teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

johnny bravo

July 4, 2008 | 6:46 am

alam ko malamang sa hindi na sa opisina o kahit saang pinagtatrabahuhan n’yo merong isang lalaking ganito ang itsura. isang lalaking parang inassemble na muscles, isang kaopisinang habang nagko coffee break ang lahat, andun s’ya sa ilalim ng mesa n’ya at nagpu push up. at pag oras ng lunch, 1/4 na kanin lang ang sa kanya at puro ulam lang. kundi gulay, isda. isang kaopisina na laging pawisan dahil nagpapa late s’ya ng sadya para maobliga s’yang tumakbo papasok ng opisina. kaopisinang laging maagang umuuwi dahil may schedule s’ya sa gym n’ya. kaopisinang flex na flex ang muscles kahit pumipirma lang hawak ang ballpen n’ya. pag hindi naka uniform, makikita mo s’yang naka jogging pants lang at nakasandong puti. madaling mapansin sa karamihan ng tao pag dumadating na s’ya dahil mistulang nahahawi ang daan pag dumadating na s’yang nangangalit ang mga muscles. katrabahong pakiramdam mo pag niyakap mo at nagflex ng muscles.. mababasag kang parang babasaging baso.
gan’to ang nakasakay ko sa bus kahapon nung pauwi na ako. at hindi n’ya direktang ininsulto ang pagkalalaki ko pero tinamaan ako dun. mainit ang panahon kahapon matapos umulan. nauna akong sumakay ng bus at sa sumunod na sakayan pa s’ya sumakay. takaw pansin talaga ang muscles n’yang parang gustong magkaron ng sariling buhay at magmura ng magmura sa suot n’yang hapit na sando. umupo s’ya sa tabi ko. at dahil mainit nga, habang pawis na pawis akong parang baboy na nagmamantika, andun s’ya sa tabi ko na habang hinuhulasan ng pawis, lalong nangingintab ang mga cuts sa katawan n’ya. hindi na ‘ko nakatiis at sinubukan kong buksan ang bintana sa tabi ko, pero nabigo ako. masyadong matigas at mukhang sira. ginamitan ko ng isandaang porsiyento ng lakas ko pero wala pa din. ginalit ko ang sarili ko para humingi ng lakas dun, inisip ko ang mga engot na nagko comment sa blog ko, ‘yung ‘ndot na nagpadugo ng ilong ko, umatras pa ‘ko ng bahagya at buong pwersang sinugod at ubod lakas na pinilit itaas ang bintana ng bus….. pero matapos kong marinig na parang may lumagutok sa kanang balikat ko, unti unti akong nanghina at napaupo. para lang matakpan ang liwanag ng anino ni mr. macho man sa tabi ko, at isang matigas na halakhak HA ! HA! HA! .. at lumaktaw s’ya sa ‘kin.. at ewan ko kung sinadya n’ya pero sakto sa mukha ko ‘yung kilikili n’ya… literal kong naamoy ang pagkalalaki n’ya. at one click, halos hindi nagalit ang litid n’ya sa leeg, nabuksan n’ya ang bintana. at mukhang hindi pa s’ya kuntento dun dahil pag upo n’ya nagpakawala pa s’ya ng isang pilyong ngiti at kindat sa akin. masyado akong nanliit at pakiramdam ko obligado akong mahimatay nung mga sandaling ‘yun para ipasan n’ya ko sa mga bisig n’ya at kung saan man n’ya ko dalhin…. alam kong safe na safe ako.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« babae A at B misyon »

RSS feed | Trackback URI

22 Comments »

Comment by neptune
2008-07-04 07:20:27

parang damsel in distress ang drama!

pero bading ang tingin ko sa mga taong ganun. yung kahit naka-uniform kelangan ipakita ang mga maskels na nagpuputukan… :nod:

Reply to this comment
 
Comment by Pryss
2008-07-04 08:30:46

nyahahahaha nice experience!

damsel in distress,buti di ka kinilig? :P

Reply to this comment
Comment by Lenggai
2008-07-04 11:21:02

bwahah! oo nga, buti hindi ka kinilig?

sana kinurot mo na rin ang biceps niya, sabay kagat-labi…

(sori na.)

Reply to this comment
 
 
Comment by jane
2008-07-04 08:32:27

hahaha! kinindatan ka? buti di ka sinundan pauwi o nagbigay ng phone number sau at sabihing di sya seloso kahit may asawa ka na…. :grinnod: sa totoo lng, pag nakakakita ako ng ganyan ang katawan, naiisip kong isa syang juding.. dahil cgro marami akong friends na ganyan at karamihan sa knila ay di pa umaamin kahit na alam ko na ang favorite song nila ay “hiding inside myself”… (pero love ko cla.. :nod: )

Reply to this comment
 
Comment by potsquared
2008-07-04 09:28:57

ang tawag sa kanya paminta…. sabi ng kaibigan ko.. pero parang nakakatakot sila di ba… di mo alam kung hahalikan ka o sasapakin… parang mas gugustuhin ko na lang masapak kaysa mahalikan ng ganoong klaseng nilalang…

Reply to this comment
 
Comment by defpotec
2008-07-04 09:43:51

buti nalang di ko na tinuloy ang diet ko… di naman tumakbo sa baywalk ng nakahubad ang talunan e.. buti nalang tumataba na ako uli… at buti nalang… mabango kilikili ko

Reply to this comment
Comment by mine
2008-07-04 17:28:58

nako! bagay na bagay pala ang johnny bravo kung nagkataon! Lols :lol:

peaca na nga! :D

Reply to this comment
 
 
Comment by laekeisha
2008-07-04 09:48:05

masyado akong nanliit at pakiramdam ko obligado akong mahimatay nung mga sandaling ‘yun para ipasan n’ya ko sa mga bisig n’ya at kung saan man n’ya ko dalhin…. alam kong safe na safe ako.

Hahaha! bading na bading! :lol: :lol: :lol:

Reply to this comment
 
Comment by calneil
2008-07-04 10:10:36

boyish.

Reply to this comment
 
Comment by v
2008-07-04 10:16:36

ayaw ko sa lalakeng malalaki masyado ang maskels. para lang naman sakin, eh nakakadiri talagang tignan. baka hindi yun mahal ng tatay nya kaya nagpapakalalake masyado. o di kaya, bading yun na tambay sa kanilang baranggay gym. para makatsansing. ewan ko kung bakit ganon ang ibig sabihin sa kanila ng fit at healthy –ON STEROIDS.

naiisip ko si taguro at si johnny bravo.
buti kung sing laki ng mga biceps nila ang titi nila.

kadiri. yung mga maskels na ganon?
parang jebs lang ng constipated na colon.
shiny shimmering pa. kadire. :roll:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-07-05 07:12:52

ayoko sanang mag reply sa kahit na aling comment dito, pero TITI ba talaga ang sinabi mo?

Reply to this comment
Comment by v
2008-07-06 18:33:51

uhmm… yes. titi nga iyon, hindi typo. wehehe. lakas ko naman sayo. napareply ka tuloy. :lol:

(Comments wont nest below this level)
Reply here
 
 
 
Comment by ellieshe
2008-07-04 11:35:41

Di rin sila masarap yakapin..parang bato yung niyayakap mo pag ganun o kaya nman bato yung yumayakap sayo..yay!

Reply to this comment
 
Comment by antuken
2008-07-04 12:14:32

hala. baka yan ang dati kong officemate. matipuno talaga. pag naka-crisp white long sleeved polo, shiyet, bakat talaga ang mga maskels nya. tapos sinabi ko: mikey you look so gwapo in that outfit. ang sagot saken?

mikey: gaga. mas matutuwa ako kung beautiful & sexy!

malay ko bang bading sya? pero talangang buffed! hehe.

Reply to this comment
 
Comment by napundingalitaptap*
2008-07-04 14:40:36

ahahahaha. . .

hindi na si lorna toletino this time.

hehehe.
mukha ngang safe na safe ka, teka, sure ka? :wow: scarry. hehehe

Reply to this comment
 
Comment by katcarneo
2008-07-04 15:02:39

buti na lang walang ganyan sa opisina namin dahil puro kami babae maliban kay manong guard….at marami ring babaeng kakilala ko ang ayaw ng ganung mga lalaki dahil para silang halimaw

Reply to this comment
 
Comment by katcarneo
2008-07-04 15:05:41

ay nalala ko, may naging classmate pala akong ganyan pero tulad ni johnny bravo sobra syang tanga, sa muscle na napunta lahat ng sustansiya hindi na nakarating sa utak

Reply to this comment
 
Comment by feth102
2008-07-04 17:03:36

hindi kaya si ludwig yung nakasabay mo na yun?wala bang patilya?hahaha!!!!

Reply to this comment
 
Comment by ayyzzz
2008-07-04 20:57:17

ayoko ng ganong katabi.
parang enetaym pede niya akong durugin.
nakakatakot..
:sad:

Reply to this comment
 
Comment by dramachinedoypi'03
2008-07-04 21:11:48

mr. muscle..

Reply to this comment
 
Comment by arj
2008-07-04 23:26:41

jon cabron at johny bravo..
it has a nice ring to it, huh?

pwede! joke lang, sori na ^_^

Reply to this comment
 
Comment by Dyosah
2008-07-05 14:27:03

Hmm..parang palakang may lason na kinakatay namin nuon ung bukol bukol ang likod. Yaikss naman

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

hindi na ako ang kulisap na sasadyain pang lumapit sa apoy ng gasera hanggang sa masunugan ng pakpak para lang patunayan ko sa sarili ko kung gaano iyon kainit. — Jon Cabron

Kategorya

Balik Tanaw

Kablog

  • azrael
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • gasti
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • madbong
  • potsquared

Twitrrr

  • new blog entry naranasan mo na bang mabutasan? http://tinyurl.com/4x27db 16 hrs ago
  • just one of those days http://tinyurl.com/3u48ny 1 day ago
  • new blog entry ding! dong! http://tinyurl.com/3mbwsp 4 days ago
  • new blog entry litol dreamer http://tinyurl.com/4go382 4 days ago
  • new blog entry hmmmback! http://tinyurl.com/3j9xec 6 days ago
  • More updates...

Kaanib

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Group!

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Pangkabuhayan

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox