teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

babae A at B

July 3, 2008 | 7:39 am

second year high school ako nun, ito yung isa sa mga panahong dumaan sa buhay ko na para akong adonis na naglalakad sa ibabaw ng mundo, dalawa ang bagong lipat na kaklase ko.. ok, di ako sigurado kung ilan sila pero wala akong pakialam sa iba. itago na lang natin ang isa sa pangalang BABAE A at ang isa ay si BABAE B, dahil pareho silang bagong lipat, sila ang naging matalik na magkaibigan sa klase, pero hindi nagtagal nagkasira din sila at nabuwag ang magandang pundasyon ng pagkakaibigan na magkatuwang nilang binuo, at dahil ‘yun sa isang lalaki na ubod ng tikas at simpatiko. ako.
naaalala ko pa ang isa sa mga huling sulat sa akin ni BABAE A,
” kung sa kanya ka sasaya, sabihin mo lang handa akong magparaya”

na sinundan ng sulat ni BABAE B,
” pwede bang sabihin mo na kung sino ang gusto mo sa aming dalawa? nagkakasira na kami at ayokong mangyari ‘yun, kaya ako na lang ang lalayo”

lahat ng sulat na ‘yan kasama ng mga iba’t ibang sulat, cards, pregnancy test, panty na bagong hubad, etc etc. ay magkakasama naming sinunog ni mrs. cabron ilang araw matapos ang kasal namin, sa isang malaking drum. punum puno. kaya kung humihingi ka ng ebidensya, pwes, ulul mo!
‘nyway,
pero dahil sa biro ng tadhana, natapos ang school year na ‘yun na wala ni isa man akong naging girlfriend sa kanila, marami akong naging girlfriends pero puro sa ibang sections at ibang batch, nagkaron ng boyfriend si BABAE A na mukhang itim na incredible hulk, at nagkaron ng lalaki si BABAE B na mukhang tuko na hiphop at patumbling tumbling sa buong eskuwelahan namin maghapon. hanggang sa lumipat na ng school si BABAE B, at naiwan si BABAE A para lang magkaron pa ulit ng iba’t ibang uri ng babaeng makakapaligsahan sa pag sulat sa akin. hindi naging kami kahit kelan.
may lakad ako sa sabado ng gabi, birthday ni BABAE A, halos isang buwan ding pinlano ‘yun. at urong sulong pa ‘ko kung pupunta ako, dahil bukod sa may trabaho ako, tinatamad ako. pero nagulat ako sa text na nareceived ko galing sa kanya kahapon, nakasakay n’ya raw sa jeep si BABAE B, at inimbitahan n’ya sa birthday n’ya, at sure daw na dadating.
muling bumalik sa akin ang ala ala ng kahapon, at dahil dun nakumbinsi akong kinakailangan ko talagang pumunta sa sabado.
kanina dito sa opisina, sinubukan kong hanapin sa friendster si BABAE B at kinilig ako nung lumabas ang picture n’ya. natuwa akong malaman na may friendster account s’ya at medyo napaihi ako sa boxer short ko nung nakita kong hindi naka private profile ang account n’ya.
naisip ko na magiging masaya ang sabado ng gabi sa aming lahat at baka ito pa ang maging daan para magkaron ulit ng tulay ng komunikasyon sa amin ni BABAE B, maliban lang sa isang bagay na gumugulo sa akin dahil sa mga larawan at impormasyon na nakita ko sa account n’ya.

1. bakit s’ya nagpapakuha ng picture sa loob ng mall? :no:
2. sino ang batang kasama n’ya sa pictures?
3. sino ‘yung lalaki sa isang picture na parang baklang nakayakap sa kanya?
4. bakit halos eighty percent ng pictures n’ya naka peace sign s’ya?
5. bakit “cementary” ang english n’ya sa sementeryo?
6. bakit s’ya naka pantalon na maong sa boracay?
7. at ano ang ibig sabihin ng “just take care and a god bless?”

ngayon pa lang, gusto ko ng batiin si BABAE B ng isang mainit na yakap ng pagka miss, at si BABAE A ng isang maligayang kaarawan,

kaya sa sabado ng gabi, nasa labas ako ng bahay. makikipag saya sa dalawang babaeng minsang nakipag tagisan ng sulat para sa akin, makikipag inuman, makikipag biruan, harutan, kurutan, asaran, at kantyawan, at kung san man humantong ang lahat ng iyon, wala na akong magagawa dahil tadhana na ang may gusto nun.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« sex instructor at medyas johnny bravo »

RSS feed | Trackback URI

20 Comments »

Comment by gingmaganda
2008-07-03 09:30:03

“na mukhang tuko na hiphop at patumbling tumbling sa buong eskuwelahan namin maghapon. ”

taena jon, tawa ‘ko ng tawa dito, loko ka! gudlak sa sabado, sana’y maramdaman mong adonis kang muli…papalayawan kita ng Don-Don pagkatapos… nyaha

Reply to this comment
 
Comment by potsquared
2008-07-03 09:50:48

goodluck po sir sa pakikipag kitang muli sa dalawa ninyong minanyak.. este kakalase noong panahon ni limahong… sana po ay marating ninyo ang tugatog ng katigasan.. este ng kasiyahan at matanong ko lang kung alam po ba ng kumander ninyo na makikipag lampungan kayo sa sabado? hihihi nagtatanong lang po.. more power… hindi sa kili kili ha… :grin:

Reply to this comment
 
Comment by lyzius
2008-07-03 10:23:09

ihanda na ang maraming balot byernes pa lang ng gabi dahil siguradong umaatikabong labanan ang dadanak sa sabado ng gabi…. :cool:

Reply to this comment
 
Comment by jane
2008-07-03 10:49:41

at pano na ung mga posibilidad na sinabi ko sau jon? :roll: kinalimutan mo na… :no:

Reply to this comment
 
Comment by mine
2008-07-03 12:26:07

ok mr. Jon romantiko
.. enjoy ur saberdey . . .
“just take care and a god bless” :P

Reply to this comment
 
Comment by calneil
2008-07-03 13:31:57

isama mo si mrs. cabron para happy at exciting. malay mo? (menage a trois + 1)

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-07-03 18:19:24

wag mong idamay ang ibang tao sa relasyong nakikita mo sa magulang mo at sa ninong mo, idiot!

konting utak naman.

Reply to this comment
 
 
Comment by popoy
2008-07-03 15:42:04

reunion. naks. gudlak sa sabado :)

Reply to this comment
 
Comment by gasti
2008-07-03 16:42:51

walang ebidensya? haha! natawa ako sa pagsusunog ng isang drum ng kung anik anik…meron pa talagang gamit na panty..haha!

ayos naman pala yang si babae a at b..mukhang masaya ang inuman nyo.. :grin:

Reply to this comment
 
Comment by mnel
2008-07-03 17:03:01

exciting to. haha.

wag ka magpapakalasing sa sabado. baka gapangin ka. hehe :lol:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-07-03 18:28:47

pag sinabi mong wag na kong pumunta dun, gagawin ko! .. ewan ko mnel, minsan ko lang sasabihin sa blog ko ‘to.. pero naiinlove ako sa’yo…. ahhh ayoko ‘tong nararamdaman ko.

Reply to this comment
Comment by mnel
2008-07-04 01:39:59

gutom lang yan manong jon. eto cheesecake. kumain ka muna. ;)

pero seryoso ako. haha. wag papakalasing. baka gapangin ka…

…ng ipis kapag nakatulog ka sa sahig. kadiri. creepy crawlies. :lol:

(Comments wont nest below this level)
Comment by Jon Cabron
2008-07-04 03:34:01

kung cheesecake ang naisip mong dahilan para bastedin ako, pwes, nagtagumpay ka. dahil nung huli akong kumain n’yan tatlong araw akong nagtae :(

 
Comment by mnel
2008-07-04 17:15:11

haha. sorry. di ko naman sadyang ipaalala sa iyo ang kalunos-lunos na karanasan mo sa cheesecake. hehe.

 
Reply here
 
 
 
Comment by feth102
2008-07-03 17:45:58

don’t forget to bring TRUST with you!!! teka,baka hindi ka maka uwi pagnalasing ka…gusto mo samahan kita?(A and B naman eh) wag na?okey!bahala ka! :|

Reply to this comment
 
Comment by dramachinedoypi'03
2008-07-03 19:43:33

alalahanin ang sampung utos ng manginginom

Reply to this comment
 
Comment by arj
2008-07-03 23:53:19

Ahhmmm, tutal patawarin mo ko mang jon at hindi naman sa nagdududa ako sayo pero maaari ba ko makahingi ng picture ng kung ano mang mangyayari sa sabado kung matutuloy?

Hindi sa kahit ano pa mang dahilan, pero bata pa lang ako pinangarap ko ng makakita ng itsura ng isang babaeng nakapantalong maong sa boracay.. parang ang ano kasi,,, ang cool hahaha :cool:

Reply to this comment
 
Comment by ayyzzz
2008-07-04 20:48:42

hahaha…

“bakit “cementary” ang english n’ya sa sementeryo?”

oo nga no? hahahaha..natatawa ako.
pinipigil ko lang tawa ko..nagmumuka akong engot!
nasa i-cafe pa naman ako..
:lol:

Reply to this comment
 
Comment by jeck
2008-07-05 07:12:10

panty na bagong hubad, etc etc. — umiinom ako ng tubig nung mabasa ko to, muntik kong maibuga sa monitor. hayupf yan. hahahaha!

naalala ko tuloy yung mga ligawan nung hayskul, taena, punong puno ako ng libog at kabaduyan sa katawan noon.
mamayang gabi na yung party di ba? enjoy, parekoy!

Reply to this comment
 
Comment by mean jolene
2008-07-07 02:06:16

malamang si BABAE B, may asawa na tapos di pa nakatapos ng pag-aaral dahil baka maaga siyang nag-asawa… ano naman ang feelings mo sa kanila nang makita mo sila ulit? :grin:

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

ang bituka ko ay parang lalaking baog ..hindi makabuo. — Jon Cabron

Kategorya

Balik Tanaw

Kablog

  • azrael
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • gasti
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • madbong
  • potsquared

Twitrrr

  • new blog entry naranasan mo na bang mabutasan? http://tinyurl.com/4x27db 16 hrs ago
  • just one of those days http://tinyurl.com/3u48ny 1 day ago
  • new blog entry ding! dong! http://tinyurl.com/3mbwsp 4 days ago
  • new blog entry litol dreamer http://tinyurl.com/4go382 4 days ago
  • new blog entry hmmmback! http://tinyurl.com/3j9xec 6 days ago
  • More updates...

Kaanib

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Group!

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Pangkabuhayan

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox