng hindi na aasa sa aming mga lalaki.

lols! natawa talaga ako dito..ako kasi laging tagabukas ng mga bote ng palaman samin eh! haha! pati nga yung takip ng coke litro hirap pa sila…at kung patigasan talaga ang labanan dito. luluhod ako sa harapan ng babaeng makapagbubuhat ng 50 kilos na sako ng bigas sa ibabaw ng ulo nila. :lol:

Reply to this comment
 
Comment by calneil
2008-06-02 11:31:22

di ba lalake si nancy navalta?

Reply to this comment
 
Comment by mine
2008-06-02 12:24:39

chizwiz ba , bigyan mo c misis ng kaprasong interior na goma, easyng easy yun, di ka na uutusan magbukas…

gimik ? bk mapasubo ka, kol ako jan! :grin: Y !!!

==
hindi ako naniniwala!

Reply to this comment
 
Comment by MARU
2008-06-02 18:04:52

“jon: bakit hindi na lang ganito, gumimik tayo minsan at pagdebatihan natin kung anu ano ang mga bagay na kaya nating buksan sa pamamagitan lang ng isang kamay, Y / N ?”

“mine: gimik ? bk mapasubo ka, kol ako jan! :grin: Y !!!”

yari na! magbubukasan sila ng mga bagay-bagay na gamit lang ang isang kamay! wooohoo! picture pleaseeeee!

==
sa ngayon pa lang ayaw ng tumigil ng utak ko sa kakaisip ng mga bagay na pwedeng buksan sa pamamagitan lang ng isang kamay..

Reply to this comment
 
Comment by alone
2008-06-02 18:52:14

lol

Reply to this comment
 
Comment by antuken
2008-06-03 22:25:09

hala, na-dare si mine. i agree with sexy maru… kung anik-anik din ang naiisip kong pwedeng mabuksan. hahaha.

antipatiko lagi ang dating ng entries mo basta ang topic ay babae. ;)

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

kailanman hindi naging gamot sa masakit na ulo ang pagsusuot ng mahigpit na sumbrero — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox