teh mighty JON CABRON show

gamit ang matalas na dila at utak na radikal, mapanganib, nakakasakit
  • rss
  • Home
  • ang salarin
  • pibertdei

sa timog

November 15, 2008 | 5:41 pm

makalipas ang dalawang taon mahigit, makalipas ang ilang pagkakaibigan sa net na nabuo at nasira, ng pagpapakita ng kahinaan at pagpapadama ng kalakasan, ng pagmamahal at pagkabigo, pagkasawi, at pagtatae ng wala sa oras at tamang lugar, nakatakda na akong makipag kita sa ibang tao, bilang si jon cabron. hindi lang bilang blogger kundi bilang tao. mataba at maputi.
magkikita kami ni lenggai mamaya sa timog, hindi ko alam kung saan ang timog at hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya, bahala na. inilabas ko na dati ang listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako masayang makita at makausap ng personal at ngayong gabi masusubok ang mga bagay na ‘yun. at dahil bago sa akin ang magaganap mamaya, nagbigay ako ng ilang puntos para kay lenggai.. at ng iba pang tao na makakakita sa akin sa mga dadating na panahon pa.
1. lagi mo lang tatandaan na ito ay isang friendly meet up, hindi ito date.
2. ayokong maging ungentleman pero kaklaruhin ko lang na walang malisya ‘to.
3. ‘wag sanang sasama ang loob mo kung sakaling tatanggi ako.
4. bawal ang hawak.
5. pero depende ‘yun sa napagusapan.
6. hindi ito fans day.. bawal akong interviewin.
7. bawal ang camera.
8. pwedeng magpapirma.
9. hindi ako nakikipag apir.
10. matutong idecode ang ibig sabihin ng paghihikab at pagtingin sa malayo.
11. at paglalaro ng snake sa celfone habang nagkukuwento ka.
12. ayoko ng naghihintay.
13. hindi ako nanlilibre ng malakihan.
14. hindi ako mahihiyang hingian ka ng ambag mo.

at para kay lenggai at sa iba pang baka sakaling dumating ang araw na makadaupang palad ko rin ng personal, gusto ko rin ibigay sa inyo ang ilang trivia, para hindi kayo mabigo sa inaasahan n’yo… at hindi n’yo ako iwasan pagkatapos ng araw na ‘yun.

1. hindi ako madaldal, kinakailangan ko munang makiramdam ng matagal bago ako maging normal.
2. mas guwapo ako sa gabi
3. napakaguwapo ko pag bagong paligo ako at may tatlong oras lang bago ako bumalik sa normal na…. basta gwapo lang.
4. sana umulan mamaya, mas gwapo akong tignan pag medyo umuulan ulan.
5. malamang sa hindi, naka hoodie ako… naaastigan ako sa sarili ko pag naka suot ako nun.
6. ayoko sa masyadong mataong lugar.
7. ayoko ng nagsisigawan tayo dahil sa tugtog
8. soft spoken ako.
9. pag may mga tambay tayong madadaanan, ‘wag mo kong papansinin pag nagpilay pilayan ako.. diskarte ko ‘yun para maawa sila at hindi ako pagtripan.
10. at sa maniwala ka man at sa hindi, mahiyain akong tao.

‘yan lang po at sana ay maging tagumpay ang maging pagkikita natin, oh at kung sakaling malapit ka lang sa timog at halos ilang dipa lang ang layo mo sa amin.. text mo lang ako o kung nagpapaimpress ka, tawagan mo ‘ko. yosi tayo.

+63928 5065 XXX

.. seryoso, itext n’yo ko lagi para maisip ni lenggai na marami akong kaibigan. ktnx.

Categories
Lakbaydiwa
Comments rss
Comments rss

« paglalakbay at pakikidigma ginang cabron »

RSS feed

19 Comments »

Comment by visyel
2008-11-15 17:49:55

:lol: adik!

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-11-15 17:53:44

ambilis naman magbasa nito! umpisa at huli lang yata ang binasa mo.. kumuha ka ng 1/4 shit of paper at may short quiz!

Reply to this comment
Comment by visyel
2008-11-15 19:14:52

kahit long quiz pa yan!

(Comments wont nest below this level)
Reply here
 
 
 
Comment by mumu
2008-11-15 17:57:42

:wow: number na yan na nakasulat sa likod ng upuan ng bus?

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-11-15 18:01:20

for good times text this number? nyay!
tama, sa plurk na nga lang.

Reply to this comment
 
 
Comment by jen
2008-11-15 18:34:58

sana umulan para mas may dating ang hoodie mo..
‘ngat!

Reply to this comment
Comment by Jon Cabron
2008-11-15 18:45:34

oo nga, salamat.

Reply to this comment
 
 
Comment by visyel
2008-11-15 19:14:17

anu ka!! binasa ko lahat ! o ayan naglabas na ko ng shit of paper!

Reply to this comment
 
Comment by mj
2008-11-15 19:22:35

sobra naman tong si jon…
but its ok atleast alam na namin kung panu makisama sau..
hahahha..
malay mu someday somehow magkita kita nga tyo…
See u soon…. :cool:

Reply to this comment
 
Comment by angel
2008-11-15 19:34:22

huwaww makikipag meet na sya!1 ang swerte naman ni Ms. Lenggai.. ahehe number mo nga talaga yung nasa plurk. :cool:

Reply to this comment
 
Comment by AZRAEL
2008-11-15 19:50:02

9. pag may mga tambay tayong madadaanan, ‘wag mo kong papansinin pag nagpilay pilayan ako.. diskarte ko ‘yun para maawa sila at hindi ako pagtripan.

:lol: :lol: :lol:

goodluck sa EB nyo ni Lenggai.. Sana kahit paano mapag-usapan nyo ang plano natin sa DEC.. Gusto ko rin kayong makaharap sa inuman.

Reply to this comment
 
Comment by Lhay
2008-11-15 20:46:56

wohoooooooooooo.. sana maka daupang palad din kita someday.. hindi maaring hindi kita makilala, gudlak na lang sa EB niyo ni Lenggai ..sya nawa..

Reply to this comment
 
Comment by Pedro
2008-11-16 05:47:46

sa lalake ba may balak ka ding makipagkita?

tayong dalawa lang.

sa hindi mataong lugar.

ano? game?

ayaw mo?

kei.tnx.bai!

Reply to this comment
 
Comment by Dyosah
2008-11-16 06:45:02

Cge tatandaan ko mga tips mo. Sana pag uwi ko makita din kta. Heheh

Reply to this comment
 
Comment by gingmaganda
2008-11-16 14:52:12

ano to? si lenggai na ang pinakaimportanteng blogmate mo ngayon?

Reply to this comment
 
Comment by lenggai
2008-11-16 19:31:17

mukhang kalahati ng mga nagpunta sa blog ko eh dumaan dun para lang malaman kung sino ang “mapalad” na makaka-EB for the first time ni MJC…

pero i’m amused, dinayo ako ng isang internet celebrity… bwahah!!!

akala ko nga stir lang nung tumawag ka, parang yung mga dati nating usapan, pero nung sinabi mong nasa kamuning station ka na, dun ko lang na-realize na seryoso ka nga, tsk, di man lang ako nakapaghanda, hehe!!!

ahm, sana lang nabasa ko ‘tong entry mo bago tayo nagkita, para naman naabisuhan ako na hindi mo trip ang mga lugar na me banda…

sana nagpunta tayo sa lugar na pribado, tahimik, tsaka tayong dalawa lang…

tipong sa templo o di kaya sa simbahan, ganun.

Reply to this comment
 
Comment by mnel
2008-11-16 21:46:32

sayang. weekend. wala na ko sa timog pag weekend. :P

Reply to this comment
 
Comment by juliana
2008-11-17 13:33:07

err jon ang daya mo. ang tagal kitang niyayayang lumabas nun ayaw mo:(( ayan tuloy 2 years pa bago ako makauwi ulit:( wala nmn tayong paguusapan sa gastos e.hekhek. ni hindi mo kelangan magambag….:D

Reply to this comment
 
Comment by Helena
2008-11-20 01:08:43

naks mabenta! So makikipila na rin ako habang maaga!

Di bale ng huli…magiipon pa rin naman ako para sa ambag. :lol: :lol:

Reply to this comment
 
Click here to cancel "reply".
Name
E-mail
URI
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
:blush: :cool: :grin: :grinnod: :lol: :love: :| :no: :P :sad: :) :wink: :wow: :nod: :roll:

Trackback responses to this post

Babala

explicit

Patuka sa utak

alam mo kung anong susunod na pinakamasamang gawin sa isang karelasyon bukod sa pangangaliwa? ‘yung iparamdam mo sa kanya ‘yung pagiging walang halaga n’ya sa mundo mo. ..napakasaklap nun. — Jon Cabron

Vox Populi

Balik Tanaw

Kablog

  • alas
  • azrael
  • badoodles
  • banannie
  • chillidobo
  • defpotec
  • doc mnel
  • gasti
  • iya
  • jeck
  • johnlloyumali
  • jovi
  • kengkay
  • kingkarot
  • kurdapya
  • lenggai
  • leyn
  • luscious
  • lyzius
  • maruism
  • merylanndulce
  • mine
  • miss choi
  • ms. ging
  • nadine
  • neptune
  • ningning
  • pedro
  • pinaybrod
  • saminella
  • titser kat
  • trina lavander
  • xienahgirl

Kagrup

  • aling baby
  • antuken
  • camilleeee
  • ellieshe
  • joanjoyce
  • lambing
  • lilmispasaway
  • misyel

Karug

  • cecille
  • damdamns
  • eiyelle
  • irvin ryan
  • jiyuh
  • klitorika
  • madbong
  • potsquared

Numero


website stats
rss Comments rss valid xhtml 1.1 design by jide powered by Wordpress get firefox