teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

ding! dong!

October 7, 2008 | 4:16 am

ito ay isang malaking rebelasyon, na pag si dingdong dantes ay naputulan ng paa, hindi n’ya iindahin makakatakbo at makakatakbo pa rin s’ya.. sa pamamagitan ng betlog n’ya. seryoso, ano ang iniisip ni dingdong dantes at ng mga tao sa paligid n’ya para pumorma s’ya ng ganito? ansagwa! marami na naman  akong nakitang mga model din ng mga underwears pero ibang klase ‘yung dating nito, meron akong nadadaanan na ganito dati pag uuwi ako galing sa trabaho ng umaga at maniwala ka sa ‘kin nakakasama ng sikmura pag sa araw araw na ginawa ng diyos, habang puyat ka galing sa trabaho, wala kang kain at antok na antok ka at sa araw araw na dadaan ka sa lugar na ‘yun parang nag aalmusal ang mga mata mo ng betlog ni dingdong dantes. siyet! tignan ko kundi ka maumay.
kung ang intensyon n’ya e para ipaalam sa sambayanan kung saan nakuha ang pangalan n’yang ding dong sa pagpopose n’ya ng ganyan sa mga posters at billboards. pwes, nagtagumpay s’ya. at kung ako ang tatanungin, at kung ang pagbabasehan ay ang bagay na ‘yun.. sabi nga, hindi ding dong ang dapat ipinangalan sa kanya, KALEMBANG.  naisip ko lang, wala kaya s’yang kamag anak o kahit kaibigan man lang na kahit pabiro sinasabihan s’ya na “pare baka naman p’wedeng tigilan mo na ‘yung kakapa bakat ng isang kilong betlog mo sa kalsada, maawa ka naman sa mga motorista”
sino kayang magaling ang nag apruba ng poster na ‘to para ma iposte sa kalye at ng maipangalandakan nito ni dingdong ang deformed siamese twin n’ya, hindi kaya naisip nitong mga ‘to na hindi naman mga kababaihan lang o mga kabaklaan ang dumadaan sa kalsadang ‘yun? siyet!
kung ginawa na lang sanang rebulto ‘to imbis na billboard, malaking tulog pa sana.. para pag sobrang mainit o kaya umuulan pwedeng sumilong ang mga tao sa betlog n’ya.

seryoso, mr. dingdong gusto kita nung bata ka pa at lagi kitang pinapanood sa TGIS, may bakal ka pa nga sa mga ngipin mo n’un, pero demet hindi ko alam na ganyan pala kalaki ‘yang betlog mo, at hindi rin maabot ng isip ko kung bakit ganyan ka kaproud sa mga ‘yan na tuwing dumadaan ako sa kalsadang ‘yun kinakabahan ako na baka isang araw bigla na lang magkaron ng sariling buhay ‘yang betlog mo, tumalon sa kalsada at mang harang ng mga sasakyan at maghasik ng lagim. nakakapangilabot na senaryo.

Categories
Rants
Comments rss
Comments rss

« litol dreamer naranasan mo na bang mabutasan? »

RSS feed

19 Comments »

Comment by Jovi
2008-10-07 09:31:26

Yuck! May hard-on pa ata! But what do I know? Inosente ako sa mga ganyan… :wink:

Reply to this comment
 
Comment by katrina vera
2008-10-07 09:39:48

may naalala akong kanta. ewan ko kung pamilyar sayo pero parang kahanay nya yung mga background music sa mga ads ng mga breast enhancer sa home tv shopping.

“OOOOH YOU TOUCH MY TRA LA LA! MY DING DING DONG!”

ewan ko kung sino ding sira ulo ang nagcompose nyang putanginang jumping jologs slash pang-gym slash pang-disco slash pang-gay bar na song na yan.

ang pangit ni inyaki. gimik talaga pinapanood ko non. hahaha. hindi ko alam talaga kung bakit gwapong gwapo din sya sa sarili nya.

Reply to this comment
 
Comment by lyzius
2008-10-07 11:27:43

ay putanginang poster yan…

di ba dati meron din yan na parang nagpupush up ang posing na halos mabuntis na nya ang sahig at mga puno sa ilalim ng poster nya? yung nakalagay sa me clover leaf interchange months and months ago…

baka naman lahat ng nakapaligid sa kanya slash adviser slash kapamilya slash kapuso eh pawang mga badingky wingky…

Reply to this comment
 
Comment by prinsesa000
2008-10-07 12:17:14

parang may nababasa akong inggit in between the lines….

hahaha…. :lol:

Reply to this comment
 
Comment by ikay
2008-10-07 15:38:47

@prinsesa000….hehehehe kala ko ako lng nakapansin nun habang
binabasa ito….joke po mr. cabron:grin:

Reply to this comment
 
Comment by eiyelle
2008-10-07 17:16:14

tama! parang may halong inggit itong post na ito hahaha!
pinagkatitigan ko tuloy ung litrato..parang eksaherado nga yata ang laki nung mga dalahan ni dingdong..para siyang may luslos! hahahah..

pagkatapos ng “t_te..tungkol naman sa bet_ogs ang post ni sir john..hahaha! bakit kaya?! :)

Reply to this comment
 
Comment by Lilmiz
2008-10-07 18:23:29

Haha buti naman at nabring-up mo yan kuya.. Kadiri tlga eh, di ka-aya aya lolz.. Naalala ko may ganyan sa edsa dati, sobrang laki talaga..nung billboard..nakakadagdag badtrip lalo na at trafik. Pero tinanggal din naman, madami yata nagreklamo haha

Reply to this comment
 
Comment by Pryss
2008-10-07 20:19:33

betlog?…ewan ko lang ha…

ang napansin ko kasi….ang pangit ng nipple nya,parang deformed or what heheheh…

Reply to this comment
 
Comment by nicole
2008-10-08 01:32:03

hmmmm… patingin ng sayo jon, baka parehas kayo…

Reply to this comment
 
Comment by mayui
2008-10-08 07:46:39

eeew!! at billboard pa talaga ah? di ba nila naisip na may mga inosenteng menor de edad na maaring makakita non?

in fairness, hagalpak na naman ako sa post mo. :nod:

Reply to this comment
 
Comment by feth
2008-10-08 12:55:17

aysus!pati yun pinakialaman? eh bakit naman yung mga billlboard ng mga babae na nakalabas ang mga kuyukut kinatutuwa-an pa ng iba?naalala ko pa nga minsan nag entry ka ng tungkol sa isang magandang babae na billboard din.syempre hindi lang mga lalaki ang dapat may pagnaasaan,meron din dapat para sa mga babae. :nod:

Reply to this comment
 
Comment by popoy
2008-10-09 15:33:12

may filiriasis yata sya eh. yung sakit na nakukuha sa isang species ng lamok na kapag kinagat ka nito eh nagiiwan ng bulate na titira sa katawan mo at swerte mo kung paa lang lalaki sau. malas ni dingdong baka betlog nya ang naapektuhan hahaha.

Reply to this comment
 
Comment by glesy the great
2008-10-09 17:05:47

ahha… wag ka masyadong magalit kasi halatang may halong poot!!! ahahaha… yaan mo siya proud siya eh… if i know mamaya puro tissue paper lang laman nyan…cheers!!!;p

Reply to this comment
 
Comment by kat
2008-10-10 12:18:42

bumalik na naman ba yang mga billboards na yan?meron kasi niyan dati sa edsa-guadalupe na lagi kong nadadaanan, na ipinaalis daw ng ilang mga grupong konserbatibo.paano, siya lang ang underwear model na naka-bukangkang.

malayong-malayo ito kay Inyaki…

Reply to this comment
 
Comment by edith
2008-10-11 14:32:39

parang malungkot mukha niya dun sa isang pose niya na nakatingkayad. Pag conservative talaga noh..? tapos bumigay…ala eh, sobrang bigay!

Reply to this comment
 
Comment by baboyita
2008-10-16 17:26:24

> hindi kaya naisip nitong mga ‘to na hindi naman mga kababaihan lang o mga kabaklaan ang dumadaan sa kalsadang ‘yun?

kahit sa mga kababaihang tulad ko hindi nakakatuwa ang billboard na yan. madalas naming mapag-usapan dati to sa opisina at sa pagkakatanda ko wala pa kong taong nakilala na natuwa sa billboard na to. masagwa talaga eh.

Reply to this comment
 
Comment by ^_^
2008-10-17 03:15:14

at shempre ang hindi ko naman normal na pinapansin eh napansin ko ng walang kalaban laban. wahahah nagmamalinis? hahahah!!

oongaaa, kung lalaki may pinagnanasaan, dapat babae din! agree agree!! :D :grinnod:

Reply to this comment
 
Comment by eNocH
2008-10-19 01:41:41

nakaka-laki ba talaga ng betlog pag nagsuot ka ng bench underwear? nagtatanong lang…

Reply to this comment
 
Comment by monchie
2008-11-05 17:21:40

malaki ba parang wala naman eh..ung parang nagpupush up lang xa ung malaki…tsaka muakng hindi namna talga malkai ung kanya…inedit na yan for sure…

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

masyadong malawak ang internet at magiging sobrang delikado sa mga tanga ang magpakalat kalat dito. — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kategorya

Kablog

  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jovi
  • kengkay
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • maruism
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • jeck
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Flickrrr

www.flickr.com
This is a Flickr badge showing public photos and videos from JonCabron. Make your own badge here.

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox