teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

pormula

June 23, 2008 | 4:55 am

ikaw na babaeng may nanay na kamukha ni joy viado, ikaw na babaeng minahal ko pero nagpaapekto sa sulsol ng nanay n’ya na isa akong walang kwentang lalaki, mukhang durugistang walang mararating, at hindi dapat binibigyang halaga. gusto lang kitang kamustahin, makalipas ang halos sampung taon, ano na bang nagbago? ganun pa rin ba ang nanay mo? masungit pa rin ba sa ibang tao maliban sa manliligaw mong estudyante ng medisina? ako eto, hindi na masyadong mukhang durugista, nagkalaman na ang katawan at wala ng mga hikaw sa mukha. may maayos din akong trabaho sa ngayon na salungat sa sinabi ng nanay mo dati na wala akong mararating. may asawa at isang anak, at maraming babae sa net.
actually, matagal na kitang gustong gawan ng entry lalo na ang mga mapapait na sinapit ko sa nanay mo. wala pa lang akong naiisip na simula at wakas ng kwentong inihahanda ko para sa inyong mag ina.
nagsimula ‘yun nung nakita ko ang primary pict mo sa friendster, naka private profile ka kaya ‘yun lang ang nakita ko, pero sapat na ang nagiisang larawan na ‘yun para makita ko kung gaano ka kasaya sa buhay mo ngayon. sapat na ang nagiisang larawan na ‘yun para ilang gabing magulo ang isip ko na papa’no kaya kung hindi ka nakinig sa sulsol ng nanay mo, at papa’no kaya kung ako ang kasama mo sa picture na ‘yun, imbis na ‘yung asawa mong balbon na parang tinigilan ng evolution. hindi rin pala ‘yung duktor na manok ng nanay mo ang naka tuluyan mo, siguro nagsawa din sa pag iintindi sa kung anong nanay meron ka, at siguro nakapag isip din sa impiyernong sasapitin n’ya pag naging biyenan n’ya ang nanay mo. mabait naman ang nanay mo nung una, lalo na nung mga unang bisita ko sa inyo kung saan kinakailangan ko pang magdala ng libro at notebooks para lang magkunyaring math wizard na tumutulong at nagtuturo sa’yo, at kinakailangan ko pang magpanggap na bakla pag dumarating s’ya at kinakausap ako. napakasakit sa lalamunan at sa panga na palambutin ang boses kong paos.
isang gabi, sa mismong third monthsary natin nagtapos ang lahat. hindi ko alam na nakarating na sa kanya ang lihim na relasyon natin, hindi ko alam na nabasa n’ya ang sulat na nakaipit sa notebook mo kung saan sinasabi ko sa’yo na mahal na mahal kita, ikaw lang ang nasa puso ko at laging iibigin at magsuot ka ng pulang panty sa biyernes. hindi nahihiyang makipagsabayan sa pagpatak ang mga luha sa mga mata ko sa malakas na ulan nung gabing iyon. hindi ko makakalimutan ang tagpo kung saan dahan dahang dumadausdos ang likod ko sa pader ng bahay n’yo habang sapu sapo ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko hanggang sa mapaupo ako sa lupa. at kasabay ng pagtalikod ng nanay mo para isara ang gate n’yo, kasama n’ya na ring naikandado dun ang lugar mo sa puso ko.
nagmessage ako sa YM mo na nakita ko sa friendster mo at nagulat nung sumagot ka, hindi ko alam na online ka at hindi ko alam na pag aaksayahan mo pa ako ng panahon. kinumpirma mo na nakapag asawa ka na nga, at masayang naninirahan sa ibang bansa. sa walang halong kaplastikan kinamusta ko ang nanay mo at walang halong kaipokrituhan na natuwa naman ako nung narinig ko na maayos naman ang kalagayan n’ya dito sa pilipinas at nagiisa na lang na naninirahan sa dati n’yong bahay. sinabi mong bago ka sumama d’yan sa asawa mo sa ibang bansa, nabanggit ako ng nanay mo sa’yo, medyo natuwa naman ako nung narinig ko na kahit papa’no naalala pa rin n’ya ako. sinabi mo na natural lang ‘yun dahil ako ang unang seryosong relasyon mo at pangalawa lang ‘yang naging asawa mo. lihim akong kinilig kahit alam kong hindi tama. at ayon sa kwento mo, habang nagaalmusal kayo ng nanay mo, binanggit n’ya ang pangalan ko at sinabi sa’yo na ” tignan mo nga kung di kita pinigilan sa lalaking ‘yun, anong mapapala mo dun? ”
sa puntong ‘yun tinanong kita kung pag napadaan ba ako sa lugar n’yo pwede ba kong dumalaw sa nanay mo, at ang sabi mo pwede naman dahil matagal na naman ‘yun at nung mga una naman e mabait naman sa akin yung nanay mo at kesyo ‘yung kabutihan mo lang naman ang iniisip n’ya.
sinabi ko na wala na rin naman sa akin ‘yun dahil matagal na nga at in fact ako naman ang concern sa kabutihan n’ya ngayon kaya sa pagdalaw ko sa kanya, dahil alam kong may idad na s’ya at medyo prone na sa mga sakit, bibigyan ko s’ya ng paraan para makaiwas sa isa sa pinaka nangungunang sakit ng kababaihan, ang breast cancer.
ilang beses mong binanggit ang salitang salamat, na kinontra ko ng wala ‘yun hanggang sa kinailangan na nating magpaalam ulit sa isa’t isa. at bago ka mag logout, tinanong mo ang pormula nung paraan na ibibigay ko sa nanay mo pero hindi mo ko napilit, mananatiling sikreto ang formula na ‘yun kung bakit wala akong naging ex girlfriend na nagkaro’n ng breast cancer. :wink:

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« dignidad sawsawan »

RSS feed | Trackback URI

38 Comments »

Comment by MARU
2008-06-23 06:21:24

“…at laging iibigin at magsuot ka ng pulang panty sa biyernes.” — bwahaha! anong kulay kaya pag ibang araw? :lol: :lol:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:16:30

ahhhm pag biyernes ko lang s’ya pinagpapanty. :nod:

Reply to this comment
 
 
Comment by Jovi
2008-06-23 07:51:40

Wow! Totoo ba ang sikret pormulang yan? Yey! Mababa pala ang tsansa kong magka breast cancer! Woopee! :grin:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:17:32

bwahhahah’ … congrats!

Reply to this comment
 
 
Comment by Lenggai
2008-06-23 13:19:21

Ewan ko lang, jon, pero…

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:21:12

wala ng pero pero dito, lenggai. health is wealth at kaibigan mo ako. :)

Reply to this comment
 
 
Comment by jeck
2008-06-23 14:04:53

hindi ko makakalimutan ang tagpo kung saan dahan dahang dumadausdos ang likod ko sa pader ng bahay n’yo habang sapu sapo ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko hanggang sa mapaupo ako sa lupa — TEH BEST!

emo ka talaga! hahahaha!

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:24:23

pinagtatawanan mo ang kasawian ko :sad:

Reply to this comment
 
 
Comment by jhaynee
2008-06-23 14:07:10

“kapag tumibok ang puso.. wala ka nang magagwa kunid sundin ito.. lalalalall”

*sumasayaw*

hanep talaga!!! hehehe

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:26:58

shalan dala… shandala! sha lan dala shandala! haaays crush na crush ko dati ‘yan si donna cruz nung naka malaking headband pa s’ya.

Reply to this comment
 
 
Comment by feth102
2008-06-23 15:50:32

ang ganda ng pormula mo jon.pero siguro kung ganung itsura ang tutulungan mo para makaiwas sa sakit,mas maganda pa siguro hayaan mo na lang syang magkabreast cancer…. :P

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:29:00

:sad: naniniwala akong sa isang malayong lugar, malungkot si baby jesas, dahil sa sinabi mo

Reply to this comment
 
 
Comment by Jhia
2008-06-23 16:44:02

jon you have been tagged! vist my blgo :)

mwaaaah! :love:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:31:31

hmkkei at mwaaah din

Reply to this comment
 
 
Comment by mine
2008-06-23 17:04:22

tsk tsk tsk…

gus2 mo bang sariwain ang araw sa piling ng nanay ni max alvarado???

anong klaseng nilalang ka mr.joncabron :no:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:33:57

masarap na nilalang

Reply to this comment
 
 
Comment by kengkay
2008-06-23 17:40:07

ikaw nga, sa friendster ka pala tumatambay, hahha. buti ka pa sinuswerte hanapin dun yung mga hinahanap mo, baket ako hindi ko sila mahanap, waaa. hmp, mabuti na lang kamo :) FYI, malabo rin akong mag karon ng breast cancer dahil….alam mo na kung baket, hehehe

Reply to this comment
Comment by mine
2008-06-23 19:40:20

FYI, malabo rin akong mag karon ng breast cancer dahil….alam mo na kung baket, hehehe <<<

mami kengky statue? parang ako ata dapt nag kokoment ng ganyan ha! Lols :lol:

Reply to this comment
 
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:35:15

hindi ko alam, kailangan mong idetalye yan.

Reply to this comment
Comment by kengkay
2008-06-28 14:46:13

hokay, mapilit ka e. dahil nagpadede ako ng matagal… sa mga little kengkays ko, nyehehehe pero kapag sobra yung milk, alam mo na kung kanino napunta yun… kay little kengkoy, hahaha

(Comments wont nest below this level)
Reply here
 
 
 
Comment by ellieshe
2008-06-23 20:04:28

nakow’…delikado aku…lols..ang hot ni joy viado sa pic..pwede na if ganyan pa rin ung sana-mother-in-law mu..ahehe :grinnod:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:36:31

pwedeng pwede sakin yan

Reply to this comment
 
 
Comment by juliana bernardo
2008-06-23 21:39:16

aysus alam ko ang formula para di magkaroon ng breast cancer..dapat hwag magbf/magasawa ng smoker.lol :grinnod:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:37:39

hmmm parang ang layo naman ng lungs sa betlog :)

Reply to this comment
 
 
Comment by annie
2008-06-24 01:34:00

napaisip ako dun sa formula..kasi ayaw kong mgkaroon ng breast cancer ..
pero may ilang detalye sa nirekomenda mong formula na nag-alangan ako :lol: :lol:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:38:42

hmmm wag ka ng mag alangan, ako ng bahala dun. .. gusto ko lang makatulong, walang malisya.

Reply to this comment
 
 
Comment by Angel
2008-06-24 01:52:09

:nod:
hehe may magandang madudulot din pala yung ganun kahit twice a week lang! :lol: :lol:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-24 01:58:43

sagana rin yan sa protina at marami pang iba, sabay nating tuklasin ang iba’t ibang magandang naidudulot nun.

Reply to this comment
 
 
Comment by Pryss
2008-06-24 06:53:47

ano naman ang maipapayo mo sa kin doc?

at anong kulay ang nakatalaga sa akin…

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-25 01:55:19

kailangan mong umiwas sa breast cancer sa tulong ko.

Reply to this comment
 
 
Comment by gasti
2008-06-24 16:31:20

salamat sa impormasyon malaki ang maitutulong ng link na iniwan mo para makakumbinsing masustansya yun sa katawan..

pero teka hula ko talaga lalaking bigo sa fellatio ang may gawa ng research na yun at ipinilit lang na may kuneksyon ang breast cancer sa paglunok ng semen..

anyways… congrats at hindi mo naging byenan ang gaya ni joy..parang naalala ko tuloy yung john and marsha days…”magsumikap ka!” :nod:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-25 01:57:03

ngayon ko naisip na malaki ang utang na loob sa akin ng mga ex gelprends ko!

Reply to this comment
 
 
Comment by defpotec
2008-06-25 16:06:35

“imbis na ‘yung asawa mong balbon na parang tinigilan ng evolution”

-HAHAHAHAHAHAHAHAAHA!HAHAHAHHAAHHA!! HA!! HAaaaa…. hmmmmmm….

(tingin sa salamiin)…

PAKSHET!!! :no:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-26 13:58:58

pero…. :sad:

Reply to this comment
 
 
Comment by weng
2008-06-25 19:40:21

haha sabi ko na nga ba beneficial yang pormulang ‘yan e. :) salamat po sa impormasyon ;)

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-06-26 13:59:55

walang anuman’ willing din akong mag donate kung sakali.

Reply to this comment
 
 
Comment by lyzius
2008-06-29 08:40:14

so mas malaki pala ang chance kapag inaaraw araw…buti na lang pala…

salamat bossing, ngayon alam ko ng im in good health!

Reply to this comment
 
Comment by dramachinedoypi'03
2008-07-04 21:21:29

breast stroke chaka breast exams.. hehehe :lol:

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

kailanman hindi naging gamot sa masakit na ulo ang pagsusuot ng mahigpit na sumbrero — Jon Cabron

Kategorya

Balik Tanaw

Kablog

  • azrael
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • gasti
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • madbong
  • potsquared

Twitrrr

  • new blog entry naranasan mo na bang mabutasan? http://tinyurl.com/4x27db 16 hrs ago
  • just one of those days http://tinyurl.com/3u48ny 1 day ago
  • new blog entry ding! dong! http://tinyurl.com/3mbwsp 4 days ago
  • new blog entry litol dreamer http://tinyurl.com/4go382 4 days ago
  • new blog entry hmmmback! http://tinyurl.com/3j9xec 6 days ago
  • More updates...

Kaanib

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Group!

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Pangkabuhayan

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox