teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

lamay

July 16, 2008 | 7:33 am

nagpunta ako nung monday sa huling lamay ng kapatid ng lolo ko, umarkila sila ng pagbuburulan, ako lang mag isa ang nagpunta at sumunod na lang ang nanay ko at kapatid ko. ayoko naman sana talagang pumunta, kaya lang nakakahiya daw kse dalawang burol na ng kamag anak ang hindi ko napupuntahan. at bago pa isa isahin ng nanay ko kung papanong mas mabuting tao pa ‘ko sa mga nakakainuman ko at sa ibang tao kesa sa mga kamag anak ko, napilitan na rin akong pumunta.andaming tao kaya as usual, diretso na naman ako sa pinakalikod at nagtago sa mga grupo ng nagtotongits. nakita ako ng mga tiyuhin kong nagiinuman at kinawayan pero ngumiti lang ako at tumango, ayoko na talagang uminom.  pinagmamasdan ko ang mga tao mula sa lugar ko at naisip ko na mas magaganda ang mga kamag anak kong mga may idad na kesa sa mga kabataan. ampapangit siguro kse ng mga napangasawa nila kaya ampapangit ng mga batch ng kabataan. kinailangan kong magyosi pero nahihiya akong lumabas, natatakot akong may makakita sa akin at obligahin na naman ako sa tipikal na “uy jon, sinong kasama mo?” “nakita mo na ba si lola mo?” “nagmano ka na ba kay lolo ano mo?” “halika, halika ipapakilala kita sa tito ng lolo mo sa pinsan ng nanay mo” demet!
masusi kong pinlano ang gagawin kong pag eskapo para magyosi sa labas, tatlong steps lang ang gagawin ko at malinis na makakababa ako ng walang nakakapuna sa akin. una, lalayo ako sa nagtotong its sa pamamagitan ng pagtago sa likod ng namimigay ng kape at lugaw, at dahil hindi pwedeng dumiretso ng labas ng hindi ako mapapansin, kakalas ako sa likod ng serbidora at didiretso ako sa kabaong, sisilip kunyari… at pag napansin ko ng wala na sa akin ang atensyon, ihahakbang ko ng maliit ang kaliwa kong paa sabay ng isang malaking hakbang ng kanan.. diretso sa hagdan pababa.. prison break!
nagawa ko ng maayos ang mga unang hakbang, matagumpay akong nakapagcover sa likod ng namimigay ng lugaw at kape, mabilis din akong naka hiwalay at dumiretso sa kabaong ng lolo ko, may mata ako sa likod habang nakatingin sa kabaong, nakita ko sa gilid ng mata ko na biglang kumislap ang mata ng isang tiyahin ko at itinuro ako sa umpukan ng matatanda… isang espiya! ipinikit ko kunyari ang mga mata ko para hindi ko sila kunyari napapansin.
ng biglang naramdaman kong sumisikip sa paligid ko kasabay ng isang tunog ng mga nagkakantahang mga babae at lalaki na nakaputi. naguluhan ako at kinusot kusot ko pa ang mga mata ko na galing sa pagkakapikit mula sa isang pekeng pagdadasal, miyembro pala ng isang relihiyong sikat sa tv ang lolo ko at kinakantahan sya ngayon ng may pitong lalaki at anim na babae sa tabi ng kabaong n’ya habang nasa likod nila ako. hindi pwedeng hindi ako mapansin dahil naka orange akong tshirt at ang mga nagsisikanta ay mga naka puti. nagmukha akong tanga. at naging sentro ako ng atensyon. at naging sentro ng atensyon ang pagmumukha kong tanga.
wala akong nagawa kundi umupo muna sa pinakamalapit na bakanteng upuan, at iyon ay sa grupo ng mga matatandang nanggaling pa sa probinsya. wala akong nagawa kundi lunukin ang ritwal at tradisyon.
ang haba at ang dami ng kinanta nila. at kung nakakamatay ang matinding pagkainip, mamumutla lahat ng kamag anak ko dahil magdidire diretso ang puyat nila sa paglalamay sa bangkay ko.
niyaya ko ng inuman ang dalawang pinsan ko para lang makalayo sa matatanda at sa mata ng mga tao dun sa taas, sabi ko sagot ko pero dun kami sa baba para hindi makasama yung mga beterano. matapos nilang kumpirmahin na ako ang magbabayad ng iinumin namin, sumige din sila. at bago kami makababa sa hagdan, ang dalawang niyaya ko ay naging pito. walo kaming magiinom at sagot ko ang lahat. nyay!
hindi pa kami nakakarami ng bumaba ang mga beterans at nadiskubre nila ang kuta namin sa baba at lihim kong naisumpa ng isang nakamamatay na sakit ang isang pinsan ko ng sumigaw s’ya ng walang malisyang
“tito! andito kami!”   wala akong nagawa kundi ngumiti at malamig na mag alok ng inuman.
hanggang sa andami na naming nagiinom at dumating sa puntong nakalimutan ko na ‘yung patay sa taas at pakiramdam ko bertdey ko …medyo sosyal ang venue dahil sa lim de mesa ginanap.
halos patapos na rin ang inuman at unti unti ng nasisimot ang pera sa pitaka ko at unti unti ko na rin narerealize ang mga posibilidad na maaanghang na salitang ihahain sa akin ni mrs. cabron dahil baon ko ‘yung pera na ‘yun para sa isang linggo.
may lasing na tiga lugar na ‘yun at hindi namin kamag anak at hindi sa amin nanggaling ang nagpasikat, tumawid at ikinalat ang mga basura sa kalsada. otomatik na hinanap ng pinsan kong mga babae ako at yung dalawa ko pang pinsan dahil delikado raw kami at maiinitin ang ulo. sinabi ko na hindi ako nakikipag away at hindi ko papatulan ‘yun sa mga panahon na ‘to. bumaba ang nanay ko at nagpaalam na uuwi na, at habang nagaabang s’ya ng jeep, nagkagulo sa may dulo. binubugbog ng mga tito ko at nung dalawa kong pinsan na kasama ko ‘yung lalaking nagkalat ng basura. hinawakan agad ako ni ginang cabron at inawat na lumapit at sumugod sa gulo. sinabi ko sa kanya na hindi ako makikialam.
dumating ‘yung tatay nung lalaki at nakialam, kaya pati s’ya bugbog sarado sa mga tiyuhin ko.
hanggang sa dumating na ang mga pulis at baranggay. pikit ang mata nung lalaki at basag ang labi, duguan.
may namumuong dugo sa mata ng tatay n’ya. sa baranggay muna kami nagharap harap.


… mamaya naman.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss
Trackback
Trackback

« hulahoops (ang kasagutan) lamay 2 aka kakampi nyo ang batas! »

RSS feed | Trackback URI

19 Comments »

Comment by potsquared
2008-07-16 08:08:52

sir jon, sana nga po di kayo mabuking ni mrs. cabron na nagastos po ninyo ang baon ninyo sir, goodluck po.

Reply to this comment
 
Comment by MARU
2008-07-16 08:16:58

“dahil naka orange akong tshirt” —- may letrang “P” ba sa shirt mo na yun? kung uu, walang sinabi sa porma ang bida ng Prison Break sa u. :lol:

Reply to this comment
 
Comment by neptune
2008-07-16 09:27:47

jon, hindi ba nabanggit ng nanay mo na wag magsusuot ng happy colors pag daddalaw sa patay? kasama orange dun… :grinnod:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-07-16 22:30:38

kung happy color ang orange para mo na ring sinabing masayang makulong sa bilibid

Reply to this comment
Comment by neptune
2008-07-17 07:58:25

mukha naman silang masaya dun eh…

(Comments wont nest below this level)
Comment by Jon Cabron
2008-07-17 20:26:40

mga bakla lang ang nasisiyahan sa lugar na yun, gusto mong malaman kung bakit? pwes, wag ka na!

 
Reply here
 
 
 
Comment by potsquared
2008-07-16 09:30:03

sir jon, sana po di malaman ni mrs .cabron na nagastos ninyo ang baon ninyo for one week.. goodluck po…

Reply to this comment
 
Comment by jane
2008-07-16 09:45:33

hahaha! Panalo ka talaga magkwento! Isa rin sa kinaiinisan ko minsan ung biglang pagkikita ng mga kamag-anak tapos ipapakilala ka kung kni-kninong lolo, lola, pinsan, tiya at tiyo… na kapatid ni ganito o anak ni ganyan na pinsan ni ganito! hala na! hehe

Reply to this comment
 
Comment by kat
2008-07-16 11:56:41

sabi ko na may ganito na namang nangyari nung sinabi mong nasa cidg ka….at wag na ulit magsusuot ng orange sa lamay.

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-07-16 22:31:45

gusto kong isipin na nag alala ka sakin.. pero sino nga ba naman ako.

Reply to this comment
 
 
Comment by Leyn
2008-07-16 13:09:37

“at kung nakakamatay ang matinding pagkainip, mamumutla lahat ng kamag anak ko dahil magdidire diretso ang puyat nila sa paglalamay sa bangkay ko.”

hahaha. natawa ako sa linyang to.

(at sa wakas, nakapag comment din)

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-07-16 22:34:00

sa wakas, may magandang babae din na nagbasa ng blog ko.

Reply to this comment
 
 
Comment by gasti
2008-07-16 15:22:05

“hanggang sa andami na naming nagiinom at dumating sa puntong nakalimutan ko na ‘yung patay sa taas at pakiramdam ko bertdey ko …”

haha! langya nalagasan ka tuloy ng pera ng wala sa plano. hindi ka pa nakaiwas sa bisyo mo..tsk tsk..next time na lang ulit.

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-07-16 22:35:27

nyay! at ngayon ko lang naisip na hindi na nga pala ako magiinom :(

Reply to this comment
 
 
Comment by mnel
2008-07-16 22:33:56

hala. kakaibang lamay to ah. may adventure (ang pagtangkang pagpuslit), horror (yung patay?), may action (bugbugan) at may drama (yung pagtulong nung tatay sa anak niya. how heartwarming hehe).

in fairness. talo niya yung mga palabas sa tv sa channel seven na nagpapanggap na entertainment daw. mas naentertain pa ko dito eh. hehe.

tsaka, mr cabron, pwede ka pa naman uminom. hehe. 30g lang of alcohol per day. safe na safe. :mrgreen:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-07-16 22:39:44

pero…. pang mumog ko lang sa umaga ‘yang 30g ng alcohol :(
at gusto ko lang sabihin na mabilis mainlab ang isang babae pag naeentertain s’ya sa isang lalaki. ok, wala akong katibayan sa sinabi ko na ‘yan pero basta gusto ko lang sabihin.
also, wow! sa wakas may magandang babae din na nagbasa ng blog ko.

Reply to this comment
 
 
Comment by an-d.
2008-07-17 03:28:05

“wow! sa wakas may magandang babae din na nagbasa ng blog ko.”

….marami…sadyang mataas lang tlga siguro ang standard mo.

Reply to this comment
 
Comment by gino
2008-07-17 09:51:56

action-packed!

hehe exciting talaga buhay mo boi…. :grin:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-07-17 15:55:41

bwahah! welcome sa munti kong blog, mr gino da pogi! :wink:

Reply to this comment
 
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

madalas naiisip kong mahihirap na tao lang ang visitors ng blog ko, wala silang mga computer sa bahay kaya mahina ang hits ko pag weekends. — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kablog

  • alas
  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jeck
  • johnlloyumali
  • jovi
  • kengkay
  • kingkarot
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • lyzius
  • maruism
  • merylanndulce
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • saminella
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • jiyuh
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox