kiskisero
June 17, 2008 | 1:55 ampatakbo takbo akong lumabas ng kalsada, atrasado ‘yung gising ko at kung hindi ako magmamadali malamang late na naman akong dadating sa trabaho, pinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako male late, pinara ko agad ang unang jeep na dumaan, hindi ko na sinigurado kung may maluwag pa ba akong mauupuan o wala bang mukhang lasing na pagagu gago sa loob, pagtigil sa alabang malayo pa ‘yung istasyon ng bus bumababa na ‘ko, alam kong may tatlong tigil pang gagawin ‘tong jeep bago makarating sa istasyon kaya tinakbo ko na lang ‘yung bus. pawisan akong nakipag siksikan para lang makasama sa bus na paalis na, maluwag ‘yung kasunod na bus pero hindi ko na mahihintay magpuno ‘yun.
nakaupo naman ako sa awa ni bathala, pero bago pa tuluyang umandar ‘yung bus, may humabol na isang lalaking payatin na may bigote, at nung nakumpirma n’ya na wala ng bakanteng upuan para sa kanya, napapalatak na lang s’ya at bakas sa mukha ang panghihinayang, matulin na ang takbo ng bus at hindi na s’ya makakababa. tumayo na lang s’ya sa mismong likuran ko.
habang biyahe, nakatingin lang ako sa nakabukas na bintana patagos sa katabi ko at nagiisip ng kung anu ano, pinakiramdaman ko ang takbo ng bus para makumpirma na may mali ngang nangyayari sa may likuran ko Read the rest of this entry »
sumuka ako ng kape
ansarap
pagkagising ko ng gabi, nakita ko na sa YM status ni ms. ging to’ pagdating ko ng opisina, pumunta ako sa blog n’ya para 





