kupal magnet
June 30, 2008 | 9:38 ammula nung isinilang ako sa mundo ng internet, kasabay nun na nagsulputan ang mga kupal na aali-aligid sa likod ko at sa gilid ko na parang kakambal na ng pagkatao ko at mga nagmimistulang kakabit na ng pusod ko. masasabi kong sanggol pa ‘ko nung nagsimula akong makipag gerahan sa mga kupal na ‘to gamit ang keyboard at harap ng monitor ko at buong yabang kong ipinagmamalaki na ni isa wala man lang nagtagumpay na magalusan ako sa pamamagitan ng pagpapausok ng ilong ko sa galit gamit ang mga salita nilang iniisip nilang matitindi, binibitawan nilang brutal pero parang musikang dumadaan sa kaliwang tenga ko, lagpas sa kabila. Read the rest of this entry »

n’ya na isa akong walang kwentang lalaki, mukhang durugistang walang mararating, at hindi dapat binibigyang halaga. gusto lang kitang kamustahin, makalipas ang halos sampung taon, ano na bang nagbago? ganun pa rin ba ang nanay mo? masungit pa rin ba sa ibang tao maliban sa manliligaw mong estudyante ng medisina? ako eto, hindi na masyadong mukhang durugista, nagkalaman na ang katawan at wala ng mga hikaw sa mukha. may maayos din akong trabaho sa ngayon na salungat sa sinabi ng nanay mo dati na wala akong mararating. may asawa at isang anak, at maraming babae sa net.






