teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

reinverse

August 20, 2008 | 2:02 am

at matapos kong ilabas ang opinyon ko na kabaduyan ang pelikula ni john lloyd at sarah, matapos naming magtalo ng bahagya para sa isang makabuluhang paksa:

Arlene: sus walang masama sa pag-ibig…
Jon Cabron: meron.. ang pagibig mismo ay isang kasamaan
Arlene: libog ang tinutukoy mo.
Jon Cabron: ang pagibig ay libog na nagkaron ng konting malasakit

at matapos n’yang klaruhin na hindi s’ya nakadama ng pagmamahal sa akin kahit minsan,

Jon Cabron
:
kung narereinverse ang mga load na sinayang ko para diligan ang pagmamahal na akala kong umuusbong dyan sa puso mo para sakin, gagawin ko
Arlene: reimburse
Jon Cabron: ahhhm.. pwede bang kalimutan na natin yun? at tutal magkaibigan naman tayo.. pwede bang kung mangongorek tayo e hinay hinay naman?

taena’ naiinis ako sa sarili ko na sa idad kong ‘to dalawangpu’t walong taon ko ng ginagamit ang salitang reinverse. naiisip ko tuloy na lahat ng nakatrabaho kong ginamitan ko ng salitang ‘yan at lahat ng mga kaibigan ko na nagtanong sa akin tungkol sa mga incentives at  sinagot ko ng puno ng kumpiyansang “reinverse” ay puro mga plastik na tao!
eto na siguro ang isa sa mga maliliit na bunga ng hindi namin pagkakasundo ng subject na math. pero naisip ko lang, hindi naman gamitin talaga ‘tong salitang ‘to at baka maaari pa ngang may mga readers akong sa pagkakabasa lang ng entry ko na ‘to naencounter ang salitang ‘yan… wala? p’wes ‘wag na lang kayong maingay.
seryoso, sino dito ang gumagamit sa pang araw araw ng salitang reimburse? wala di ba? p’wera na lang kung alipin ka ng numero’ isa kang accountant o auditor ng isang kumpanya na kumakasing kahulugan ng salitang malungkot ang buhay mo at dala dala mo hanggang sa bahay ang trabaho mo.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss

« kerido macgyver »

RSS feed

40 Comments »

Comment by Anonymous
2008-08-20 06:05:42

ahente po mr. cabron, kc ung mga expenses nila eh narereinverse!

( ok sori po, tao din lang ako at …. nadadarang! lolz :lol: )

** akshuli, nag iisip din aq kung anong salitang palpak ang ginagamit ko, alam ko madami din :D )

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 19:57:58

kasing gulo ng buhay ko nung nagra rugby pa ko at inampon ako ng bakla ‘yang sinabi mong ‘yan :no:

Reply to this comment
 
 
Comment by MINE
2008-08-20 06:06:54

pampams, anon. na nmn aq amf. :no:

Reply to this comment
 
Comment by Pryss
2008-08-20 06:34:55

ok lang yan,magkatunog naman eh…at kung utal ka magsalita,justified na yon…

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 19:59:01

utal akong magsalita dahil na mild stroke ako dati :sad:

Reply to this comment
 
 
Comment by neptune
2008-08-20 08:46:52

wahahahaha! ang cute… reinverse.

regaluhan kita ng thesaurus sa xmas :lol:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 20:00:54

ahhhhm, walang salitang xmas, for your info lang’

Reply to this comment
 
 
Comment by Liz
2008-08-20 08:58:44

nyahahaha…..reinverse :lol: ..sa title pa lang nalito na ako..sa mga nakausap mo na ginamitan ng salitang ito, maaaring inisip na lng nila na baka may “B and V syndrome” ka kaya ganun ang pagkakasabi mo :nod:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 20:38:48

o maaaring mga plastik talaga sila, wala akong kaibigang totoo at minsan naiisip kong ang unan ko lang ang kaibigan ko talaga sa mundong ‘to

Reply to this comment
Comment by Liz
2008-08-21 08:36:05

so nagddrama ka na ba nyan mrcabron??? :) handa akong maging unan para maramdaman mong kaibigan mo talaga ako :nod:

(Comments wont nest below this level)
Reply here
 
 
 
Comment by Lenggai
2008-08-20 13:06:21

Aileen, jon, AILEEN. naknangtokwa. kala ko ba sikret lang ‘to?

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 20:40:04

ahhhm papalabasin ko sanang hindi naman totoong tao yang si arlene, at nagpapatawa lang naman talaga ako, pero dahil lumitaw ka na … :sad:

Reply to this comment
 
 
Comment by kat
2008-08-20 14:01:45

kaya hindi nagreact yung mga pinagsabihan mo nyan ay dahil akala rin nila tama yun… :grinnod:

madami talagang nagkakamali diyan sa ‘reimburse’ na yan, pati na rin sa ‘celebrant’:|

at narealize kong boring ang buhay ko dahil alam ko yang mga yan :no:

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 20:42:26

natatangahan naman ako sa mga taong nalilito pa sa celebrant, sus napaka common na salita kaya nun!! celebrant, sus! first year high school pa lang ako alam ko na ‘yan!

Reply to this comment
 
 
Comment by mylene
2008-08-20 16:38:35

malamang sa malamang kaya sila ndi nagreact ay sa kadahilanang…
napaisip mo sila kung sila ang nagkakamali :nod:

kasi daw punung puno ng kumpiyansa ang pagsasalita mo nun kaya takot silang ikorek ka dahil baka sila ang mapahiya hehehehe

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 20:47:24

bwahahahahh nahihiya ako sa sarili ko dahil sa sinabi mo :no:

Reply to this comment
 
 
Comment by MARU
2008-08-20 17:16:50

magkatunog sila, reinverse -reimburse kaya hindi ka nakorek. pero kung pinasulat o pina-type siguro sau…baka hindi umabot sa 28 years ang pagkakamali mo. baka mga 27 years lang.

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 20:48:16

at bulol talaga ako baka kaya iniintindi na lang nila!!! … pero wala pa rin silang mga kwenta

Reply to this comment
 
 
Comment by potsquared
2008-08-20 18:51:17

at least para kang sosyal sir jon… reinverse… sosy!

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 20:49:21

seryoso, ang sosi nga pakinggan.. “oh san ka pupunta? dyan lang magpapa reinverse sa emba, tsong pare bro!”

Reply to this comment
 
 
Comment by Jovi
2008-08-20 20:43:51

Actually Jon, dahil sa paggamit mo ng salitang reinverse ay napatunayan mo na malalim ang kaalaman mo sa Math. Sa Math kasi, ang inverse ay variables na magka opposite. So pag reinverse, pinagpareho mo lang yung variables na opposite.

Ah ewan! Ang hirap mong ipagtanggol! :|

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-20 20:50:00

nerd

Reply to this comment
Comment by Pryss
2008-08-20 21:23:23

pinagtanggol na nga at lahat eh….tsk tsk…kaya ka nabubulol eh…

(Comments wont nest below this level)
Comment by Jon Cabron
2008-08-21 00:16:25

shadap!

 
Reply here
 
 
Comment by AZRAEL
2008-08-21 15:30:09

yan din ang gusto ko sanang ma-klaro eh.. ano ang koneksyon ng reinverse sa math. science kaya yan. astronomy to be exact!!!

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-21 17:33:05

ikinalulungkot kong hindi ko na maipagpapatuloy ang pakikipag kaibigan ko sa inyo… nerds!

(Comments wont nest below this level)
Reply here
 
 
 
Comment by prinsesa000
2008-08-21 00:58:34

okey lang un… lahat naman ng tao nagkakamali

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-21 01:04:30

hindi pagkakamali ang tawag d’yan.. ang tawag d’yan ahhhhm aksidente, aksidenteng mali ang pinaniniwalaan kong tama

Reply to this comment
 
 
Comment by Nadine
2008-08-21 03:03:54

:P AHAHA!! =)) Pero K lang yun, JC!! Love ka parin namin! =))

Reply to this comment
Comment by Pryss
2008-08-21 11:41:50

yeah,di ka naman bulol mag-type kaya naiintindihan ka pa rin namin…

Reply to this comment
 
 
Comment by AZRAEL
2008-08-21 15:35:53

bigla akong nalungkot.. ang ibig sabihin ba nito kapag nagkita at nag-inuman tayo nile jovi at lenngai sa pasko, tutungga ka lang ng alak at hindi ka magsasalita???

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-21 17:31:17

hindi talaga ko nakikipag usap pag umiinom ako ng alak, nasasayangan ako sa oras.

Reply to this comment
Comment by AZRAEL
2008-08-21 17:41:40

kahit na pagtangkaan nila tayong tsansingan at kilitiin at himasin sa maseselang parte, mananahimik ka lang at ako lang ang sisigaw ganun?

(Comments wont nest below this level)
Comment by Lenggai
2008-08-22 03:06:15

naku az, siguraduhin muna nating makakarating ‘yang si jon… :roll:

 
Comment by Jon Cabron
2008-08-22 18:51:04

pag hindi busy, at bakit hindi?

 
Reply here
 
 
 
Comment by Anonymous
2008-08-21 21:15:52

Kung sa akin mo babanggitin ang salitang “reinverse”, hindi ko mahahalata, kasi mahina pandinig ko dahil sounds like nmn ang reinverse at reimburse, sa letrang ‘n’ at ‘m’ lang nagkatalo!!! :nod:

Reply to this comment
 
Comment by trina
2008-08-22 10:58:14

panindigan mo nalang ang LOLspeak mo.

bu-LOLspeak.

hihihi.

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-08-22 18:50:14

bastos!

Reply to this comment
Comment by trina
2008-08-22 20:20:48

mmmkei thxbai. :lol:

(Comments wont nest below this level)
Reply here
 
 
 
Comment by antuken
2008-08-24 08:44:12

kaya ka nahuli eh dahil nakasulat nga. i’m sure nung sinabi mo (lalo na kung medjo mabilis), hindi halatado talaga kaya di ka kinorek ng mga kaibigan mo.

pero grabe, 28 years mo na syang ginagamit? ibig sabihin, isang taon ka pa lang eh ginagamit mo na ang salitang ito? ako nga nagamit ko lang ito nung nagtrabaho na ako eh. baka ikaw ang nerd? hehe.

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

magbasa ka ng libro para makiuso hindi para matuto - kung papano maging blogger — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kablog

  • alas
  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jeck
  • johnlloyumali
  • jovi
  • kengkay
  • kingkarot
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • lyzius
  • maruism
  • merylanndulce
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • saminella
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • jiyuh
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox