teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

muntik na’kong mamatay

June 10, 2008 | 8:38 am

naranasan n’yo na ba ‘yung nagsosolo kang nakasakay sa unahan ng jeep at wala pang isang minuto kang nakaupo dun umaangal na ang ilong mo sa tuwing sumisigaw ang mamang drayber ng byahe n’ya sa mga posibleng pasahero sa kalsada? at sa tuwing nagaabot s’ya ng bayad pakiramdam mo kung may sariling utak lang ang ilong mo, tatakbo ‘to magisa iiwanan ka at uunahan ka na sa bahay n’yo. at papa’no kung biglang tumigil ang drayber sa gitna ng byahe at may tinigilang isang drayber din na madumi at pawis na pawis na nagaayos ng sarili n’yang jeep sa tabi ng kalsada, at matapos sabihin nung drayber na nasiraan ‘yung problema ng sasakyan n’ya, napagpasyahan nilang sumabay na ‘yung isang drayber sa jeep na sinasakyan mo para daw kumuha ng gamit, at dun s’ya mismo naupo sa unahan, sa tabi mo. at dahil mahangin, parang lasong itinutulak papasok ang amoy n’yang amoy masipag na mataba sa kasulok sulukan ng ilong mo at pakiramdam mo dumidiretso ito sa utak mo. at wala kang magawa kundi yakapin ang bag mo ng dalawang kamay mo at isubsob dun ang ilong mo habang pakiramdam mo nasa gitna ka ng isang malalim na dagat at umaapoy na impiyerno. muntik na ‘kong mamatay, at ni minsan hindi ko inakala na dadating sa akin ang puntong dadaan sa buhay ko na minsan isang umaga panghihinayangan ko kung bakit wala akong sipon nung mga oras na ‘yun.

Categories
Rants
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« to my nonsexual crush 10pm - 6am »

RSS feed | Trackback URI

15 Comments »

Comment by arj
2008-06-10 09:55:40

at ni minsan hindi ko inakala na dadating sa akin ang puntong dadaan sa buhay ko na minsan isang umaga panghihinayangan ko kung bakit wala akong sipon nung mga oras na ‘yun.

minsan nga may use pa rin ang pagakakaroon ng sipon hahahaha

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-06-10 09:56:36

@ arj
sinong magaakala di ba? pwes, ngayon alam ko na. :nod:

Reply to this comment
 
Comment by emoterang nurse
2008-06-10 10:27:04

buti nabuhay ka pa at hindi ka na suffocate…
hahahaha
ikalawang buhay mo na pala ngayon dahil swerte ka at nakaligtas ka sa amoy na yun…wahahaha

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-06-10 10:40:37

@ emoterang nurse
at mas magiging swerte ako kung hahayaan mong ubusin ko ang pangalawang buhay ko sa piling mo.

Reply to this comment
 
Comment by feth102
2008-06-10 11:05:42

sana pala jon magkasipon ka ulit.don’t worry,i’ll pray for it.para sayo….

Reply to this comment
 
Comment by mine
2008-06-10 11:51:33

may sipon ako ngaun, gus2 mo mahawa?

tapos na ang eksena? k :P

P.S.

wag ka muna mamamatay kc . . .

Reply to this comment
 
Comment by MARU
2008-06-10 11:54:24

hindi ba yan kaartehan? kung tutuusin ay nakikiamoy ka lang pero nagrereklamo ka pa. bwahaha! sana sininghot mo ng dali-dali para naabos ang amoy nila. :lol:

Reply to this comment
 
Comment by miss choi
2008-06-10 13:40:35

kaya pag sa harap ako ng jeep nakaupo, ayaw ko talaga sa tabi ng driver. dun ako sa may preskong hangin. mamatay na ang dapat mamatay, talagang ipaglalaban ko ang pwesto ko. mahirap na eh. bata pa ko para matodas dahil sa BO.

Reply to this comment
 
Comment by baboyita
2008-06-10 15:08:52

nasan ang sipon pag kailangang kailangan mo siya?? :lol:

Reply to this comment
 
Comment by Laarni
2008-06-10 15:22:46

ayoko din nasa tabi ng drayber or nasa gitna ako ng dalawang lalaki sa harap ng jeep. madalas malagkit sila at madalis din amoy pawist at madalas din nangmamanyak lang.

pero hanga tlga ako sa mga driver na malinis ang kamay. nagiging crush ko. pramis.

:)

==
walang drayber na malilinis ang kamay, fyi lang.

Reply to this comment
 
Comment by abhie
2008-06-10 15:38:55

na-imagine ko ung situation mo habang nakapagitna ka sa mga taong wala na yatang pakialam sa amoy nila dahil sa kata-trabaho.

nakapanghihina nman talaga na ikaw, super conscious sa amoy mo tapos kamalas-malasan mapapagitnaan ka ng dalawang taong pareho ang amoy.

naamoy mo ba sarili mo? kumapit na syo ung amoy nila jon! :grin:

==
nung huli kong inamoy ang sarili ko, amoy johnson’s baby cologne pa rin naman

Reply to this comment
 
Comment by popoy
2008-06-10 16:06:16

naku po, naranasan ko na yan. ang masama pa jan eh kung student ka ng nursing at ang puti puti ng uniform mo. tsk tsk tsk

Reply to this comment
 
Comment by Banana
2008-06-11 02:59:15

maswerte ka tinatangkilik mo ang sarili produkto natin jan sa pinas. hmm.. dito naman mga patan at pana ang nalalanghap ko araw-araw haha!

==
ansakit sa tiyan ng anghit

Reply to this comment
 
Comment by Nadine
2008-06-11 03:51:41

Hi JC!! Thanks for droppin by! =) May new URL ako, kindly check it out! Will be back tom to comment on your posts! Thanks sweetie! =) XOXO =)

==
awww namiss kita. also, please wag mo kong tawaging sweetie kung di ka handang mahalin ako, tnx.

Reply to this comment
 
Comment by emoterang nurse
2008-08-01 18:34:22

hahahahaha…hindi ka swerte kung sa piling ko naisipan na ubusin ang pangalawang buhay mo… :lol:

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

hangga’t mga salita ko pa rin ang lumalabas sa bibig mo at mga bakas ko pa rin ang yapak na sinusundan mo, wag kang magmalaki sa akin — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kablog

  • alas
  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jeck
  • johnlloyumali
  • jovi
  • kengkay
  • kingkarot
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • lyzius
  • maruism
  • merylanndulce
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • saminella
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • jiyuh
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox